Nang mabalitaan ni Lia na babalik na si Seric Lancaster sa Pilipinas matapos ang labing dalawang taon, lubos ang kaniyang kaba at takot. Paano nga ba niya haharapin ang kaniyang adoptive brother? Ang lalaking minsan niyang minahal subalit tinakasan. Wala pa man sa Pilipinas si Seric ay ramdam na ni Lia ang lamig at yamot nito na alam niyang kinimkim nito sa mahabang panahon. At Alam ni Lia na kailangan niyang harapin si Seric, hindi dahil sa nakaraan nila. Kung hindi dahil sa katotohanang iisang pamilya lamang ang kinabibilangan nilang dalawa.
Lihat lebih banyak"ATE Rowan, saan mo ba ako dadalhin?"
Iyon ang tanong ng pitong taong gulang na si Lia habang marahang nakasunod kay Rowan- ang batang babae na isa sa mga kasama din niya sa home of Hope, ang bahay ampunan na kumakalinga sa tulad nilang walang tahanan. Mag aalas sais pa lang ng umaga iyon, medyo may kadiliman pa ang paligid kaya wala pang gaanong taong gising sa bahay-ampunan. Pero ang dalawang paslit ay nakabihis na at patungo sa pinakaliblib na bahagi ng lugar na 'yon. Biglang napatigil sa paglalakad si Lia at lumingon sa bahay-ampunan na pinanggalingan nila ng may bakas ng pagaalinlangan. "Ate gusto ko ng makabalik doon. Sabi kasi sa akin ng dean ay ngayong araw darating si Uncle Roel upang kunin ako." Biglang napatigil si Rowan sa paglalakad at lumingon kay Lia, kinuha ang kamay nito at tumingin sa inosente nitong mukha. Isang hindi maunawaang kislap ang dumaan sa mga mata ni Rowan. "Hindi ba nasabi mo sa akin dati na nawawala ang kwintas mo? Naroon iyon sa may kakahuyan, sa lumang dampa at sasamahan kita para makuha mo 'yon." Muling bumakas ang pag aalinlangan sa mukha ni Lia pero wala na itong nagawa nang hilain siya ni Rowan sa medyo marahas na paraan. "Tayo na. Hindi ba ang kwintas na 'yon ay iniwan sayo ng mga biological parents mo? Huwag kang mag alala, gustong gusto ka ni Mr. Ventura, tiyak na hihintayin ka n'un kahit anong mangyari." Wala nang nagawa pa ang paslit na si Lia kung hindi sumama na lamang kay Rowan na hawak ang kamay niya habang naglalakad. Nakaramdam ng takot si Lia nang makarating sa lumang dampa. "Nakakatakot naman dito..."bulong ni Lia. Ngunit tila walang narinig si Rowan at marahang binuksan ang pinto ng dampa na lumangitngit pa nga dahil sa kalumaan. Tumambad sa kanila ang loob ng dampa na puno ng mga paggatong, maalikabok at hindi mawari ang hitsura sa loob. Nalukot ang ilong ni Lia nang maamoy ang amoy lumot. "Ate, narito ba talaga ang kwintas ko?" May halong pag-aalinlangan ang tinig ni Lia. Hindi kasi niya lubos maisip na makakarating dito ang nawawala niyang kwintas. Sa pagkakataong ito ay hindi sumagot si Rowan sa tanong ni Lia. Bagkus ay itinaas nito ang kamay at malakas na itinulak ang paslit na hindi agad makauma dahil sa pagkabigla. "Ate!" Bumagsak sa sahig si Lia, napakalakas ng kalabog niya at saglit na tila nakaramdam siya ng pagkahilo. Nanlalaki ang mga bilugan niyang mga mata dahil sa hindi pagkapaniwala sa nagawa ni Rowan. Napatingin na lang siya sa biglaang pagsarado ng pinto ng dampa. Mabilis siyang tumayo at tinungo ang saradong pinto at doon ay nagsisigaw habang ang kaniyang malumanay na tinig ay naging garalgal na dahil sa takot at sa pag iyak. "Ate palabasin mo ako rito! Darating si Uncle Roel ngayon upang dalhin ako sa kanilang bahay!" Habang sa labas ay patuloy lang ikinandado ni Rowan ang pinto na ni hindi man makikitaan ng pagsisisi sa ginagawa. Hindi man lang siya naawa sa natatakot na pagsigaw ni Lia at umalis sa lugar na 'yon nang walang lingon. Kinapa ni Rowan ang kaniyang bulsa at may nahawakan siyang matigas na bagay doon. Inilabas niya iyon mula sa kaniyang bulsa at tumingin doon, isa iyong kulay lila na kwintas. Ang bawat hiyas sa kwintas na 'yon ay maingat na inilagay doon, mayroong itong kakaiba at magagandang kulay na kumikinang tulad ng sa isang kalawakan. Kahit siya ay nasisigurado niyang ang kwintas ay hindi lamang ordinaryong bagay. Mabilis na ibinalik ni Rowan ang kwintas sa kaniyang bulsa at nang tuluyan na siyang makarating sa maliit na palaruan ng