Chapter 60: Katotohanan sa likod ng kasinungalinganHINDI agad sinagot ni Julia si Jaxon. Pero para makuha ang tiwala nito at manatili sa tabi ni Skylar, inilabas niya ang alas niya; hinubad niya ang kwintas sa leeg niya at inihagis ito kay Jaxon.Isang singsing ang pendant ng kwintas.Sa loob nito, may nakaukit na pangalan sa English at isang family emblem. Pinulot ito ni Jaxon at matagal na tiningnan. At nang makita niya kung anong nakaukit sa loob...Nanlaki ang mata niya. Tama ba ang nakikita niya? Kilala ni Jaxon ang family emblem na ito. Nakita niya ito noon sa mga iniwang gamit ng nanay ni Skylar.Kung tama ang hinala niya, si Julia ay kamag-anak ni Skylar. Tinitigan niya ang babae nang mas mabuti.Ngayon, mas napansin niyang may pagkakahawig nga ang mga mukha nila. Si Skylar at Julia. "Ngayon, Mr. Larrazabal, naniniwala ka na bang hindi ko sasaktan si Skylar?"Malalim ang titig ni Julia. Alam nitong natuklasan na ni Jaxon ang sikreto nito. Ngumiti si Julia nang bahagya. "Ayo
Mula bata siya, ni minsan, hindi pinag-usapan ng mga magulang niya ang nakaraan nila. Hindi man lang niya alam kung sino ang mga lolo’t lola niya.At sa puntong iyon... Nagsimulang mabuo ang duda sa puso niya.'Naalala ko lang, minsan noong bata pa ako, tinanong ko ang nanay ko tungkol sa mga lolo’t lola ko. Sinabi niya na matagal na silang patay. Si Lito naman, sinabi niyang ulila siya at hindi rin niya kilala ang pamilya niya.' aniya sa isip. 'Noong tinanong ko naman si Mama kung may mga kapatid siya, biglang namula ang mata niya at sinabing namatay silang lahat kasama ng mga lolo’t lola ko. At mula noon, hindi na siya nagsalita tungkol sa nakaraan niya.' dagdag pa ng isip niya. "Skylar, alam mo bang hindi talaga Anya De Leon ang tunay na pangalan ng nanay mo?""Ano?!" Napatigil siya sa narinig. Sa totoo lang, parang awtomatikong naniwala si Skylar na mas maraming alam si Julia tungkol sa pamilya niya kaysa sa kanya mismo."Alyona Zoya Romanova ang tunay niyang pangalan. Siya ang
Chapter 61: LitoSi Skylar ay sobra-sobra ang emosyon pero si Julia ay nakaupo nang maayos, walang emosyon sa kanyang mukha.Matapos ang mahabang katahimikan, sinabi ni Julia. “Skylar, bigla kong sinabi sa’yo ang napakaraming bagay. Alam kong mahirap itong tanggapin agad pero gusto ko pa rin sabihin na totoo ang lahat ng sinasabi ko. Hindi masamang tao si Tito Lito. Mabuting tao siya.”“Heh…!” Napangisi nang mapait si Skylar. Kung sinabi ni Julia na anak ng dating lider ng gang ang nanay niya, baka maniwala pa siya. Pero kung ipipilit nitong mabuting tao si Lito, mas pipiliin na lang niyang mamatay kaysa maniwala roon.Dahil sa mga taon ng pang-aapi at pagmamalupit ni Lito, hindi niya iyon kailanman malilimutan. Nasa puso na niya ang sakit. Tapos ang dating ngayon ng mga naririnig niya, para iyon hindi siya mapahamak? Ang laking kalokohan. “Skylar, alam mo ba kung bakit palaging dumarating si Jaxon para iligtas ka tuwing ibinebenta ka ni Tito Lito?” Biglang iniba ni Julia ang usapan
