Share

Kabanata 10

Author: Chu
Natawa si Frank. "Bakit naman sila magseselos? Hindi naman ako manliligaw ni Vicky."

"Totoo ‘yun." Sumuko si Yara at bumuntong-hininga. "Pero may fiance na rin si Vicky. Sigurado ka bang hindi siya mag-iisip ng masama? Tsaka, siya ang tagapagmana ng mga Lionheart, isang mahalagang pamilya sa Morhen—ang lalaking iyon ay kilala sa pagiging walang awa, na mapapatunayan ng ibang manliligaw ni Vicky na bigla na lang nawala."

Bilang bodyguard ni Vicky, natural na alam ni Yara ang ilang mga sikreto.

Ayaw niyang makita ang isang kamangha-manghang martial artist na tulad ni Frank na patayin ang kanyang sarili. Kaya naman nagmagandang-loob siya at binalaan niya si Frank—may iba pang mga tao sa Riverton na kayang sirain si Frank bukod sa mga Lionheart.

"Hmph." Suminghal si Frank na may halong inis. "Ayos lang ako hangga't hindi nila ako gagalitin. Kapag ginawa nila ‘yun, mas magmumukha silang mga tupa kaysa sa mga leon."

Napalunok si Yara.

Ang lakas ng loob niya para sabihin ‘yun, gayunpaman, iniisip niya kung kayang manatiling matapang ni Frank kapag talagang tinutugis na siya ng mga Lionheart.

Anuman ang mangyari, wala na siyang masabi pagkatapos niyang sabihin iyon.

-

Kinaumagahan, nagising lang si Helen nang makatanggap siya ng tawag mula kay Sean.

"Magandang balita! Gumaling na ang anak ni Mr. Turnbull kahapon!" Ang sabi ni Sean.

"Talaga?!" Agad na natuwa si Helen.

"Oo, hindi ko inaasahan na sobrang epektibo ng panacea cap." Tumawa si Sean. "Ikaw na ngayon ang tagapagligtas ng tagapagmana ng mga Turnbull, Helen!"

Tuwang-tuwa si Helen—wala nang dapat ipag-alala ang Lane Holdings ngayong may utang na loob sa kanila ang mga Turnbull!

Huminga ng malalim si Helen upang mabilis na pakalmahin ang kanyang sarili, at sinabi niya na, "Maraming salamat dito, Mr. Wesley."

"Naku, hindi mo kailangang magpasalamat sa’kin," ang sagot ni Sean ng may pagpapanggap. "Ito ang dapat kong gawin—oo nga pala, huwag kalimutang maghanda ng maayos para sa handaan ngayong gabi sa Verdant Hotel, at sigurado ako na sa’yo mapupunta ang project."

"Oo. Umaasa ako sa’yo, Mr. Wesley," sabi ni Helen, at ibinaba ang tawag.

Halos hindi niya maitago ang kanyang kasiyahan at halos magtatalon siya sa kanyang kama.

Tama siya. Dumating na ang oras para umunlad ang Lane Holdings!

-

Samantala, sa penthouse suite ng Verdant Hotel, maagang nagising si Frank para magmeditate nang may kumatok sa kanyang pintuan.

Sinagot niya ito at nakita niya si Vicky sa labas ng pinto, nakasuot siya ng leather jacket at isang pares ng maong na pantalon, na nagbigay sa kanya ng matalas na anyo salamat sa kanyang balingkinitang pangangatawan.

Tinanggal niya ang shades niya, at ngumiti siya. "Ang aga mong nagising, Mr. Lawrence!"

"’Yun din ang masasabi ko sa’yo. Anong problema?"

"Magkakaroon ng handaan dito ngayong gabi ang pamilya ko. Ikukuha kita ng tux—Ang ibig kong sabihin, hindi ka naman dadalo dun ng suot ang tracksuit mo, di ba?"

"Hindi ako pupunta."

Isasara na sana ni Frank ang pinto nang maabutan ito ni Vicky, "Pakiusap, Mr. Lawrence. Imbitasyon ito ng tatay ko, at magpakita ka naman kahit paano dahil iniligtas mo ang buhay ko!"

Kumunot ang noo ni Frank. Kahit na nag-aalinlangan siyang dumalo sa isang walang kabuluhang social event, hindi siya maaaring tumanggi dahil ito ay imbitasyon ni Mr. Turnbull.