bahay-ampunan ay halos sumilip na ang araw. Hindi nakaligtas sa matalas na pamdinig ni Rowan ang mga mahihinang anas ng mga ibang madre na nasa sulok. "Napakaswerte ni Lia, mayaman ang pamilya ni Mr. Ventura at napakababait pa." "Mula sa araw na ito, magiging isang ganap na Ventura na rin si Lia." "Oh, sister meridith, tawagin mo si Lia at papuntahin mo rito, narito na si Mr. Ventura," wika ng bagong dating na si Miss Cruz. Si Miss Cruz ay ang dean ng Home of hope. Nang marinig ni Rowan iyon ay marahan siyang napalunok at mariing itinikom ang bibig, tumingin siya sa lalaking naka suit and tie na nasa tabi ni Miss Cruz. Tinignan niya ito ng may paghanga. Dahil ang lalaking pinagmamasdan niya ngayon ay walang iba kung hindi si Mr. Roel Ventura, ang isa sa pinaka mayamang tao sa Barrio Sta. Ana. Sa pagkakataong ito, sisiguraduhin ni Rowan na siya ang magiging panganay na anak ng mga Ventura at hindi si Lia! *** SA kabilang banda walang katapusang sigaw at paghingi ng tulong ang maririnig mula kay Lia na nanatiling nakakulong sa lumang dampa. Nang medyo kumalma ay napatingin siya sa nag iisang bukas na bintana ng dampa. Sira ang bintana at balot sa sapot ng mga gagamba at medyo may kataasan. Gayunpaman, inakyat iyon ni Lia, tumuntong sa mga bunton ng mga kahoy, hindi lang iisang beses siyang nahulog pero sa dulo ay nagawa niyang makaakyat. Hindi na niya alintana ang dumi at ang maraming gagambang naroon, basta ang nais lamang niya ay makalabas sa lumang dampa na 'yon. Napasinghap si Lia at biglang nalula nang mapansin ang taas na dapat niyang talunin upang makalabas. Muli na namang tumulo ang masaganang luha sa mga matatabang pisngi niya, pero mabilis niya iyong pinunasan at mariing pumikit upang makalimutan ang takot. Kailangan niyang tumalon kung hindi ay baka hindi na niya maaabutan si Mr. Ventura- ang taong nagkainterest na ampunin siya. Huminga nang malalim si Lia sabay talon at pagkaraan ay isang matinis na sigaw ang pumunit sa katahimikan ng paligid kasabay ng isang lagabog. Halos mawalan siya ng ulirat dahil sa sakit nang kaniyang pagkakahulog. Muli na namang umiyak ang paslit nang makita ang sugatan niyang mga tuhod at palad. Pinilit niyang tumayo at marahang naglakad at tinunton ang daan pabalik sa bahay ampunan. Makaraan ang matagal na lakaran ay may isang madre ang nakakita sa kaniya. Dali dali itong tumakbo patungo kay Lia habang may pag aalala ang mukha. "Nakung bata ka! Saan ka ba galing at bakit ka nagkaganyan?!" Muling uminit ang sulok ng mga mata ni Lia at yumakap sa madre, pagkaraan ay kumawala ito mula sa yakap at tumingin sa mukha ng kaharap. "Sister, nasaan na po si Uncle Roel? Hinihintay na po ba niya ako? Nainip na po ba siya? Samahan niyo po ako patungo sa kaniya..." Natigilan ang madre at dumaan sa mga mata nito ang awa para sa bata. "Hindi ba't ayaw mong sumama kay Mr. Ventura, hija?" Marahas na humiling si Lia at umiyak. "Wala! Wala po akong sinabi na ayaw ko Sister..." "Pero ang sabi ni Rowan ay ayaw mong sumama kay Mr Ventura, kaya ka nagtago dahil ang nais mo ay hintayin ang pagbabalik ng tunay mong mga magulang. Kaya ang nangyari, si Rowan na lamang ang kanilang inampon." Napasinghap si Lia at muling umagos ang masaganang luha sa kaniyang mga mata."KUYA Seric, tayo lang ba nina Tito Ruvion ang nakatira sa dito sa mansion?" Hindi napigilan ni Lia ang sarili na itanong ang bagay na 'yon kay Seric habang nag-aalmusal silang dalawa sa hapag kainan. Wala na si Mr. Ruvion Lancaster dahil maaga itong umaalis upang magtungo sa kompanya nito. Bahagya siyang tinapunan ng tingin ni Seric at matipid na sinagot, "Hindi." Nais pa sanang magtanong ni Lia ngunit nahalata niyang tila umiiwas si Seric na pag-usapan ang bagay na 'yon. Nais pa sana niyang malaman kung nasaan ang ina nito. "Miss Lia, narito na ang gatas mo." "Salamat po, Manang Loy." Ngumiti ng matamis si Manang Loy na giliw na giliw sa pagiging magalang ng paslit. Biglang tumayo si Seric at hiningi sa isa pang kasambahay ang gamit nito para sa eskwela. "Aalis na po ako Manang Loy, k-kayo na po ang bahala kay Lia." Medyo nagulat si Lia nang marinig ang sinabi ni Seric at lihim siyang napangiti. "Sige ho Master Seric. Mag-iingat