Hinawakan ni Skylar ang kamay ni Julia habang namumula ang kanyang mga mata. “At ako rin, lumaki na ako. Magsasama tayo sa pagkuha ng mga bagay na talagang pagmamay-ari ng ating mga magulang!”Napatawa si Julia. “Sige, gawin natin ito nang magkasama! Kapag nagkaisa ang magkapatid, kahit bakal kayang putulin ng lakas nila. May kasabihang ganoon, hindi ba.”"Ka—" Biglang bumukas ang bakal na pinto. Napatingin si Skylar at laking gulat niya nang mapansin na nasa harap na pala sila ng isang city jail. Hindi niya namalayan na dinala siya ni Julia roon.“Juju, bakit mo ako dinala sa kulungan?” Nakasimangot siyang nagtanong.“May susunduin tayo.” Kalmadong sagot ni Julia habang inaalis ang seatbelt at bumaba ng sasakyan.Nagulat si Skylar at muntik nang magtanong kung sino ang susunduin nila pero bago pa siya makapagsalita, nakita niyang lumabas ng kulungan si Lito na may bitbit na isang bag.“Tito Lito!” Masayang lumapit si Julia.“Nakakatuwa naman si Juju. May malasakit ka pa rin sa akin a
Chapter 62: Bakit mo ako pinabayaan noonPAGKAUPO sa kotse, sinabi ni Julia kay Skylar na hindi nawala ang lahat ng mga antiques na naipon ni Alyona noong nagtayo ito ng antique shop. Karamihan sa mga ito ay maayos pang nakatago.Bukod pa rito, si Lito pala ay isang “God of Gambling” at yung mga taon na palagi itong natatalo—kunwari lang pala iyon! Ginawa nito iyon para linlangin ang Letat Gang; para isipin nilang isa itong inutil at walang banta sa kanila. Dahil dito, hindi na nagplano ang Letat Gang na patayin silang tatlo.Nanlaki ang mata ni Skylar sa gulat. Kumurap-kurap siya, hindi pa rin makapaniwala. Pakiramdam niya, parang isang fantasy story lang ang lahat.“Si Papa? Gambling God?” Hindi niya matanggap na ang taong araw-araw hinahabol ng mga nagpapautang ay isang gambling god pala! Parang imposible!“Siyempre totoo!” Masayang lumingon sa kanya si Julia. “Sinasabi ko sa’yo, hindi mo pa kasi nakikita kung paano niya durugin ang lahat sa casino! Kung nakita mo lang, baka maging
Tiningnan ni Skylar nang diretso sa mata si Jaxon pero parang may bumara sa lalamunan niya. Mahinang lumabas ang boses niya mula sa labi. “Ako… nalaman ko na ang tunay na pagkatao ni Julia at ng nanay ko.”Bahagyang tumango si Jaxon. “Mm, sinabi na sa’kin ni Julia.”“Ha? Alam mo na?” Medyo nagulat siya. “Ibig sabihin, alam mo rin na si Papa ay isang gambling god pala? Na ilang beses niya akong ibinenta at sinadya niyang itulak ako sa kapahamakan, hindi para talagang ipahamak ako kundi para lang subukan kung gaano ako kahalaga sa ’yo? Para malaman kung tutulungan mo silang maghiganti dahil sa ’kin?”“Mm.” Mahinang tugon ni Jaxon. Naramdaman ni Jaxon na nanuyo ang lalamunan nito kaya kinuha nito ang baso sa coffee table at uminom ng tubig.Sa reaksyon ni Jaxon, bumagsak ang puso ni Skylar. Parang lumubog sa kailaliman ang puso nya. Natural lang naman ito.Sino ba ang hindi magagalit kung malalaman niyang ginagamit lang siya ng pamilya ng asawa niya?“Pasensya na…” Iniiwas niya ang tingi
Chapter 63: Katotohanan sa nangyari sa lumipas na limang taon“SABIHIN mo sa’kin, Jaxon, bakit hindi mo ako pinaniwalaan? Totoo ang nangyari kay Jelly Beans. Nalaglag siya nang aksidente! Hindi ko sinadyang mabunggo ng sasakyan! Bakit hindi mo ako pinaniwalaan?”Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasira ang relasyon nila ni Jaxon. Ngayon, gusto niyang malaman kung bakit hindi siya pinagkatiwalaan nito noon. Bakit naniwala ito na sinadya niyang salubungin ang sasakyan?Habang inaalala ang masakit na nakaraan, napabuntong-hininga si Jaxon at nagsalita nang seryoso. “Si Barbara ang nagsabi sa ’kin. Ayon sa kanya, nasa kalye ka noon, parang wala sa sarili at bigla ka na lang sumugod sa sasakyan. Akala ko, dahil ayaw mong tumigil sa pag-aaral para magkaanak kaya sinadya mong ipahamak ang sarili mo.”Napasinghap si Skylar. Si Barbara pala ang naglagay ng lason sa isip ni Jaxon! Nanigas ang labi niya sa inis. Tatlong segundo siyang natahimik bago sumabog ang galit niya. “Sira ulo siya! Sir
