"KUYA Seric, tayo lang ba nina Tito Ruvion ang nakatira sa dito sa mansion?"
Hindi napigilan ni Lia ang sarili na itanong ang bagay na 'yon kay Seric habang nag-aalmusal silang dalawa sa hapag kainan. Wala na si Mr. Ruvion Lancaster dahil maaga itong umaalis upang magtungo sa kompanya nito. Bahagya siyang tinapunan ng tingin ni Seric at matipid na sinagot, "Hindi." Nais pa sanang magtanong ni Lia ngunit nahalata niyang tila umiiwas si Seric na pag-usapan ang bagay na 'yon. Nais pa sana niyang malaman kung nasaan ang ina nito. "Miss Lia, narito na ang gatas mo." "Salamat po, Manang Loy." Ngumiti ng matamis si Manang Loy na giliw na giliw sa pagiging magalang ng paslit. Biglang tumayo si Seric at hiningi sa isa pang kasambahay ang gamit nito para sa eskwela. "Aalis na po ako Manang Loy, k-kayo na po ang bahala kay Lia." Medyo nagulat si Lia nang marinig ang sinabi ni Seric at lihim siyang napangiti. "Sige ho Master Seric. Mag-iingat po kayo at ako na ang bahala kay Lia." Nang maiwang mag-isa sa hapag kainan ang paslit ay sinamahan siya ni Manang Loy. Pero ilang saglit pa ay muling bumalik si Seric. "Lia," tawag nito. "Umm?" "Anong gusto mong pasalubong mamaya?" Namilog ang mga mata ni Lia at tila biglang natakam nang maisip na nais niya ng cake! Noong nasa bahay ampunan siya, madalang lamang silang makatikim ng cake. "Cake! Gusto ko ng cake Kuya Seric!" "Sige." Iyon lamang at nagtatakbo na palabas ng mansion si Seric dahil baka ma-late na ito sa klase. "Narinig mo po iyon Manang Loy? Dadalhan daw ako ng pasalubong ni Kuya Seric?" Napangiti si Manang Loy at tumayo. Hindi rin maitago ang galak dahil madalang lamang kay Seric ang magpakita ng ganoon sa isang tao. Natutuwa siya at mukhang si Lia ang magiging daan upang magbukas ang preserbadong puso ni Seric para sa iba. Mukhang tama ang desisyon ni Mr. Lancaster na mag-ampon ng batang babae. "Manang Loy, may kapatid po ba si Kuya Seric? Nasaan po ang kaniyang ina?" Natigilan si Manang Loy at hindi alam kung sasagutin ang munting katanungan ng paslit. Ngunit naisip niya na si Lia ay bahagi na ngayon ng pamilyang Lancaster at may karapatan naman na itong malaman ang maliliit na detalye ng pamilyang iyon. "Mayroon siyang kapatid Miss Lia. Sina Master Elvren at Master Kairoz." Napatango-tango si Lia at gumuhit ang kakaibang saya sa mukha niya. Kung ganoon ay mayroon pa siyang dalawang kuya? Napakasaya! "Eh, nasaan na po ang ina ni Kuya Seric? Gusto ko rin po siyang makilala." "Ang bagay na 'yan ay hindi ko puwedeng sagutin, hija. Halika at doon ka muna sa hardin habang nililinisan ko ang bago mong silid at doon ka na matutulog mamaya." Masaya namang sumunod si Lia. Iniwan siya sa hardin ni Manang Loy at iniwanan siya ng mga laruan upang malibang siya. **** NAGISING ang binatilyong si Kairoz Lancaster nang makarinig ng mahinang hagikhik ng isang bata sa may bandang hardin. Hindi niya alam kung imahinasyon lamang niya iyon, dahil imposibleng magkaroon ng bata sa kanilang tahanan. Para makasigurong hindi siya nanaginip lamang, tumayo siya at binuksan ang kurtina sa kaniyang bintana at bahagyang sumilip doon. Bahagyang tinamaan ng sikat ng araw ang maputlang kulay ng kaniyang kutis na mahahalatang matagal nang hindi nasisikatan ng araw. Natanaw niya ang isang batang babae na naglalaro ng bola kasama ang isa nilang hardinero. Napakasaya ng aura nito. Nagtataka siya kung sino ang batang 'yon. "Miss Lia!" Tarantang sigaw ng hardinero ng nadapa ang paslit at matagal bago nakatayo. Mukhang matindi ang pagkakadapa nito at tiyak na nagkaroon ito ng sugat. "Okay lang po ako." Dinig ni Kairoz ang sinabing iyon ng paslit at tumayo na tila walang nangyari. Muli itong nakipaglaro at tawanan sa hardinero. Napailing ang binatilyo, sana ay mayroon siyang ganoong katangian at aura. Ilang saglit pa ay nakarinig ng katok sa pinto si Kairoz. "Pasok." Sabay sara sa kurtina ng kaniyang silid. "Oras na para sa iyong gamot, Master Kairoz..." Marahan siyang tumango at sinenyasan ang kasambahay na ilapit sa kaniya ang gamot na nasa tray na dala