Chapter 82: Ako lang ang nababagay kay Jaxon LarrazabalSI SHAYLA NA pinsan ni Skylar, ay isang mababaw at walang isip na fangirl. Pero hindi siya tulad ng ibang babae na nahuhumaling sa mga gwapong artista sa showbiz. Ang ultimate idol niya ay si Darcey, ang chief jewelry designer.Balita nga na kahit anong alahas na idisenyo ni Darcey ay binibili niya kahit pa hindi iyon bagay sa kanya. Para sa kanya, lahat ng gawa ni Darcey ay perfect at lahat ng sinasabi nito ay tama. Kahit pa isang tumpok ng basura ang idisenyo ni Darcey, yayakapin pa rin ni Shayla iyon na parang kayamanan.Kaya nang marinig niyang nasa jewelry store si Darcey, dali-dali siyang pumunta para makita ang idolo niya."Miss Shayla!" Bumabati ang mga shopping assistant sa kanya na parang nakakita ng diyos ng kayamanan. Halos mag-unahan silang lahat para lumapit sa kanya."Miss Shayla, sakto ang dating niyo! May mga bagong labas kaming alahas ngayon, lahat gawa ni Darcey!" Isang matangkad na saleslady ang nanalo sa unah
Nang mapansin niyang nagalit si Jaxon, yumuko si Skylar at kinagat ang kanyang labi. Bigla siyang natahimik at hindi na naglakas-loob magsalita.Hinawi ni Jaxon ang isang hibla ng buhok mula sa kanyang collarbone at inayos ito sa likod ng balikat niya. Ang boses nitong malalim at punong-puno ng lambing. "Huwag mo nang gawin ang ganitong biro sa susunod. Hindi ito nakakatawa, naiintindihan mo?"Tumango si Skylar. Pero sa loob-loob niya, parang lalabas na sa lalamunan niya ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok nito.Hindi ito ang unang beses na naging sobrang lambing sa kanya ni Jaxon pero sa tuwing ginagawa nito iyon, pakiramdam niya ay parang isang dalagang unang beses umibig. Parang lagi siyang bumabalik sa unang pagkakataon niyang mahulog sa asawa. Uminit ang kanyang pisngi, namula siya nang hindi sinasadya.Napansin ni Jaxon kung gaano ka-cute si Skylar dahil nahihiya siya. Hindi nito napigilang ibaba nang bahagya ang ulo, na parang hahàlikan siya.Habang papalapit ang mukha ni
Chapter 83: Salamat at bumalik kaPAGKAALIS nila sa jewelry store, inutusan ni Jaxon si Wallace na ibalik ang sasakyan sa hotel. Habang nasa daan, mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Skylar at hindi niya ito binitawan kahit pawis na ang kanyang palad.Pakiramdam ni Skylar, may kakaiba kay Jaxon.Ang kamay niyang balot ng pawis ay basa at malagkit kaya hindi siya komportable.Dalawang beses niyang sinubukang kumawala pero hindi niya nagawang alisin ang kamay niya. Sa huli, napilitan siyang sumuko. Tinitigan niya ang matangos at gwapong mukha ni Jaxon at napabuntong-hininga.Sa alaala niya, palaging sobrang possessive at dominante si Jaxon pagdating sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung anong klase ng skill ang pinag-aralan nito para mapigil ang matinding pagnanasa sa loob ng limang taong hindi sila nagkita. Pero hindi niya na kayang isipin pa nang mas malalim.Sa loob ng limang taon, siguradong naghirap din ito—tulad niya. Malamang, madalas din itong hindi makatulog sa ga
