Share

Kabanata 11

Author: Chu
Ipinasok ni Frank ang kanyang mga kamay sa kanyang mga bulsa habang kalmado siyang pumasok sa kotse.

Gayunpaman, si Vicky, ay patuloy na sumisilip sa kanya mula sa driver seat.

"Mr. Lawrence, pwede ko bang malaman kung sino si Peter Lane?" Di kalaunan ay nagtanong siya.

"Ang ex brother-in-law ko." Ang sabi ni Frank.

"Ah, ganun ba," ang sabi ni Vicky. "Si Helen Lane."

Tumango si Frank habang nakangiti naman si Vicky. "Mukhang hindi naging maganda ang mga bagay sa pagitan niyong dalawa! Gusto mo bang tumulong ako ng kaunti?"

Napatingin si Frank sa kanya.

Kapag tumulong si Vicky, tiyak na magagawa niyang burahin ang mga Lane sa Riverton nang walang kahit anong bakas.

Gayunpaman, wala siyang intensyon na gawin iyon sa kabila ng sama ng loob niya sa pamilyang iyon, at kailangan niyang magpakita ng respeto kay Henry hangga't nabubuhay siya.

"Salamat sa alok mo, pero kaya ko naman ang sarili ko," ang sagot niya.

Napangiti si Vicky. "Naiintindihan ko. Basta huwag mong kalilimutan na pwede mo akong lapitan anumang oras kapag may problema ka."

-

Dumating si Helen sa harap ng pinto ng Verdant Hotel, ang kanyang asul na gown ay agad na nakakuha ng atensyon ng mga tao.

Sa tabi niya, mukhang mayabang si Gina sa kanyang mabulaklak na damit—palaging nakukuha ng anak niyang babae ang atensyon ng lahat saan man siya magpunta!

Gayunpaman, bigla siyang may naalala. "Helen, hindi pa ba nakakarating dito si Peter?"

Kumunot ang noo ni Helen. "Diyos lang ang nakakaalam kung anong ginagawa niya—tatawagan ko siya."

Gayunpaman, hindi ito sinagot ni Peter, dahilan upang magtaka siya. "Hindi siya sumasagot."

Napabuntong hininga si Gina. "Hind talaga maaasahan ang bwisit na ‘yun kapag kailangan mo siya."

"Hayaan mo na, ayos lang ‘yun," ang seryosong sinabi ni Helen. "Ang tanging bagay na mahalaga ngayon ay ang magkaroon tayo ng partnership sa mga Turnbull."

"Oh ang aga mo, Helen!" Ang sabi ni Sean habang nagmamadaling lumapit sa kanya.

"Kakarating lang din namin dito," ang magalang na sagot ni Helen.

Samantala, agad siyang pinuri ni Gina. "Gosh! Siguradong milyon-milyon ang halaga ng suit mo, Mr. Wesley."

"Naku, hindi naman... Ilang libong dolyar lang ang halaga nito."

Mabilis namang hinila ni Gina si Helen para tumabi kay Sean. "Tut, tut... Bagay talaga kayong dalawa kapag magkasama kayo!"

Inirapan ni Helen ang kanyang ina. "Tumigil ka na, Mom."

"Sinasabi ko lang ang nakikita ko." Nagkibit balikat si Gina.

Ngumiti si Sean. "Pumasok na tayo, Helen."

Tumango si Helen nang bigla siyang may nakitang pamilyar na pigura mula sa gilid ng kanyang mata.

"Frank?" Ang bulong niya.

Lumingon si Gina at sinundan ang tingin ni Helen, at nakita niyang si Frank nga iyon. "Ano?! Anong ginagawa ng walang kwenta na yan dito?"

Nagkataon na hinihintay ni Frank si Vicky sa entrance at napasimangot siya nang makita ang tatlo.

Sumimangot din si Helen. "Anong ginagawa mo dito?"

"Inimbitahan ako ni Ms. Turnbull."

"Haha!" Humalakhak si Gina. "Tumingin ka na ba sa salamin, Frank? Bakit mag-iimbita ang heiress ng mga Turnbull ng isang walang kwentang katulad mo?"

Suminghal rin si Sean. "Helen, palabiro talaga ang ex-husband mo."

