หน้าหลัก / Romance / The Fine Print of Falling in Love / Chapter 89 - The Promise and the Mistake

แชร์

Chapter 89 - The Promise and the Mistake

ผู้เขียน: Olivia Thrive
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-07-03 23:57:48

Halos wala na ngang ilaw sa buong opisina maliban sa desk lamp na tumatanglaw sa mga papel na halos hindi ko na mabasa sa pagod. Gusto ko na lang matapos ang report at umuwi sa asawa kong naghihintay. Kay Alexis—ang babaeng pinangakoan kong poprotektahan, kahit pa minsan, ni sarili ko’y hindi ko mapangalagaan.

Pero biglang bumukas ang pinto. Akala ko janitor o intern. Hindi.

Si Mica.

Suot ang isang fitted na dress na halatang pinag-isipan. May bitbit siyang kape—‘yung paborito kong blend pa rin, alam kong kabisado pa rin niya. Pilit kong itinuwid ang upo ko, hinaplos ang sintido para itaboy ang tensyon.

“Thought you might need this,” bulong niya, sabay lapag ng baso sa mesa. May ngiting hindi ko na dapat pang maalala.

“Mica… I told you, stop doing this.” Napabuntong-hininga ako. Paulit-ulit. Akala ko noon ako ang nahirapan, pero hindi niya naisip kung anong klaseng damage ang naiwan niya.

Umupo siya sa gilid ng desk, masyadong malapit. Parang gusto niyang burahin ang lahat ng taon na
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
شحغففو پفغوشک
paulit ulit ang story sayang ang points mg umpisa nnman s umpisa kaasar
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 240 - The Lost Teddy Bear

    Maalinsangan ang hapon nang mapansin ni Alexis ang kakaibang katahimikan sa sala. Karaniwan, rinig ang halakhak at ingay ni Ayesha na abala sa paglalaro, pero sa pagkakataong iyon, nakaupo siya sa sahig, tila may hinahanap at naiiyak. Lumapit agad si Alexis. “Anak, bakit umiiyak ka?” mahinahon niyang tanong habang hinahaplos ang buhok ng anak.“Mommy… hindi ko makita si Teddy,” humikbi si Ayesha, sabay punas sa mata.Nabahala agad si Alexis. Alam niyang si “Teddy” ang stuffed bear na ibinigay kay Ayesha noong bata pa si Anjo, ang kapatid nitong pumanaw. Mula noon, naging simbolo iyon ng koneksyon ni Ayesha sa nakababatang kapatid na hindi na niya makakasama. “Baka naiwan mo lang sa kwarto mo?” suhestiyon ni Alexis, pilit na pinapakalma ang bata.Umiling si Ayesha. “Nilabas ko siya kanina para ipakita kay Ayanna… tapos… wala na siya!” At tuluyan nang bumuhos ang luha niya.Agad na tinawag ni Alexis si Ralph na noon ay nag-aayos ng gamit sa veranda. Pagkarinig ng sitwasyon, kumunot ang

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 239 - Hands that Hold Us Together

    Sa mga sumunod na linggo matapos bumalik sa normal ang kanilang takbo ng buhay, mas lalong naging malinaw kay Ralph kung gaano kahalaga ang balanse—hindi lamang sa trabaho at pamilya, kundi sa oras na ibinibigay niya sa bawat miyembro ng tahanan. Naging mas maingat siya sa pagpili ng mga kasong tinatanggap at mas madalas niyang inaayos ang kanyang iskedyul para makauwi nang mas maaga. Para kay Ralph, bawat sandaling kasama sina Alexis, Ayesha, at Ayanna ay parang kayamanang hindi matutumbasan ng anumang tagumpay sa korte. Isa itong desisyon na hindi niya pinagsisisihan, dahil sa bawat pag-uwi niya, sinalubong siya ng init at pagmamahal na walang katulad. Tuwing gabi, bago matulog, laging sabay-sabay silang nagtitipon sa kuwarto ng mga bata. Si Alexis ang madalas na nagkukuwento ng mga fairy tales at kwentong may aral, habang si Ayesha ay mahilig ding magbasa at sumingit ng ilang bahagi para tulungan ang ina. Hindi naman mapigilan ni Ralph na ngumiti habang nakikita ang dalawang pinak