Hinaplos ni Jaxon ang magulong buhok ni Skylar saka hinawakan ang kamay niya. “Huwag kang mag-alala. Hindi ko hahayaang may manakit sa’yo.”Nang maramdaman niya ang init ng palad ni Jaxon, parang may bumalot na seguridad sa kanya. Pumwesto siya nang maayos sa balikat nito, at bumulong, “Sa susunod, kahit ano pang mangyari, dapat maniwala ka sa’kin.”“Okay.” Mahinang sagot ni Jaxon, may ngiti sa mga mata nito. Biglang parang may naalala si Skylar at tumayo. "Teka, gusto ng tatay ko at ni Julia na gamitin ang kapangyarihan ng pamilya mo?""Hayaan mo sila." May nakangiting lambing sa mga mata ni Jaxon.Medyo natigilan si Skylar, parang nakakita ng multo. "Ginagamit ka nila, hindi ba dati ayaw mo sa mga taong manggagamit?""Masaya ako.""Masaya? Masaya saan?" Hindi agad niya nakuha ang ibig nitong sabihin.Inabot ni Jaxon ang ilong niya at kinurot ito nang bahagya. "Ang tanga mo talaga minsan. Masaya akong ginagamit nila ako para makapaghiganti ka para sa nanay mo, tiyuhin mo at mga lolo
Hindi siya natatakot kay Yssavel, pero magkaibigan talaga sina Jesse at Zedrick.Sige na nga. Pabor na lang kay Jesse.“Papasukin mo.”“Opo.”Napangiti ng kaunti ang katulong at agad lumakad papunta sa pintuan para isama si Beatrice papasok.Naupo si Skylar sa sofa, umiinom ng gatas habang nakatitig lang sa TV. Nagkunwaring walang naririnig habang papalapit si Beatrice.Napatingin si Beatrice sa katulong, halatang alanganin. Nginitian siya ng katulong at dahan-dahang nagsalita.“Second Young Madam, nandito na po si Madam Lim.”“Madam Lim?”Napakunot ang noo ni Skylar, halatang hindi natuwa sa tawag. Ibinaba niya ang baso at malamig na tiningnan ang katulong.“Sino raw si Madam Lim?”Hindi maintindihan ng katulong kung ano ang problema ni Skylar, pero natakot ito sa malamig na tingin niya. Hindi na ito nagsalita. Alam ni Beatrice na gusto siyang hiyain ni Skylar. Tama nga siya. Nagpatuloy si Skylar, at parang tinuturuan ang katulong.“Yung asawa ni Madam Beatrice, patay na, at ang ape
Chapter 226: Totoong may pakanaHINDI sinagot ni Jeandric ang tawag ni Harvey, sa halip ay tinitigan niya lang ang screen ng cellphone nang malamig. Tahimik lang siyang nanood habang paulit-ulit na tinatawagan ni Harvey si Audrey. Mahaba ang kanyang pasensya. Matapos tumawag nang sunod-sunod si Harvey sa loob ng sampung minuto, saka lang pinindot ni Jeandric ang power button para patayin ang cellphone.Bago pa tuluyang namatay ang phone, kumikislap pa rin ang tawag ni Harvey. Parang nakita pa ni Jeandric sa screen ang mukha ni Harvey na puno ng pag-aalala dahil hindi niya makontak si Audrey.Napangisi si Jeandric at nagsimulang manukso. Ganito ang resulta ng pang-aagaw ng mahal niya - mapapraning ka.Matapos patayin ang cellphone, inilagay ni Jeandric ang cellphone ni Audrey sa kanyang bag. Tapos, marahang yumuko si Jeandric para buhatin si Audrey at dinala ito na para bang isang napakahalagang kayamanan.Tulad ng inaasahan ni Jeandric, baliw na sa pag-aalala si Harvey sa mga oras na
