Sa departure area, yakap-yakap ni Alexis ang anak nilang si Ayesha. Si Ralph naman, nakaakbay habang bitbit ang dalang carry-on bag.“Call me lagi, ha?” bilin ni Alexis, kinukurot ang pisngi ni baby. “Sabihin mo kay Daddy, magbawas ng cake. Fruits lang, okay?”“Promise,” natawa si Ralph. “Pero kung manggang hilaw yan, exempted.”Tumingin si Alexis sa asawa. “Thank you… for letting me go.”“Thank you… for promising to come back.”Isang halik sa labi. Isang masayang iyak. Isang pangakong kahit magkahiwalay ng ilang buwan, puso nila’y sabay pa ring titibok.Tatlong linggo pa lang mula nang lumipad si Alexis patungong Paris para sa kanyang training fashion masterclass, pero pakiramdam ni Ralph ay tatlong buwan na ang lumipas. Wala si Alexis tuwing gabi — walang mga kalabit sa kama, walang tawanan sa kusina, at walang halik tuwing umaga.Sa kabilang panig ng mundo, hindi rin madali ang pinagdadaanan ni Alexis. Habang kinikilala siya ng mga international mentors, habang tinutupad niya ang p
Matapos makapag-adjust sa pagiging ina, unti-unti nang bumabalik si Alexis sa mundo ng fashion. Maayos naman ang pagbabalance niya ng work and life bilang new mom.Maaliwalas ang umagang iyon sa bahay nina Alexis at Ralph. Tahimik si Alexis habang pinapakain ang baby nila, pero ang utak niya ay magulo. Sa loob ng messenger app ng kanyang tablet, isang email ang paulit-ulit niyang binabasa.“We’re impressed with your work. We’d like to offer you a one-year exclusive creative residency in Paris. Full accommodation and stipend included. Kindly confirm your availability.”Pinangarap niya ito noon pa. Ngunit ngayon, hindi na siya ang dating Alexis. Isa na siyang ina. May asawa na. At kahit pa walang pormal na proposal, alam niyang mahal siya ni Ralph. At mahal niya ito. Pero bakit parang may kumikirot sa dibdib niya sa tuwing naiisip na kailangan niyang talikuran ang pangarap na iyon?“Anong iniisip mo?” tanong ni Ralph habang papalapit, may dalang tasa ng kape.Agad niyang nilock ang scre
Maaga pa lang ay abala na si Alexis sa paghahanda ng breakfast. Simpleng oatmeal at sliced fruits, gaya ng napagkasunduan nilang healthy routine. Si Ralph naman, habang buhat ang anak nilang si Baby Ayesha, nakangiting sumulyap sa asawa. Tahimik at masaya ang umaga. Hanggang sa tumunog ang cellphone ni Ralph. “Unknown Number.” “Love, sagutin mo muna ’yan, baka emergency,” ani Alexis habang sinusubuan si Ayesha ng mashed banana. Ralph humugot ng hininga at sinagot ang tawag. “Hello?” “Ralph… anak, ako ‘to. Si Mama Lisa.” sabi ng tinig sa kabilang linya. Napabalikwas si Ralph. Si Mama Lisa—ina ni Julio. Ang taong matagal nang hindi niya nakausap. Ang taong halos itinuring na rin niyang ina. “Pasensya ka na kung ngayon lang ako tumawag. Alam kong matagal na tayong walang ugnayan… Pero, kailangan kita.” Kumunot ang noo ni Ralph. Pinagmasdan niya si Alexis, abala pa rin sa anak nila. Ayaw niyang marinig ng asawa ang tawag na ito, lalo pa’t si Julio ang pinag-uusapan. “A
Dahan-dahang humaharap si Alexis sa salamin habang suot ang lumang oversized shirt. Sa loob ng ilang buwan, ito ang naging sandalan niya — kasabay ng pagyakap niya sa bagong katauhan bilang ina. Pero ngayong unti-unting lumiwanag ang mga araw, parang may nararamdaman siyang tawag. Hindi para bumalik sa dati, kundi para yakapin ang panibagong sarili — mas matatag, mas buo.Dati rati kapag humaharap siya sa salamin ay nalulungkot siya. Hindi niya tanggap ang malaking pagbabago katulad ng pagdagdag ng timbang at mga stretch marks. Batid niya na normal ang lahat ng iyon at maibabalik pa ang lahat sa dati.Naputol ang pagmumuni ni Alexis nang umiyak si Baby Ayesha kaya kinuha niya ito mula sa crib.Habang pinapadede ang anak, lumapit si Ralph na may hawak na tablet. “Love, may nakita akong mommy wellness program. Puwedeng customized — nutrition, light workout, may weekly check-ins pa.”Tumingin si Alexis, ngumiti. “Parang ikaw ang mas excited?”“Hindi, seryoso ako. Gusto ko lang na kahit b
Maririnig ang mga munting hikbi ng sanggol na pinapasuso ni Alexis. Nakaupo siya sa gilid ng kama, pero ang katawan niya ay parang may hinahabol na lakas na matagal nang naubos. Hindi niya na maalala kung kailan siya huling nakatulog ng maayos. Lumapit si Ralph, may bitbit na tray ng pagkain — mainit na sabaw, tinapay, at tubig. “Love, kahit kaunti lang,” pakiusap ni Ralph habang inilalapag ang tray. “Kailangan mo rin ng lakas.” Hindi siya tiningnan ni Alexis. “Wala akong gana, Ralph… Mas gusto kong matulog. Pero kahit tulog ako, parang pagod pa rin ako.” Umupo si Ralph sa tabi niya at marahang hinagod ang likod niya. “Normal ‘yan, love. Pero hindi ibig sabihin, kailangan mong tiisin mag-isa.” Kinagabihan, muling sumiklab ang pagod sa katawan ni Alexis. Ala-una na ng madaling araw, umiiyak ang baby habang pilit niya itong inaalo. Pero parang wala na siyang enerhiya. Ang mga mata niya ay punong-puno ng luha habang dinuduyan ang anak. Dumating si Ralph, gising pa rin, agad na kinuha
Magkaakbay silang naglalakad, hawak ni Alexis ang printed ultrasound image. Pumunta sila sa pinakamalapit na café para ipagdiwang ang moment na ito — simpleng brunch, pero punong-puno ng saya. “Alam mo, kung bibigyan ako ng pagkakataong bumalik sa umpisa… pipiliin ko pa rin ‘yung araw na napilitan tayong magpanggap. Dahil ‘yun ang daan papunta sa totoo.” “Napilitan lang pala, ha?” “Ngayon, kusa na. At mamahalin ko kayo araw-araw. Hindi na kailangan ng script.” After ultrasound, bumalik uli sila sa doctor para sa second trimester ng pagbubuntis ni Alexis. Ngayon ay kita na ang baby bump ni Alexis, at mas kampante na siyang humiga sa examination bed. Pero si Ralph—mas excited pa rin kaysa sa ina. “Let’s see… at this stage, baka makita na natin ang gender, ha.” ani ng doctor. “Gusto mong malaman ngayon?” “Kung kaya na… sige. Pero surprise tayo pareho, ha?” “Okay. I’ll write it down sa envelope. Pwede niyong buksan kung kailan niyo gusto.” ani doctor. Lumabas sila ng clinic na ma