Dalawang beses siyang tinanong ni Jaxon kung gusto niyang magpakasal sa kanya. At sa parehong pagkakataon, ginamit niya ang salitang handa ka ba?—hindi isang utos, kundi isang tanong na nagbigay ng respeto sa kanyang sagot.Siyempre, kung tumanggi siya at sinabing ayoko, malamang sa ilang segundo lang, babalik si Jaxon sa pagiging dominante nitong sarili at pipilitin siyang pumayag.Habang lumuluha, tinitigan ni Skylar si Jaxon, at mabilis siyang tumango na parang dinudurog ang bawang."Oo! Oo naman!" sigaw niya nang masaya.Nang makita ni Jaxon na bumabagsak ang masasayang luha ni Skylar na parang ulan, bahagyang ngumiti ang kanyang manipis na labi at nabuo ang isang ngiting hindi pa niya nagagawa noon. Sa unang pagkakataon, pakiramdam niya, napakaganda ni Skylar habang umiiyak.Pagkatapos, yumuko siya at hinalîkan ang likod ng maputi at makinis na kamay nito. Sa puso niya, tahimik siyang nagpasalamat.'Salamat sa pagpapakasal sa akin at sa pagpili mong makasama ako habang buhay.'Ma
Chapter 84: Hatol kay PhilipSA LOOB ng mansion ng pamilya Romanova sa Vigan City, mabilis na naglakad si Jessie papunta sa opisina ni Abram.Matagal na niyang sinusubukan kumbinsihin si Abram na tulungan si Philip na makalabas ng kulungan. Araw-araw siyang nagpapaliwanag at nakikiusap pero paulit-ulit lang sinasabi ni Abram na huli na para iligtas ito.Ngayon na malapit na ang araw ng hatol kay Philip, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Kahit alam niyang maliit lang ang posibilidad na makumbinsi niya si Abram, susubukan pa rin niya sa huling pagkakataon.Knock! Kumatok siya sa pinto at tinawag ang kapatid. "Kuya, ako 'to.""Pasok." Narinig niyang sagot ni Abram mula sa loob. Mabigat ang tono ng boses nito, halatang hindi maganda ang pakiramdam.Napakunot-noo si Jessie. Iniisip niyang baka hindi tamang oras para istorbohin ito pero dahil mas mahalaga kay Jessie ang bawat segundo dahil naiisip si Philip, hindi na siya nagdalawang-isip.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at marahang
Isinuot ni Abram ang kanyang coat at inilock sa drawer ang mga account book sa mesa.Hindi pa rin mapakali si Jessie. “Kuya, ‘wag mo nang pilitin si Yannie. Simula nung lumabas ang iskandalo niya tungkol sa mga malalaswang litrato, palaging masama ang tingin sa kanya ng mga tao. Kahit gusto siya ng anak ni Mayor Tecson, malamang hindi basta-basta tatanggapin ng mag-asawa si Yannie bilang manugang nila.”Napairap si Abram. “Ang lahat ng bagay ay nakukuha sa pagsisikap. Paano mo malalaman na hindi puwedeng mangyari kung hindi mo susubukan?”Napabuntong-hininga na lang si Jessie. Alam niyang walang saysay pang makipagtalo.“Inutusan ko na ang asawa ko na ipagamit kay Yannie ang ilan sa mga bagong alahas na binili niya. Wag mong hayaang lumabas si Yannie na mukhang kawawa dahil lang nakakulong si Philip. Ayoko siyang minamaliit ng mga tao.” Habang sinasabi ito, binuksan ni Abram ang pinto.Laking gulat niya nang makita si Yannie na nakatayo sa harapan.Napatigil silang dalawa ni Jessie, h
Chapter 85: EavesdroppingSA CELEBRATION hall sa unang palapag, magkayakap na nagsasayaw ng waltz sina Leander at Yannie sa dance floor.Habang sumasayaw, nakangiti si Leander kay Yannie, pero panay ang sulyap niya sa malalim nitong cleavage. Hindi mapakali ang kamay niya at walang pakundangang hinahaplos ang makitid nitong baywang. Minsan, hinahatak pa niya ito palapit sa kanya para maidikit ang dibdib ni Yannie sa katawan niya.Dahil wala nang suporta mula sa pamilya ng mga Yan, nag-iba na ang estado ni Yannie. Kung gusto niyang makabalik sa dati niyang kinang, kailangan niyang makahanap agad ng isang malakas na taong magiging sandalan niya.At si Leander Tecson na yakap-yakap niya ngayon, ay isang magandang kandidato. Bukod sa pagiging nag-iisang anak ng mayor ng Vigan City, may lihim din siyang koneksyon sa sindikatong Letat Gang ng tiyuhin niya. Mayaman, makapangyarihan, at kilalang-kilala sa lungsod.Mas mabuti nang kumapit kay Leander kaysa manatili sa ilalim ng bubong ng tiyuh
