The Forgotten Wife of Gavincci

The Forgotten Wife of Gavincci

last updateZuletzt aktualisiert : 01.05.2023
Von:  Serene SantelleLaufend
Sprache: Filipino
goodnovel16goodnovel
Nicht genügend Bewertungen
6Kapitel
2.0KAufrufe
Lesen
Zur Bibliothek hinzufügen

Teilen:  

Melden
Übersicht
Katalog
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN

Zusammenfassung

Nagising si Kayla sa isang pamilyar na silid na matagal na niyang tinakasan. Isang huling misyon ang natanggap niya na hindi kayang tanggihan. Isang daang dolyar, ang kan'yang kalayaan, at kaligtasan ng anak kapalit ng ulo ni Leandro Gavincci. Paano kung malaman niya na ang Gavincci na tinutukoy ay ang ama ng kan'yang anak? Makakaya ba niyang isantabi ang galit at poot para sa kapakanan ng anak? Ngunit paano kung sa gitna ng misyon ay umusbong ang pag-ibig na matagal ng inilista sa tubig? Magagawa pa bang talikuran ni Kayla ang misyon sa kabila ng mga sekretong mabubunyag?

Mehr anzeigen

Kapitel 1

Prologue

Mula sa munting butas ng pinto nakasilip ang mga inosenteng mata ni Kayla. Hindi niya mawari kung ano ang nangyayari sa labas matapos siyang pagbilinan ng ama na huwag lalabas kahit na anong mangyari.

“Kayla, h’wag na h’wag kang lalabas ng pintong ito, maliwanag? Babalik ang daddy.”

Impit at sigaw ang mga naririnig ni Kayla mula sa loob. Muli siyang sumilip at nakitang nakatutok ang baril ng binata sa ulo ng ama. Rinig niyang nagmamakaawa ito ngunit hindi man lang pinakinggan ng binata.

Sa halip ay pinutok nito ang gatilyo dahilan upang bumagsak ang ama. Dumaloy ang dugo sa makintab na sahig habang nakatingin ang ama sa kinaroroonan niya.

Napasinghap ang walong sampung taong gulang na si Kayla at tahimik na umiiyak. Biglang lumingon ang binata sa kinaroroonan niya at dahan-dahang naglakad. Malakas ang kabog ng dibdib ni Kayla habang papalapit ito.

Maliliit na mata ngunit matalim ang titig. Tila wala itong sinasanto… kahit sino ka man. Subalit, tinawag ang binata ng kung sinuman sa labas dahilan upang tumigil ito. Sumulyap ito saglit at iniwan ang bahay nila.

Doon lamang nakahinga ng maluwag si Kayla. Ngunit hindi rin nagtagal ay nawalan siya ng malay dahil sa masikip na aparador na pinagtataguan niya.

Dalawang taon ang lumipas, palipat-lipat ng bahay-ampunan si Kayla. Tumatakas siya sa ampunan dahil ayaw niyang may kumuha sa kan’ya. Hanggang sa kalagitnaan ng pagtakas, kamuntikan na siyang mamatay at sinagip ng isang lalake na kamukhang-kamukha ng ama niya.

“U-Uncle? Uncle Fabio.”

Lingid sa kaalaman ni Kayla na simula ng gabing yaon, magbabago ang takbo ng kan’yang buhay.

***

The Forgotten Wife of Gavincci

Written by: Serene Santelle

Genre: Romance, Mafia

Erweitern
Nächstes Kapitel
Herunterladen

Aktuellstes Kapitel

Weitere Kapitel

An die Leser

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Keine Kommentare
6 Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status