Share

The Girlboss Begs for Remarriage
The Girlboss Begs for Remarriage
Author: Chu

Kabanata 1

Author: Chu
”Pirmahan mo ‘to para ma-finalize ang divorce niyo kung wala ka nang mga katanungan,” ang sabi ng babaeng nakasuot ng bulaklaking damit at itinulak niya ang isang piraso ng papel papunta may Frank Lawrence.

Nakaupo sila sa Lane Manor, at nagsalubong ang matatalas na kilay ni Frank habang nakatitig siya sa divorce agreement bago siya lumingon sa babae na mother-in-law niya, na si Gina Zonda. “Ano ‘to?”

Itinupi ni Gina ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib at sinabing, “Kakatapos lang maging pampubliko ang Lane Holdings—ibig sabihin lang nito na lalo lang lumalaki ang agwat sa pagitan ninyo ni Helen. Tutal wala ka namang maitutulong sa kanya sa career niya, ang tanging magagawa mo lang ay hilahin siya pababa, at dahil dito ay mas mabuting hiwalayan mo na siya sa lalong madaling panahon.”

Ngumiti ng mapait si Frank. “Ito ba ang iniisip ni Helen, o ito ba ang iniisip mo?”

Sumimangot si Gina. “Ito ang iniisip ng bawat miyembro ng pamilya ko. Siguro nga si Henry ang nagtakda ng kasal niyo ni Helen, pero naging mabuti kami sa'yo habang naging pabigat ka sa'min sa nakalipas na tatlong taon. Pirmahan mo ito kung alam mo kung anong makakabuti sa'yo.”

Huminga ng malalim si Frank.

Sa loob ng tatlong taon, ginamit niya ang lahat ng koneksyon at resource na mayroon siya, upang tulungan ang Lane Holdings na lumago mula sa pagiging isang maliit na negosyo hanggang sa maging isa itong pampublikong kumpanya.

Subalit, itinuturing lamang siya ng mga Lane na isang walang kwentang asawa… kalokohan!

Gayunpaman, sinabi niya na, “Papayag ako sa divorce, pero gusto ko munang makita si Helen.”

“Walang oras ang anak ko para sa'yo,” ang galit na sinabi ni Gina.

“Talaga?” Natawa si Frank. “Humingi siya ng divorce pero wala siyang oras para sa’kin?”

“Hmph.” Suminghal si Gina. “Mukhang hindi mo pa rin tanggap ang agwat sa pagitan niyo ng anak ko. Hinding-hindi mo maiintindihan ang bigat na pasan niya ngayong wala ka man lang maayos na trabaho.”

“Hindi, hindi ko naiintindihan.” Tumango si Frank bilang pagsang-ayon. “Pero hindi ko ‘to pipirmahan kung hindi ko siya makikita ngayon.”

Bang!

Hinampas ni Gina ang kanyang kamay ds mesa at tiningnan niya ng masama si Frank. “Matuto kang lumugar, Mr. Lawrence! Nakikipag-usap ako sa'yo ngayon upang iligtas ang dignidad mo, kaya pirmahan mo na ‘to!”

“Haha! Iligtas ang dignidad ko?” Humalakhak ng malakas su Frank bago biglang tumalim ang mga tingin niya kay Gina. “Hindi ganun kalaki ang ipinagbago ng Lane Holdings sa loob ng tatlong taon, pero natuto ka na agad kung paano magyabang.”

“Anong—” Hindi nakaimik si Gina.

“Tama na ‘yan,” isang boses ang nagsalita mula sa taas, na pumigil kay Gina bago siya muling nagbunganga.

Lumingon si Frank at nakita niya si Helen na nakasuot ng itim na business suit habang naglalakad siya pababa ng hagdan papunta sa kanila. Taglay ang kanyang kaakit-akit na katawan, makinis na balat, at nakakabighaning kagandahan, isa siyang napakapambihirang babae.

“Gusto mo akong makita?” Ang sabi niya habang naglalakad siya palapit kay Frank. “Ngayon, sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin.”