Tumango siya at sinabing, "Kung ganun, tara na."

Bumaba sila sa parking lot, at pinagbuksan siya ni Vicky ng pinto ng kotse.

Subalit, bago siya makapasok, huminto siya nang mapansin niya ang tatlong lalaking nagmamadaling lumapit sa kanya.

"Anong problema?" Nagtanong si Vicky nang napansin niya ang biglang paghinto ni Frank.

"Gulo."

Napansin din ni Vicky ang tatlo at sumimangot siya.

Bagama't inakala niya na karibal ito ng kanyang pamilya, ang matipunong, kalbong lalaki sa gitna ay lumapit habang galit na galit na nakatingin kay Frank. "Ikaw ba si Frank Lawrence?"

"Oo." Ang malamig na sagot ni Frank.

Nagsalita si Vicky, "Sino kayo? Alam niyo ba kung nasaan kayo?"

Napalingon ang lalaking kalbo at nagsimula siyang tingnan si Vicky ng may pagnanasa. "Huh. Nagulat ako na napakaswerte mo sa mga babae! Pero, malapit nang malumpo ang lalaki mo. Dapat sa’kin ka na lang sumama—hindi sasayangin ni Barney Streisand ang oras mo."

Natawa si Vicky sa kabila ng mga sinabi ng lalaki, lumingon siya kay Frank at pagkatapos ay tumingin siya sa tatlo. "Teka, ito na ba lahat ang dinala mo? Tingin mo talaga may laban kayo kay Frank?"

Suminghal ang isa sa mga tauhan ni Barney. "Hoy, pinagtatawanan tayo ng babaeng ‘to, Barney."

Tumalim ang mga mata ni Barney. "Huwag niyo siyang sasaktan. Ipapakita natin sa kanya kung gaano tayo kagaling mamaya."

"Haha!" Tumawa ang dalawang tauhan ni Barney—siguradong maswerte sila! Matitikman nila ang magagandang bagay salamat kay Barney!

Gayunpaman, tahimik na nagtanong si Frank, "Sino ang nagpadala sa inyo? Sabihin mo sa’kin ngayon din at hindi ko kayo pupuruhan."

"Pfft. Magsalita ka lang—bugbugin niyo na siya, mga bata!" Sumigaw si Barney, kampante siya dahil tatlo sila laban sa isa.

Habang pasugod ang kanyang mga alipores, agad na umatras si Vicky at naramdaman niya ang biglang pagbugso ng hangin sa kanyang likuran!

Sumugod si Frank ng kasing bilis ng liwanag!

Thud!

Thud!

Tumilapon ang dalawang tauhan ni Barney kasabay ng dalawang malakas na kalabog.

"Anong—"

Halos hindi pa nakakahakbang pasugod kay Frank si Barney habang hawak ang kanyang baseball bat at napanganga siya.

Ano ba talaga siya?!

Ni hindi niya nakitang gumalaw si Frank—bigla na lang naglaho ang lalaki, at agad na pinalipad ang mga tauhan ni Barney!

'Takbo!'

Iyon lang ang tanging nasa isip ni Barney noon, at isinumpa niya ang kamalasan niya sa pagtanggap sa trabahong ito!

Gayunpaman, nasa likod na niya si Frank nang lumingon siya at nahuli ni Frank ang kanyang lalamunan!

"Oof..." Mabilis na nangitim ang mukha ni Barney dahil sa kawalan ng hangin.

Malamig ang ekspresyon ng mukha ni Frank. "Tatanungin kita sa huling pagkakataon. Sino ang nagpadala sa inyo?"

Pinagpawisan ng husto si Barney at kinilabutan siya sa nanlilisik na mga mata ni Frank.

Hindi ito biro—naramdaman niyang papatayin talaga siya ni Frank kapag hindi niya sinabi ang totoo!

"S-Si Peter Lane! Siya ang nagpadala sa’kin at sinabihan akong baliin ang kamay mo! ‘Yun ang totoo... Isa lang akong tulisan sa kalye na sinusubukang maghanapbuhay! Pakiusap huwag mo akong patayin!"

Huminga ng malalim si Frank.

Wala siyang sama ng loob kay Peter, pero gusto ni Peter na baliin ang braso niya dahil lang sinipa niya si Peter?

"Gusto mong mabuhay? Sige—kailangan mong baliin ang braso ni Peter," ang sabi ni Frank.

