Share

Chapter 03

An Offer I Could Definitely Refuse

Matapos magpadala ng invitation si Fabio para sa isang limited auction event, agad naghanda si Kayla at inayos ang gamit niya. Iniwan niya si Nabi kay Mona pansamantala.

Mula sa malayong parte ng event nakapuwesto si Kayla. Suot ang itim na tight pants at jacket, tinatago niya ang sarili sa dilim. Maghahating-gabi na at papunta na sa huling item. They started the art auctions pero ang totoo ay ang tunay na auction magsisimula na.

Agad na ginamit ni Kayla ang sniper nang tinawag si Leandro sa podium para magbigay ng speech. Nang kalabitin na niya ang gatilyo, may naramdaman siyang tumusok sa kan’yang tagiliran.

Pinikit niya ang mata dulot ng sakit no’n at tinanggal. Isa itong syringe na may asul na likido. Hindi batid ni Kayla kung anong klase ‘yon pero nararamdaman na niya ang epekto. If she’s not mistaken, it’s a liquid for someone to feel high sexual tension. Unti-unting nanlalabo ang paningin  ni Kayla hanggang sa tuluyan siyang nawalan ng malay.

“10 million!” saad ni bidder 20.

“10 million. Going twice? Going thrice?” the MC asked.

Tinaas ulit ni bidder 20 ang kan’yang number. “Correction. It’s 10 million dollars.”

Nagulat ang MC sa narinig. Ini-examine niya ang babae at para sa kan’ya ay normal lang naman ‘yon. Balingkinitan ang katawan, maganda, at maamo ang mukha.

Nagsunod-sunod ang agawan para kay Kayla na walang malay. Tila pinagpi-piyestahan ito ng mga kalalakihan sa loob ng hall. Umabot pa sa isang daang bilyong dolyar. Akala ng MC ay matatapos na roon.

“Art No. 5 is yours—“

The MC was cut off.

“200 hundred billion dollars and she’s mine.”

Nanlalabo man ang paningin ni Kayla pero kilalang-kilala niya ang boses na ‘yon. Hindi siya maaaring magkamali.

NAGISING si Kayla sa hindi pamilyar ang silid. Nakasuot siya ng pantulog at hanggang sa kasalukuyan ay masakit pa rin ang kan’yang ulo. May nakita siyang gamot at ininom ‘yon.

“Sana lang talaga hindi matanda nakakuha sa ‘kin,” saad niya sa sarili habang hinihilot ang sentido niya.

Umalis siya sa kama at pumunta sa glass panel kung saan kitang-kita ang dagat. Namangha siya sa kan’yang nasaksihan. Gustong-gusto niya ang dagat. Hindi na niya maalala kung kailan huli siyang tumapak sa dalampasigan. 

The door clicked open. Hindi siya natatakot kung sino man ang nakabili sa kan’ya dahil hindi naman mahirap ang pumatay.

Nilingon niya at lumuwa roon ang binatang lalake. She relieved a sigh na ikinakunot ng noo nito.

“Is that how you badly want me? You let yourself be part of the auction?” tanong ni Leandro sa kan’ya.

Inikot ni Kayla ang kan’yang mata at sumagot. “Wala akong pakialam kung sinong Poncio Pilato man ang nakabili sa ‘kin basta hindi lang matanda.”

“Of all the women who were part of the auction, you are the only one who never show fear. Tell me, sinusundan mo ba ako?”

Biglang kumabog ang dibdib ni Kayla. Nakalimutan njyang nagpapanggap pala siya.

“Kung matatakot ako, wala akong mapapala. For your information po, hindi kita sinusundan. Nagkataon lang na may dumukot sa akin at sinama ako do’n.”

“It seems like you’re not the type of woman who will get kidnapped.”

“Kaya kong pumatay, Mr. Gavincci. Subukan mo lang,” panghahamon ni Kayla.

Umiling si Leandro at inimbitahan si Kayla na kumain. Pero bago pa makalabas si Leandro tinanong siya ni Kayla.

“Why did you waste your 200 billion dollars for a no one like me?”

SA HAPAG-KAINAN, inusisa niya ang lugar kung paano tumakas. Konti lang ang mga kasambahay pero ang daming guards ang nakapalibot sa isla. Hindi siya naniniwalang walang kapalit ang dolyar ng lalaking ito.

