Home / Romance / The Governor's Identity / Kabanata 3: Laxon Ace

Share

Kabanata 3: Laxon Ace

Author: Hope
last update Last Updated: 2022-08-02 08:57:43

ALIRA

“KAPAG naging Governor na ako at natupad ko ang pangarap ko para sa sarili ko, Lira. Pangarap naman nating dalawa ang tutuparin natin. Just wait for me, baby.” Ramdam ko ang determinasyon at pagmamakaawa sa boses ni Laxon habang nakahiga kaming dalawa sa sofa at nanonood ng t.v. Ngumiti naman ako at tumango.

“I will, Laxon. Pursue your dream first, makakapaghintay naman ako,” pagpapagaan ko ng nararamdaman niya kaya naramdaman kong dumampi ang labi niya sa ibabaw ng ulo ko at hinalikan ako.

“Magpapakasal tayong dalawa tapos ay ikaw ang magpe-paint or magde-design nitong bahay natin kasi gusto mo ‘yon. Papalibutan rin natin ng bulaklak yung harapan para mas lalong gumanda. Masaya tayong magsasama dito, Lira. Just wait, baby…” Aniya sa malambing boses kaya tumingala ako at tumingin sa mga mata niya. Mabilis ko siyang hinalikan sa labi kaya napangiti siya.

“I will, Laxon. Sabay natin tutuparin ‘yon, hindi ako mawawala sa tabi mo.” Pangako ko at niyakap siya pabalik.

Akala ko matutupad ko pero iba ang nangyari, iniwan ko si Laxon habang nagmamakaawa sa gitna ng ulan. Na huwag ko siyang iwan at bitawan, hindi ko natupad ang pangako ko.

“Alira, hindi ka ba papasok? Huwag ka ng mahiya sa akin.”

Nabalik na lang ako sa huwisyo ko ng marinig ko ang boses ni Laxon na ngayon ay nagtataka sa akin, nang maalala kong nasa labas pa rin ako ay mabilis kong iniwas ang paningin ko at sana ay hindi niya nakita ang pangungulila at sakit sa mga mata ko.

Pagtapak ko sa loob ng bahay ay parang gusto ng manlambot ng tuhod ko, halos mangatal ang labi ko sa nakita. Nagsisimula na rin manlabo ang paningin ko dahil sa nakita pero huminga ako ng malalim para pigilan ito. Ayokong makita ni Laxon na umiiyak ako sa harapan niya.

Kung ano ang iniwan ko limang taon na nakakalipas ay ganoon pa rin ang pwesto niya. May ilan man nawala ay may nadagdag naman kaya mas lalong bumuhos ang alaala limang taon na ang nakalipas na akala ko ay nakalimutan ko na.

Torture na ba sa akin ‘to.

“Let’s eat first, Alira. Alam kong gutom ka, halika nagluto ako,” anyaya niya kaya tahimik na lang akong tumango at pinagmamasdan lamang ang likod niya na naglalakad papunta sa lamesa.

Hindi ko alam pero hindi ba siya naiilang sa aming dalawa? Parang katulad lang kami ng dati kung mag-usap, na para bang nagsisimula na naman ulit kaming dalawa. Samantalang ako ay halos lumabas na ang puso ko sa kaba.

Nakailang kurap ako ng makita ko ang mga nakahain sa lamesa, hindi naman sa assumera ay paborito ko ang ilan dito. Limang taon na ang nakalipas hindi pa rin niya ba nakakalimutan ang mga bagay na tungkol sa akin pero sa kabilang banda ay natutuwa ako dahil marunong na siyang magluto.

“Marunong ka na pa lang magluto,” hindi ko mapigilang bulalas kaya natameme akong napatingin sa kanya habang siya naman ay nakatingin lang sa akin, nakita kong tinanggal niya muna ang apron bago ako paupuin at sagutin.