Nang makita niya na nabigyan siya ng pagkakataong mabuhay, agad na tumango si Barney. "Oo, oo, syempre naman! Gagawin ko ‘yun, pangako!"

Pagkatapos, lumapit si Frank at bumulong sa kanyang tainga, "Kapag walang galos si Peter sa susunod na makita ko siya, papatayin kita."

Nanginig si Barney. "Oo, oo, gagawin ko."

"Magaling. Ngayon, umalis ka na," ang sabi ni Frank, at sinipa niya siya palayo.

Agad na tumakbo palabas ng parking lot si Barney, takot siyang manatili pa sa lugar!

Sa tabi ni Frank, tinitigan siyang maigi ni Vicky.

Maaaring nakipagpalitan ng suntok si Frank kay Yara kahapon, ngunit parang isa lamang itong sparring.

Ngayon, talagang nakita niya ang lalim ng kapangyarihan ni Frank at naunawaan niya na higit na mas malakas sa kanya si Frank kahit na noong kalakasan niya!

Sino ba talaga siya?
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1671

    ”Ano?”Hindi maarok ni Kairo kung ano ang sinasabi ni Yosil.Sa mundo niya, kailanman ay hindi niya kinailangang mag-alala na makakahadlang ang pera sa kanyang pagpapagamot.Basta maganda ang resulta at gumaling ang pasyente, parang hindi na mahalaga ang gastos, di ba?Nang makita kung paanong patuloy na naguguluhan si Kairo, nagbuntong-hininga si Yosil nang may pagsisisi at umiling.Kairo, sabihin mo sa akin, ilang sangkap ang ginamit mo para gawin ang iyong pinakamahalagang pildoras? At magkano ang nagastos mo?Napatigil sandali si Kairo at pagkatapos ay sumagot, "Gumamit ako ng pitumpu't anim na iba't ibang sangkap. Marami sa kanila ay bihira at mahal. Ang pildoras ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang apat hanggang limang milyon."Nang marinig ito, nagulat ang lahat.Apat hanggang limang milyon?!Napakahanga sila sa mga paraan ni Kairo sa pagpapalinis at sa huling produkto kaya hindi nila naisip ang presyo.Isang pildoras na nagkakahalagang apat hanggang limang milyon ang

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1670

    Hindi lang ang itsura nito ang problema.Ang tableta ni Frank ay walang iba kundi isang bukol-bukol na bola ng putik na may masamang amoy.Kahit nakatayo lang sa malapit, naaamoy pa rin ito ng mga tao, at hindi talaga ito kaaya-aya.Sa kabilang banda, ang pildoras ni Kairo ay makinis at puti gaya ng jade, at naglalabas ito ng kaaya-ayang samyo na nakakapresko kahit amuyin lang.Dahil dito, tila malinaw na napakalayo ng kalidad ng dalawang pildoras na ito.Kaya bakit mas mababa ang naging marka ng magandang gawang pildoras ni Kairo kaysa sa pangit at mabahong pildoras ni Frank?Nang makita ang pagkalito at maging ang kawalang-kasiyahan sa gitna ng karamihan, nagsimulang bumulong ang ilan ng mga akusasyon. Iminungkahi nila na may kinikilingan si Yosil kay Frank at may uri ng kasunduan na naayos na sa pagitan nila.Habang lalong nagiging magulo ang sitwasyon, wala nang pagpipilian si Yosil kundi ang humakbang pasulong.Pagkatapos umubo, nagtanong siya, "Magtatanong ako sa inyong l

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1669

    ”Anong nangyayari?”Ang kastilyano ng Kornac's Keep ay kumikilos nang kakaiba kaya agad itong nakatawag ng pansin ng lahat ng naroroon. Kahit ang mga matatandang nanonood mula sa malayo ay nagkaroon ng interes at lumapit.“Tingnan mo ito!”Tila may natuklasan si Yosil na hindi maintindihan habang ipinapasa niya ang pulso ni Frank sa isa pang matanda.Pagkatapos itong suriing mabuti, ang matandang iyon ay nagkaroon din ng parehong ekspresyon ng kawalan ng paniniwala, pagkabigla, at pagkalito tulad ni Yosil.“Paano ito nangyari?!”Mahigit walumpung taon na akong nabubuhay, at hindi pa ako... hindi pa ako nakakita ng ganito...Sinuri ng mga matatanda ang pulso ni Frank isa-isa. Sa wakas, nagtipon-tipon sila, nagkibit-balikat na sumusuko.Ano kaya ang ginagawa ng mga matatandang iyon? Bakit parang kakaiba ang kanilang kilos?Napasimangot si Ira, pakiramdam na may mali.Ang iba pang kalahok sa pagsubok ay nag-unat din ng kanilang leeg, sinusubukang marinig ang pinag-uusapan ng mga

