Share

CHAPTER 1 .1

Penulis: Mystiforic
last update Terakhir Diperbarui: 2022-03-17 22:37:50

3rd Person’s P.O.V

“At ito po ang nagbabagang balita! May sinuko na namang Mafia Boss si Anemone sa pulisya. Ito na po ang pangatlong pagsuko sa loob ng isang buwan mula ng magpakita ang misteryosong taong nangangalang Anemone.” Nakatitig ang lahat ng estudyante sa telebisyon na naka-install sa kanilang classroom. Taimtim na pinapakinggan ang balitang hinahayag tungkol kay Anemone.

Anemone, ang pangalang usong uso ngayon. Walang nakakaalam sa itsura nito pati ang kasarian. Bigla na lamang isang araw ay may mafia boss na bugbog sarado, bali ang mga braso at binti ang iniwan sa presinto at may nakadikit na mga ebidensya ng mga krimen ng boss kasama ang isang card na nakalagay “ANEMONE”. Mula noon, lagi ng may mafia members na iniiwan sa harap ng presinto sa iba’t ibang lugar at may kasamang ebidensya at card.

"Sa pagpapakita ni Anemone, ito na ba ang katapusan ng grupong Mafia?" Pagtatapos ng balita, saktong sakto dumating ang professor ng klase.

“Oh tama na iyan, pinagbigyan ko na kayo para mapanood iyang Anemone na iyan,” wika ng professor at pinatay ang telebisyon. Umangal naman ang mga estudyante pero wala rin naman sila nagawa.

“Nasa akin na ang results ng midterm niyo.” Pinakita ng professor ang mga hawak niyang papel.

“So here’s the result of our midterm exams.” Tinignan niya ang kaniyang hawak at kinuha ang papel na nasa ibabaw. “And as always, ang highest natin ay si—” Tumingin ang professor sa dalagang naka-upo sa harapan at nginitian.

“—Lilith Martina Isolde with the score of 100 out of 100! Give her a round of applause, class!” utos ng guro kaya nagpalakpakan ang mga estudyante.

“Kunin mo na itong papel mo, Ms. Isolde,” nakangiting utos ng professor na pinaunlakan naman ni Lilith.

Walang emosyon tumayo ang dalaga mula sa kaniyang upuan at naglakad papunta sa pwesto ng kaniyang guro.

“Highest na naman siya.”

"“Hindi lang highest, na-perfect niya pa.” 

“Shocks, ang ganda niya talaga. Nakaka-inlove pre!” 

“Tapakan mo ako please!"

“Highest na sa lahat ng subjects, maganda pa. Tao pa ba iyan?”

Naririnig ni Lilith ang mga komento nila pero hindi niya pinapansin. Sanay na siya. Araw araw siyang pinagbubulungan ng mga ito, sino ba naman ang hindi masasanay? Pero hindi naman masisisi ang mga kaklase niya dahil sa totoo lang parang nasa ibang level nga si Lilith.

Napakagandang dalaga ni Lilith. Kahit sinong mapatingin sa kaniya, mamamangha. Para siyang naglalakad na manika sa ganda. Makinis at maputi ang balat. Para bang hindi uso sa kaniya ang tigyawat at break out sa kinis. Ang mahaba at itim niyang buhok ay akala mo inaalagaan lagi sa salon dahil sa lambot at bango. Matangkad pa siya. May ilang beses na rin siya ini-iscout ng mga representatives para mag-artista o magmodel pero hindi siya interesado.

Hindi lang iyon ang bala niya. Hindi lang siya maganda, ubod pa nang talino. Mula ng elementary hanggang senior highschool ay lagi siyang valedictorian, walang nakaka-agaw ng trono sa kaniya. Pati sa P.E. highest siya. Kahit anong challenge at obstacles na pinapagawa sa kaniya tulad ng karate, taekwando at arnis, napagtatagumpayan niya.