Nakakunot ang noo ni Helen at nagtataka siya kung kailan nagkaroon si Frank ng ugali na magyabang.

Gayunpaman, ex-husband niya siya, at ayaw niyang gumawa ng gulo lalo na’t hindi tumitigil ang kanyang ina sa pangmamaliit sa kanya.

"Hindi ka dapat nagpunta dito, Frank. Umalis ka na," ang sabi niya kay Frank.

Nagkibit balikat lang si Frank. "Ano, hindi ako pwedeng pumunta dito dahil lang nandito ka?"

"Oo naman. Hindi mo ba nakikita ang okasyon?" Suminghal si Gina, hinampas niya ang suit ni Frank. "Huwag mong isipin na karapatdapat kang pumunta dito dahil lang nagsuot ka ng magandang damit. Mananatiling basura ang isang basurang gaya mo."

"Oh, Mr. Lawrence." Isang malamig na boses ang biglang umalingawngaw. "Hindi ko alam na magdadala ka pala ng mga kaibigan. Bakit hindi mo kami ipakilala sa isa’t isa?"

Ang iba ay napalingon at nanigas nang makita nila ang matangkad at balingkinitang babae na nakaputing gown na naglalakad patungo sa kanya.

Ang kanyang kagandahan ay walang kapantay, maging ang kanyang malarosas na pisngi, ang kanyang kulay almond na mga mata, o ang poise sa kanyang hakbang!

Naglakad siya palapit kay Frank, niyakap niya ang braso ni Frank at malinaw na malapit sila sa isa’t isa.

Nanlaki ang mga mata ni Helen—kahit na sinabi sa kanya ni Peter na may ibang babae si Frank, hindi niya inaasahan na ganito pala siya kaganda!

Ngayon, naintindihan na niya ang ibig sabihin ni Peter nang sabihin niyang napakaganda ng babae.

At kung ang kanyang kagandahan ay bunga ng teknolohiya, ito ay teknolohiya mula sa mga Diyos!

Maging si Gina ay hindi naglakas-loob na itanggi ang kagandahan ng babae, na agad na natakpan ang kagandahan ng kanyang sariling anak…

'P*ta ka!' Ang sabi niya sa kanyang isipan habang naiinis siya.

Samantala, nakanganga si Sean at halos maglaway, nagtataka kung bakit may babaeng mas maganda pa kay Helen sa isang maliit na lugar tulad ng Riverton, at kung bakit hindi niya narinig ang tungkol sa kanya noon!

Agad siyang lumapit sa kanya na may magalang na ngiti. "Maaari ko bang malaman ang pangalan mo, ganda?"

Tiningnan siya ng malamig ni Vicky. "At ikaw si?"

Agad na inayos ni Sean ang kanyang sarili at hinila ang kanyang manggas. "Sean Wesley, ang iyong lingkod."

"Hindi kita kilala." Itinikom ni Vicky ang kanyang mga labi. "At saka, wala kang karapatan na malaman ang pangalan ko."

Napanganga si Sean, ang nakalahad niyang kamay ay naiwang nakabitin sa ere.

Ito ang unang pagkakataon na pinahiya siya ng isang babae!

Agad na inaway ni Gina si Frank, "Walang hiya ka! Minaltrato ka ba ng pamilya namin? Hindi ko inakala na ipagpapalit mo si Helen para sa p*tang ‘to!"

Pinigilan siya ni Helen, ngunit naglakad siya palapit kay Frank at umiling. "Hindi ako naniniwala kay Peter nung sinabi niya sa’min ang tungkol dito. Paano mo ‘to ipapaliwanag ngayon?"

Malamig na ngumiti si Frank. "Magpaliwanag? Bakit ko gagawin ‘yun?'

"Ano..." Hindi inaasahan ni Helen na aaminin niya ito nang buong tapang—gusto niya talagang itanggi ito ni Frank!

"Ikaw ang dating asawa ni Frank?" Pinagmasdan ni Vicky si Helen nang may matalim na tingin.

Hindi napigilan ni Helen na ituwid ang sarili at iangat ang kanyang baba, sinusubukan niyang palakihin ang kanyang sarili upang magmukha siyang matapang. "Tama ‘yun."