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1668

    Tila nakatakdang mawalan ng isang magandang kinabukasan ang Kornac's Keep ngayong araw. Naramdaman ni Yosil ang matinding pagsisisi sa kanyang puso.Ang kakaibang mga pamamaraan ni Frank at ang kanyang matalas na mata sa pagkilala sa mga sangkap na gamot ay mga bagay na tunay na pinahalagahan ni Yosil."Ehem!" Habang nilulunok ni Frank ang itim na pildoras, agad na nagkulay-dilaw ang kanyang mukha. Pagkatapos itong pigilin sa loob ng kalahating segundo, bigla siyang nagsimulang ubo nang malakas. Pagkatapos, bigla siyang nagsuka ng makapal, itim, at malagkit na dugo.Nang makita si Frank sa ganoong kalungkot na kalagayan, napatawa si Kairo. “Haha! Sabi ko sa'yo huwag kang maging matigas ang ulo. Maging mabait ka na lang at aminin mo na ang pagkatalo mo. Kung hindi mo pa napagtanto, hayaan mong ipaalala ko sa'yo!”Ngumisi si Kairo nang may masamang hangarin. “Ang mga mudroot ay likas na makalupa, at naglalaman ang mga ito ng maraming dumi! Matigas ang ulo mong gumawa ng gamot na ga

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1667

    Handang tanggapin ni Yosil si Frank bilang isang promising talent, at haharapin niya si Kairo at ang iba ayon sa karaniwang proseso. Pero ngayon, dahil sa pagtaas ni Kairo sa taya nila ni Frank, naging sensitibo ang sitwasyon.Kung aamin si Frank ng pagkatalo ngayon, luluhod, at hahalikan pa nga ang sapatos ni Kairo, baka hindi na siya muling makabangon.Ang sikolohikal na epekto kay Frank ay maaaring maging mapangwasak. Maaari itong makahadlang sa kanyang pagtuon sa medisina sa hinaharap at maging isang nakakakilabot na hadlang sa kanyang pag-unlad.At ito lang ang mga salik na nakakaapekto kay Frank. Kung sapilitang kinuha siya ni Yosil, kailangan ding harapin ng matandang lalaki ang brutal na katotohanan na isang apprentice ng Kornac's Keep ang lumuhod sa isang apprentice ng Cloudnine Sect at nilamutak pa ang sapatos nito.Ang reputasyon pa lang ng pagkalat nito ay hindi na matitiis ni Yosil, lalo pa't ang iba pang matatanda ng Kornac's Keep. Ang pamamahala sa Kornac's Keep ay

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1666

    Noon, tinanong ni Yosil si Frank kung kailangan niya ng karagdagang mga halamang gamot. Kung nagkompromiso lang sana ng kaunti si Frank, hindi sana ganito ang nangyari sa kasalukuyang sitwasyon."Naku, sayang naman." Bumuntong din si Ira, may bahid ng pagkadismaya sa kanyang mga mata kay Kairo.Sa kabila ng patuloy na pagpupumilit na inumin ni Frank ang lason at makipagkumpitensya nang patas sa kanila, sa halip ay hinadlangan ni Kairo si Frank sa pagsubok na ito, na sa huli ay naging sanhi ng pagkatalo ni Frank.Bagaman si Kairo ay mula sa Cloudnine Sect, tila hindi naman ganap na tapat ang kanyang mga pamamaraan. Ang nauna niyang pagbanggit tungkol sa katarungan ay malamang na nagmula sa hindi niya pag-ayaw na mawala ang kanyang dignidad.Kung siya ang nasa lugar ni Frank ngayon, kalimutan na ang pag-inom ng mga sediment ng gamot— malamang na hindi man lang hawakan ni Kairo ang kahit isang patak ng lason.Kaya nang marinig nila ngayon ang nagtatagumpay na tawa ni Kairo, medyo nai

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status