Hindi na kataka taka kung iniisip nila kung tao pa ba si Lilith. Perfect na siya kung tutuusin kaya nga kilala siya ng buong school nila at marami rin may gusto at humahanga sa kaniya kaya pati tindig niya habang naglalakad papunta sa kaniyang guro ay hinahangaan na agad.

“Congrats again Ms. Isolde. Keep up your good work.” Nakangiting binigay ng professor ang papel kay Lilith habang ang dalaga ay tumango lamang tsaka bumalik sa kaniyang upuan.

Ang sumunod naman ay tinawag ng professor ang iba pang estudyante isa-isa at binigay ang kanilang resulta hanggang maipamigay niya na lahat ng papel.

“So iyon lang for today, pwede na kayong lumabas,” wika ng professor at umalis na ito.

Tumayo mula sa pwesto si Lilith. Naglakad siya paalis ng room at may nakasabay siyang kaklaseng lalaking nakasalamin. Mas maliit kaysa sa kaniya at mas nagmumukha pangmaliit dahil nakayuko ito na para bang ayaw makilala.

‘Nathaniel Gavin Robles,’ wika sa isip ni Lilith. Naalala niya ito dahil ito lagi ang pinagti-trip-an ng mga kaklase niya sa subject na pinapasukan nila.

“Ahh!” Biglang nadapa ang kasabay ni Lilith sa lapag at nahulog ang suot nitong salamin. Nagtawanan ang mga lalaking naka-upo sa magkabilang gilid ng dinadaanan nila.

“Oops sorry, ang liit mo kasi, hindi ka namin tuloy nakita.”

Nagso-sorry man sila pero hindi ito ang nilalabas ng kanilang mukha. Halatang sinadya nila ito.

“A-Ayos lang…” Pinulot agad ng binata ang salamin niya at sinuot. Tumayo naman ang isang lalaki at inakbayan si Nathan.

“Sorry talaga. Friends naman tayo diba? Gusto mo ba sabay ka saamin kumain?”

“T-Talaga? Gusto niyo ako makasabay?” gulat na tanong ni Nathan.

“Oo ba! Pero bili mo muna kaming lunch sa canteen,” nakangising wika nito.

“Tapsilog saakin ha!” 

“Longsilog saakin!” 

“Pwede bang fastfood? Nagke-crave ako sa chicken fillet eh.” 

“Ha? Pero…”

Gustong magsalita ni Nathan pero hindi na siya naka-singit dahil sa mga request nila. Tatango na lang sana siya pero na-udlot dahil kay Lilith.

“Don’t give in. Wala kang ililibre ni isa sa kanila,” malamig na wika ni Lilith kaya napa-tingin sa kaniya si Nathan at ang mga lalaki.

“Bakit nakikisawsaw ka?” inis na tanong ng lalaking naka-akbay kay Nathan.

“You’re bullying him.”

“Hala. Binubully ka raw namin? Nagpapalibre lang kami. Normal lang kaya iyon sa magkaibigan,” hirit nito.

“Magkaibigan?” May maliit na ngising lumabas sa bibig ni Lilith.

“Magkaibigan na pala ngayon kapag tinitisod,” pang-unang saad ni Lilith.

Nagroll eyes naman ang lalaki. “Hindi ba pwedeng naglolokohan lang?”

“Loko? Lokohan na lang pala ang pagkukulong sa kaniya sa banyo, o ‘di kaya pagtatapon sa kaniya ng balde ng tubig na ginamit pangmop, pagtatago ng PE uniform niya, pagsira ng salamin niya last week at pagkuha ng pitaka niya kahapon.” Inisa-isa ni Lilith ang mga ginawa ng mga kaklase kay Nathan kaya natahimik ang mga ito.

“I have evidences of what you did. If I see you bullying him again, diretsong office na kayo,” pagbabanta niya. Napayuko ang mga lalaki at agad nagsorry kay Lilith at kay Nathan.

Hindi sila pinansin ni Lilith at naglakad paalis habang si Nathan ay sumunod sa kaniya.

“Ahh sandali!”

Huminto si Lilith sa bandang pinto at hinarap si Nathan. “What is it?”

