Share

KABANATA 11

Third Person's POV

Alas sais pa lang ng umaga ay gising na si Louelle. Maganda ang gising niya kaya naman naisipan na niyang bumangon. Naghilamos siya at nagtoothbrush bago nagbihis ng damit na pantrabaho. Bago siya lumabas ng kwarto ay tumingin muna siya sa salamin, nilagyan ng ponytail ang buhok at ngumisi.

"It's showtime!" She said bago lumabas ng kwarto matapos kunin ang kailangan.

Dumaan muna siya sa kusina para i-check si Nana Celia. Wala naman ito doon kaya dumerecho na siya sa mansion. Nangako kasi siya kay Nana na tutulong na sa pag-aasikaso kaya ginawa na niya. Nang makapasok siya ay si Ate Susan lang nakita niya. Seryoso itong nagpupunas ng mga vase at picture frames sa gilid ng receiving area.

"Ate Susan, si Nana Celia po?" Tanong niya kay Ate Susan na mukhang nagulat sa kanya.

"Mahabaging langit, ginulat mo naman ako, hija!" Sabi nito sa medyo mataas na boses. May punto kasi ang pagsasalita. "Naku, ay maagang umalis iyon at malayo ang pupuntahan. May inutos sa kan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status