Namutla si Yannie. Natakot siya, agad na hinawakan ang kamay ni Leander at pakiusap na sinabi, "Leander, ayoko nito. Kahit anong gusto mo, gagawin ko. Basta wag mo akong pilitin uminom niyan, please."Ayaw na niyang maranasan ulit ang bangungot na mawalan ng kontrol sa sarili, nakahandusay sa sahig na parang aso, at nagmamakaawa sa isang lalaki para hawakan siya. "Talaga? Ibig sabihin, kahit anong ipagawa ko sa 'yo, susunod ka?" tanong ni Leander habang iniikot ang alak sa kanyang baso.Mabilis na tumango si Yannie."Sige, gamitin mo yang bibig mo para pasayahin ako."..."Ugh..." Nakayakap si Yannie sa inidoro habang walang tigil na sumusuka. Ngayon lang niya naramdaman na ang mga lalaki ang pinaka-nakakasuklam na nilalang sa mundo.Sa tuwing naaalala niya ang nangyari kanina kung paano niya pinagsilbihan si Leander, parang bumabaliktad ang sikmura niya.Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa banyo pero pakiramdam niya wala nang laman ang tiyan niya kundi acid at parang mamamatay
Chapter 217: AbortionNAMUMUO ang luha sa maliwanag at madilim na mga mata ni Audrey. Talagang malungkot siya at labis ang pagkadismaya niya kay Harvey.Ayaw niyang makasamaan ng loob si Skylar. Kung magkaaway sila ni Skylar, mawawala rin sa kanya si Jaxon.Lumaki si Audrey sa ilalim ng mata ni Harvey. Sa buong mundo, siya ang nakakakilala kay Audrey nang pinakabuti. Kaya paano niya hindi malalaman ang iniisip ni Audrey ngayon? Matagal niyang tinitigan ang basang mga mata ni Audrey at lalo siyang nainis."Drey, hindi mo naman talaga iniintindi si Skylar. Ang iniintindi mo, si Jaxon. Natatakot kang mawala si Jaxon kapag nasira ang relasyon niyo ni Skylar."Walang pakundangang sinabi ni Harvey ang tunay na iniisip ni Audrey."Kung mabuhay o mamatay si Skylar, hindi mo naman talaga iniintindi. Noong kinidnap siya ni Zeyn, may tinig sa puso mo na sumisigaw na 'Wag mo siyang iligtas, pabayaan mo siyang mamatay sa kamay ni Zeyn.' Sa totoo lang, hindi ka naiiba kina Xenara at Barbara. Gusto
Chapter 216: Castration"JAXON, huwag mo siyang barilin!"Bumaba si Skylar mula sa itaas kasama ang special assistant ni Clifford, hingal na hingal.Nang marinig ni Jaxon ang mahina at halos walang lakas ni Skylar na boses, agad siyang lumingon. Nakita niyang namumutla si Skylar at kailangan pang alalayan para makababa ng hagdan. Biglang nagbago ang itsura niya, mabilis na ibinaba ang baril at nagmadaling lumapit."Anong nangyari?"Kinuha ni Jaxon si Skylar mula sa special assistant ni Clifford, tapos ay binuhat niya ito sa bewang.Yumakap si Skylar sa leeg niya at isinandal ang ulo sa balikat nito habang sumasagot."Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Nang magising ako, bigla na lang akong nanlambot. Siguro pinainom ako ni Zeyn ng gamot, pero hindi ko alam kung ano yung pinainom niya sa akin at kung makakaapekto ba ito sa baby."Nang marinig ito ni Clifford, biglang sumiklab ang galit sa mga mata niya. Pero para hindi mahalata ni Zeyn na may espesyal siyang pakialam kay Skylar