“S-Salamat sa pagtulong,” Nahihiyang pasasalamat ni Nathan sa dalaga.

“No need to thank me. I’m the class Mayor, it is my responsibility to keep the class at peace.”

Awkward na natawa si Nathan at napahawak sa kaniyang batok. “Ay oo nga sabagay…”

“Okay, I need to go.” Tumalikod si Lilith at binalak lumakad paalis pero pinigilan siya ni Nathan.

“T-Teka! Sandali!”

Humarap ulit si Lilith sa kaniya. Namula ang mukha ni Nathan at may pinipilit na sabihin. Nakailang beses pa siyang lumunok at humigop ng hangin bago magsalita. Tila ba nag-iipon ng lakas ng loob. 

“P-Pwede bang m-maaya ka kumain?”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Good Little Mafia Boss   CHAPTER 22

    “WHAT!? SHE IS ANEMONE!? AND NAT-NAT IS ENGAGE WITH HER!?” Halos lumipad si Cole, Owen at Reed sa lakas ng sigaw ni Lizzy sa binunyag nilang balita habang si Harris ay napatakip lang ng tenga at may inis sa mukha. ‘Can this person shut the heck up for once?’ inis na wika ni Harris sa utak niya. “Y-Yeah, iyon na ang nangyari,” awkward na sambit ni Cole pero hindi ito nakatulong para kumalma ang dalaga. Imbis, lumakad lakad ito sa harapan nila habang naka-kagat sa kuko niya. “No. No. This can’t be happening. Why didn’t Nat-Nat tell me? I could have fixed this.” “What are you? His maid? Bakit ikaw ang aayos? Nathan is more than capable of fixing his own mess,” sabat ni Harris kaya nag-warrant ito ng panlalaki sa kaniya ng mga mata ng kasama niya habang si Lizzy ay napakagat labi. “This doesn’t look like a solved situation! He is engaged to Anemone! The enemy of Mafia and she is living in his house! You will never know what she will do!” “Nandito naman kami, Lizzy. Huwag ka mag-

  • The Good Little Mafia Boss   CHAPTER 21

    “Uy, ikaw magsabi.” “Ba’t ako? Si Cole na.” “Dinadamay niyo pa ako. Sino t-in-ext?” Nagkakagulo sa paraang bulungan si Reed, Cole at Owen, pinagtatalunan kung sino magsasabi kay Nathan ang balita habang si Harris ay may ugat na naka-angat sa ulo sa inis dahil sa kanilang ingay pero hindi nagsasalita at nakamasid lamang sa kanilang boss na may pleasant aura sa pagitan nilang dalawa ni Lilith habang kumakain ng hapunan. Kahit man naiinis si Harris sa ingay, naiintindihan niya kung bakit hindi magawang sabihin ng tatlo lalo na kung ganiyang ambiance ang nasa harap nila. Mahirap sirain sapagkat, paniguradong mag-iiba ang mood kapag nalaman na darating ang taong iyon. “Why does she have to appear now?” Bulong ni Harris. “Mga hijo, mamaya na kayo magdaldalan at magsi-kain na kayo.” Dumating si Manang Liza at binaba ang mga plato nila na may pagkain na. “Thank you po.” Pasasalamat nila. Dahil na rin sa sinabi ni Manang Liza, pumunta ang atensyon sa kanila ni Lilith at Nathan.

