Share

KABANATA 1

Manila, Philippines... Present Day

Louelle's POV

I looked at the mansion. Tapos tiningnan ko ang address sa sulat. Di ako pwedeng magkamali, ito na yun. Huminga ako ng malalim bago nagdoorbell. Isang gwardya ang nagbukas ng maliit na gate.

'Ano yun, Miss?' tanong ng gwardya sa akin.

'Ah, nandito po ba si Celia Magbanua?' tanong ko dun sa guard.

'Si Manang Celia? Anong kailangan mo sa kanya?' balik sa akin nung guard.

Shit! Ano bang sasabihin ko. 'Ah, pamangkin niya po ako. Galing pa po ako sa probinsya,' alibi ko.

Kumunot ang noo ni Manong Guard at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Bigla naman akong na-conscious kaya nginitian ko na lang.

'Oh siya sige. Tatawagan ko lang si Manang Celia, anong pangalan mo, hija?' tanong ni Manong Guard.

'Ah, Louelle po,' sabi ko sabay ngiti.

'Siya, intayin mo lang at tatawagan ko,' sabi nito at pumasok na ulit sa gate bago sinaraduhan muna ito.

Bumuntong-hininga ako. Bago umupo sa tabi ng kalsada. Anyway, di pa nga pala ako nakakapagpakilala. I'm Louelle Eureka Shainaiah Andrade. Louelle to everyone. 17 years old at ito lang ang masasabi ko. Naglayas ako sa bahay. Why? Secret walang clue.😉

Napatayo ako nang bumukas ang gate at iniluwa noon ang taong hinahanap ko.

'Mang Julio, nasaan na ba yung sinasabi mo na pamangkin ko?' tanong ni Manang Celia.

Bago pa makasagot ang guard ay lumapit na ako. 'Nana Celia,' tawag ko sa kanya.

Tumingin ito sa akin. Mukhang di niya ako makikilala dahik sa suot kong eyeglasses.

'Kilala mo ako, hija?' tanong niya.

I almost rolled my eyes. 'Hindi mo na ba ako nakikilala? Ako ito si Louelle,' sabi ko pa bago tinanggala ng eyeglasses ko.

Mukhang nagulat naman ito. 'Ms. Louelle?' tanong nito. Tumango lang ako. 'Jusko, ano pong ginagawa niyo dito? Alam po-----?'

'No one knows, I'm here,' I cut her off.

Nana Celia's POV

'No one knows, I'm here,' turan ni Ms. Louelle.

Tiningnan ko si Ms. Louelle. Alam ko na totoo ang mga sinasabi niya. Hindi man sadya talagang kinakabahan ako sa pagdalaw ng dalaga. Malaki na ang ipinagbago nito. Sampung taon lamang ito nang huling makita. Yumukod ako ng konti para magbigay galang.

'A..ano pong ginagawa niyo dito?' tanong ko.

'I need a place to stay in while I'm here,' sagot niya. 'At tawagin mo akong Louelle, none other names,' patuloy ng dalaga.

Napatingin ako sa kanya. 'Saan niyo po-----?'

'Sa'yo ako tutuloy,' putol niya. 'I can help you with the household chores,' suhestiyon pa nito na tila ba ito ang pinakamadaling solusyon

'T..teka lang po,' hindi ko maintindihang sabi.

'Look, pansamantala lang naman ito hanggang nag-stay ako dito eh,' turan niya.

'P..pero---'

'Please.'

Tiningnan ko siya. Halos nagmamakaawa na ang hitsura nito na ngayon lang niya nakita.

'Sige po, ipagpapaalam ko ito kay Ma'am,' sabi ko.

'Thanks,' sabi niya at niyakap ako. 'Ako na si Louelle Magbanua ngayon ha, ako ang pamangkin mo, okay?'

Gusto ko na lang matawa sa batang ito, napakachildish pa rin pero napakatalinong bata.

Third Person's POV

Sa Yorkshire University, masayang nagkukwentuhan ang mga estudyante. Kanya-kanya silang pinagkakaabalahan. Iba't ibang klase rin ang mga pumapasok dito. Mostly rich people, few are the scholars. The Gangsters. Ito ay binubuo ng ilang grupo. Well, magkakaaway sila syempre. Ang pinakasikat na gang dito ay ang Classic 5. Pinagtitilian ng mga babae at kinatatakutan ng mga estudyante. Walang bumabangga sa kanila dahil sa kinatatakutan at the same time they were one of the rich kids there. Binubuo nina Anghel Soriano, Elliott Tolentino, Gabe Franco, Elrick Adriano & Simon Castro. The Bullies. Sila naman ang umaapi sa kumakalabang mahihina ng Classic 5. The Nerds. Sila ang scholar ng school, mga matatalino pero mas madalas na nabubully ng mga bullies. The Maartes. Ang mga girls na crush na crush ang C5 isa rin sa mga bullies.

