Share

Kabanata 9

Author: Chu
Hindi balewala kay Frank ang miserableng reaksyon ni Henry.

Gayunpaman, kahit na handa si Henry na tanggapin siya, hindi ganun ang kanyang pamilya.

Para bang isang usaping pamilya ang kasal nila ni Helen at hindi sa kanilang dalawa lang!

"Hindi, Lolo. Sa tingin ko hanggang dito na lang kami," ang sabi niya, at umalis siya nang hindi lumilingon.

Nanghina si Henry at muntik nang bumagsak.

Mabilis na kumilos si Helen at nagmamadaling lumapit upang saluhin siya, at napansin niyang wala sa ayos ang mga mata ni Henry habang paulit-ulit siyang bumubulong, "Tapos na... Tapos na ang lahat... Katapusan na ng pamilya ko..."

Nagtaka si Helen sa mga sinasabi ni Henry. "Anong sinasabi mo, Lolo? Yung totoo, nag-abala si Sean na tulungan akong magkaroon ng partnership sa mga Turnbull kanina. Aangat ang pamilya natin at tatayo kasama ng mga elite sa Riverton."

"Hah!" Malamig na sinabi ni Henry. "Yung Sean Wesley na sinasabi ni Frank?"

"Mismo," sagot ni Helen.

"Mas mahalaga pa nga ang utot kaysa sa kanya kung ikukumpara siya kay Frank," ang sabi ni Henry habang nagmamadali siyang bumalik sa kanyang silid, wala na siyang ganang kumain ng hapunan.

Napabuntong-hininga si Helen habang nakatingin siya sa kanyang lolo. "Yung totoo, ano bang kalokohan ang pinakain sa kanya ni Frank?"

"Anong malay natin?" Humalakhak si Peter. "Mas mabuti ‘to para sa’tin—hindi na natin kailangang itago sa kanya ang tungkol sa paghihiwalay niyo ni Frank."

Tuwang-tuwa si Peter—kung wala ang proteksyon ng matanda, walang makakapigil sa kanya na gantihan si Frank!

Tiningnan siya ng masama ni Helen, at tinanong, "Sino yung babaeng kasama ni Frank? Yung babaeng binanggit mo."

"Hindi ko alam," sagot ni Peter, napakamot siya ng ulo. "Pero napakaganda niya, parang one in a billion..."

Kumunot ang noo ni Helen. "Mas maganda sa’kin?"

Hindi siya mapakali sa mga sinabi ni Peter.

Ayaw niyang magkaroon ng ibang babae sa tabi ni Frank, lalo na ang isang babae na mas maganda kaysa sa kanya!

"P-Paano ko ba sasabihin ‘to...," biglang nautal si Peter. "Natural ang kagandahan mo, habang ang kagandahan niya ay yung tipong makukuha mo sa pamamagitan ng teknolohiya."

Sa kabila ng kanyang mga sinabi, hindi mawala sa isipan niya ang mukha ni Vicky—ang kanyang kagandahan ay hindi mapapantayan, lalo na ng mga babaeng iyon sa nightclub na madalas niyang puntahan!

Gayunpaman, nagalit siya sa naisip niya, dahil ang isang walang kwentang tulad ni Frank ay hindi karapat-dapat na makasama ang isang babae na ganun kaganda!

Samantala, halatang nasiyahan si Helen sa sinabi sa kanya ni Peter.

-

Gabi na nang makabalik si Frank sa Verdant Hotel.

Nang makabalik siya, nakita niya ang isang Rolls-Royce na nakaparada sa labas ng entrance kasama ang isang babaeng nakasuot ng windbreaker na nakasandal dito.

Kung titingnang maigi, makikita na ito si Yara, ang kaibigan at bodyguard ni Vicky.

Nang makita niya si Frank, nagmamadali siyang lumapit sa kanya. "Mr. Lawrence..."

"Hello, Ms. Quill. May problema ba?" Tanong ni Frank habang pinagmamasdan niya siya.

Siya ay may maliit na bilog na mukha, at ang kanyang mga mata ay isang matingkad na itim ang kulay. Magulo ang buhok niya sa lakas ng hangin, at halatang matagal na niyang hinihintay si Frank.

Lampas ng ilang pulgada ang taas niya sa limang talampakan, bagama't maliit pa rin siyang tingnan sa harap ni Frank.

Magkahawak ang kanyang mga daliri at patuloy niyang ginagalaw ang kanyang mga hinlalaki, at nanatiling nakayuko ang kanyang ulo, matagal siyang nautal ngunit wala siyang masabi.

Natawa si Frank. "Sabihin mo kung anong nasa isip mo."