  • The Good Little Mafia Boss   CHAPTER 20

    “Mukhang nagbibinata na talaga si Nathan, Madam Stella,” ito ay winika ni Cole habang naka-upo sa usual spot niya sa sofa sa loob ng personal nilang game room.Hawak niya ang isang litratong naka-frame at laman nito ang imahe ng isang babaeng may mala-anghel na mukha at ngiti habang naka-yakap sa batang bersyon ni Cole naiirita at inaalis ang dumidikit sa kaniyang wavy na buhok ng katabi niya o ang katabi niyang si Stella: ang mismong ina ni Nathan. “Sana nga lang nakikita mo ngayon. Panigurado kikiligin ka.” Nakadikit pa rin ang ngiti sa labi niya pero naging malungkot ito. Pagkatapos, siya ay uminom ng red wine na nakalagay sa lamesita. Inubos niya sa isang lagok at binaba ang baso, tsaka bumuntong hininga. “Madam Stella…” “Getting emo here again?” Nawala agad ang malungkot na ngiti ni Cole at napalitan nang malokong ngisi kasabay ng kaniyang paglingon sa kaibigang si Harris na bagong dating lang at umupo rin sa usual niyang upuan: sa pasimano ng bintana.“At least dito lang, i

  • The Good Little Mafia Boss   CHAPTER 19

    “My mom died so I would survive from the fire na ginawa ng Terranova which I discovered after the incident.” Tinapos ni Nathan ang kwento ng may malungkot pa ring ngiti, hindi nawawala habang si Lilith ay napatakip din ng bibig, parehas na parehas ng reaction ng binata nang ito ay nakinig sa nakaraan niya. “I…I’m so stupid…and a hypocrite.” Ito lamang ang nabulalas ni Lilith pagkatapos ng kwento. “All this time, I thought Mafia have their lives easy. Nothing to worry, just enjoying.” Napahilamos ng mukha ang dalaga at na-puno ng pagsisisi ang kaniyang expression nang humarap siya kay Nathan.“I am so sorry, Nathaniel. I am terribly sorry. I—” Umiling si Nathan. “It’s not your fault. Biktima lang tayo lahat dito.” Sinuot niya pabalik sa kaniyang balikat ang sleeves niya at sinara ang mga butones. “But I am all good now. Naka-survive naman ako.” “All good?” Tumaas ang kilay ni Lilith, hindi makapaniwala sa narinig niya. “They killed your mom! Hindi ka ba galit sa kanila!?” She did

  • The Good Little Mafia Boss   CHAPTER 18

    “What?” The shocked in her voice woke Nathan from his self pity and it made him realize how confusing his words were. “H-Hindi ko sisirain ang Earth! Wala akong gano’ng powers!” Agad tinanggi ni Nathan ang unang posibleng implication ng sinabi niya. “Oh. I thought we are going in a…fantasy-themed turn there,” Lilith sighed with a small smile. She didn’t want to admit pero inakala niya talaga na sisirain ni Nathan ang planet Earth but she would sound ridiculous and childish. Napakamot ng ulo si Nathan. “But yeah, you can say na fantasy din ang tunay kong meaning.” “How come?” Curious na tanong ni Lilith after niya tumayo sa pagluhod at umupo sa tabi ng binata.“I…I want to destroy the Mafia world,” mahina pero siguradong sagot ni Nathan na muling gumulat sa dalaga.“But you are a Mafia Boss…” Nathan laughed sadly. “Pero hindi ko naman ginusto. I was called a failed successor kasi everything about me is opposite of a Mafia boss at sure akong pansin mo rin.” Hindi naka-sagot si Li

  • The Good Little Mafia Boss   CHAPTER 17

    “You can sit here. Pasensya na, iyan lang upuan sa kwarto ko,” nag-aalangang wika ni Nathan pagkababa niya ng isang silya mula sa kaniyang study table.Si Lilith naman ay hindi kumibo, pinagmasdan lamang ang kwarto.Ang mismong kwarto kung saan niya nalamang Mafia Boss pala ang kaniyang kaklase at ang simula ng forced engagement niya rito.Many things happened and started in her life in that very room.“So, ano pa lang pag-uusapan natin?” Tanong ni Nathan, pagka-upong pagka-upo niya sa gilid ng kaniyang higaan, kaharap si Lilith na um-upo rin sa silya.Hindi agad nagsalita si Lilith, maraming salita ang na-ipon sa lalamunan niya pero hindi niya alam kung saan magsisimula.“J-Juice? Gusto mong juice? Papa-timpla ako kay Manang Liza. Sandali lang ha?” Mukhang hindi na komportable ang binata sa katahimikan ng dalaga kaya nag-alok na lang ito ng ibang gagawin.“Your wound—”Tatayo na sanang paalis si Nathan pero na-udlot dahil sa wakas, nagsalita na rin si Lilith.“—is your shoulder okay