“Oo para mabawasan na rin ang gawain ng asawa ko kapag bumalik na siya dito,” aniya dahilan para sumikip ang dibdib ko at para akong binato ng libo-libong karayom diretso sa puso dahil sa narinig.

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na yelo dahil sa panlalamig ng katawan ko, naramdaman ko na rin ang panlalambot na para bang hindi ko kayang hawakan ang isang bagay ngayon.

“You already have a wife?” Paninigurado kong muli at pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko kaya direkta at malalim niya akong tinitigan sa mga mata na para bang may pinapahiwatig siya.

“Yes.” Kita ko ang saya sa mga mata niya kaya mabilis akong umiwas at sa mga pagkain ko itinuon ang atensyon ko.

“Nasaan siya?” Pagtatanong ko habang abala sa pagkuha ng kanin at ng akmang kukunin ko na sana ang ulam ay nagulat ako ng si Laxon na ang kumuha at siya na ang naglagay. Gusto ko tuloy maiyak sa ginagawa niya.

Bakit ganito ang ginagawa niya? Imbis na galit ang ipakita niya sa akin ay kasalungat nito. Dapat na ba akong matakot at maging alerto sa susunod niyang gagawin? Hindi ko na alam kung ano ang magagawa niya pa lalo na at bumalik na ako at nagkita na kaming dalawa.

“She’s busy pursuing her dreams and passion. Saka ko na siya pababalikin kapag okay na ang lahat, sa ngayon ay pinagpapahinga ko muna siya,” sagot niya kaya tumango na lang ako at hindi muling sumagot.

PAGKATAPOS kumain at mag-imis ay nandito kami sa isa kwarto ng bahay ni Laxon, napanganga na lamang ako sa ayos nito dahil sobrang laki at ganda nito. Parang doble yata sa size ng kuwarto ko ‘to eh.

Tinulungan na rin ako ni Laxon na buhatin ang gagamitin ko sa pagpipinta, tumabi muna ako sa isang gilid ng makita kong inayos niya ang hagdan kaya tiningnan ko naman ang reference na binigay niya sa akin.

Mapait akong napangiti dahil itong reference ang gusto kong ilagay sa kuwarto kapag kinasal na kaming dalawa pero mukhang sa iba na niya ito matutupad. Pareho kami ng gusto ngunit may nauna at nanalo na pala sa akin.

Malamang Alira, maghahanap na ng iba si Laxon dahil limang taon bago ka bumalik. Huwag kang mag-expect na ikaw pa rin dahil miski ang nararamdaman ng isang tao ay nagbago.

“My wife loves sunflower so much kaya ayan na reference ang binigay ko sa’yo,” nakangiting paliwanag niya kaya tipid akong ngumiti at nagsimula ng umakyat sa hagdan para sa sketchin.

Nasa ikalawang hakbang pa lang ako pero halos mawalan ako ng balance ng naramdaman ko ang mainit na kamay ni Laxon sa magkabilang bewang ko na tila ba ay inaalalayan ako sa pag-akyat. Miski ang dugo ko ay parang umakyat papunta sa mukha ko.

“Huwag mo na akong alalayan, ayos lang ako Laxon,” mahina kong naisatinig dahil sa pagkabigla at kabang nararamdaman pero mas lalo lamang humigpit ang pagkakahawak niya na para bang takot na takot siyang mahulog ako.

“Okay na,” saad ko at nakahinga na lang ako ng maluwag ng mawala na ang presensya niya sa likod ko at tumabi sa akin na hindi ko muna pinansin dahil pinagtutuunan ko ng pansin ‘tong ginagawa ko ngayon.

“Are you sure that you’re okay? Aalis muna ako para maghanda ng kakainin natin mamaya para sa tanghalian,” pag-imporma niya kaya nilingon ko siya at tipid na ngumiti.

“I’m okay here, gawin mo na ang dapat mong gawin.” Parang pinapalayas ko ma siya sa tono ng boses ko kaya tumango siya at bago pa siya lumabas ay tumingin muna siya sa akin kaya napairap na lang ako.