Naglaho ang lamig sa mga mata ni Frank habang nakatingin siya sa kanyang asawa. “Sabihin mo sa'kin kung bakit gusto mo ng divorce.”

Noong ikinasal sila tatlong taon na ang nakakaraan, walang-wala ang mga Lane, ngunit sinusuportahan nila ni Helen ang isa't isa at mahal nila ang isa't isa. Nangako naman si Frank na gawing pinakamakapangyarihang dinastiya ang kanyang pamilya sa buong Riverton.

Subalit, habang lumalaki ang negosyo ng Lane Holdings sa bawat araw na lumilipas, mas humaba ang oras na ginugugol ni Helen sa opisina, na humantong sa panlalamig ng kanilang pagsasama. Gayanpaman, ikinatuwa at ipinagmalaki ni Frank na ang bata at inosenteng binibini ay naging isang malakas at matatag na babae.

Sa kasalukuyan, iniwasan lamang ni Helen ang katanungan at pinadulas niya ang isang debit card papunta kay Frank. “Naiintindihan ko na masama ang loob mo, Frank, at ako ang may ginawang mali sa'yo sa bagay na ito. Mayroong sampung milyon dito, at pwede mo ring kunin ang downtown villa—ituring mo itong alimony mo.”

Bumuntong hininga si Frank. “Hanggang ngayon, kumbinsido ka pa rin na masosolusyonan ng pera ang lahat?”

“Oo naman.” Tumango si Helen. “Kung hindi ito nasolusyonan, ibig sabihin lang nito na kulang pa ang perang ginamit mo.”

Napailing si Frank sa pagkadismaua. “Nagkakahalaga na ng 200 milyon ang Lane Holdings, at hindi pa ‘yun sapat para sa’yo?”

Inunat ni Helan ang kanyang mga braso at tumingin siya sa paligid nila. “Masyado kang naging komportable ng matagal, Frank—mababaw ka at kuntento ka na sa barya-barya lang, kaya dito na magtatapos sa mansyon na ‘to ang lahat. Pero para sa'kin, ito pa lang ang simula.”

“Totoo… Mababaw ako, pero sino ba ang nagsabi nun?”

Nagtanong si Frank, at nagkibit balikat. “Ikaw ba ‘yun, o baka si Sean Wesley?”

Napaatras si Helen, nagulat siya na alam ni Frank ang tungkol kay Sean sa kabila ng pagkukulong niya sa bahay.

Bagama't naging malapit siya kay Sean kamakailan, ang tanging gusto niya lamang ay magkaroon ng koneksyon sa kanya upang lalo pang umunlad ang Lane Holdings.

Ipapaliwanag pa lang sana ni Helen ang tungkol dito kay Frank, ngunit pinigilan niya ang sarili niya at sa halip ay bumuntong hininga siya. “Oo, siya ang tagapagmana ng isang elite family sa Rivertion, at magaling siyang manghula. Sa taglay nilang yaman at impluwensya, walang masama na bumuo ng alyansa kasama sila—maganda lang ang maidudulot nito.”

Tumango si Frank bilang pagsang-ayon, alam niya na walang makakapagpabago sa isip niya.

Nagbago na ang asawa niya, at wala nang balikan para sa kanila.

“Kung ganun, sana maging masaya ka,” Ang sabi ni Frank.”

Napirmahan na ni Helen ang divorce agreement, at pinirmahan na din ito ni Frank.

Pagkatapos, lumamig ang kanyang tingin nang itulak niya ang debit card pabalik sa mag-ina. “Sa inyo na ‘to. Simula ngayon, tapos na ang lahat ng ugnayan sa pagitan natin.”

“Nagmamataas ka lang.” Suminghal si Gina at inirapan niya si Frank, ngunit mabilis niyang kinuha ang debit card.

Samantala, naramdaman ni Helen na naluluha ang kanyang mga mata habang pinapanood niyang umalis si Frank. Walang kapanatagan ng loob—tanging kawalan lang ang naramdaman niya, na para bang may nawala sa kanyang isang mahalagang bagay.

“Mom…” Bumulong si Helen. “Sa palagay ko pinagsisisihan ko ‘to ng konti.”

