Halos wala na ngang ilaw sa buong opisina maliban sa desk lamp na tumatanglaw sa mga papel na halos hindi ko na mabasa sa pagod. Gusto ko na lang matapos ang report at umuwi sa asawa kong naghihintay. Kay Alexis—ang babaeng pinangakoan kong poprotektahan, kahit pa minsan, ni sarili ko’y hindi ko mapangalagaan.Pero biglang bumukas ang pinto. Akala ko janitor o intern. Hindi.Si Mica.Suot ang isang fitted na dress na halatang pinag-isipan. May bitbit siyang kape—‘yung paborito kong blend pa rin, alam kong kabisado pa rin niya. Pilit kong itinuwid ang upo ko, hinaplos ang sintido para itaboy ang tensyon.“Thought you might need this,” bulong niya, sabay lapag ng baso sa mesa. May ngiting hindi ko na dapat pang maalala.“Mica… I told you, stop doing this.” Napabuntong-hininga ako. Paulit-ulit. Akala ko noon ako ang nahirapan, pero hindi niya naisip kung anong klaseng damage ang naiwan niya.Umupo siya sa gilid ng desk, masyadong malapit. Parang gusto niyang burahin ang lahat ng taon na
Nagsimula ang lahat nang pinili ni Ralph na umiwas. Mula sa mga biruan, maikling sulyap, at mga tahimik na damdaming pilit niyang pinipigil tuwing naroon si Alexis. Hindi niya alam kung kailan nagsimulang magkaroon ng bigat ang mga simpleng pag-uusap nila, pero natakot siya. Alam niyang komplikado ang lahat—lalo na’t nobya ito ng taong tinuturing niyang kapatid.Kaya lumayo siya.Unti-unti siyang hindi na bumibisita sa bahay nina Julio. Hindi na siya sumasabay sa hapunan, o nakikipagkwentuhan kapag naroon si Alexis. Tumigil siya sa pakikialam, kahit pa sa puso niya, alam niyang may dapat siyang sabihin—o pigilan. Pero pinili niyang wag.At doon niya nakilala si Mica.Sa isang legal forum para sa mga creatives at influencers, nandoon si Mica bilang keynote speaker. Isang rising star sa fashion scene, matalino, maganda, at may dating na agad na bumunggo sa isip ni Ralph. Hindi tulad ni Alexis na kalmado at payak ang kilos, si Mica ay palaban, laging sentro ng atensyon.Nang ipakilala si
Hindi ko kailanman inakala na mahuhulog ako sa ex ni Julio.Maraming beses ko nang sinasabi sa sarili ko na bawal. Mali. Komplikado. At higit sa lahat—delikado. Si Alexis? Siya ‘yung tipo ng babaeng dapat iniingatan, hindi nilalapitan para sa pansariling kagustuhan. Kaya nga noon pa man, pinili kong lumayo. Pinili kong hindi magpakita. Pinili kong tahimik na iwasan ang anumang pwedeng mag-ugat ng damdamin.Pero ‘yun ang akala ko. Na kaya ko.Hanggang sa gabing ‘yon.Isang halik lang ang inaasahan ko. Isang eksenang parte ng plano niya—ang magpanggap na kami para pasakitan si Julio. Tumango lang ako dahil gusto kong tulungan siya, o ‘yan ang sabi ko sa sarili ko. Pero nang hinalikan niya ako, at mas lalo akong gumanti, doon ko na-realize… may matagal nang bumubuhay sa akin na matagal ko nang pinipilit patayin.Damdamin para kay Alexis.At sa gabing ‘yon, sa halik na ‘yon, sa tibok ng puso kong parang lumilipad habang kasabay ang kanyang mga labi, doon ko rin napagtanto that I'm finally
Sa bawat gabing lumilipas, hindi ko mapigilang balikan ang gabing iyon. Akala ko matagal ko nang nailibing ang lahat ng sakit. Na wala na akong pakialam. Na kaya ko nang tumayo sa gitna ng mga tao at ngumiti lang na parang walang iniwan sa akin ang nakaraan. Pero nang gabing ‘yon—sa victory party na ‘di ko naman dapat puntahan—lahat ng iniiwasan kong damdamin ay biglang sumambulat. Agad kong nakita si Alexis. Simple pero elegante ang ayos. Hindi kasing engrande ng ibang babae sa paligid, pero sapat para mapahinto siya sa paghinga. May lungkot sa mata nito kahit pinipilit ngumiti. At alam ni Ralph—hindi ‘yun dahil sa pagod. Alam niya, dahil pareho silang nagtatago ng sugat sa likod ng mga ngiti. “Ralph.” Napalingon siya. Si Alexis pala. Nasa harapan niya, hawak ang isang basong half-full ng champagne, ngunit tila hindi rin nasusustento ang lakas ng loob. “Puwede ba kitang hiramin?” Natawa si Ralph, bahagya. “Ha?” “Let's pretend we're a couple?” mariing bulong ni Alexis. “Kahit
Nang makarating kay Julio ang balitang nagkita sina Alexis at Ralph sa isang restaurant, para itong bombang biglang sumabog sa tahimik niyang mundo. Hindi man ito planado, hindi iyon naging sapat na dahilan para hindi siya lamunin ng galit at selos. Narinig lang niya ito sa isang common friend na hindi sinasadyang makasabay ni Alexis sa restroom ng restaurant. “Magkasama ba talaga ‘yung dalawa?” usisa ng kaibigan, walang malisya. Pero kay Julio, sapat na ang simpleng balita para mabuo ang haka-haka.Pagkauwi sa bahay, hindi niya napigilang magpakita ng paninibugho kay Alexis.“Bakit hindi mo sinabi?” malamig niyang tanong, bagama’t pilit pinapakalma ang sarili."Ang alin ba?"Napatingin si Alexis sa kanya, halatang nabigla sa tono. "Nagkita raw kayo ni Ralph." ani Julio sa madilim na anyo."Nagkataon lang, Julio. Hindi ko naman planong magkita kami. Nandun lang siya. Hindi naman kami nagtagal.”Pero tila bingi si Julio sa paliwanag. “Nagkakataon? Ganyan din ang sinabi mo noon pero bak
Isang ordinaryong tanghali lang sana. Mainit ang araw at puno ang kalsada ng ingay ng mga sasakyan. Nais lang ni Ralph na manahimik sandali, malayo sa mga papeles, deadlines, at responsibilidad na kaakibat ng pagiging panganay sa isang tahanang hindi kanya. Kaya’t nagdesisyon siyang kumain sa isang tahimik na restaurant malapit sa opisina. Pagpasok pa lang niya, agad siyang inalok ng table ng waiter, pero hindi iyon ang agad na kumuha ng atensyon niya—kundi ang pamilyar na ngiti ng babaeng naka-upo malapit sa bintana, nakayuko sa menu, tila walang ideya kung anong surpresa ang naghihintay sa kanya. “Alexis?” tawag ni Ralph, halos hindi makapaniwala. Napalingon si Alexis. Napatingin. Natigilan. “Ralph?” tila parehong pagkagulat ang nagtagpo sa gitna ng tanghaling iyon. Hindi maipaliwanag ang kasiyahang bumalot sa puso ni Ralph. Parang may liwanag na sumabog sa gitna ng araw na kay-init. Hindi niya inaasahan na makikita si Alexis—at sa ganitong paraan pa. Ang mata ng dalaga, bagama