แชร์

Chapter 17- Target Locked

ผู้เขียน: Olivia Thrive
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-06-06 16:32:44

Hindi pa rin dalawin ng antok si Alexis matapos ang mainit na eksena na namagitan sa kanila ni Ralph. Ang mga bituin sa langit ng Tagaytay ay tila nagpipiyestang kumikislap, pero hindi iyon ang nagniningning sa gabi — kundi ang mga matang gising pa rin ni Alexis, habang nakatitig sa kisame, hawak-hawak ang kanyang sariling dibdib na parang sinusubukang pigilan ang pagbilis ng tibok ng puso.

Napapikit siya, humawak sa dibdib. Mabigat. Ramdam ang bigat ng damdaming pilit iniiwasan.

“Hindi naman ito ang usapan, diba?

Tatlong buwan. Walang personalan. Walang puso.

Pero Ralph… anong klaseng biro ang tadhana kung sa'yo ko muling nakita ang sarili ko?”

Bumangon siya, lumapit sa bukas na pintuan ng veranda. Tanaw ang mga ilaw ng Tagaytay sa malayo. Malamig ang hangin, pero mas malamig ang kawalang katiyakan.

“Alam kong nasaktan ka rin. Na may bahagi sa’yo na pilit isinasara ang pinto para sa bagong pagmamahal.

Pero Ralph… paano kung ako ang kumatok? Paano kung sa dami ng taong umalis, ako
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Virginita Sumalinog Acebo
haha kulit mo alexis
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 161 - End of Mystery

    Sa muling pagbabalik nila kina Andrea, sinalubong sila nito sa sala, bitbit ang isang lumang journal na pag-aari ni Mateo. Doon, nakasulat ang buong salaysay—hindi lang ng kanyang pagmamahal kay Lucia, kundi pati ang dahilan kung bakit nanatiling tahimik ang bahay ng mga Luna sa loob ng maraming taon.“Matapos siyang mawalay kay Lucia dahil sa kaguluhan ng panahon,” panimula ni Andrea habang hawak ang journal, “nanirahan si Mateo nang mag-isa sa bahay na ito. Dito niya isinulat ang lahat ng hinanakit at alaala niya. Dito niya piniling manatili habang buhay. Ngunit higit pa roon… may isang lihim siyang itinago.”Napatigil si Ralph. “Anong klaseng lihim?”“Si Mateo,” sagot ni Andrea, “ay may iniwang anak—na hindi niya kailanman nakilala.”Sumikip ang dibdib ni Alexis. “Paanong…?”“Ang ina ay si Lucia. Ngunit bago pa man niya maipahayag kay Mateo ang pagbubuntis, pinilit siyang ilikas ng kanyang pamilya. Pinaniwala siyang patay na si Mateo.”Lumambot ang mukha ni Ralph habang dahan-dahan

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 160 - New Discovery

    Habang abala ang ibang kaklase sa pagliligpit ng mga bag, nagkuwentuhan sina Ayesha, Marga, at Iya sa sulok ng classroom habang hinihintay ang sundo. “Uy Ayesha,” sabay lapit ni Marga, “dun ka na ba talaga nakatira sa malaking bahay sa kanto? Yung puti na may matataas na bintana?” Tumango si Ayesha. “Oo, dun na kami. Malaki tapos tahimik..” “Ang laki ng gate nun!” sabat ni Iya. “Sabi ni Kuya, luma na raw yun. Di raw tinirahan ng matagal.” “Ha? Bakit?” tanong ni Ayesha, nagulat. Nagkibit-balikat si Marga. “Di ko sure. Pero sabi ni Mama, dati raw may mga nakatira dun na mayaman. Yung apelyido, parang… Luna?” “Luna?” ulit ni Ayesha. “Narinig ko na yun… sa isang sulat na nakita nina Mommy sa attic.” “Attic? May ganun kayo? Ang saya!” sabay kaway ni Iya. “Pero… wala bang multo?” “Wala! Hindi scary!” mabilis na sagot ni Ayesha. “Tahimik lang. Tapos may mga kwaderno at sulat. Parang matagal nang walang tao.” “Eh bakit daw walang nakatira ng matagal?” tanong ni Marga. “Sabi ni Lolo,