HINDI mapakali si Lia na nakaupo sa tabi ni Seric. Sakay sila ng mamahaling kotse ng mga Lancaster na maghahatid sa kanila sa mansion. Pinauna na sila ni Mr. Lancaster dahil may mahalaga pa itong pupuntahan matapos ang usapan ng mga ito at ng dean. Ramdam ni Lia na tila nais niyang maiyak dahil halo halo ang emosyong nararamdam niya. Dahil ito ang unang beses na umalis siya sa Home of hope at ang isipang iniwan na niya ang kinagisnan niyang pamilya ay halos gusto niyang pumalahaw ng iyak. Sa mga sumunod na minuto, hindi na talaga napigilan ni Lia ang maiyak dahil sa lungkot. Hindi batid ng paslit na babae na lihim siyang pinagmamasdan ni Seric. Si Seric na hindi mawari kung anong mararamdaman. Naiinis kasi siya sa tuwing nakakakita siya ng mga batang umiiyak ng walang dahilan at hindi lang isang beses sa buhay niya na hiniling niya noon na sana ay mawala na sa mundo ang mga batang iyakin. Pero ngayong nakikita niya si Lia na umiiyak, hindi iyon nagbigay ng inis sa
PINAPASOK ni Dean si Mr. Lancaster sa opisina at pagkaraan ay may sumunod na batang lalaki rito. May kapayatan ang bata pero napakagwapo nito at napakatangkad. Makinis din ang balat nito at maayos ang pananamit. Kuhang kuha nito ang lamig ng aura ni Mr. Lancaster. Hindi maitatangging mag-ama nga ang dalawa. "Sabihin mo kay Miss Cruz kung sino ang batang tinutukoy mo, Seric." Ang malamig na tinig ni Mr. Lancaster ang bumasag sa panandaliang katahimikang naroon. Hindi agad sumagot si Seric at tila nag-isip kung tama ba ang ginagawa niya. "Master Seric, sino ang batang tinutukoy mo? Alam mo ba ang pangalan?" Huminga ng malalim si Seric at sa malamig na tinig ay ibinulong niya ang pangalan ni "Lia." Natigilan ang dean at hindi maalis ang pagtataka sa isip kung bakit kilala ni Seric Lancaster si Lia. "Sigurado kang Lia ang pangalan? Nakita mo na ba siya?" Anang Dean kay Seric. "Oo. Ang batang babaeng may bilugang mga mata at malalantik ang mga pilik mata.
ALAS singko nang umaga ay nagising si Lia, napaupo sa kama at napahawak sa kumakalam na tiyan. Naalala niya kagabi dahil sa sama ng loob sa mga nangyari kahapon sa kaniya ay hindi siya kumain ng hapunan. Inilibot niya ang paningin at tulog pa ang mga ibang bata sa ampunan na 'yon. Tumayo siya at nagtungo sa maliit na kusina ng ampunan, ramdam niya ang panlalambot at pagkahilo dahil sa gutom, nakita siya ng kanilang tagapagluto na si Misis Karben at marahan siyang inalalayan paupo sa silyang upuan na nasa gilid. "Malamang sa malamang ay gutom na gutom ka ano?" Wika ni Misis Karben na may ngiti sa labi. Nahihiyang tumango ang paslit na si Lia. Mabilis na kumilos ang ginang at ipinaghanda siya ng nilagang itlog at isang tasa ng gatas. Nang mailapag iyon sa kaniyang harapan ay mabilis siyang kumain at nang matapos ay masaya siyang nagpasalamat sa ginang at nagpaalam rito na lalabas at tutungo sa maliit na palaruan. Ngunit nang mapadaan siya sa isang puno kung saan nak
"ATE Rowan, saan mo ba ako dadalhin?" Iyon ang tanong ng pitong taong gulang na si Lia habang marahang nakasunod kay Rowan- ang batang babae na isa sa mga kasama din niya sa home of Hope, ang bahay ampunan na kumakalinga sa tulad nilang walang tahanan. Mag aalas sais pa lang ng umaga iyon, medyo may kadiliman pa ang paligid kaya wala pang gaanong taong gising sa bahay-ampunan. Pero ang dalawang paslit ay nakabihis na at patungo sa pinakaliblib na bahagi ng lugar na 'yon. Biglang napatigil sa paglalakad si Lia at lumingon sa bahay-ampunan na pinanggalingan nila ng may bakas ng pagaalinlangan. "Ate gusto ko ng makabalik doon. Sabi kasi sa akin ng dean ay ngayong araw darating si Uncle Roel upang kunin ako." Biglang napatigil si Rowan sa paglalakad at lumingon kay Lia, kinuha ang kamay nito at tumingin sa inosente nitong mukha. Isang hindi maunawaang kislap ang dumaan sa mga mata ni Rowan. "Hindi ba nasabi mo sa akin dati na nawawala ang kwintas mo? Naroon
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen