HINDI mapakali si Lia na nakaupo sa tabi ni Seric. Sakay sila ng mamahaling kotse ng mga Lancaster na maghahatid sa kanila sa mansion. Pinauna na sila ni Mr. Lancaster dahil may mahalaga pa itong pupuntahan matapos ang usapan ng mga ito at ng dean.
Ramdam ni Lia na tila nais niyang maiyak dahil halo halo ang emosyong nararamdam niya. Dahil ito ang unang beses na umalis siya sa Home of hope at ang isipang iniwan na niya ang kinagisnan niyang pamilya ay halos gusto niyang pumalahaw ng iyak. Sa mga sumunod na minuto, hindi na talaga napigilan ni Lia ang maiyak dahil sa lungkot. Hindi batid ng paslit na babae na lihim siyang pinagmamasdan ni Seric. Si Seric na hindi mawari kung anong mararamdaman. Naiinis kasi siya sa tuwing nakakakita siya ng mga batang umiiyak ng walang dahilan at hindi lang isang beses sa buhay niya na hiniling niya noon na sana ay mawala na sa mundo ang mga batang iyakin. Pero ngayong nakikita niya si Lia na umiiyak, hindi iyon nagbigay ng inis sa kaniyang pakiramdam. "Wipe your tears," wika ni Seric sa malamig na tinig sabay abot ng tissue sa paslit na kasama. Marahang inabot iyon ni Lia at nagpasalamat, "Salamat... K-kuya Seric..." Hindi pinansin ni Seric ang pasasalamat ni Lia at ibinaling sa labas ng bintana ng kotse ang pansin. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa tahanan ng mga Lancaster. "Wow! Ang laki naman ng mansion niyo!" Hindi mapigilang bulalas ni Lia nang makababa sa kotse. Hindi batid ni Lia na ang mansion na iyon ay isa lamang sa mga maraming pag-aari ng mga Lancaster at hindi talaga doon ang titirhan nila. Pansamantala lamang silang mananatili sa Barrio Sta. Ana. "Dito ba ako titira, ha?" Muli ay wika ni Lia habang tila buntot na nakasunod kay Seric. Nais niyang abutin ang kamay nito at humawak doon pero pinigilan niya ang sarili. Nakakahiyang tapakan ang makintab na sahig na kanilang dinadaanan, baka madumihan pa ito dahil sa lumang sandals na suot niya. "K-kuya Seric, hintay," mahinang usal ni Lia sa batang lalaki. Nilingon siya ni Seric at pinagmasdan, ngunit walang emosyon ang mukha nito. "K-kuya Seric pwede ba akong humawak sa kamay mo?" Kita ang pagkatigil at pagkabigla ni Seric dahil sa sinabi ni Lia. "Natatakot kasi ako. Nalulula ako sa laki ng mansion na ito," pahabol pa ng paslit. Ngunit imbes na sumagot, tinalikuran lamang siya ni Seric at ipinagpatuloy nito ang paglalakad. Napayuko na lamang ang kawawang si Lia at marahang sumunod sa batang lalaki. Kailangan na yata niyang masanay mula ngayon na may mga piling araw lang na mabait ang Kuya Seric niya. Sumalubong kay Lia ang mabangong amoy ng loob ng mansion, napapikit pa nga siya nang samyuhin ang amoy na 'yon. May dalang kung anong kapayapaan sa loob niya ang bango na kumakalat sa paligid. "Lia." Bumaling siya kay Seric na ngayon ay nakatayo sa harapan niya. "Simula ngayon ayoko ng makitang umiiyak ka. Ayoko sa batang iyakin." Napanganga na lamang si Lia sa sinambit ni Seric, pero hindi niya alam bakit siya lihim na napangiti sa sinabi nito, dahil ang tono ng pananalita ni Seric kanina ay hindi naman galit. **** NANG makita ni Rowan ang tahanan ng mga Ventura ay kabaligtaran nito ang reaksyon ni Lia. Kalmado lamang si Rowan habang nakasunod sa likod ni Mr. Ventura. Pilit niyang itinatago ang lubos na paghanga sa mga nakikita sa paligid. Hindi maitago ng kaniyang mga mata ang apoy ng pananabik sa bagong mundo na kaniyang gagalawan. Ganitong ganito ang nasa imahinasyon niyang magiging hitsura ng tahanan ng isa sa pinakamayaman sa lugar na 'yon. At hindi siya nagkamali sa desisyon niyang inagaw niya ang buhay na iyon na para sana kay Lia. Ngunit nangunot ang noo niya nang mapansin na ni walang isang katulong o miyembro ng pamilya ang nasa paligid. Ngunit bigla siyang napasigaw nang isang malakas na 'bang' ang kaniyang narinig pagtapak pa lamang sa main door ng mansion. "Welcome, Lia!" Masayang