Chapter 215: PaghahanapBUMAGSAK ang mga talukap ng mata ni Skylar, kagat ang labi niya habang hirap huminga at masakit ang dibdib. Nalunod siya sa sakit ng pagkadismaya at halos mawalan na ng pag-asa. Ang kabiguang iligtas siya ni Audrey ay tuluyang sumira sa huling pag-asa niya rito. Lumamig at naging mabigat ang hangin sa paligid.Sa kabilang linya ng telepono, hindi na narinig ng butler ang boses ni Skylar kaya napakunot ito ng noo."Hello? Miss Skylar, nandiyan ka pa ba?"Tahimik ang buong kwarto, tanging paghinga lang nila Skylar at Zeyn ang maririnig.Mahigpit na nakapikit si Skylar, hindi niya alam kung ano pa ang dapat sabihin. Tatawagin ba niya ang butler para ipasabi kay Audrey na iligtas siya?Hah... Napangisi siya nang walang tunog.Pasensya na, pero hindi niya kayang gawin ‘yon. Hindi siya papayag na tapakan ang pride at dignidad niya. Hindi pa siya ganoon kababa.Nakita ni Zeyn ang nawalan ng kulay na mukha ni Skylar at alam niyang tuluyan na itong nawalan ng pag-asa ka
Chapter 214: Hindi mahalagaNAHIHILO si Skylar. Pagkagising niya, hindi niya alam kung nasaan siya. Ang naramdaman lang niya ay matinding hilo at panghihina sa buong katawan.Hindi na nakatali ang kamay at paa niya, pero wala pa rin siyang lakas para lumakad. Ang nakita niya ay isang magarang kuwartong may disenyo na parang palasyo sa Europe.Mag-isa lang siya sa kuwarto at walang bantay. Malinaw na kampante si Zeyn na hindi siya makakatakas mula roon.Pinilit niyang lumakad papunta sa bintana. Ilang metro lang ang layo pero pakiramdam niya ay tumakbo siya ng marathon. Sobrang pagod niya, pawis na pawis at hingal na hingal. Inabot niya ang bintana at tinulak nang malakas. Hindi man lang gumalaw. Katulad ng inaasahan niya.May rehas sa labas ng bintana at naka-lock pa ito. Kahit basagin pa niya ang salamin gamit ang mabigat na bagay, hindi pa rin siya makakalabas. Ang tanging daan palabas ay ang pintuan.Nalugmok sa pag-asa si Skylar. Nanginginig sa pagod, kinayod niya ang sarili para
Chapter 213: TulongNATULALA si Audrey sandali at huminga nang malalim. Pinilit niyang kalmahin ang sarili bago magsalita. "Zeyn, huwag mong sasaktan si Skylar. Kung may problema, pag-usapan natin."Pagkarinig nito, pinunasan ni Zeyn ang laway sa mukha niya at ngumiti ng mayabang. "Sa totoo lang, pumunta ako dito sa Pilipinas para bilhin ang mga maliliit na shares ng company. May hawak na 0.03% ang nanay mong si Madison. Matalino ka namang tao, Miss Lim. Kung gusto mo talagang iligtas ang kaibigan mong si Skylar, pumirma ka na ng share transfer letter para sa nanay mo at ipadala mo sa lugar na sasabihin ko."Kumunot ang noo ni Audrey. Ibig sabihin ni Zeyn, hindi sila maghaharap para magpalitan. Medyo dumilim ang mukha niya. "Ibibigay ko sa 'yo ang hinihingi mo, pero dapat magharap tayo. Isang kamay sa tao, isang kamay sa bagay. At bago pa mangyari 'yon, bawal mong saktan si Skylar!"Tahimik ang kotse. Walang ibang nagsalita bukod kay Zeyn. Nasa tabi niya si Skylar, at bahagya niyang n
Chapter 212: KidnappingMUKHANG nagmamadali si Xenara at takot na takot na baka hindi siya samahan ni Skylar.Tumayo siya mula sa kanyang upuan, mabilis na lumapit kay Skylar, hinawakan siya at hinila nang malakas."Bitiwan mo ako!" galit na sigaw ni Skylar at malakas na sinipa si Xenara."Aray!" napasigaw si Xenara sa sakit at napakapit ang kamay, galit na nakatingin kay Skylar habang minumura ito, "Malandi kang Skylar ka! Gusto mo bang patayin kita ngayon din?"Napangisi si Skylar at hindi naniwala na kakayanin ni Xenara na saktan siya nang harap-harapan. Tumayo siya, nakapamaywang, tinaas ang kilay at sinipat si Xenara."Xenara, kung pumunta ka lang dito para makipag-away, umalis ka na. Pero kung talagang gusto mong makipagsabunutan, tatawagan ko si Jaxon para pauwiin siya sa kompanya at sabayan kang makipagbugbugan.""Ikaw—!"Galit na galit si Xenara, kita sa dibdib niya ang mabilis na paghinga. Si Jaxon ang pinaka-mahinang spot niya. At hindi naman talaga siya pumunta para makipa
