Beranda / Romance / The Forbidden Desire / CHAPTER 3 (THE LANCASTER)

Share

CHAPTER 3 (THE LANCASTER)

Penulis: Lola Lush
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-31 15:08:52

     PINAPASOK ni Dean si Mr. Lancaster sa opisina at pagkaraan ay may sumunod na batang lalaki rito. May kapayatan ang bata pero napakagwapo nito at napakatangkad. Makinis din ang balat nito at maayos ang pananamit. Kuhang kuha nito ang lamig ng aura ni Mr. Lancaster. Hindi maitatangging mag-ama nga ang dalawa.

    "Sabihin mo kay Miss Cruz kung sino ang batang tinutukoy mo, Seric." Ang malamig na tinig ni Mr. Lancaster ang bumasag sa panandaliang katahimikang naroon.

     Hindi agad sumagot si Seric at tila nag-isip kung tama ba ang ginagawa niya.

   "Master Seric, sino ang batang tinutukoy mo? Alam mo ba ang pangalan?"

     Huminga ng malalim si Seric at sa malamig na tinig ay ibinulong niya ang pangalan ni "Lia."

     Natigilan ang dean at hindi maalis ang pagtataka sa isip kung bakit kilala ni Seric Lancaster si Lia.

    "Sigurado kang Lia ang pangalan? Nakita mo na ba siya?" Anang Dean kay Seric.

    "Oo. Ang batang babaeng may bilugang mga mata at malalantik ang mga pilik mata. Si Lia iyon hindi ho ba?" Matatag at malamig na sagot ni Seric sa Dean.

     Napatango-tango si Miss Cruz. "Tama Master Seric, si Lia nga ang batang tinutukoy mo."

     Pinagmasdan ni Mr. Lancaster ang ekspresyon ng mukha ng kaniyang bunsong anak na si Seric, hindi niya mabasa sa mukha nito kung anong emotion ang nakapaloob doon. Kuhang kuha talaga ni Seric ang bagay na 'yon sa kaniya.

     Binawi ni Mr.Lancaster ang tingin kay Seric at humarap sa Dean. "Nasaan ang bata? Nais ko siyang makita."

     Tila biglang nataranta ang dean. "Sige ho Mr. Lancaster, ngayon din ay ipadadala ko rito si Lia."

     Pagkalipas ng ilang minuto ay may isang tao na dumating hawak hawak sa kamay si Lia na ngayon ay pupungas pungas pa.  Hindi niya alam ang mga nagaganap dahil kakatulog lang niyang muli at ginising siya agad.

    "Dean? Bakit po?" Mahinang tanong ni Lia kay Dean at lumapit dito sabay hawak sa tela ng damit nito.

     Ngayon lang napatunayan ni Lia na hindi na masama ang loob niya sa dean dahil sa mga naganap kahapon.

   "Lia, ipakikilala ko sa'yo si Mr. Lancaster at ang kaniyang anak na si Seric, magbigay galang ka hija."

     Marahang lumipad ang tingin ni Lia sa dalawang taong nakaupo. Paanong hindi niya napansin ang mga ito? Dala marahil ng antok. Nagliwanag ang mukha ni Lia nang makita si Seric. Si Seric na napakaseryoso ng mukha, lumipat ang tingin ni Lia kay Mr. Lancaster na blanko ang ekspresyon ng mukha.

Namayani ang katahimikan sa paligid at walang nagtangkang bumasag n'un.

      Maya-maya pa ay huminga ng malalim si Mr. Lancaster at nagsalita, "Sige, siya na."

     Nagulat ang dean na tila hindi handa sa narinig. Bagama't masaya siya at may aampon kay Lia, ngunit hindi niya maiwasang mag-alala para sa paslit. Hindi niya kasi alam kung saan nagmula si Mr. Lancaster na bigla na lamang sumulpon sa bahay-ampunan. Pero isang bagay lang ang nakakatiyak siya at 'yun ay alam niyang hindi biro ang pamilyang kinabibilangan nito, mukhang mas mayaman pa ito kaysa sa mga Ventura at sa iba pang pamilya na nagagawi sa ampunan na 'yon.

     Sana mabubuti ang mga loob ng mga Lancaster upang magiging maayos ang kalagayan ni Lia sa piling ng mga ito.

     Marahang humarap at kinausap ni Dean si Lia, "hija, gusto kang ampunin ni Mr. Lancaster, pumapayag ka ba?"

     Nagliwanag ang mukha ni Lia at lalong namilog ang mga mata. Hindi makapaniwala sa narinig. Sumulyap siya kay Mr. Lancaster at kay Seric na tila biglang nagkaroon ng kaba ang ekspresyon ng mukha. Siguro ay iniisip nito na hindi siya papayag na magpa-ampon.