salubong ni Mrs. Ventura, kasama ang dalawa pang anak nito na sina Vaelis at Lorien na may hawak pa ng banner na may nakasulat ng pagsalubong kay Lia. Ngunit dagliang nawala ang ngiti sa mga labi ng tatlo nang masilayan nila ng tuluyan ang mukha ni Rowan. Hindi si Lia iyon at natitiyak nila. Nagugulumihang tumingin si Mrs. Ventura sa asawa at tila nagtatanong ang mga mata nito. "Guys, this is Rowan. Simula ngayon ay magiging bahagi na siya ng ating pamilya," pakilala ni Mr. Ventura kay Rowan. Agad namang tumalima si Mrs. Ventura inutusan ang dalawang anak na itago ang hawak na banner at lumapit kay Rowan. "Pasensya ka na Rowan, ang akala kasi namin ay si Lia ang kasama ng tito mo, pero huwag kang mag-alala, bibigyan kita ng tamang pagsalubong sa mga susunod na araw," malumanay na wika ng ginang kay Rowan. Pilit na ngumiti si Rowan at tumango. Pero hindi nito inaalis sa mukha ang kunwaring lungkot upang magmukha itong kaawa-awa. Bagay na nakita ni Mrs. Ventura at mas lalong nakaramdam ng guilt. "Vaelis, Lorien, siya si Rowan ang magiging ate niyo," agaw ni Mr. Ventura sa eksena. "Hi, Ate Rowan. Welcome home," magiliw na bati ni Vaelis. Samantalang tahimik lamang na nagmamasid si Lorien. "Tara at magtungo tayo sa dining room, nakahanda na ang mga pagkain doon na ipinahanda ko." -Mrs. Ventura Masayang sumunod ang lahat, maliban kay Rowan na binaling ang tingin sa maraming regalo na nasa glass table na 'yon. Mga regalong para kay Lia at hindi sa kaniya. Mas lalong lumaki ang pagkainggit niya kay Lia, buti na lang talaga at gumawa siya ng paraan upang mapunta sa kaniya ang swerte ng huli. Mabubuhay siya sa buhay na dapat ay nakalaan kay Lia. Mapapabilang siya sa pamilya na dapat ay si Lia ang mayroon. "Rowan? Halika na hija, kumakain na silang lahat," tawag ni Mrs. Ventura sa batang babae na agad namang sumama sa ginang. Magmula sa araw na ito, isa na siyang ganap na Ventura.KINAGABIHAN ay nagtatalo ang kalooban ni Seric kung kakatok ba siya sa silid ng kaniyang kuya na si Kairoz. Nasa harapan na siya ng silid nito nang mga sandaling 'yon at matagal na nakatitig sa saradong pinto. He's afraid of rejection. Paano kung kagaya ng madalas na ginagawa ni Kairoz na hindi siya pinagbubuksan ng pintuan o pinapaalis siya ay ganoon din ang mangyari ngayong gabi? Matagal na panahon na rin na inilalayo ni Kairoz ang sarili sa kanila, sa totoong mundo at gumawa ng sarili nitong mundo. Ayaw man niyang aminin pero namimiss niya ang kaniyang kapatid, maging ang kapatid na si Elvren. Huminga ng malalim si Seric at kumatok ng tatlong beses. Naghintay siya ng ilang segundo kung may magbubukas at nang wala ay tumalikod na siya, handa ng umalis. Pero natigilan siya nang maramdaman niyang bumukas ang pinto. Nakita niya si Kairoz na nakatayo sa pintuan. Payat, maputla at nanlalalim ang mga mata. Walang kabuhay-buhay ang buo nitong pagkatao. "H
PAGKAPASOK ni Lia at ni Manang Loy sa silid ng una ay agad na tinakbo ng paslit ang balkonahe sa kaniyang silid, at inilagay ang jasmine roon kung saan masisinagan ito ng araw tuwing umaga. "Sigurado ka bang diyan mo ilalagay 'yan hija?" Sunod-sunod na tango ang naging tugon ni Lia habang marahang inaamoy-amoy ang talulot ng mga bulaklak na hindi pa naman ganoon kalanta. Para kay Lia, maisasalba pa niya ang munting bulaklak. "Oh siya sige Miss Lia at maiwan na muna kita. Marami pa kasi akong gagawin. Tatawagin na lang kita mamayang tanghalian." "Sige po, Manang Loy." Nang mapag-isa sa silid ang paslit ay marahan niyang kinausap ang halaman na animo'y naiintindihan siya nito. "Kailangan mong mabuhay ulit. Ang ganda-ganda at ang bango-bango mo pa naman. Huwag kang mag-alala at aalagaan kita, palagi kitang didiligan at papaarawan," matatas na wika ni Lia sa bulaklak. Nang magsawa sa kakausap sa halaman ay napagpasyahan ng bata na umidlip na muna at medyo n