Nahihiyang tumingin si Yara sa kanya. "S-Sige... Pwede mo bang ituro sa’kin yung technique na itinuro mo kay Vicky?"

Kung sabagay, personal na naranasan ni Yara ang kapangyarihan ng pinalakas na bersyon ni Frank ng Boltsmacker. Ginamot din niya si Vicky, at pinatunayan nito na may mga pagkukulang sa tradisyonal na bersyon ng Boltsmacker.

Natural, gusto ni Yara na matutunan din ang pinalakas na bersyon nito, ngunit hindi tulad ni Vicky, hindi siya isang prodigy na kayang matutunan ang isang bagong technique sa isang tingin lang.

"Ah, ‘yun." Ngumiti si Frank.

Agad na naglabas ng debit card si Yara. "Hindi ko sasayangin ang oras mo, Mr. Lawrence. Mayroong 500,000 sa loob nito—ang PIN ay anim na zero. Sa’yo na ang lahat ng ito."

Inilagay lamang ni Frank ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran, nananatili siyang kalmado habang sumasagot siya, "Walang halaga sa akin ang pera."

Medyo nataranta si Yara. "Kung ganun... Ano ang gusto mo?"

"Mayroon ka bang natural relics o iba pang mahahalagang herb?"

Umiling si Yara. "Wala."

"Mga mahiwagang sandata?"

Lalong nalungkot si Yara. "Wala."

"Well, kailangan kong sabihin na hindi..."

Iniyuko ni Yara ang kanyang ulo at tumalikod, handa na siyang umalis…

Bigla siyang tinawag ni Frank, "Sandali lang. Totoo bang ang tatay mo ang gobernador ng Riverton?"

"Oo siya nga! May maitutulong ba ako?" Ang sabi ni Yara, puno ng pag-asa ang kanyang mga mata.

"Maaari kong ituro sa’yo ang pinalakas na Boltsmacker, pero kailangan mong hanapin ang isang tao para sa’kin," ang sagot ni Frank.

"Talaga?" Ang tuwang-tuwang sinabi ni Yara. "Madali lang 'yun. Sabihin mo lang sa’kin kung sino siya, at siguradong hahanapin ko siya!"

"Ang pangalan niya ay Winter Lawrence."

Nanatiling tahimik si Yara habang hinihintay ang susunod na sasabihin ni Frank…

Ngunit iyon lang ang sinabi ni Frank.

"Teka, ‘yun lang ba ang impormasyon na ibibigay mo sa’kin?" Tanong ni Yara.

Tumango si Frank. "Oo. Pangalan lang niya ang mayroon ako. Wala akong ibang impormasyon."

Siya ang nag-iisang anak na babae ng kanyang guro.

Noong mamamatay na ang kanyang guro pagkatapos ng labanan sa South Sea tatlong taon na ang nakakaraan, sinabi niya sa kanya na hanapin ang anak niyang babae na nakatira sa Riverton. Bagama’t ang ibinigay niya kay Frank ay isang pangalan at wala nang iba, naglakbay si Frank sa Riverton at nanatili doon ng tatlong taon pagkatapos ng kanyang kasal. Patuloy siyang naghahanap ng mga impormasyon tungkol kay Winter, ngunit wala siyang nakita.

Sa kasalukuyan, napakagat labi si Yara.

Napakaraming mamamayan sa Riverton na iisa ang apelyido at pangalan—imposibleng makahanap ng isang tao gamit lang ang kanyang pangalan.

Gayunpaman, pumayag siya agad para matutunan niya ang pinalakas na Boltsmacker. "Sige. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mahanap siya... Pero, pwede ko bang malaman kung kailan mo ako tuturuan?"

Biglang nagsimulang magbigay ng direksyon si Frank, at agad niyang ginawa ang itinuro ni Frank.

Habang idinidirekta niya ang daloy ng kanyang Ki, kumilos si Frank nang kasing bilis ng kidlat, at inilihis ang daloy ng kanyang Ki mula sa kanyang pusod pataas sa mga intersecting node, na pinagbubuklod ang Ki mula sa iba pang mga ugat.

Agad na naramdaman ni Yara bumubulusok at mabilis na umiikot ang Ki sa loob ng kanyang katawan, na nagpadala ng umaapaw na enerhiya sa kanyang mga ugat.

Kinabisa niya ang bawat landas na tinatahak ng kanyang Ki, at nakaramdam siya ng matinding puwersa habang ginagalaw niya ang kanyang palad, higit na mas malakas ito kaysa sa Boltsmacker na sinasanay niya noon!

"Iyan ang paraan kung paano mo ididirekta ang iyong Ki upang ilabas ang aking pinalakas na bersyon ng Boltstmacker," ang sabi ni Frank. "Natatandaan mo ba?"