Gayunpaman, tuwang-tuwa si Vicky—lalo lamang nagmukhang balisa si Helen sa ginagawa niya. "Hehe. Kung ganun, salamat."

Nagulat si Helen. "Para saan?"

"Para sa pakikipaghiwalay mo kay Frank. Paano pa ako makakahanap ng pambihirang lalaki na gaya niya?"

"Hah!" Suminghal si Helen sa inis, para bang maluwag ang ilang turnilyo sa ulo ni Vicky. "Pambihira? Hindi ganun si Frank, hindi ba?"

"Yung totoo, naniniwala ako na magaling akong bumasa ng tao. Hindi man perpekto si Mr. Lawrence..." Ngumiti lang si Vicky ng kampante bago lumingon kay Sean. "Pero at least mas mabuti siya kaysa sa kasama mo ngayon."
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1916

    "Hindi lang 'yun," patuloy ni Sanne. “Ang aking ama ay si Namik Dali, pinuno ng Mesial Hall sa guild!”“Ang Thousand Isles Guild?!”Karamihan sa mga martial artist na naroroon ay hindi alam kung sino si Namik, ngunit kilala nila ang Thousand Isles Guild, dahil isa sila sa South Sea Four!Bukod pa rito, sila ay isang alyansa ng mahigit isang libong sekta ng mga taga-isla—sa usapin ng impluwensya, mas malaki pa sila sa Volsung Sect!At si Sanne ay anak ng isa sa mga pinuno ng bulwagan!Hindi na nakakagulat ngayon na napakawalang-pakiramdam niya—napakalakas ng kanyang mga koneksyon para suportahan siya!Hindi lang iyon, dahil ang Thousand Isles Guild ay isang pangunahing miyembro ng Martial Alliance, at marami sa kanilang mga matatanda ay nagsisilbi ring matatanda nila.Hindi tulad ng Cloudnine Sect, na pansamantalang miyembro lamang, ang Thousand Isles Guild ay isa sa mga pangunahing paksyon na malapit ang ugnayan sa mga pinuno ng Martial Alliance.Kaya naman, bilang tagapagmana,

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1915

    ”Tut, tut. Mahina…”Nangungutya si Sanne habang pinapanood ang martial artist na lumuhod sa harap niya."Ikaw..." sabi niya.“Ano, hindi ka pa rin sumusuko?”Nang makitang nakatingin pa rin sa kanya ang martial artist, biglang itinaas ni Sanne ang kanyang paa at sinipa niya siya sa dibdib!Crack!May narinig na malakas na tunog nang mabasag ang mga tadyang niya, at nanlaki ang mga mata ng lalaki nang mamatay siya.Napahinga nang malalim ang ibang mga martial artist sa paligid nila, sabay na nagulat at natakot sa pagiging walang awa ni Sanne.“Basura. Mga basura kayong lahat.”Pagtingin sa bangkay, at pagkatapos ay sa iba pang mga martial artist sa pila, umiling si Sanne sa paghamak.Walang ibang naglakas-loob na magsalita—ang mga taong ito ay naglakas-loob na pumatay sa teritoryo ng Martial Alliance, kaya nahihirapan silang maniwala na wala siyang malalakas na koneksyon.Kaya naman, para na rin silang umamin na gaya nga sila ng sinabi ni Sanne na sila—basura.Kung sabagay,

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1914

    Ngumisi si Rok habang umuupo sa tabi ni Frank, ipinakita ang kanyang nanilaw na ngipin habang nanliit ang kanyang mga mata na nagbabanta. “Kinakamusta ka ni Titus Lionheart. Pinapasabi niya na mag-iingat ka at umaasa na mananalo ka sa Martial Tournament.”“Si Titus Lionheart?!”Nalungkot ang mukha ni Frank—kaibigan pala ng Lionhearts ang matandang ito?!Ngayon, tila may utos ang matandang lalaki mula sa Lionhearts na pumunta sa Zamri at harapin si Frank!Gayunpaman, sa kabila ng kanyang unang pagkabigla, mabilis na nakontrol ni Frank ang kanyang sarili.Kung mayroon man, hindi siya dapat nagulat at dapat ay inasahan niya na pipiliin ng Lionhearts ang sandaling ito para guluhin siya.Kaya naman, malamig na tumawa si Frank at sumagot, "Ah, ganoon ba. Sige, pasalamatan mo siya para sa akin paran sa mensahe niya... at sa kanyang Celestial Dew."Nagulat si Rok sa kalmado niyang sagot, bagaman agad ding lumamig ang kanyang ekspresyon. “Kinakalaban mo ang mga Lionheart? Katapusan mo na