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 159- Next to Kin

    Habang ipinapaayos pa rin nina Ralph at Alexis ang kanilang bagong tahanan, nadiskubre nila sa likod ng lumang aparador sa silong ang isang antigong kahon na may sulat-kamay na mga dokumento—mga titulo, lumang larawan, at isang diary. Sa pamagat pa lamang ng journal: “Para sa anak na di ko nakilala—Mateo.” Nabigla si Ralph. Hindi si Mateo ang sumulat. Isa itong lihim na isinulat ng ama ni Mateo, si Severino Luna.Habang binabasa nila ang laman ng diary, unti-unting lumilinaw ang masalimuot na kasaysayan ng pamilya Luna. Ipinapakita nitong may yaman at kapangyarihan ang angkan noon, ngunit nasira ito dahil sa digmaan, pagtataksil, at pag-aagawan sa mana. Si Mateo, ang anak na dapat ay tagapagmana ng lahat, ay itinakwil hindi dahil sa pag-ibig niya kay Lucia, kundi dahil sa hindi ito ang anak ng legal na asawa ni Severino.Ang bagong twist? Ipinapahiwatig ng diary na may ikalawang pamilya si Severino na pinagmulan ni Ralph.Sa isang pahina ng journal, may sketch ng isang antique necklac

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 158 - Shedding Light to Mystery

    Tahimik ang biyahe nila Alexis at Ralph pauwi matapos ang pakikipagkita sa matandang historian na tumulong sa kanilang tukuyin ang pinaghimlayan ni Mateo Luna. Sa likod ng sasakyan, nakalagay sa kahon ang kwintas—isang simpleng palawit na may inukit na letra: L.“Lucia,” bulong ni Alexis habang hawak ang kwintas. “Ang kasintahan ni Mateo.”Dumiretso sila sa isang liblib na bayan sa Laguna, sa tulong ng mga dokumento at tala ng simbahan. Ayon sa nakalap nilang impormasyon, si Lucia ay matagal nang namayapa, ngunit iniwan nito ang isang anak na babae, si Rosario. Si Rosario naman ay may anak—isang guro sa pampublikong paaralan na kasalukuyang nakatira sa parehong bayan.Dahil sa mabuting pakikitungo ng mga taga-roon, natunton agad nila ang bahay ng apo ni Lucia. Isang simpleng bahay-kubo sa gilid ng ilog, puno ng tanim at halatang alaga.Lumabas ang isang babae, mga trenta’y singko anyos, naka-tsinelas at may hawak na pamaypay.“Magandang hapon po. Kayo po ang naghahanap kay Gng. Rosari

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 157 - A Promise to the Departed

    Natahimik ang buong bahay nang tumambad sa kanila ang matandang lalaki. Matagal na nagkatitigan sina Ralph at Mateo Luna, tila parehong naghahanap ng sagot sa mata ng isa’t isa.Si Alexis, bagamat gulat at may bahagyang kaba, ay kusa ring lumapit.“Kayo po si Mateo Luna?” tanong niya, hindi pa rin makapaniwala.Tumango ang matanda. “Oo. At sa huling pagkakataon, nais kong humingi ng tawad sa tahanang ito. Maraming alaala ang naiwan dito—at mga lihim na dapat ko nang ilabas bago pa ako tuluyang mawala.”Ipinatuloy nila si Mateo sa loob. Doon sa mismong silid sa ilalim ng hagdan sila nagtungo—ang tagong lugar na naglalaman ng mga larawan at sulat nina Mateo at Lucia. Nang pumasok siya, para bang bumagal ang mundo sa paligid. Lumuha siya agad pagtingin sa larawan ni Lucia sa dingding.“Akala ko, kaya ko siyang kalimutan. Akala ko, matatakasan ko ang sakit. Pero saan man ako magpunta, siya pa rin ang tahanan ko,” mahinang bulong niya habang hawak ang lumang litrato.Tahimik na nakikinig s

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 156 - Old Owner

    Nang gabing iyon, hindi mapakali si Alexis. Habang nakahiga sa tabi ni Ralph, patuloy na naglalaro sa isip niya ang imahe ng matandang lalaking nakita niya kanina sa may bakod. Hindi niya ito binanggit agad kay Ralph—baka kasi guni-guni lang dulot ng pagod at dami ng nangyari kanina.Pero bago siya tuluyang makatulog, hindi na niya natiis.“Ralph,” mahina niyang sabi, sabay dikit sa dibdib nito, “kanina ba, may napansin kang matandang lalaki sa may likod ng bakod?”“Hmm?” bulong ni Ralph habang pupungas-pungas pa. “Hindi. Bakit?”“May nakatayo. Nakatingin sa atin. Nakangiti. Para siyang… hindi estranghero, pero hindi rin ako sigurado.”Agad na bumangon si Ralph. “Dapat sinabi mo agad, Lex.”“Baka kasi na-imagine ko lang,” saad niya. “Pero… Ralph, kabado ako. Baka may may-ari pa ng bahay na ‘to? O may nagbabalik?”Hindi na sila nakatulog agad. Kinabukasan, sinimulan nilang tanungin ang ilang kapitbahay. Lumaon, may isang matandang babae ang lumapit sa kanila habang nagdidilig ng halama

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status