Bigla namang naputol ang masaya at tahimik na paligid nang may magsimulang magsigawan. Limang iba't ibang klase ng kotse ang dumating. Nagsimula na ang tilian ng mga babae at mga bulungan. Halos lahat na ata'y nasitakbuhan sa parking lot ng university.

'Give way, dadaan ang C5!' sigaw nung isang lalaki sa mga estudyanteng nakapalibot sa parking lot.

Halos lahat na ata ng estudyante sa Yorkshire University eh nandun nasa parking lot. Mga usisero't usisera ika nga.

'Oh my gosh, ang gwapo ni Prince Anghel,' sabi nung isang maarteng babae.

'Oh my, si Papa Elliot,' sabi nung isang baklang halos maglumpasay na sa kilig.

'Gosh, kita niyo yun? Kinindatan ako ni Baby Gabe,' todo kilig na sabi nung babae na nakalumpasay na sa parking lot.

'Loka ka, ako yung kinindatan!' sigaw nung kaibigan.

'Gaga ako!' sabi nung nakalumpasay.

At dahil doon nagsimulang magkasabunutan ang magkaibigan. Halos matumba yung mga katabi at hindi sinasadyang sabay silang natumba sa harap ng C5.

'Oh gosh!' sabi nung bakla.

Kabado ang lahat sa parking lot. No one dared to move kahit ang dalawang babaeng nag-away ay di nakatayo sa kinalulumpasayan nila. One thing's for sure, they'll be punished. No one dared to cross the path of C5 unless accidentally tulad ngayon.

'Shit! Tabi!' asar na turan ni Elliot sa dalawa.

'Oh, Pare! Cool ka lang,' awat naman ni Gabe.

'Wala ba kayong ibang lugar na pwedeng pag-awayan?' bored na turan ni Simon sa dalawang babae.

'Attention-seekers,' Elrick spat.

'Tsk,' ang tanging sabi ni Anghel. 'Alis,' sabi lang nito.

Agad namang tumayo ang dalawa which made everything worse. Natumba yung isang babae kay Anghel at nadumihan ang uniform nito. Napasinghap ito at lalong hindi nakagalaw.

'Get the fucking out of my way,' mahina ngunit nagbabantang turan nito.

'I'm sorry,' turan nung girl.

'You're dead,' he spat before he walked away.

Napaiyak naman si girl. Alam niya ang punishment. It's either she dies or she dropped out. She better do the second.

Elliot's POV

If there is one thing na ayaw ng Classic 5 yun ay ang mga attention seekers. Uminit ulo ko bigla nung may humarang sa dinadaanan namin lalo na at nadumihan pa ang polo ni Anghel. Heck, paniguradong badtrip na naman yun... Speaking of Anghel, nandoon siya sa wardrobe niya at naghahanap ng damit. Nandito nga pala nga pala kami sa tambayan namin sa Yorkshire University. At ako nga pala si Elliot Tolentino, ang gwapong kanang kamay ni Anghel sa Soriano sa Classic 5. Second year college taking up BSBA. Para daw mahandle ko na ang business namin. Other than that-------

'Tol, natakot mo yata yung babae,' natatawang turan ni Gabe na pumutol sa aking pagkukwento sa inyo.

'Eh, bigla ba namang humarang eh,' inis na turan ni Simon na pinakabata sa grupo. He's only 17 years old.

'Yeah, tama yan,' sabad ni Elrick na ang ganda ng higa sa kama...

Pfffft. Halatang nang good time na naman sina Gabe at Elrick kagabe eh. Tsk, halatang puyat. Bigla namang lumabas si Anghel at bago na ang suot na damit.

'Kumusta ang paghahanap mo kay Les?' tanong ko kay Anghel.

'No luck,' was all he said.

Damn. Galing kasi ulit ito ng Japan para hanapin si Les, ang saviour ng Classic 5 at first love ni Anghel. Wala kasing magsalita kung sino ito. Mukhang nabibilang sa malalaking gang group na tulad ng sa amin. Yep. Ang Classic 5, ay isang gang group. Napatingin ulit ako kay Anghel, nakatitig na ito sa laptop, tinitingnan siguro kung may mga pangalan sa school files kung may Les na pangalan dito. Kahit dito ay naghahanap siya, dahil mukhang Filipino daw sa fluent ng pagsasalita ng Tagalog.

'So, what's your plan?' I asked him.

'Continue looking for her,' he answered.

He's really determined to see Les. Because of one thing, he wants her at siguradong di siya titigil...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status