The Good Little Mafia Boss

The Good Little Mafia Boss

last updateLast Updated : 2023-02-21
By:  MystiforicOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
17 ratings. 17 reviews
25Chapters
3.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Lilith Martina Isolde is considered perfect by people around her. Beautiful, smart and athletic but underneath the perfection, a raging anger against Mafia who killed her parents lurks in. This results to unbearable hatred to every Mafia Organizations that exist and she will do anything to ruin the said group. However, one night, under her mission to hunt the boss of the Crimson organization, she finds Nathaniel Gavin Crimson, her bullied classmate in the target’s lair. Still under confusion, mafia members ambush her and almost get killed but Nathaniel saves her declaring her to be the Mafia boss’ wife-to-be and that Mafia boss is no other than Nathaniel himself. Now, after being forced to become Crimson Mafia’s new bride to keep her life, how will Lilith face this new world she’s in? The world she hates the most. Will her engagement to Nathan helps her achieve her goals or will this circumstance unveil lies surrounding them?

View More

Chapter 1

PROLOGUE

“Anak! Anak, gising!” Nakaramdam ako ng alog na pinipilit akong gisingin. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang namumutlang mukha ni mommy.

“Mommy?” Bakit siya namumutla?

“Tumayo ka! Dali!” Pinilit niyang hilahin ang braso ko para makaalis ako sa higaan.

Kinusot ko ang mga mata kong inaantok pa. “Bakit po mommy? Ano pong meron?”

“No time to explain! Kailangan nating um—” Naputol ang sinasabi ni mommy dahil sa malakas na kalabog na umalingangaw galing sa baba. Sabay pa kami nagulat ni mommy at napalingon sa pinto.

“Nandyan na sila!” Lalong namutla ang mukha ni mommy kaya lalo akong naguluhan.

“Dali! Kailangan mong magtago!” Hinila niya ako paalis ng higaan at diretso sa cabinet. Pinapasok niya ako sa isang kahon sa loob.

“Mommy, ano pong nangyayari?” Takang taka pero may halo nang takot ang tanong ko dahil dumadami na ang bumabagsak na tunog sa first floor.

Ano bang nangyayari sa baba? May magnanakaw ba?

“Dito ka lang ha? Lilith, huwag kang lalabas kahit anong marinig mo ha?”

“Bakit po? Mommy, ano po ba talaga nangyayari?” Hindi pinansin ni mommy ang tanong ko, tinanggal niya ang isa niyang hikaw, binigay saakin tsaka hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at h******n ako sa noo.

Pagkatapos niyang halikan noo ko, nakita kong napupuno ng mga luha ang mga mata niya. “I love you, anak.”

Tinakpan niya ang kahon at sinara ang cabinet. Sumilip ako mula sa kahon at nakita ko siyang umalis ng kwarto ko dahil may awang ang cabinet na kinalalagyan ko.

Ano bang nangyayari sa baba? Bakit ang ingay? Bakit ako tinago ni mommy dito? Bakit niya binigay saakin ang hikaw niya?

Niyakap ko ang sarili ko at naghintay pero bigla na lang ako nakarinig ng putok ng baril kasabay ang malakas na sigaw ni mommy.

“Alan!”

Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko at napatakip ako ng bibig. Bakit may baril? Sinong nabaril? Bakit tinawag ni mommy pangalan ni daddy? Si daddy ba nabaril?

“Please maawa kayo! Please—”

Isa na namang putok ng baril ang narinig ko.

No! No! No!

At isa na naman. Paulit ulit na putok ang narinig ko. Kada putok ng baril, parang bumabagsak ang puso ko.

Nagsimula akong umiyak at humikbi. Walang pwedeng mabuhay sa gano’ng kadaming tama ng baril.

“Mommy…daddy.” Hinawakan ko ang dibdib ko at umiyak nang umiyak. Tuloy- tuloy ang tulo ng luha ko dahil alam ko, wala na sila mommy.

“Tignan mo rito!”