Nang makaalis na siya ay ginawa ko na ang dapat kong gawin, halos matakot pa ako dahil baka mamali ang maguhit ko at nakakahiya sa asawa ni Laxon. Ano kayang itsura niya? Saan kaya sila nagkakilala ni Laxon? Bakit wala man lang kaming alam tungkol sa kanya?

“Mag-focus ka nga muna sa ginagawa mo, Alira.” Pagalit kong saad sa sarili ko at bumalik sa ginagawa.

Habang naguguhit ako ay halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa loob ng kwartong 'to dahil sa muling naalala ko. Dito sa kwarto na 'to sinabi sa akin ni Laxon na gusto niyang sama-sama kami ng anak namin. Kung saan dito ay lalagyan ko ng design ang pader na ito na kunwari kapag pagod ay makakapag-relax ako sa ambiance ng kwarto.

Pero lahat ng 'yon siguro ay hanggang balik-tanaw ko na lamang. Ako rin naman ang may kasalanan kung bakit nangyari sa aming dalawa ito. Ako ang unang sumuko, bakit ako pa ang may ganang mag-reklamo? Bakit ako pa ang mas nasasaktan?

Dahil hanggang ngayon siya pa rin, Alira. Wala pa rin namang nagbago. Lahat ay nagbago na pero ang nararamdaman mo para kay Laxon ay hindi nagbago. Huwag mong gawing tanga 'yang sarili mo.

Makalipas ang ilang oras na pagguguhit ay kinuha ko na ang mga pintura na gagamitin ko. White base muna ang ginawa ko at habang hinahalo ko ang mga kailangan na kulay ay siya naman pagtunog ng cellphone ko.

Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag ay napangiti ako dahil ang anak ko ito at nang tingnan ko ang oras ay alas-dose na pala ng tanghali. Mukhang napasarap ang tulog ng anak ko ah. Kaya nakangiti ko naman sinagot ko ito.

“Good afternoon, Mama ko. Work ka na?” Ito agad ang bumungad sa akin kaya mahina naman akong natawa.

“Good afternoon din baby ko. Yes nagpa-paint na si Mama. Did you already eat na?”

“Opo mama ko. Ikaw? Kain ka na?”

“Maya-maya baby. Uuwi rin naman si Mama, gusto mo ba pagkatapos mag-work ni Mama ay pasyal tayo sa mall kasama si Ninong Pogi at MamaLa?” Engganyo kong pagtatanong kaya narinig ko naman ang pagsigaw niya sa kabilang linya na animo ay tuwang-tuwa.

“Sige po Mama ko, wait kita. Excited na ako!” Ayun na lamang ang huli kong narinig bago mawala ang kabilang linya kaya napangiti naman ako. Mukhang excited nga si Grayson.

“It look like someone made you smile.”

Mabilis akong lumingon sa nagsalita at nakita kong si Laxon ito na ngayon ay titig na titig sa akin kaya napakamot ako sa pisngi at pilit na tumawa para mawala ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

“Nagandahan lang ako sa output na ginawa ko,” pagdadahilan ko kaya tumango na lamang siya na ikinahinga ko naman ng maluwag.

Alangan naman sabihin ko kay Laxon na anak niya ang dahilan kung bakit ako nakangiti ngayon.

“MAMA, punta lang kami ni Ninong Pogi sa toy store.” Malawak na paalam ng anak ko habang higit na higit si Kuya na ngayon ay walang magawa at natatawa na lamang.

“Don’t worry, ako ang magbabayad,” mayabang na saad ng kapatid ko kaya inirapan ko siya at tumingin sa anak ko.

“Go on, baby. Basta huwag hihiwalay or bibitawan ang kamay ni Ninong Pogi. Okay?” Bilin ko sa kanya kaya tumango naman siya at humalik sa pisngi ko at masayang kinaladkad si Kuya na ngayon ay game na game rin.