"Oo, Mr. Lawrence," sabi ni Yara, na abot tenga ang ngiti habang sumasaludo sa kanya. "Salamat sa iyong pagtuturo... oo nga pala, pwede ko bang ituro ‘to sa iba pang mga apprentice ng angkan ko?"

Sa katunayan, kung malalaman ito ng buong angkan niya, ang kanilang impluwensya bilang isang faction ay higit na aangat!

Gayunpaman, umiling si Frank. "Ang pinalakas na bersyon na ito ay angkop lamang para sa mga kababaihan. Kung gagamitin ito ng mga lalaki sa loob ng matagal na panahon, magkakasakit sila tulad ng nangyari kay Ms. Turnbull."

"Ganun ba. Salamat sa payo mo, Mr. Lawrence." Mahinhin na tumango si Yara.

Tumango naman si Frank. "Aalis na ako. Pakiusap huwag mong kakalimutan ang hinihiling ko sa’yo."

"Huwag kang mag-alala, sir. Hindi ko kakalimutan," siniguro ito sa kanya ni Yara, bagama't bigla siyang napahinto nang may pumasok sa isip niya. "Oo nga pala, may isa pa akong gustong sabihin..."

"Ano ‘yun?"

"Mas mabuti kung dumistansya ka kay Vicky, Mr. Lawrence."

Nagtaka si Frank. "Bakit?"

"Mula siya sa isang mahalagang pamilya at ipinagmamalaki ang parehong kagandahan at talento," sabi ni Yara, na pinaaalalahanan siya dahil nag-aalala siya sa kanya. "Hindi mabilang ang mga manliligaw niya dahil dito, at maaaring may magselos kapag masyado kang maging malapit sa kanya."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1916

    "Hindi lang 'yun," patuloy ni Sanne. “Ang aking ama ay si Namik Dali, pinuno ng Mesial Hall sa guild!”“Ang Thousand Isles Guild?!”Karamihan sa mga martial artist na naroroon ay hindi alam kung sino si Namik, ngunit kilala nila ang Thousand Isles Guild, dahil isa sila sa South Sea Four!Bukod pa rito, sila ay isang alyansa ng mahigit isang libong sekta ng mga taga-isla—sa usapin ng impluwensya, mas malaki pa sila sa Volsung Sect!At si Sanne ay anak ng isa sa mga pinuno ng bulwagan!Hindi na nakakagulat ngayon na napakawalang-pakiramdam niya—napakalakas ng kanyang mga koneksyon para suportahan siya!Hindi lang iyon, dahil ang Thousand Isles Guild ay isang pangunahing miyembro ng Martial Alliance, at marami sa kanilang mga matatanda ay nagsisilbi ring matatanda nila.Hindi tulad ng Cloudnine Sect, na pansamantalang miyembro lamang, ang Thousand Isles Guild ay isa sa mga pangunahing paksyon na malapit ang ugnayan sa mga pinuno ng Martial Alliance.Kaya naman, bilang tagapagmana,

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1915

    ”Tut, tut. Mahina…”Nangungutya si Sanne habang pinapanood ang martial artist na lumuhod sa harap niya."Ikaw..." sabi niya.“Ano, hindi ka pa rin sumusuko?”Nang makitang nakatingin pa rin sa kanya ang martial artist, biglang itinaas ni Sanne ang kanyang paa at sinipa niya siya sa dibdib!Crack!May narinig na malakas na tunog nang mabasag ang mga tadyang niya, at nanlaki ang mga mata ng lalaki nang mamatay siya.Napahinga nang malalim ang ibang mga martial artist sa paligid nila, sabay na nagulat at natakot sa pagiging walang awa ni Sanne.“Basura. Mga basura kayong lahat.”Pagtingin sa bangkay, at pagkatapos ay sa iba pang mga martial artist sa pila, umiling si Sanne sa paghamak.Walang ibang naglakas-loob na magsalita—ang mga taong ito ay naglakas-loob na pumatay sa teritoryo ng Martial Alliance, kaya nahihirapan silang maniwala na wala siyang malalakas na koneksyon.Kaya naman, para na rin silang umamin na gaya nga sila ng sinabi ni Sanne na sila—basura.Kung sabagay,