Si Jeandric ang pumili ng kanta. Bago ito, at hindi pa naririnig ni Audrey. Pero pagpatugtog ng intro, agad siyang nabighani sa ganda ng melodya.Si Jeandric ang nagsimula. Siya rin ang kumanta ng unang linya.Pagkabigkas niya ng lyrics, parang may tinik na humarang sa lalamunan ni Audrey. Ang bigat sa pakiramdam.“Say something, I'm giving up on you... I'll be the one if you want me to... Anywhere, I would've followed you... Say something, I'm giving up on you.”Halatang ginamit ni Jeandric ang lyrics ng kanta para iparating kay Audrey na dapat na siyang bumitaw kay Jaxon.“...And I will swallow my pride... You're the one that I love... And I'm saying goodbye...”Pagkatapos ni Jeandric kumanta, inalis niya ang mic sa bibig niya at iniabot kay Audrey.Ngumiti si Audrey at umiling. “Hindi, ‘di ko pa narinig ‘tong kanta. ‘Di ko kakayanin.”“E di inom na lang tayo.” Hindi na siya pinilit ni Jeandric. Tumango si Audrey, iniwan ang mic, pero mabigat ang pakiramdam niya dahil sa lyrics ng k
Chapter 225: Ang may gawaHABANG gumugulong si Jaxon sa kama habang kayakap si Skylar, si Audrey naman ay nakaupo pa rin sa loob ng kotse ni Jeandric, malungkot na malungkot.Tumatama ang maliwanag na sikat ng araw sa mukha niyang sobrang maputla, na parang walang dugo. Ramdam na ramdam niya ang sakit ng pagkawala ni Jaxon at Skylar para bang nagyelo ang puso niya at hindi na niya maramdaman ang kahit kaunting init.Nasa driver's seat si Jeandric at siya ang nagmamaneho. Malalim at seryoso ang tingin niya, at parang hindi rin niya alam kung saan siya pupunta. Paminsan-minsan, tumitingin siya sa rearview mirror para silipin si Audrey. Nang makita niyang parang nawalan na ito ng gana sa buhay, lalo siyang nainis at napakunot ang noo.“Saan tayo pupunta ngayon?” Siguro dahil sa sobrang bigat ng katahimikan, napilitan na rin magsalita si Jeandric para maputol ito.“Ikaw na ang bahala.” Pumikit si Audrey na halatang pagod na, inayos ang upo niya at tumingin sa bintana.Lalo pang uminit ang
Chapter 224: DivorceNANG lumapat ang halik ni Jaxon, kumabog ang dibdib ni Skylar at bahagyang nanginig ang katawan niya.Masayang-masaya si Jaxon sa pagiging sensitibo ng katawan ni Skylar. Bahagyang umangat ang kanyang manipis na labi, lumitaw ang magandang ngiti. Huminto siya sa paghalik at sa malamig pero kaakit-akit na boses ay bumulong sa tenga ni Skylar."Kung ayaw mo akong tulungan maligo, ako na lang ang tutulong sayo."Nagsimula nang maging maloko si Jaxon. Napangiwi si Skylar, bahagyang kumurap ang kanyang mga mata na para bang may banta. Pagkalipas ng mga tatlong segundo, tinaas niya ang paa niya, at buong lakas niya itong ibinagsak sa paa ni Jaxon."Ugh!"Napakunot ang makakapal na kilay ni Jaxon. Kanina lang ay sobrang yabang ng mukha niya, parang siya lang ang may hawak ng sitwasyon, pero biglang namula at nanikip ang mukha niya sa sakit dahil sa mabilis na atake ni Skylar."Skylar, ikaw talaga…" galit na galit niyang sabi."Ikaw na lang ang maghugas niyan!" malamig na
Ngumiti lang si Yssavel at hindi sumagot. Naging sensitibo si Xenara at hindi na nagtanong pa. Tahimik lang siyang nanood habang sumusulat si Yssavel. Maya-maya, naalala niya ang isang bagay. Hindi niya napigilan ang kuryosidad niya kaya maingat siyang nagtanong.“Ninang, pwede po ba akong magtanong?”“Sige, magtanong ka.”“Hindi na si Zeyn at ang tatay niyang si Juan ang namumuno sa Leeds Group ng pamilya Lacson-Leeds. Bakit sila pa rin ang pinili ninyong kakampi, hindi sina Yorrick at Clifford na sila na ang may kapangyarihan?”Pakiramdam ni Xenara, natural lang na makipag-alyado sa mas malakas. Kaya mas logical kung sila ang pinili.Medyo nag-iba ang expression ni Yssavel sa tanong na ito.Kung siya lang ang masusunod, gusto rin niya na sina Yorrick at Clifford ang kakampi. Pero ewan niya ba kung anong problema ng magtiyuhing 'yon. Noong nasa Amerika pa siya, ilang ulit siyang nag-try na makipag-ugnayan sa kanila, pero iniiwasan talaga siya. Kahit noong nagkita na sila sa public eve