"KUYA Seric, tayo lang ba nina Tito Ruvion ang nakatira sa dito sa mansion?" Hindi napigilan ni Lia ang sarili na itanong ang bagay na 'yon kay Seric habang nag-aalmusal silang dalawa sa hapag kainan. Wala na si Mr. Ruvion Lancaster dahil maaga itong umaalis upang magtungo sa kompanya nito. Bahagya siyang tinapunan ng tingin ni Seric at matipid na sinagot, "Hindi." Nais pa sanang magtanong ni Lia ngunit nahalata niyang tila umiiwas si Seric na pag-usapan ang bagay na 'yon. Nais pa sana niyang malaman kung nasaan ang ina nito. "Miss Lia, narito na ang gatas mo." "Salamat po, Manang Loy." Ngumiti ng matamis si Manang Loy na giliw na giliw sa pagiging magalang ng paslit. Biglang tumayo si Seric at hiningi sa isa pang kasambahay ang gamit nito para sa eskwela. "Aalis na po ako Manang Loy, k-kayo na po ang bahala kay Lia." Medyo nagulat si Lia nang marinig ang sinabi ni Seric at lihim siyang napangiti. "Sige ho Master Seric. Mag-iingat
HINDI mapakali si Lia na nakaupo sa tabi ni Seric. Sakay sila ng mamahaling kotse ng mga Lancaster na maghahatid sa kanila sa mansion. Pinauna na sila ni Mr. Lancaster dahil may mahalaga pa itong pupuntahan matapos ang usapan ng mga ito at ng dean. Ramdam ni Lia na tila nais niyang maiyak dahil halo halo ang emosyong nararamdam niya. Dahil ito ang unang beses na umalis siya sa Home of hope at ang isipang iniwan na niya ang kinagisnan niyang pamilya ay halos gusto niyang pumalahaw ng iyak. Sa mga sumunod na minuto, hindi na talaga napigilan ni Lia ang maiyak dahil sa lungkot. Hindi batid ng paslit na babae na lihim siyang pinagmamasdan ni Seric. Si Seric na hindi mawari kung anong mararamdaman. Naiinis kasi siya sa tuwing nakakakita siya ng mga batang umiiyak ng walang dahilan at hindi lang isang beses sa buhay niya na hiniling niya noon na sana ay mawala na sa mundo ang mga batang iyakin. Pero ngayong nakikita niya si Lia na umiiyak, hindi iyon nagbigay ng inis sa
PINAPASOK ni Dean si Mr. Lancaster sa opisina at pagkaraan ay may sumunod na batang lalaki rito. May kapayatan ang bata pero napakagwapo nito at napakatangkad. Makinis din ang balat nito at maayos ang pananamit. Kuhang kuha nito ang lamig ng aura ni Mr. Lancaster. Hindi maitatangging mag-ama nga ang dalawa. "Sabihin mo kay Miss Cruz kung sino ang batang tinutukoy mo, Seric." Ang malamig na tinig ni Mr. Lancaster ang bumasag sa panandaliang katahimikang naroon. Hindi agad sumagot si Seric at tila nag-isip kung tama ba ang ginagawa niya. "Master Seric, sino ang batang tinutukoy mo? Alam mo ba ang pangalan?" Huminga ng malalim si Seric at sa malamig na tinig ay ibinulong niya ang pangalan ni "Lia." Natigilan ang dean at hindi maalis ang pagtataka sa isip kung bakit kilala ni Seric Lancaster si Lia. "Sigurado kang Lia ang pangalan? Nakita mo na ba siya?" Anang Dean kay Seric. "Oo. Ang batang babaeng may bilugang mga mata at malalantik ang mga pilik mata.
ALAS singko nang umaga ay nagising si Lia, napaupo sa kama at napahawak sa kumakalam na tiyan. Naalala niya kagabi dahil sa sama ng loob sa mga nangyari kahapon sa kaniya ay hindi siya kumain ng hapunan. Inilibot niya ang paningin at tulog pa ang mga ibang bata sa ampunan na 'yon. Tumayo siya at nagtungo sa maliit na kusina ng ampunan, ramdam niya ang panlalambot at pagkahilo dahil sa gutom, nakita siya ng kanilang tagapagluto na si Misis Karben at marahan siyang inalalayan paupo sa silyang upuan na nasa gilid. "Malamang sa malamang ay gutom na gutom ka ano?" Wika ni Misis Karben na may ngiti sa labi. Nahihiyang tumango ang paslit na si Lia. Mabilis na kumilos ang ginang at ipinaghanda siya ng nilagang itlog at isang tasa ng gatas. Nang mailapag iyon sa kaniyang harapan ay mabilis siyang kumain at nang matapos ay masaya siyang nagpasalamat sa ginang at nagpaalam rito na lalabas at tutungo sa maliit na palaruan. Ngunit nang mapadaan siya sa isang puno kung saan nak