“Eat,” utos nito. “Should I feed you?”

“Paano kung may lason? Hindi pa ako puwedeng mamatay,” paliwanag niya.

Nauubos na ang pasensya ni Leandro kay Kayla. Ang daming sinasabi at kada-utos at salita niya ay binabara siya nito.

Kumuha si Leandro ng pagkain ni Kayla sa mismong plato at kinain.

“I’m still breathing. See?” pagtitimpi niya. “Why am I doing this?”

“Kaya nga. Why are you doing this?” pagbabalik niya sa tanong.

Ibinigay ni Leandro ang isang tablet kay Kayla. Naglalaman ‘yon ng agreements and proposition niya. Habang nagbabasa si Kayla, nanlaki ang mata niya sa mga nakasulat.

“Marriage Proposal? Ano tayo? Eighteen hundredths?” gulat na tanong niya.

“My company lost billions of dollars because of what you did. They thought I dumped you after sleeping with you.”

“Totoo naman,” she murmured silently.

“What did you say?” Tumaas ang boses ng lalake pero hindi siya nagpatinag.

“P’wede ba. H’wag kang sumigaw. Masakit sa tainga,” reklamo niya.

“As I was saying, I love dollars. My name is in the brink of oblivion and made it into the front page. Pay for it. Since you can’t, you have to agree with my proposition to clear my name,” paliwag niya.

“Who wouldn’t love dollars? At saka, puwede ko naman sabihin sa media na nagkamali lang ako.”

“Do you think they’ll believe you?”

“Ah basta. Hindi ako magpapakasal sa ‘yo.”

Subalit sa loob-loob ni Kayla ay kating-kati siyang um-oo. Sino ba ang hindi? Siya ang ama ni Nabi at matagal na niya itong hinanap. But, her freedom is worth more than him.

“You don’t have a choice, Kayla. Say yes and you can leave this island. Until then, you’ll stay here. I’m only giving you a day to decide. Bukas na bukas babalik ako rito para sunduin ka.”

“Kilala mo ako?”

And with that, Leandro left the island through a chopper. Sinundan na lamang ni Kayla ang tingin ang paglipad ng eroplano. Nilingon niya ang mga g’wardiya at palagi itong nakaantabay umulan man o bumagyo.

Gusto man niyang kitilin ang buhay nila, hindi niya magagawa. There’s only one rule for mercenaries: Do not kill innocents.

Bumalik si Kayla sa kan’yang k’warto at binasa muli ang rules and agreement.

“Never ask about the past, comply at the present, and don’t expect a future,” basa niya. “Ano naman ang pakana ng traydor na ‘yon? Tingin niya ba mai-inlove ako sa kan’ya within the agreement period? Itlog niya kamo.”

May nakita siyang cellphone sa lamesa at ginamit niya. Pero walang signal ang island sabi ng katulong kanina.

“Anong silbi nito kung wala naman palang signal? Ito ba ‘yong sinasabi ni Fabio na three months to kill?”

Nanghinayang si Kayla kung bakit siya um-oo agad. Hindi dapat siya nagpadala sa galit niya. Huli na ang lahat.

Nang gabi sinubukan ni Kayla tumakas. Iniiwasan niya ang sinag ng light house maging ang mga bantay. Sabi ng katulong hindi siya basta-basta makakaalis sa isla dahil may electric fence ito. Pero sinubukan niya pa rin.

Nangangalahati na si Kayla sa paggapang nang may nakatutok na baril sa kan’yang ulo at pinapalibutan siya ng bantay.

“Pasensya na, Ma’am. Kailangan niyo na pong bumalik sa loob.”

“Titingin lang ako dito, Kuya. Naghahanap akong crabs. Hindi naman ako tatakas,” paliwanag niya.

Hinatid si Kayla ng bantay sa k’warto. Lumipas ang isang oras, bumalik na naman siya.

Matagumpay siyang nakalabas sa electric fence, thanks to her training from Fabio. May mga pinutol lang siyang wires at malaya siyang nakaalis doon. Sinubukan niyang lumangoy. She swam faster and reached miles pero napapalibutan na naman siya ng mga speedboat. She’s found. Again.