Chapter 223: Little fairyMAGANDA at mainit ang sikat ng araw. Nasa balcony si Xenara habang sumasagot ng tawag sa phone. Pagkarinig niya ng balita mula sa spy niya, hindi napigilan ng kanyang mapulang labi ang ngumiti sa tuwa.“Sige, naiintindihan ko na. Ituloy mo lang ang pagmamanman. Tawagan mo agad ako pag may bago.”Masayang pinatay ni Xenara ang tawag, tumingala sa maganda at maaliwalas na tanawin sa hardin sa baba ng balcony, huminga ng malalim at masaya, tapos bumalik sa loob ng bahay.Ito ay ang study room ni Yssavel. Mahilig si Yssavel sa calligraphy. Sa ngayon, nakatayo siya sa harap ng mesa, ginagaya ang calligraphy work ng isang sikat na tao. Dahil sa seryoso at focus niyang itsura, tapos may dating pa siya na parang reyna ng bahay, sa unang tingin, mukha talaga siyang isang malaking artist na bihasa.Pagbalik ni Xenara mula sa balcony, halos paubos na ang tinta sa inkstone ni Yssavel. Agad siyang lumapit at nagsimulang gilingin ang tinta habang nagrereport.“Ninang, sak
Chapter 222: Hindi sinasabiTUMALIKOD si Jaxon at tumingin sa labas ng bintanang salamin sa sala. Nakita niyang nakaupo si Skylar sa sahig, hawak ang ulo, at nanginginig ang buong katawan habang umiiyak.Biglang nanlaki ang mata niya at dali-daling tumakbo papunta sa sala. Pero ilang hakbang pa lang siya, nakita na niya si Jeandric na buhat si Audrey habang papalapit mula sa sala.Masama ang itsura ni Jeandric. Para bang may may utang sa kanya ng daang bilyon na hindi pa nababayaran.Nakapulupot ang mga braso ni Audrey sa leeg niya at nakabaon ang mukha sa dibdib nito. Natatakpan ng buhok niya ang mukha kaya hindi makita ni Jaxon ang itsura niya.Habang palapit si Jeandric sa kanya, napansin ni Jaxon na nanginginig din ang katawan ni Audrey tulad ni Skylar.Doon niya naisip na siguro ay nag-away sina Skylar at Audrey. Pero matalino siya at hindi na nagtatanong kung bakit. Tahimik siyang dumaan sa tabi ni Jeandric na pareho ring seryoso ang mukha.Nang magtagpo sila ni Jeandric, bahagy
Chapter 221: Friendship overNARAMDAMAN ni Audrey ang matinding sakit sa puso niya.Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang sinabi ni Skylar, "Kasi, ang mahal niya, hindi ikaw. Ako iyon."Parang kutsilyo ang bawat salita, mas masakit pa kaysa sa sampal na tinanggap niya mula kay Skylar.Matagal na niyang hindi kayang maglakas-loob na umamin kay Jaxon dahil alam niya sa sarili niya na ang mahal talaga ni Jaxon ay si Skylar. Takot siyang mabigo, takot siyang tanggihan, at higit sa lahat, takot siyang tuluyang mawala si Jaxon.Tama si Skylar, isa siyang duwag. Mas duwag pa kina Xenara at Barbara.Pag-isip niya nang ganito, namasa ang mga mata ni Audrey. Tapos, ngumiti siya nang pakunwari at tumingin kay Skylar na parang may hamon."Hindi ka naman si Jaxon, paano mong nasabing hindi niya ako gusto?"Tumingin si Skylar sa kanya, walang emosyon, pero may bahid ng pagmamayabang."Sinabi niya sa akin mismo. Noong birthday ni Yssavel, nung sinabi ni Barbara sa harap ng lahat na gusto mo si J