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1914

    Ngumisi si Rok habang umuupo sa tabi ni Frank, ipinakita ang kanyang nanilaw na ngipin habang nanliit ang kanyang mga mata na nagbabanta. “Kinakamusta ka ni Titus Lionheart. Pinapasabi niya na mag-iingat ka at umaasa na mananalo ka sa Martial Tournament.”“Si Titus Lionheart?!”Nalungkot ang mukha ni Frank—kaibigan pala ng Lionhearts ang matandang ito?!Ngayon, tila may utos ang matandang lalaki mula sa Lionhearts na pumunta sa Zamri at harapin si Frank!Gayunpaman, sa kabila ng kanyang unang pagkabigla, mabilis na nakontrol ni Frank ang kanyang sarili.Kung mayroon man, hindi siya dapat nagulat at dapat ay inasahan niya na pipiliin ng Lionhearts ang sandaling ito para guluhin siya.Kaya naman, malamig na tumawa si Frank at sumagot, "Ah, ganoon ba. Sige, pasalamatan mo siya para sa akin paran sa mensahe niya... at sa kanyang Celestial Dew."Nagulat si Rok sa kalmado niyang sagot, bagaman agad ding lumamig ang kanyang ekspresyon. “Kinakalaban mo ang mga Lionheart? Katapusan mo na

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1913

    Bago pa man masabi ng branch manager ng Zamri Martial Alliance kay Frank ang tungkol sa iba pang rounds, may isang staff member na tumakbo palapit, bumulong ng isang bagay sa tainga ng manager.Nagsimulang magkunot-noo ang manager, dahil mayroon siyang express order mula sa pinuno ng Martial Alliance na personal na asikasuhin si Frank, isang karangalang hindi para sa lahat.Gayunpaman, ipinaalam sa kanila ng kanyang mga tauhan na may mga martial artist na nagkakagulo, na nagdulot ng dilema sa manager dahil hindi niya basta-bastang mapapabayaan ang isang VIP tulad ni Frank.Gayunpaman, nang makitang nahihirapan ang manager sa pagpapasya, nagkibit-balikat si Frank at nakangiting sinabi sa kanya na asikasuhin ang problema—sila naman ng kanyang mga kaibigan ang bahalang tumingin-tingin.Nagulat talaga ang manager na napakabait ni Frank, pero nakahinga rin siya nang maluwag.“Pasensya na talaga sa abala, Mr. Lawrence. Babalik ako agad kapag naayos ko na ang gulo.”Pagkatapos ipahayag

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1912

    Lalong nainis si Frank.Sa kabutihang palad, nagbibiro lang sina Helen at Vicky kay Frank—kung hindi, pinagkakatiwalaan nila ang kanyang pagkatao.Kahit na nakikialam ang Phoenix, hindi man lang sila kinabahan, lalo na hindi nag-alala na gagawa ng hindi naaayon si Frank.Kung mayroon man, itinuring nila itong isang biro.-Gayunpaman, tapos na ang panahon ng pagpaparehistro, at malapit nang dumating ang oras para sa mga kwalipikado.Sa puntong iyon, kailangang aminin ni Frank na matagumpay si Phoenix—iyon ay, sa pagkuha ng kanyang atensyon.Pagkatapos ng lahat, medyo kinakabahan siya dahil hindi na siya nakarinig mula sa kanya simula noon. Maaari lamang siyang manalangin na walang ginawang katatawanan ang babae para magkaroon siya ng maraming kaaway na bigla na lang lumitaw.Dahil dito, nakahinga siya nang maluwag nang makita niyang wala si Phoenix nang dumating siya sa sangay ng Martial Alliance. Sa ganitong paraan, makakasali siya nang hindi na kailangang mag-alala sa ibang b

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1911

    "Bleurgh…"Muntik nang maibugha ni Frank ang kanyang inumin.Nang makita ang mainit at puno ng pagmamahal na titig ni Phoenix, nilakasan niya ang loob niya at nagdesisyon siya na linawin ang mga bagay-bagay. “Narinig ko na may fiancé ka, Ms. Ardron.”“Ah, siya…”Kumunot ang noo ni Phoenix nang banggitin ang kanyang kasintahan at bumulong siya sa sarili pagkatapos ng maikling katahimikan, "Wala kaming nararamdaman sa isa't isa ni Josh. Isang kasunduan lang ang relasyon namin."“Ano kamo?”Nawalan ng salita si Frank. Ang relasyon nila ay kanila, kaya ano naman ang pakialam niya doon... maliban na lang kung gusto ni Phoenix na maging third wheel siya sa kanilang relasyon?Gayunpaman, nang makitang nagtanong si Frank ng ganoon, bahagyang nawala ang ngiti ni Phoenix. Bigla siyang nagtanong, "Mr. Lawrence, gusto mo ako, hindi ba?"Walang masabi si Frank.Napakadirekta ng tanong kaya hindi nakapag-isip ng sagot si Frank nang mahinang bumuntong-hininga si Phoenix. “Kung hindi mo ako g

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status