Napahinto ako sa pag-iyak at nanlaki ang mga mata ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nakita ko sa awang na may mga lalaking pumasok, may hawak na baril at tinututok ito sa paligid habang tinitignan ang buong sulok ng kwarto. Agad kong tinakpan ang bibig ko para hindi nila ako marinig pero damang dama ko ang panginginig ng katawan at bibig ko sa takot.

Hinahanap nila ako! Papatayin nila ako!

“Parang wala namang tao dito,” saad ng isang lalaki.

Dinig na dinig ko ang malakas na pintig ng puso ko at bawat pigil na hininga ko. Please, sana hindi nila ako mahanap.

Please, umalis na kayo!

“Tignan mo doon sa cabinet, baka nagtatago.”

“Sige.”

Lalo ako kinabahan nang buksan ang cabinet na kinalalagyan ko. Nahirapan akong itago ang hininga ko sa sobrang takot na baka bigla nila ako mahanap sa loob ng kahon.

Please! Please sana hindi niyo ako makita!

“May nakita ka?” tanong ng lalaki.

“Wala. Walang bata dito. Tsk, nakatakas yata.”

Habang nag-uusap sila, nakarinig pa ako ng yabag ng mga paa na tila ba’y tumatakbo palapit sa amin. Meron pa silang kasama!?

“We need to go! Nandyan na ang mafia boss!” Narinig kong wika ng bagong dating lalaki.

Mafia boss? Ano iyon? Siya ba may pakana nito? Siya ba dahilan kaya pinatay sila mommy at daddy?

“Tara na! Nandyan na siya!”

“Sige kasunod mo ako!”

Sabay sabay silang umalis ng kwarto ko at nagkaroon ng katahimikan pero pagkalipas ng ilang minuto, may tumatakbong lalaki pumasok sa kwarto. Nakacorporate attire at may hawak na baril.

Sumilip ako mula sa kahon at tinandaan ang itsura ng lalaki. Itim na mahabang buhok at naka-ponytail, maputi ang balat na akala mo bampira at ang pinakatumatak sa akin ay ang peklat niyang pa-cross mula sa kilay hanggang sa taas ng pisngi.

Siya! Siya ang pumatay kala mommy!

Kinagat ko ang labi ko at napasara ng kamao. Damang dama ang umaakyat na galit sa dibdib ko.

Hahanapin kita! Magbabayad ka sa ginawa mo! Hanggang sa dulo ng mundo, sisingilin kita sa ginawa mo! Curse you Mafia boss! Curse all of you!

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Analie Empinado
it's very interesting and I really love the plot of this book
2022-08-31 16:31:04
1
user avatar
Juvy Pem
Waahh, interesting story ......
2022-07-28 05:41:05
1
user avatar
amvern heart
nice story keep it up author
2022-07-27 19:09:11
1
default avatar
Dumpidomp
love the story!
2022-07-26 21:02:33
1
user avatar
Maria
blurb pa lang interesting na. recommended
2022-07-25 22:32:23
1
user avatar
gwICEyneth
Ate SJ ehehehe ganda ng story mo! <3
2022-07-25 14:11:49
1
user avatar
Bratinela17
Nice story. Highly recommended ...
2022-07-25 11:41:49
1
user avatar
janeebee
Great Story! Keep Going!
2022-07-23 13:31:42
1
default avatar
readerandwriter
Nice read!
2022-07-22 13:02:14
1
user avatar
Rona Doctorr
love thisssss
2022-07-22 08:59:23
1
user avatar
Chrysnah May
Nice story...keep writing and enjoy every moment while writing ...
2022-07-22 00:20:58
1
user avatar
Chrysnah May
Nice story, keep it up...looking forward this complete story ...
2022-07-22 00:19:41
1
user avatar
psynoid_al
umpisa pa lang action packed na! ganda ng pacing at ng storya!
2022-07-21 16:36:48
1
user avatar
Mystiforic
Rating for myself
2022-07-11 23:05:44
2
user avatar
Darthe Moore
I love everything about it!!! Keep up the good work!
2022-06-03 00:35:12
1
  • 1
  • 2
25 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status