Maswerte pa ako dahil mahal na mahal ng pamilya ko si Greyson. Habang pinagmamasdan ko ang dalawa ay nagulat na lang ako ng may tumapik sa balikat ko at paglingon ko kung sino ito ay naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

Si Laxon na nasa harapan ko na ngayon ay may bitbit na laruan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Governor's Identity    Wakas

    LAXONTHE justice here in the Philippines is totally fuck up. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin kung paano na baliktad ang sitwasyon sa pagkamatay ng Lolo ko, si Raxon Montemayor na isang taon pa lang naging Gobernador ng Laguna. Kitang-kita ko kung paano nabaliktad lahat, mula sa kung paano siya patayin at kung paano nasabing ibang tao ang tumambang ng bala sa sasakyan nito.Kapag mayaman at may koneksyon ka, mababaliktad mo ang lahat. Puwede mong idamay ang inosenteng taong walang alam sa ginawa mong krimen at kapag mahirap ka naman ay wala kang magagawa kundi tanggapin ang kapalaran na naghihintay sa'yo.Alam ko naman kung sino ang may pakana lahat ng ito. Si Mariano Echavez na ngayon ay siya ang pumalit kay Lolo dahil ito ang Vice Governor, dahil sa nalaman ng mga tao dito sa Laguna ay wala na silang nagawa kundi tanggapin ang kapalaran namin. Galit na galit ako sa tuwing nakikita ko ang kasiyahan sa mga mata niya nong maupo siyang bilang Governor ng lungsod namin.Gusto kong

  • The Governor's Identity    Kabanata 30: Gone

    ALIRA"LAHAT ng airlines ay sarado na, even the water and land transportation. Lahat ng mga pulis ay nakabantay na rin sa iba't-ibang dako ng lugar na pwedeng pagtakasan ng mag-ama and now ayon sa nasagap ko sa team na'to nasa isang bundok daw sila Raya doon nagtatago. Hindi pa sila kumikilos dahil wala pang signal," balita ni Caleb habang kaming mag-iina kasama ang pamilya ni Laxon ay nandito na sa organization.Dito muna kami nila dinala para na rin sa kaligtasan nila at ngayon ay lahat sila ay handa ng puntahan kung saan nagtatago sila Raya, the media is everywhere kaya lahat ng kilos nila Laxon ay pinapanood nila. Nagulat sila sa organization na hindi nila akalain na si Laxon mismo ang namumuno dito.Napayakap naman ako kay Grayson na ngayon ay nakahilig sa akin habang nakaupo kaming dalawa na ngayon ay pinagmamasdan ang Ama niya na nakasuot na ng bulletproof vest at hinahanda na ang mga baril kaya namuo na naman ang kaba at takot sa dibdib ko. Mabilis akong umiwas sa tingin ni La

  • The Governor's Identity    Kabanata 29: Bomb

    ALIRA"GRAYSON," naisatinig ko na lamang at mabilis na hahawakan ko sana ang cellphone ko pero napatigil ako nang makarinig ako ng malakas na sigaw sa labas ng opisina ko at ang nagkakagulong mga tao. Kaya kahit nanghihina ay lakas loob akong lumabas at naabutan ko ang secretary ko na namumutla papunta sa akin."Ma'am, 'wag po muna kayong lumabas. Hindi po maganda ang sitwasyon sa labas, may nag-iwan po kasi ng kabaong sa labas ng museum niyo po. Papunta na rin daw po si Governor," paliwanag sa akin ng secretary ko pero hindi ko siya pinakinggan.Kahit ilang beses ng may pumigil sa akin palabas ay hindi nila nagawa dahil sa galit kong reaction. That bitch! Sumosobra na siya, hindi na magandang biro ang ginagawa niya. Paglabas ko ay kusa na akong sumuka ng makita ko ang nasa kabaong, isang nabubulok na bangkay at may picture ko pa dito. Alam kong si Raya na ang may pakana dito dahil nag-iwan ito ng marka.Nang hindi ko na talaga makayanan ay napaduwal na ako sa isang tabi na mabilis na

