Share

TGWAE 01

Chapter 01|Her Character/s

~×~×~×~

|TAYJA PRISH|

A crease formed on my forehead as I reread how I wrote the prologue of the story I was trying to write. 

"Why does it feel weird to read my name on it?" tanong ko sa aking sarili habang tinititigan ko ang mga papel na nagsikalat sa aking lamesa sa loob ng aking kuwarto. 

Kanina pa ako sumusubok magsulat nang isang prologo ngunit hanggang ngayon ay hindi ko magustuhan kung papaano ko binubuo ang mga iba't ibang salita. Parang hindi sumasakto ang mga ito sa kung papaano ko gustong i-express ang sarili. I was having a hard time formulating words that wouldn't feel awkward when someone reads them. Pero kung susumain, hindi ko naman ipagpapaalam sa kahit sino na mayroon akong ganito. 

They wouldn't know. 

So, why am I bothered by something that will not happen anyway? Kung ako lang naman ang magbabasa, hindi ko naman maiisip pa kung okay ba iyong pagbuo ng mga pangungusap o ang mga ibang salita. I will only realize that I have this kind of personality that people don't know but me. Ako lang. 

I sighed. Idinukdok ko ang aking noo sa lamesa sa aking harapan habang ipinatong ko naman ang aking mga braso sa magkabilaang gilid ko. I freely rested my aching arms after many tries of writing a prologue. 

Ipinikit ko ang aking mga mata at sibubukang i-analisa kung ano ang kulang sa aking sinulat kani-kanina lamang. I could write words that I've learned since I was in grade school but it's not enough. I can feel the gap of emptiness somewhere. I just couldn't point it out. 

Something is missing. 

Tinatamad akong umayos ng upo at hinigpitan ang kapit sa aking panulat. Hinayaan ko ang aking kamay na magsulat nang magsulat habang ang aking isipan ay lumilipad sa kung saan. Alam ko kung ano ang mali. Alam ko pero hindi ko mapangalanan. Iyong tipong alam mo na ang sagot at naroon na sa isipan mo pero hindi mo masabi. Ganoon na ganoon iyong nangyayari sa akin and it's too frustrating! 

"Tayja~ Tayja~," I mumbled out loud. Mababaliw na ako kakaisip pero hindi ko pa rin talaga malaman kung ano iyong kulang. 

I sighed and write my name instead. Nakailan akong sulat sa pangalan kong Tayja and then it hits me. Napakurap kurap ang aking mga mata dahil sa napagtanto. I slapped my forehead because of my stupidity. Iyon lang naman pala pero bakit kailangan pang sumakit ang aking ulo para lang malaman ang sagot? 

Nandoon na eh. Nasa dulo na ng dila ko hindi ko pa masabi. Napahinga ako ng malalim at binura ang aking pangalan sa aking sinusulatang papel. 

"Tairi? Taira?" I kept on repeating those words in my mind as I tapped the tip of the ballpen that I was holding on the table. The sound of it was making me feel like the time is running out. 

"Alright! Taira Jaz na nga lang. Bakit ba ako nagpapakahirap bumuo ng pangalan? Pinapahirapan ko lang ang sarili ko. God!" I exclaimed as I rewrite the name of my character. 

Muli kong binasa ang prologue na aking sinulat. As I was reading words after another, there's this weird feeling that I can't name. The feeling of not having the things that you always wish upon the stars in the sky. 

The night was full of darkness yet my mind seemed to fly to nowhere as I let my pen guided my hands to give life to the characters that I created in my own world. 

The world where I let my other persona has its own life. 

~×~(Taira)~×~×~

Taira Jaz was a sweet-innocent girl before things turned out to be worst for a young girl like her. She was 8 years old at the time when they decided to have a vacation in their resort. They were all waiting on their doorstep for their father to pick them up from his work. 

"Taira? Nakuha mo na ba lahat ng mga gamit mo? Baka mamaya may nakalimutan ka pala habang nasa daan tayo," her older sister, Tiara asked her habang busy nitong isinasara ang travel bag niyang kulay asul. 

Ang inosenteng mga mata ni Taira ay tumingin sa kaniyang kapatid habang nakahawak ito sa magkabilaang strap ng barbie nitong bag. Ngumiti siya at iniiling ang kaniyang ulo kahit pa hindi nakatingin dito ang kaniyang nakatatandang kapatid. 

"Wala naman na po akong nakalimutan Ate. Baka ho ikaw po? Nakita ko po, wala pa ang kulay itim niyong panakip sa inyong mata," pagsasaad ni Taira na nakapagpatigil sa kaniyang Ate sa pagsasara ng sarili nitong bag. 