“Ano bang pagsisisihan mo? Tandaan mo lang na mas dalasan mo yung pagsama mo kay Mr. King,” mariin siyang sinagot ni Gina. “Maghintay ka lang—hindi magtatagal ay aakyatin ng pamilya natin ang ranggo ng pagiging isa sa mga elite ng Riverton!”
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Tekena Mac-pepple Gudi
English version please
goodnovel comment avatar
Tekena Mac-pepple Gudi
please English
goodnovel comment avatar
Shamielah Cassiem
How can i translate this novel to English please
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1916

    "Hindi lang 'yun," patuloy ni Sanne. “Ang aking ama ay si Namik Dali, pinuno ng Mesial Hall sa guild!”“Ang Thousand Isles Guild?!”Karamihan sa mga martial artist na naroroon ay hindi alam kung sino si Namik, ngunit kilala nila ang Thousand Isles Guild, dahil isa sila sa South Sea Four!Bukod pa rito, sila ay isang alyansa ng mahigit isang libong sekta ng mga taga-isla—sa usapin ng impluwensya, mas malaki pa sila sa Volsung Sect!At si Sanne ay anak ng isa sa mga pinuno ng bulwagan!Hindi na nakakagulat ngayon na napakawalang-pakiramdam niya—napakalakas ng kanyang mga koneksyon para suportahan siya!Hindi lang iyon, dahil ang Thousand Isles Guild ay isang pangunahing miyembro ng Martial Alliance, at marami sa kanilang mga matatanda ay nagsisilbi ring matatanda nila.Hindi tulad ng Cloudnine Sect, na pansamantalang miyembro lamang, ang Thousand Isles Guild ay isa sa mga pangunahing paksyon na malapit ang ugnayan sa mga pinuno ng Martial Alliance.Kaya naman, bilang tagapagmana,

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1915

    ”Tut, tut. Mahina…”Nangungutya si Sanne habang pinapanood ang martial artist na lumuhod sa harap niya."Ikaw..." sabi niya.“Ano, hindi ka pa rin sumusuko?”Nang makitang nakatingin pa rin sa kanya ang martial artist, biglang itinaas ni Sanne ang kanyang paa at sinipa niya siya sa dibdib!Crack!May narinig na malakas na tunog nang mabasag ang mga tadyang niya, at nanlaki ang mga mata ng lalaki nang mamatay siya.Napahinga nang malalim ang ibang mga martial artist sa paligid nila, sabay na nagulat at natakot sa pagiging walang awa ni Sanne.“Basura. Mga basura kayong lahat.”Pagtingin sa bangkay, at pagkatapos ay sa iba pang mga martial artist sa pila, umiling si Sanne sa paghamak.Walang ibang naglakas-loob na magsalita—ang mga taong ito ay naglakas-loob na pumatay sa teritoryo ng Martial Alliance, kaya nahihirapan silang maniwala na wala siyang malalakas na koneksyon.Kaya naman, para na rin silang umamin na gaya nga sila ng sinabi ni Sanne na sila—basura.Kung sabagay,

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1914

    Ngumisi si Rok habang umuupo sa tabi ni Frank, ipinakita ang kanyang nanilaw na ngipin habang nanliit ang kanyang mga mata na nagbabanta. “Kinakamusta ka ni Titus Lionheart. Pinapasabi niya na mag-iingat ka at umaasa na mananalo ka sa Martial Tournament.”“Si Titus Lionheart?!”Nalungkot ang mukha ni Frank—kaibigan pala ng Lionhearts ang matandang ito?!Ngayon, tila may utos ang matandang lalaki mula sa Lionhearts na pumunta sa Zamri at harapin si Frank!Gayunpaman, sa kabila ng kanyang unang pagkabigla, mabilis na nakontrol ni Frank ang kanyang sarili.Kung mayroon man, hindi siya dapat nagulat at dapat ay inasahan niya na pipiliin ng Lionhearts ang sandaling ito para guluhin siya.Kaya naman, malamig na tumawa si Frank at sumagot, "Ah, ganoon ba. Sige, pasalamatan mo siya para sa akin paran sa mensahe niya... at sa kanyang Celestial Dew."Nagulat si Rok sa kalmado niyang sagot, bagaman agad ding lumamig ang kanyang ekspresyon. “Kinakalaban mo ang mga Lionheart? Katapusan mo na