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 238 - Echoes of Lullabies

    Isang gabi, nakahiga na si Ayanna sa crib niya habang si Alexis ay nakaupo sa rocking chair, marahang hinihimas ang tiyan na dati’y pinagmulan ng kanilang takot at pag-aalala, ngunit ngayo’y nagbibigay na ng buhay at tuwa. Si Ayesha naman ay nakahiga sa tabi ng ina, hawak-hawak ang isang lumang storybook na minana pa ni Alexis mula sa kanilang tahanan. “Mommy, can I read the story for tonight?” tanong ng bata, puno ng excitement sa mga mata.Ngumiti si Alexis at tumango. “Of course, sweetheart. Your baby sister would love to hear your voice.”Binuksan ni Ayesha ang libro at nagsimulang bumasa, medyo pautal-utal pa dahil sa mga mahahabang salita, pero ang bawat bigkas niya ay punong-puno ng sincerity. Habang nagkukwento siya tungkol sa isang prinsesang naglakbay para hanapin ang kanyang tahanan, biglang gumalaw si Ayanna at tila nakikinig. Nang marinig ng sanggol ang tawa ng ate niya, biglang kumislot ang bibig nito, at kasunod ang isang munting hagikgik.“Mommy! Did you hear that? She

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 237 - The Brightest Constellation

    Muling nagising si Alexis sa mahinang iyak ni Ayanna sa crib sa tabi ng kanilang kama. Alas-singko pa lang ng umaga, ngunit agad niyang inabot ang anak. “Good morning, my little blossom,” bulong niya, saka marahang niyakap at inumpisahang patahanin. Sa kabila ng puyat, ramdam niya ang kakaibang tuwa—iyon ang klase ng pagod na handa niyang tiisin para sa kanyang mga anak. Si Ralph, na kagabi pa ay halos hindi natulog dahil tinapos ang isang urgent na kaso, ay agad ding bumangon. “Ako na, love. Tulog ka muna.” Ngunit umiling si Alexis. “No, okay lang. I actually miss moments like this. Remember, kay Ayesha din, ganito tayo lagi.” Napangiti si Ralph, sabay lapit para halikan ang ulo ng asawa. “You’re amazing, you know that? Lagi kang nauuna.” Habang pinapadede ni Alexis si Ayanna, tahimik lang si Ralph na nakatingin, tila iniipon sa alaala ang eksenang iyon. Sa mga sandaling iyon, muling sumagi sa isip niya ang pinangako niya noon—na gagawin ang lahat upang maging buo at masaya ang k

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 236- Exclusive Family Day

    Matapos ang nakakatakot na karanasan sa resort kung saan sandaling nawala si Ayesha, naging mas maingat na sina Ralph at Alexis. Sa kabila nito, hindi nila hinayaang takutin sila nang tuluyan; bagkus, naging inspirasyon iyon upang mas pagtibayin ang kanilang relasyon bilang pamilya. Sa sumunod na linggo, nagpasya silang maglaan ng oras para sa mas payapang bonding sa loob ng kanilang tahanan.Isang Linggo ng umaga, ginising ni Alexis ang mga bata nang may kakaibang ngiti. “Today is family day sa bahay. Walang lalabas, walang gadgets, tayo lang.” Nakasuot siya ng simpleng apron, habang abala sa paghahanda ng pancake.“Yay! Mommy, ako ang magmi-mix!” sigaw ni Ayesha, masiglang tumakbo sa kusina. Hawak-hawak pa ang maliit niyang stuffed toy.Si Ralph naman, galing sa sala, ay nakangiting sumali. “Ako na bahala sa prito. Alam mo naman, specialty ko ‘yan.” Nilagay niya ang kape sa mug at nagbiro, “Para at least, hindi puro sunog ang mangyari.”Natawa si Alexis, sabay sabing, “We’ll see abo

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 235 - Missing Ayesha

    Maaliwalas ang sikat ng araw nang magpasya sina Ralph at Alexis na mag-family outing kasama sina Ayesha at Ayanna. Matagal na nilang pinaplano ang araw na iyon—isang pagkakataon upang makalimutan muna ang stress sa trabaho at maglaan ng oras para sa pamilya. Pumili sila ng isang resort na may malawak na parke, pool, at mga laruan para sa mga bata. Pagdating nila, agad na humanga si Ayesha sa makukulay na playground na puno ng swings, slides, at seesaw. “Mommy, Daddy! Pwede na ba akong maglaro?” sigaw niya, sabik na sabik. Ngumiti si Ralph at sumagot, “Sige anak, pero dito ka lang sa tapat namin ha. Kita ka dapat ni Mommy at Daddy.” Sabay hatid kay Ayesha sa playground, habang si Alexis naman ay nakatutok kay Ayanna na mahimbing na nakatulog sa stroller. Naging masaya ang unang bahagi ng outing. Kumain sila ng baon na sandwich, nag-picture taking, at sabay-sabay na naglakad sa paligid. Halos hindi mapigilan ni Alexis ang pagngiti habang pinapanood ang dalawang anak. “Parang kahapon

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status