  • The Good Little Mafia Boss   CHAPTER 16

    Ginugulo si Lilith ng kaniyang sariling utak. Naguguluhan kung sino ba talaga si Nathaniel at kung anong pakay niya. Hindi pa nakatulong ang sinabi ni Amanda sa kaniya. Para humupa ang mga questions sa isip niya, lumakad lakad sa loob ng mansyon si Lilith. Ngunit, patuloy pa rin ang pag-iisip niya sa puntong hindi niya namalayang nasa garden na siya at umihip sa kaniyang balat ang preskong hangin. Napatingin sa asul na langit si Lilith at dinama ang hanging nakatulong para gumaan ang mabigat niyang ini-isip.“Sarap ‘no?” Napadilat agad si Lilith at napalingon sa kaniyang kaliwa kung saan nanggaling ang boses. Ang kaniyang nakita ay si Cole na naka-upo sa swing at naka-ngiti sa kaniya.“I didn’t notice you there,” awkward na wika ni Lilith sapagkat hindi pa rin naman sila malapit kahit kasama si Cole sa nagligtas sa kaniya kagabi. “Mukha kasing malalim ang ini-isip mo. Care to share? I am a good listener,” pag-aalok ni Cole sabay tinuro ang kabilang swing sa gilid niya.“Ah, no. I’m

  • The Good Little Mafia Boss   CHAPTER 15

    “Nandito na po lahat ng gamit niyo, Madam!” Tuwang tuwang sabi ng maid kay Lilith. Ang maid na niligtas nila kay Alexander.Hindi kumibo si Lilith, bagkus, naka-upo lang siya sa higaan sa loob ng kwartong binigay sa kaniya sa loob ng Crimson Household at pinapanood ang ilang alalay na ibaba ang gamit niya at pagkatapos, aalis. Bakit nga ba siya ulit nasa Crimson Household? Nang maka-uwi sila mula sa hide out ng drug dealer na si Alexander, pinaghapunan siya ng head maid na si Manang Liza kasama sila Nathan. Tinanong ng matanda ang nangyari sa kanila at nang ma-kwento ang nangyari, halos ma-mutla ito at pinilit na tumira si Lilith sa kanilang mansyon. Sumang-ayon din sila Nathan para sa kaniyang kaligtasan. Maaaring balikan siya ni Alexander at baka, matalo siya kapag siya lang mag-isa kaya bandang huli, pumayag na rin si Lilith. In conclusion, nandito na siya ngayon at isa-isa nililipat ang mga gamit niya mula sa dati niyang tirahan papunta sa bago. Hindi itatanggi ni Lilith na she

  • The Good Little Mafia Boss   CHAPTER 14

    “Sinadya niyang pa-upuin ka sa tabi ko para magamit ka as a cheat,” pagpapatuloy ng binata. This made Lilith’s heart troubled. “I-I…” Nagsimulang manginig ang kamay ni Lilith. Ang ideya na muntik na silang matalo dahil sa kaniya and worse, wala pa siyang ka-alam-alam. They could have been tortured. They could have been sold in black market in pieces.A lot of lives could have died.And she almost lost her chance to avenge her parents just because of her ignorance. “I…I didn’t k-know…” Kahit totoo naman ang sinasabi ni Lilith, it still sounded like an excuse on her part. An excuse that even herself couldn’t accept, paano pa kaya sila?‘I s-swear, I didn’t know—” “Lilith calm down!” Dahil sa matinding emosyon, hindi napansin ni Lilith na nakayakap siya sa sarili niya at si Nathan naman ay nasa harapan niya na at nakahawak sa magkabila niyang braso.“Alam kong hindi mo alam. You are not the type of person na gagawa ng gan’on sa ibang tao lalo na intentionally,” wika ni Nathan at p

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status