  • The Governor's Identity    Kabanata 28: Warned

    ALIRAPAKIRAMDAM ko ay namula ang buong mukha ko sa naging tanong ni Grayson nang tingnan ko si Laxon ay namumula na ang tainga nito at napangisi pakiramdam ko ay tuwang-tuwa siya sa naririnig sa anak niya. Kaya awtomatikong sumama ang tingin ko kay Kuya na ngayon ay tahimik na tumatawa, alam kong siya mismo ang nagturo kay Grayson niyon.Nang akmang lalapitan ko na siya ay mabilis siyang umalis sa pwesto niya at tumakbo palayo sa akin at ng akmang tatakbo na yata ako ay mabilis hinuli ni Laxon ang bewang ko pilit na inilalayo kay Kuya na ngayon ay nagtatago kila Mama."Calm down, wife. Nang-iinis lang 'yan." Bulong sa akin ni Laxon kaya kumalma ako at napatingin naman ako kay Papa na tinapik si Laxon sa balikat at kinausap ng mga 'to si Grayson na nanonood lang sa amin."Bata, matagal pa bago mabuo ang kapatid mo pero magkakaroon ka na rin niyan," natatawang saad ni Tito kaya namumula naman akong napakamot sa pisngi ko at nag-apir si Tito at Laxon na ngayon ay tuwang-tuwa sa sinabi k

  • The Governor's Identity    Kabanata 27: Birthday

    ALIRAMASAMA kong tiningnan si Laxon ng maibaba niya ako sa bathtub kung saan may maligamgam na tubig at ng tumama ito sa katawan ko ay nakaramdam ako ng kaginhawaan habang itong asawa ko ay pumwesto sa likod ko para maglagay ng shampoo sa buhok ko."I'm sorry, wife. Nanggigigil ako eh, namiss kasi kita." Ramdam ko man ang sinseridad sa boses niya ay may pagka-pilyo pa rin ito kaya lumingon ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin na ikinatawa naman niya."Masakit pa rin ba?" Pagtatanong niya kaya umiling na ako at namula ako ng maalala ko ang nangyari kay gabi, nang makita ni Laxon ang reaksyon ko ay ngumisi siya at pinatakan ako ng ilang halik sa balikat ko bago ipagpatuloy ang ginagawa niya."I love you, Alira."Nang makapagbihis na ako ay naabutan ko si Laxon na may inaayos na mga papeles sa kama namin, kaya lumapit ako sa likod niya at niyakap siya. Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko pero nagpatuloy siya at naramdaman kong hinalikan niya ang kamay ko bago mag-focus sa gin

  • The Governor's Identity    Kabanata 26: Gift

    ALIRA"GOVERNOR, totoo bang ikaw ang may gawa niyon sa Vice Mayor ng Cabuyao?""Lahat ba ng pinapakita mo ay peke lamang ba para makuha ang simpatya ng mga tao sa oras na nakagawa ka ng kamalian?""Gov, bakit hindi mo masagot ang katanungan namin.""Susuko ka na ba dahil tama ang nasa picture na kumakalat ngayon sa internet?""Anong masasabi mo sa nagsasabi na mas masahol ka pa raw sa mga Echavez?""Gov, sagutin mo kami!"Ito agad ang sumalubong sa amin paglabas namin ng munisipyo. Yakap-yakap ako ni Laxon habang ang mga bodyguard na nakapalibot sa amin ay tinutulak ang mga reporters na dinumog na lang kami. Mabuti na lamang ay iniwan namin sa sasakyan si Grayson kaya hindi ito naipit sa gulo.Napatingin naman ako sa kabilang kalsada na mga taga-suporta ni Laxon ay humihingi ng hustisya at katotohanan dahil mali ang ipinaparatang nila sa asawa ko. Gusto nila ng matibay na ebidensya na si Laxon ang gumawa niyon kaya nandito sila sa harap ng munisipyo para marinig rin ang kanilang opiny

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status