Chapter 211: SumamaTINITIGAN ni Audrey si Jeandric nang malalim. Hindi niya alam kung anong nangyari sa kanya at bigla na lang siyang nagtanong ng ganun.Pagkatapos niyang itanong, parang hindi siya makapaniwala sa sarili niya."Kung minahal mo si Jaxon noon... anong gagawin ko?" Marahang inulit ni Jeandric ang tanong ni Audrey, bahagyang ngumiti ang maninipis niyang labi, pero halatang pilit ang ngiti niya. "Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung anong gagawin ko."Tinitigan ni Jeandric si Audrey gamit ang madilim niyang mga mata na parang may bituin. Kahit kalmado si Audrey, hindi niya naiwasang magdilim ang mga mata niya. Huminga siya nang malalim, bahagyang pinikit ang mga mata para iwasang tingnan si Audrey at nagsalita ng malalim ang boses, "Baka patayin ko si Jaxon, baka ikaw, pero ang pinaka-malamang..."Parang biglang nahanap ni Jeandric ang sagot. Agad siyang tumingin ulit kay Audrey at seryoso at tapat ang tingin niya."...Gagawin ko ang lahat para pakasalan ka. Kahit mahal
Chapter 210: SalarinTO KILL your enemy using someone's hand. Ito agad ang unang plano na pumasok sa isip ni Xenara. Pero paano ba manghihiram? Aling kutsilyo ang hihiramin? At siguraduhin din na hindi mapapansin ng hiniram na kutsilyo na ginagamit siya; na hindi rin ganon kadali.Matapos mag-isip-isip si Xenara, sinabi niya, "Kung ako si Audrey, hahanap muna ako ng kutsilyo. Si Barbara na baliw kay Kuya Jaxon limang taon na ang nakalipas ang pinaka-perfect gamitin. Sa ugali ni Barbara noon, hindi na kailangan siyang udyukan pa. Kailangan lang iparating sa kanya na pinaaga ni Kuya Jaxon ang kasal nila dahil buntis si Skylar, tiyak siya na mismo ang kikilos para saktan si Skylar.""Si Audrey ang may gawa niyan." Biglang napagtanto ni Xenara at masayang tumingin kay Yssavel, kumikislap ang mga mata."Noon, hindi naman ipinagsabi ni Kuya Jaxon na buntis si Skylar. Pati nga tayo, nalaman lang natin nung naaksidente na siya. Hindi niya sinabi kahit sa mga kamag-anak natin, paano pa kaya k
Chapter 209: NinangMULING napaiyak si Skylar at nasaktan naman ang puso ni Jaxon. Bahagya niyang pinikit ang malalalim niyang mata, at mula sa mga singit nito ay lumabas ang malamig na liwanag na parang espada ng yelo, na agad tumarak kay Barbara.Lahat ng tao ay hindi pa kailanman nakita siyang ganoon kabagsik at nakakatakot, kaya nanindig ang balat nila sa takot.Sa sobrang takot ni Barbara, napaurong ang mga paa niya at dali-daling tumakbo papunta kay Yssavel habang sumisigaw."Mrs. Larrazabal, iligtas mo ako!"Walang magawa si Yssavel kundi hawakan ang noo niya at hindi pansinin ang paghingi nito ng tulong.Hindi makapaniwala si Xenara habang nakatitig sa eksena sa harap niya. Hindi niya inakala na si Barbara pala ang totoong may sala sa pagkakunan ni Skylar limang taon na ang nakalipas. Dati kasi, ang akala niya ay si Audrey ang may kagagawan.Tahimik na pinanood ni Audrey si Barbara na nagtatakbo para sa buhay niya habang hinahabol ni Jaxon. Kung iisa lang ang pwedeng gamitin p