Kahit anong gawin niyang pagtakas, bumabalik at bumabalik siya sa k’warto niya. Pagod na humilata si Kayla sa kama matapos makapagbihis.

“Is marrying him the only way to kill him? Paano si Nabi?”

Ginulo niya ang kan’yang buhok dahil sa pag-iisip.

Hindi nakatulog si Kayla nang gabing ‘yon. Kitang-kita ang eyebags niya nang mag-agahan siya. Kamuntikan ng atakihin sa puso ang katulong. Maging si Leandro na prenteng nakaupo habang nagkakape ay napasapo sa puso.

“Are you crazy?” bungad ni Leandro sa kan’ya.

Pinandilatan niya ito ng mata. “H’wag mo akong kausapin. Galit ako sa mga bantay mo.”

“That means they’re good at their work. Did you bathe or somewhat clean yourself before you sit here with me?” Tila nandidiri pa si Leandro sa itsura niya.

“Should I just kill you now?”

“You and your empty threats.”

Dumating ang kanilang agahan at umayos na silang dalawa.

“Have you made up your mind?” tanong nito.

“I have a kid,” tanging sagot ni Kayla. Kapag nalaman ni Leandro na may bata, baka iurong nito ang proposition niya.

“Do you think I didn’t know that before I presented you my proposal?” Uminom ng tubig si Leandro at may binasa sa tablet.

“Nabi Ingram, short for Nara Bianca Ingram. Her name was familiar, though,” komento niya bago nagpatuloy. “Six years old, turning seven this 28th of September. Likes piano and chocolate milk, has no father.”

Tila nabilaukan si Kayla sa huling sinabi nito. Has no father. Tanga, anak mo ‘yan. Gustong isampal ni Kayla ang katotohanang yaon pero hindi niya magawa.

Ibinalik ni Leandro ang tablet sa mesa.

“I could be a father figure for her. She’s a kid and she will not know our agreement. I’ll treat her like mine, but you’ll make sure you stick to the rules.”

“Paano kung matatapos na ang kontrata natin at maghahanap siya sa ‘yo? My child is a familial kid. Maaalala ka niya at hahanapin ka,” palusot nito.

“A week before the contract ends, I’ll set you up with a good guy I know. So, she can have a father and will forget me eventually.”

Tila nakalatag na sa utak ni Leandro ang mangyayari sa kanila sa loob ng tatlong buwan. May plano na ito kahit pa umayaw siya. Nakilala na rin nito ang anak niya at imposibleng hindi sila mahahanap nito kapag nagkataon.

“May plano ka naman na pala. Bakit ka pa nagtatanong?” May halong kapaitan ang boses ni Kayla.

“Consent, Kayla. Consent. I don’t do things without consent.”

“Consent mong mukha mo. Noong umalis ka ba, pumayag ako?” singhal niya kay Leandro sa isip niya.

Nagpatuloy si Leandro. “One more thing. I have someone who will replace you in case you will not agree to the marriage.”

“Kung meron naman pala, bakit mo pa ako dinawit sa drama mo?”

“Because you owe me billions,” he raised his voice.

Akala ni Kayla ay mananahimik na ito pero nagpatuloy.

“And she’s not here yet. I don’t get to see her face yet.”

“Ano? Babaeng walang mukha ba ‘yan? Baliw ka ba?”

“She’s someone who saved me seven years ago.”

Tumigil si Kayla sa pagnguya ng kinakain dahil sa narinig. Hinahanap ba siya nito? Nakakaalala ba ito sa kan’ya? Ang daming tanong ang pumapasok sa utak ni Kayla pero hindi maisabibig.

“Sa dami ng pera mo, madali mo lang siyang mahanap. Pagalawin mo.”

“I did. But, she seems like she doesn’t want to be in sight. At hindi ko siya kilala.”

“Paanong hindi kilala, eh, siya nga nagligtas sa ‘yo?”

Inilahad ni Kayla ang kan’yang kamay kay Leandro. Kumunot ang noo nito pero imunuwestra niyang tanggapin.

Kinuha ni Leandro ang kamay niya na nalilito.

“I am Kayla Veronica Ingram. Your wife. Looking forward working with you, Mr. Gavincci.”

“Congratulations, Mrs. Leandro Gavincci. I’m hoping of a good partnership with you.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status