nito. Ang gamot na nagpapanatili sa kaniya upang naisin pang mabuhay sa mundo. Paalis na sana ang kasambahay nang muli niya itong tawagin. "Ilabas mo na ang paso ng bulaklak na iyan." Tinuro niya ang mga bulaklak ng Jasmine na nasa paso. Nalalanta na ito kahit pa lagi namang dinidiligan ng kasambahay. Wala talagang bagay ang nakakatagal na kasama siya. Maging tao o bulaklak man. Mabilis namang sumunod ang kasambahay at maingat na lumabas ng silid na dala ang paso ng bulaklak. Samantala nakasalubong naman ni Lia ang kasambahay sa may matarik na hagdan, paakyat sana ang paslit upang tignan ang bago nitong silid. "Ate, akin na lamang po 'yang mga bulaklak." Natigilan ang kasambahay at napatingin kay Manang Loy na kasama ni Lia. "Ito ba? Naku nabubulok na ito Miss Lia at inutusan ako ni Master Kairoz na itapon na ito." "Akin na lang po," pagpupumilit pa rin ni Lia. Mahilig siya sa mga bulaklak, sa katunayan nga ay sa ampunan ay siya ang madalas magdilig ng mga halaman. Sinenyasan ni Manang Loy ang kasambahay na ibigay na iyon sa paslit na agad namang ginawa nito. "Kahit nalalanta na ay ang bango pa rin," ani Lia habang yakap yakap ang paso ng bulaklak at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kaniyang bagong silid. "Paboritong bulaklak 'yan ni Master Kairoz, tiyak na nalungkot na naman 'yon dahil nalanta na naman ang bulaklak na 'yan." Napatingin si Lia kay Manang Loy. "Puwede ko po bang makita si Kuya Kairoz?" Malungkot na umiling si Manang Loy. "Hindi maari Lia. Pasensya ka na ha? Hindi kasi humaharap si Master Kairoz sa mga bagong mukha. Hindi rin iyon lumalabas ng silid at nakikihalubilo. Kung baga may sarili siyang mundo." Medyo nalungkot si Lia sa narinig. Napatingin siya sa hawak na bulaklak, kung ganoon ay kailangan niyang alagaan iyon at piliting mabuhay upang maibigay muli kay Kairoz upang kahit paano ay sumaya itong muli. Nanlali ang mga mata ni Lia nang makita ang malawak na silid na laan para sa kaniya. "Wow! Ang ganda naman po rito ay ang lawak-lawak!" Tuwang tuwang pinagmasdan siya ni Manang Loy habang nagtatalon ito sa malaki at malambot na kama. Sadyang napakadali nitong pasayahin. Nakakasigurado si Manang Loy na malaki ang magiging papel ni Lia sa buhay ng mga Lancaster.NALINGAT si Kairoz sa pamilyar na amoy ng isang bulaklak —ang amoy ng paborito niyang Jasmine. Marahan niyang iminulat ang mga mata at ang unang sumalubong sa kaniyang paningin ay ang malamig at madilim niyang silid. Mapa-umaga o gabi man ay laging sarado ang makakapal na kurtina sa kaniyang silid, dahil sa kadiliman ay nakakatagpo siya ng katahimikan. Marahan siyang bumangon, kasabay n'un ay ang mararahang katok sa kaniyang silid. "Master Kairoz, oras na po para sa'yong tanghalian." Dinig niyang wika ng nasa labas. Napabuntong hininga si Kairoz. Bakit ba pilit pa rin siyang dinadalhan ng pagkain kahit sinasabi niya ng ayaw niyang kumain? "Come in." Pinapasok niya ang kasambahay hindi dahil para kunin ang pagkain kundi may nais lamang siyang itanong. Bumukas ang pinto at sumambulat sa silid ang liwanag nang sinindi ng kasambahay ang ilaw. Nakita niya ang kasambahay na may dalang tray ng paglain. Ito ang laging nagdadala sa kaniya ng kaniyang gamot at pagka
NALUNGKOT si Lia nang mabalitaan mula kay Manang Loy na hindi pinagbuksan ng pintuan ni Kairoz si Miss Sandy. Umalis na lamang ang babae na halata ang lungkot sa mga mata ni hindi na nga nito nagawang magpaalam pa. "Bakit po ayaw ni Kuya Kairoz ng mga bisita?" Inosenteng usisa niya sa ginang. Napatigil saglit sa pagpunas sa mga kubyertos si Manang Loy at bumuntong hininga. "Paano ko ba ito sasabihin sa'yo sa bagay na mauunawaan mo?" Hindi sumagot ang paslit. Pero sa kaniya ay madali lamang niyang maunawaan ang mga bagay bagay kung ipaliliwanag sa kaniya. "Ganito kasi 'yon, hija. Nagsimula ang lahat nang maghiwalay sina Mr. Lancaster at ang ina nina Master Kairoz. Mula noon ay hindi ko na muling nakitang ngumiti at nakihalubilo si Master Kairoz kanino man." "Bakit po sila naghiwalay?" Napangiti si Manang Loy. Isang malungkot na ngiti. "Balang araw malalaman mo rin kung bakit." Sa batang isip ni Lia ay hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng
NAKAUGALIAN na ni Lia na tumulong sa pagdidilig ng halaman kay Mang Tom tuwing umaga. Kagaya nang araw na 'yon ay masaya siyang tumutulong. Nang biglang kapwa nila narinig na may nagkakagulo sa gate ng mga Lancaster. "Naku ano na naman kaya iyon?" Napapakamot sa ulong wika ni Mang Tom at muling ipinagpatuloy ang pagdidilig. Samantalang si Lia nang dahil sa kuryosidad ay marahang lumapit sa hindi kalayuan sa gate lalo na nang makita niya si Manang Loy na nagtungo sa gate. Nagtago lamang siya doon at nakiramdam. "Let me in! Let me in, idiot!" Mula sa pinagtataguan ni Lia ay dinig niyang sigaw ng babae sa mga gwardyang naroon na pumipigil dito para makapasok sa solar ng mga Lancaster. Hindi pamilyar kay Lia ang babae, pero tila may kamukha ito, hindi lang niya mapagsino. "Ipinagbabawal po kayong pumasok, ma'am. Pasensya na po," anang gwardya. "Anong ipinagbabawal?! Hindi mo ba ako nakikilala? I am Sherley Costillas, you idiot! Papasukin niyo ako at nais kong m
"WHERE?" Kalmadong tanong ni Ruvion sa paslit. "G-gusto ko po sanang ibigay kay Kuya Seric ang mga 'yan." Walang salitang binitbit ni Ruvion ang paso ng bulaklak at naglakad patungo sa dining room. Nakasunod si Lia sa lalaki at pinagmamasdan ito ng tahimik. Nakapang opisina na ito at halatang paalis na, sa totoo lang ay nakakaintimidate ang aura nito nang mga sandaling 'yon, pero ang paso ng bulaklak ay tila nilusaw nito aurang 'yon. Sa inosenteng isip ni Lia ay naisip niyang bagay na bagay kay Tito Ruvion niya ang maging isang hardinero o tagapag-alaga ng mga bulaklak! Natigilan si Seric nang makita ang ama na imbes na attache case ang bitbit kagaya ng madalas na bitbit nito, ay isang pasong bulaklak 'yon. Bagay na hindi naman nito karaniwang ginagawa. "Kuya!" Biglang lumusot mula sa likuran ng ama si Lia na may masayang mukha. "Bibigyan kita ng bulaklak!" Mabilis na sabi pa nito. Natigilan si Seric at ilang segundong hindi nakauma. Habang ipinatong naman
"AYOS ka lang ba?" May pag-aalala sa tinig ni Manang Loy nang tignan ang pobreng paslit na nanatili lamang sa likuran niya, hangat hindi nakaalis si Mrs. Costillas. Tahimik lamang ito, naluluha at nahihiya. "A-ayos lang po ako..." Ngunit alam ni Manang Loy na hindi ito okay. Napabuntong hininga siya at ginulo ang makintab na buhok ni Lia. "Huwag mong intindihin si Mrs. Costillas, Miss Lia. Ang mabuti pa ay sumama ka sa akin at ipapakita ko sa'yo ang silid mo, tiyak na magugustuhan mo ang bagong ayos nito. May mga bulaklak din akong ipinalagay sa silid mo." Pilit na ngumiti si Lia sa ginang at tahimik na sumunod dito. Nang makarating sa silid ay namangha si Lia sa bagong ayos n'un. Kung maganda na ang dati ay higit na maganda ang ayos nito ngayon, magaan at mas kaaya-aya sa mata. Lalong-lalo na at may mga sariwang bulaklak na nasa paligid na nagdagdag sa ganda ng silid. "Ang ganda!" Tinakbo ni Lia ang rectangular table na puno ng paso ng mga bulaklak. Ang m
PAGDATING pa lamang ni Seric sa The Forth High School ay hindi na nakaligtas sa kaniya ang pasimpleng tingin ng grupo ni Ravin habang nagtatawanan ang mga ito. Gaya ng laging ginagawa ng batang si Seric, hindi niya pinansin ang mga ito. For him, they we're not worth the time. Naglakad siya sa hallway patungo sa classroom nila, pero naramdaman niyang sumunod ang mga ito, bagay na lihim niyang ikinainis. Talagang naghahanap ng gulo si Ravin. "Saglit lang Lancaster." Boses ni Ravin na tila may pang-aasar pa. Pero hindi pa rin ito pinansin ni Seric at nagpatuloy sa paglalakad. "Sinabi ng saglit lang!" May bahid na ng inis ang tinig ni Ravin. Pero nagpatuloy pa rin sa paglalakad si Seric na tila walang naririnig. Hangang sa muling sumigaw si Ravin, "Balita namin nag-ampon ang dad mo, ano ah? Siya ba ang papalit sainyong magkakapatid bilang tagapagmana?" Doon natigilan si Seric sa paglalakad, pero hindi pa rin nag abalang lumingon kina Ravin. "Paanong hindi