    "Lia? Hinihintay namin ang sagot mo," ani Miss Cruz.

     Bumaling dito si Lia at pagkaraan ay ngumiti. "Opo, gusto ko pong magpa-ampon kina Mr. Lancaster. Gusto ko po magkaroon ng bagong pamilya at kapatid!" Puno ng pananabik na sambit ni Lia.

    "Kung ganoon ay hintayin niyo na lang kami ni Master Seric sa labas at may aasikasuhin kami ni Mr. Lancaster, hija," wika ni Miss Cruz sa batang babae na mabilis namang tumalima upang lumabas.

***

     "MAGIGING magkapatid na pala tayo? Maari na ba kitang tawaging Kuya Seric, ha?" Madaldal na wika ni Lia kay Seric na kasama niyang naghihintay sa labas ng opisina ng dean.

     Hindi sumagot si Seric at gaya ng normal na ekspresyon ng mukha nito, blankong mukha ang ibinigay nito kay Lia at diretsong nakatingin sa puting pader na naroon.

    "Salamat talaga sa pagpili sa akin, salamat at gusto mo akong maging kapatid at maging parte ng pamilya niyo," pagpapatuloy ni Lia sa pagsasalita.

     Doon pa lamang tumingin si Seric kay Lia. Malamig ang titig nito at pinagmasdan ang mukha ng batang babae.

    "Don't get me wrong. Hindi kita gustong maging kapatid," tipid na turan Seric kay Lia.

     Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Lia at tila napahiya dahil sa narinig.

    "Naawa lang ako sa'yo, Lia. Hindi ba sabi mo ay walang may gustong umampon sa'yo?"

     Napatango na lamang si Lia, pero sa murang edad niya ay tila tumatak ang mga salitang iyon sa kaniyang isip at puso. Nasaktan siya.

     Napansin ni Seric ang pananahimik ni Lia matapos niyang sabihin ang mga bagay na 'yon, pero hindi siya nag-abalang magtanong. Hangang sa napansin niya ang sugat na nasa palad ni Lia.

    "Napano 'yang kamay mo? Bakit may sugat ka?" Usisa niya kay Lia. Hindi niya gustong magtanong pero hindi niya napigilan ang bibig.

    Agad na itinago ni Lia ang kamay sa likuran at umiling. "Nadapa lang ako kahapon, hindi naman na ito masakit dahil ginamot na ni Miss Karben."

    Hindi na lamang sumagot si Seric, pero ramdam niyang nagsisinungaling si Lia. Isa pa, halata naman sa laki ng sugat na hindi lamang iyon galing sa simpleng pagkakadapa.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Forbidden Desire   CHAPTER 5 (JASMINE)

    "KUYA Seric, tayo lang ba nina Tito Ruvion ang nakatira sa dito sa mansion?" Hindi napigilan ni Lia ang sarili na itanong ang bagay na 'yon kay Seric habang nag-aalmusal silang dalawa sa hapag kainan. Wala na si Mr. Ruvion Lancaster dahil maaga itong umaalis upang magtungo sa kompanya nito. Bahagya siyang tinapunan ng tingin ni Seric at matipid na sinagot, "Hindi." Nais pa sanang magtanong ni Lia ngunit nahalata niyang tila umiiwas si Seric na pag-usapan ang bagay na 'yon. Nais pa sana niyang malaman kung nasaan ang ina nito. "Miss Lia, narito na ang gatas mo." "Salamat po, Manang Loy." Ngumiti ng matamis si Manang Loy na giliw na giliw sa pagiging magalang ng paslit. Biglang tumayo si Seric at hiningi sa isa pang kasambahay ang gamit nito para sa eskwela. "Aalis na po ako Manang Loy, k-kayo na po ang bahala kay Lia." Medyo nagulat si Lia nang marinig ang sinabi ni Seric at lihim siyang napangiti. "Sige ho Master Seric. Mag-iingat

  • The Forbidden Desire   CHAPTER 4 (NEW HOME)