"Oh, my! Thanks, baby Taira! I forgot my glasses, sh-! Bro! Pakikuha sa kuwarto ko ang glasses! Hindi puwedeng maiwan iyon dito! It's a no, no, no!" Tiara shrieked as if the world is near an end. 

Taira couldn't help but smile at that. Her sister was too obsessed with her glasses that things wouldn't be complete without them. Palagi nito iyong dala sa tuwing gumagala sila o kung kaya ay kapag kumukuha ito nang larawan gamit ang mamahalin nitong cellphone. Iyong apple na may kagat sa bandang gilid nito. 

"Nasaan na po si Mama, Ate?" tanong ni Taira pagkalipas nang ilang minuto. 

Ang kapatid naman nitong lalaki ay kasalukuyang bumababa sa hagdanan. 

"Here! Your brain's a little shaky already, my sister. Magpacheck-up ka na sa neurologists," biro nang kanilang kapatid na si Tairon. 

Tiara shooted him a death glare using her threatening gaze. 

"Shut up, Ayron!" Sigaw nito sa kapatid. 

"Such a hot-headed ugly girl you are, Tiara. Tsk. Hello, baby Taira! Aren't you hungry?" binalingan nito ang nakababatang kapatid na si Taira na kanina pang nanunood at nakikinig sa asaran ng mga ito. 

"Hindi pa naman po, Kuya. Ikaw po ang hindi pa kumakain ng breakfast," with her sweet voice, her brother smiled at her lovingly as he brushed Taira's hair using his fingers. 

"My sweet Taira! Come," lumapit naman si Taira sa kaniyang Kuya nang ilahad nito ang mga braso para sa isang yakap. 

Taira gladly hugged her brother and a contented smile made its way into their lips. They were such a good example of a good relationship between siblings inside a family. 

"Hoy! Pasali ako! Aba! Ano iyan? Hindi ako kapatid, ha? Ano ako dito?" kunwaring pagrereklamo nang kanilang Ate. 

"Kasambahay ka po, Ate. Know your place, okay? Go, wash the dishes now- Aray!" 

Napahawak si Tairon sa kaniyang kanang braso nang sinampal ito ni Tiara. 

"Iyan ang dapat sa iyo! Akala mo kung sino. Hmph!"

"Pikon ka naman,"

"Aba't!"

"Ano iyan? Bakit na naman kayo nag-aaway? Umagang-umaga Tiara! Tairon!" 

Boses ng kanilang ina ang nakapagpatigil sa bangayan nang dalawa habang si Taira naman ay lumawak ang pagkakangiti. Kanina pa nga naman niya hinahanap ang ina at dahil hindi na nasagot pa ng kaniyang ate ang tanong nito, hinintay na lamang niya ang ina. 

"Mama!" 

Taira ran towards her mother as a sweet big smile was plastered on her lips. 

"Taira, anak. Huwag kang tumakbo! Mamaya niyan madapa ka pa!" Saway nang kanilang ina sa kanilang kapatid na kasalukuyang tumatakbo papalapit sa ina sa may pintuan.

"Saan po kayo nanggaling? Kanina pa po kita hinahanap!" She asked enthusiastically. Her bright smiles were the ones that was making them feel blessed every day of their life. 

Taira was a miracle baby. Akala nila hindi na makakabuo pa ang kanilang magulang dahil nagkaproblema noon ang matres ng kanilang ina ngunit lumipas ang buwan na nakararamdam ito nang pagkahilo maya't maya, nagpasuri na ito sa isang Ob-Gyn sa isang ospital malapit sa kanilang lugar. Doon nila nalaman na mayroon na palang isang buhay sa kaniyang sinapupunan. 

That was why they were all sweet and loving towards Taira. She was lucky to have a family that was so loving and caring for her liking. 

"Ay! Diyaan lang kila Manang Marites, anak. Nakipagchikahan muna ako at ang dami nitong alam na bagong kuwento!"

"Ang chismosa mo talaga, Ma. Tigilan mo na iyan!" Tawa naman ni Tairon sa kaniyang ina na nakapagpatawa sa kanilang lahat. 

"Oh, siya. Nasaan na ba ang inyong ama ha? Kanina pa dapat siya nandito. Nasaan na ba iyon? Nagtext ba, Tiara?" tanong nito sa anak habang binubuhat ang walong taong gulang na si Taira. 