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1913

    Bago pa man masabi ng branch manager ng Zamri Martial Alliance kay Frank ang tungkol sa iba pang rounds, may isang staff member na tumakbo palapit, bumulong ng isang bagay sa tainga ng manager.Nagsimulang magkunot-noo ang manager, dahil mayroon siyang express order mula sa pinuno ng Martial Alliance na personal na asikasuhin si Frank, isang karangalang hindi para sa lahat.Gayunpaman, ipinaalam sa kanila ng kanyang mga tauhan na may mga martial artist na nagkakagulo, na nagdulot ng dilema sa manager dahil hindi niya basta-bastang mapapabayaan ang isang VIP tulad ni Frank.Gayunpaman, nang makitang nahihirapan ang manager sa pagpapasya, nagkibit-balikat si Frank at nakangiting sinabi sa kanya na asikasuhin ang problema—sila naman ng kanyang mga kaibigan ang bahalang tumingin-tingin.Nagulat talaga ang manager na napakabait ni Frank, pero nakahinga rin siya nang maluwag.“Pasensya na talaga sa abala, Mr. Lawrence. Babalik ako agad kapag naayos ko na ang gulo.”Pagkatapos ipahayag

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1912

    Lalong nainis si Frank.Sa kabutihang palad, nagbibiro lang sina Helen at Vicky kay Frank—kung hindi, pinagkakatiwalaan nila ang kanyang pagkatao.Kahit na nakikialam ang Phoenix, hindi man lang sila kinabahan, lalo na hindi nag-alala na gagawa ng hindi naaayon si Frank.Kung mayroon man, itinuring nila itong isang biro.-Gayunpaman, tapos na ang panahon ng pagpaparehistro, at malapit nang dumating ang oras para sa mga kwalipikado.Sa puntong iyon, kailangang aminin ni Frank na matagumpay si Phoenix—iyon ay, sa pagkuha ng kanyang atensyon.Pagkatapos ng lahat, medyo kinakabahan siya dahil hindi na siya nakarinig mula sa kanya simula noon. Maaari lamang siyang manalangin na walang ginawang katatawanan ang babae para magkaroon siya ng maraming kaaway na bigla na lang lumitaw.Dahil dito, nakahinga siya nang maluwag nang makita niyang wala si Phoenix nang dumating siya sa sangay ng Martial Alliance. Sa ganitong paraan, makakasali siya nang hindi na kailangang mag-alala sa ibang b

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1911

    "Bleurgh…"Muntik nang maibugha ni Frank ang kanyang inumin.Nang makita ang mainit at puno ng pagmamahal na titig ni Phoenix, nilakasan niya ang loob niya at nagdesisyon siya na linawin ang mga bagay-bagay. “Narinig ko na may fiancé ka, Ms. Ardron.”“Ah, siya…”Kumunot ang noo ni Phoenix nang banggitin ang kanyang kasintahan at bumulong siya sa sarili pagkatapos ng maikling katahimikan, "Wala kaming nararamdaman sa isa't isa ni Josh. Isang kasunduan lang ang relasyon namin."“Ano kamo?”Nawalan ng salita si Frank. Ang relasyon nila ay kanila, kaya ano naman ang pakialam niya doon... maliban na lang kung gusto ni Phoenix na maging third wheel siya sa kanilang relasyon?Gayunpaman, nang makitang nagtanong si Frank ng ganoon, bahagyang nawala ang ngiti ni Phoenix. Bigla siyang nagtanong, "Mr. Lawrence, gusto mo ako, hindi ba?"Walang masabi si Frank.Napakadirekta ng tanong kaya hindi nakapag-isip ng sagot si Frank nang mahinang bumuntong-hininga si Phoenix. “Kung hindi mo ako g

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status