    HINDI mapakali si Lia na nakaupo sa tabi ni Seric. Sakay sila ng mamahaling kotse ng mga Lancaster na maghahatid sa kanila sa mansion. Pinauna na sila ni Mr. Lancaster dahil may mahalaga pa itong pupuntahan matapos ang usapan ng mga ito at ng dean. Ramdam ni Lia na tila nais niyang maiyak dahil halo halo ang emosyong nararamdam niya. Dahil ito ang unang beses na umalis siya sa Home of hope at ang isipang iniwan na niya ang kinagisnan niyang pamilya ay halos gusto niyang pumalahaw ng iyak. Sa mga sumunod na minuto, hindi na talaga napigilan ni Lia ang maiyak dahil sa lungkot. Hindi batid ng paslit na babae na lihim siyang pinagmamasdan ni Seric. Si Seric na hindi mawari kung anong mararamdaman. Naiinis kasi siya sa tuwing nakakakita siya ng mga batang umiiyak ng walang dahilan at hindi lang isang beses sa buhay niya na hiniling niya noon na sana ay mawala na sa mundo ang mga batang iyakin. Pero ngayong nakikita niya si Lia na umiiyak, hindi iyon nagbigay ng inis sa

  • The Forbidden Desire   CHAPTER 3 (THE LANCASTER)

    PINAPASOK ni Dean si Mr. Lancaster sa opisina at pagkaraan ay may sumunod na batang lalaki rito. May kapayatan ang bata pero napakagwapo nito at napakatangkad. Makinis din ang balat nito at maayos ang pananamit. Kuhang kuha nito ang lamig ng aura ni Mr. Lancaster. Hindi maitatangging mag-ama nga ang dalawa. "Sabihin mo kay Miss Cruz kung sino ang batang tinutukoy mo, Seric." Ang malamig na tinig ni Mr. Lancaster ang bumasag sa panandaliang katahimikang naroon. Hindi agad sumagot si Seric at tila nag-isip kung tama ba ang ginagawa niya. "Master Seric, sino ang batang tinutukoy mo? Alam mo ba ang pangalan?" Huminga ng malalim si Seric at sa malamig na tinig ay ibinulong niya ang pangalan ni "Lia." Natigilan ang dean at hindi maalis ang pagtataka sa isip kung bakit kilala ni Seric Lancaster si Lia. "Sigurado kang Lia ang pangalan? Nakita mo na ba siya?" Anang Dean kay Seric. "Oo. Ang batang babaeng may bilugang mga mata at malalantik ang mga pilik mata.

  • The Forbidden Desire   CHAPTER 2 (THE ENCOUNTER)

    ALAS singko nang umaga ay nagising si Lia, napaupo sa kama at napahawak sa kumakalam na tiyan. Naalala niya kagabi dahil sa sama ng loob sa mga nangyari kahapon sa kaniya ay hindi siya kumain ng hapunan. Inilibot niya ang paningin at tulog pa ang mga ibang bata sa ampunan na 'yon. Tumayo siya at nagtungo sa maliit na kusina ng ampunan, ramdam niya ang panlalambot at pagkahilo dahil sa gutom, nakita siya ng kanilang tagapagluto na si Misis Karben at marahan siyang inalalayan paupo sa silyang upuan na nasa gilid. "Malamang sa malamang ay gutom na gutom ka ano?" Wika ni Misis Karben na may ngiti sa labi. Nahihiyang tumango ang paslit na si Lia. Mabilis na kumilos ang ginang at ipinaghanda siya ng nilagang itlog at isang tasa ng gatas. Nang mailapag iyon sa kaniyang harapan ay mabilis siyang kumain at nang matapos ay masaya siyang nagpasalamat sa ginang at nagpaalam rito na lalabas at tutungo sa maliit na palaruan. Ngunit nang mapadaan siya sa isang puno kung saan nak

  • The Forbidden Desire   CHAPTER 1 (ADOPTION)

    "ATE Rowan, saan mo ba ako dadalhin?" Iyon ang tanong ng pitong taong gulang na si Lia habang marahang nakasunod kay Rowan- ang batang babae na isa sa mga kasama din niya sa home of Hope, ang bahay ampunan na kumakalinga sa tulad nilang walang tahanan. Mag aalas sais pa lang ng umaga iyon, medyo may kadiliman pa ang paligid kaya wala pang gaanong taong gising sa bahay-ampunan. Pero ang dalawang paslit ay nakabihis na at patungo sa pinakaliblib na bahagi ng lugar na 'yon. Biglang napatigil sa paglalakad si Lia at lumingon sa bahay-ampunan na pinanggalingan nila ng may bakas ng pagaalinlangan. "Ate gusto ko ng makabalik doon. Sabi kasi sa akin ng dean ay ngayong araw darating si Uncle Roel upang kunin ako." Biglang napatigil si Rowan sa paglalakad at lumingon kay Lia, kinuha ang kamay nito at tumingin sa inosente nitong mukha. Isang hindi maunawaang kislap ang dumaan sa mga mata ni Rowan. "Hindi ba nasabi mo sa akin dati na nawawala ang kwintas mo? Naroon

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status