"Mama, baka po mabigat na ako. Sasakit pa likod mo po," inosente nitong saad sa ina. 

"Ano ka ba, anak. Bubuhatin kita hangga't kaya ko pa. Ang bilis mo naman kasi lumaki. Jusko!" Mukha pa itong namroblema sa nasabi. 

"Eh, Ma. Kanina ko pa ho tinatawagan si Papa pero hindi naman po sumasagot. Baka malapit na iyon at nasa daan pa. Delikado pa naman ho ang magtext habang nagmamaneho," saad ni Tiara habang nagba-browse ito sa kaniyang contacts. 

"Oh, siya. Hintayin na lang muna natin siya. Naayos na ba ang mga gamit niyo?"

"Yes, Ma!"

"Oo naman, Ma!"

"Opo, Mama!"

Sabay-sabay na sagot ng kaniyang mga anak. Hindi naman nito napigilang ngumiti dahil sa narinig. 

Ilang minuto pa ay napatigil silang lahat nang biglaang bumagsak ang malakas na ulan. Napayakap ang mga maliliit na braso ni Taira sa leeg ng kaniyang ina dahil sa gulat. 

"Sh-! That's too shocking!" Sinuway naman nang kanilang ina ang pagmumura ni Tiara dahil na rin sa gulat. 

"Yara kasi! Iyang bunganga mo, napaka-,"

"Ano?!"

"Whoa, chill lang Yara! Heto naman, ang pikon-,"

"Isa pa!"

"Ang- aray! Ma, oh!"

"Tumigil na nga kayong dalawa. Para kayong mga bata. Daig niyo pa itong si Taira," Tiara only rolled her eyes to her brother which he answered with a mocking smile. 

Napatulala na lamang sila sa labas ng kanilang teresa upang pagmasdan ang bagsak nang malakas na ulan. The sky was already dark as thunder and lightning were threatening to appear any moment from now. 

Mukhang hindi na muna sila matutuloy sa plano nilang bakasyon sa isa nilang resort na malapit lang sa kanilang lugar dahil sa namumuong bagyo sa kalangitan. 

Napapitlag silang lahat nang tumunog ang cellphone ni Tiara. It was an unregistered number na ipinagtaka ni Tiara. Sumilip naman ang kaunting bahagi ng ulo ni Tairon upang tingnan kung sino ang tumatawag nang hindi sinasagot ni Tiara ang tawag. 

"Sino ba iyan, Tiara? Ang papa mo ba?"

"Hindi, Ma. Unregistered,"

"Sagutin mo na. Baka importante,"

At that moment, Taira suddenly felt her heart become heavy as it started to beat slowly. 

"Hello- Ay!" Napasigaw si Tiara na sinundan naman nang pagmumura ni Tairon nang biglang kumulog nang malakas. Taira hugged her mother tightly because of the loud sound of thunder. 

"Sh-! Ano ba Tiara! Mas nakakagulat ka naman!" Reklamo ni Tairon na ikina-irap lamang ni Tiara bago nito sagutin ang tawag na hindi niya nasagot dahil sa biglaang kulog. 

"Hello?"

"Hello, po?" Nagkatinginan sina Tiara at Tairon nang marinig ang isang tinig ng babae. 

"Yes, po. Sino po sila?" tanong niya. 

"Ah, ma'am. Kayo po ba ang pamilya ni Mr. Thyron Guenza?"

"Uhm, yes po. Anak po niya ako. Bakit p-po?" She couldn't help but stutter as her heart was already pounding hard inside her chest. 

Napahawak na rin siya kay Tairon na mukha ring napatigil dahil sa narinig. Sila lang dalawa ang nakakarinig sa sinasabi ng babae dahil ang kanilang ina ay busy nang kinakausap ang anak nitong si Taira para libangin mula sa malalakas na kulog mula sa kalangitan. 

"I'm sorry po, Ma'am. Mr. Thyron was admitted to the hospital at kailangan po kayong pamilya niya dito,"

"A-Ano pong nangyari?" Kahit kinakabahan at nanginginig ang kamay na hawak ang kaniyang cellphone, tinanong niya ang babae. Nagbabasakaling mali ang iniisip nilang magkapatid. Nagkatinginan silang dalawa. Kapwa pinagdadasal na sana ay ligtas ang kanilang ama. 

Ngunit mukhang kasabay nang malakas na bagyo, ang balitang narinig mula sa kausap ang siyang nakapagpabagsak sa kanila sa malamig na sahig. 

"He was in a car accident po. Dead on arrival,"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status