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1913

    Bago pa man masabi ng branch manager ng Zamri Martial Alliance kay Frank ang tungkol sa iba pang rounds, may isang staff member na tumakbo palapit, bumulong ng isang bagay sa tainga ng manager.Nagsimulang magkunot-noo ang manager, dahil mayroon siyang express order mula sa pinuno ng Martial Alliance na personal na asikasuhin si Frank, isang karangalang hindi para sa lahat.Gayunpaman, ipinaalam sa kanila ng kanyang mga tauhan na may mga martial artist na nagkakagulo, na nagdulot ng dilema sa manager dahil hindi niya basta-bastang mapapabayaan ang isang VIP tulad ni Frank.Gayunpaman, nang makitang nahihirapan ang manager sa pagpapasya, nagkibit-balikat si Frank at nakangiting sinabi sa kanya na asikasuhin ang problema—sila naman ng kanyang mga kaibigan ang bahalang tumingin-tingin.Nagulat talaga ang manager na napakabait ni Frank, pero nakahinga rin siya nang maluwag.“Pasensya na talaga sa abala, Mr. Lawrence. Babalik ako agad kapag naayos ko na ang gulo.”Pagkatapos ipahayag

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1912

    Lalong nainis si Frank.Sa kabutihang palad, nagbibiro lang sina Helen at Vicky kay Frank—kung hindi, pinagkakatiwalaan nila ang kanyang pagkatao.Kahit na nakikialam ang Phoenix, hindi man lang sila kinabahan, lalo na hindi nag-alala na gagawa ng hindi naaayon si Frank.Kung mayroon man, itinuring nila itong isang biro.-Gayunpaman, tapos na ang panahon ng pagpaparehistro, at malapit nang dumating ang oras para sa mga kwalipikado.Sa puntong iyon, kailangang aminin ni Frank na matagumpay si Phoenix—iyon ay, sa pagkuha ng kanyang atensyon.Pagkatapos ng lahat, medyo kinakabahan siya dahil hindi na siya nakarinig mula sa kanya simula noon. Maaari lamang siyang manalangin na walang ginawang katatawanan ang babae para magkaroon siya ng maraming kaaway na bigla na lang lumitaw.Dahil dito, nakahinga siya nang maluwag nang makita niyang wala si Phoenix nang dumating siya sa sangay ng Martial Alliance. Sa ganitong paraan, makakasali siya nang hindi na kailangang mag-alala sa ibang b

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1911

    "Bleurgh…"Muntik nang maibugha ni Frank ang kanyang inumin.Nang makita ang mainit at puno ng pagmamahal na titig ni Phoenix, nilakasan niya ang loob niya at nagdesisyon siya na linawin ang mga bagay-bagay. “Narinig ko na may fiancé ka, Ms. Ardron.”“Ah, siya…”Kumunot ang noo ni Phoenix nang banggitin ang kanyang kasintahan at bumulong siya sa sarili pagkatapos ng maikling katahimikan, "Wala kaming nararamdaman sa isa't isa ni Josh. Isang kasunduan lang ang relasyon namin."“Ano kamo?”Nawalan ng salita si Frank. Ang relasyon nila ay kanila, kaya ano naman ang pakialam niya doon... maliban na lang kung gusto ni Phoenix na maging third wheel siya sa kanilang relasyon?Gayunpaman, nang makitang nagtanong si Frank ng ganoon, bahagyang nawala ang ngiti ni Phoenix. Bigla siyang nagtanong, "Mr. Lawrence, gusto mo ako, hindi ba?"Walang masabi si Frank.Napakadirekta ng tanong kaya hindi nakapag-isip ng sagot si Frank nang mahinang bumuntong-hininga si Phoenix. “Kung hindi mo ako g

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status