FAZER LOGINSa ilang taon na panunungkulan ni Laxon Ace Montemayor bilang Governor ay malaki na ang naitulong niya sa lalawigan ng Laguna lalo na ang mga tagong lugar at hindi nabibigyang pansin ng ibang nasasakupan. Sa dami ng death threats, kaaway, kalaban niya sa loob ng pulitika ay hindi niya ito pinapansin at binibigyang oras. Para sa kanya ay unti-unti rin itong mawawala at mananawa ang ibang taong gusto siyang mawala. Sa loob ng ilang taon niyang pagtutok para sa bayan at sa tingin niya ay tahimik na uli ang mundo at puso niya pero muli itong naging magulo nang makita niya ulit ang babaeng umalis sa tabi niya limang taon na ang nakalipas. Walang iba kundi ang babaeng minahal niya, si Alira Rain Gonzales. Ang babaeng iniwan siya limang taon ang nakalipas.
Ver maisLAXONTHE justice here in the Philippines is totally fuck up. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin kung paano na baliktad ang sitwasyon sa pagkamatay ng Lolo ko, si Raxon Montemayor na isang taon pa lang naging Gobernador ng Laguna. Kitang-kita ko kung paano nabaliktad lahat, mula sa kung paano siya patayin at kung paano nasabing ibang tao ang tumambang ng bala sa sasakyan nito.Kapag mayaman at may koneksyon ka, mababaliktad mo ang lahat. Puwede mong idamay ang inosenteng taong walang alam sa ginawa mong krimen at kapag mahirap ka naman ay wala kang magagawa kundi tanggapin ang kapalaran na naghihintay sa'yo.Alam ko naman kung sino ang may pakana lahat ng ito. Si Mariano Echavez na ngayon ay siya ang pumalit kay Lolo dahil ito ang Vice Governor, dahil sa nalaman ng mga tao dito sa Laguna ay wala na silang nagawa kundi tanggapin ang kapalaran namin. Galit na galit ako sa tuwing nakikita ko ang kasiyahan sa mga mata niya nong maupo siyang bilang Governor ng lungsod namin.Gusto kong
ALIRA"LAHAT ng airlines ay sarado na, even the water and land transportation. Lahat ng mga pulis ay nakabantay na rin sa iba't-ibang dako ng lugar na pwedeng pagtakasan ng mag-ama and now ayon sa nasagap ko sa team na'to nasa isang bundok daw sila Raya doon nagtatago. Hindi pa sila kumikilos dahil wala pang signal," balita ni Caleb habang kaming mag-iina kasama ang pamilya ni Laxon ay nandito na sa organization.Dito muna kami nila dinala para na rin sa kaligtasan nila at ngayon ay lahat sila ay handa ng puntahan kung saan nagtatago sila Raya, the media is everywhere kaya lahat ng kilos nila Laxon ay pinapanood nila. Nagulat sila sa organization na hindi nila akalain na si Laxon mismo ang namumuno dito.Napayakap naman ako kay Grayson na ngayon ay nakahilig sa akin habang nakaupo kaming dalawa na ngayon ay pinagmamasdan ang Ama niya na nakasuot na ng bulletproof vest at hinahanda na ang mga baril kaya namuo na naman ang kaba at takot sa dibdib ko. Mabilis akong umiwas sa tingin ni La
ALIRA"GRAYSON," naisatinig ko na lamang at mabilis na hahawakan ko sana ang cellphone ko pero napatigil ako nang makarinig ako ng malakas na sigaw sa labas ng opisina ko at ang nagkakagulong mga tao. Kaya kahit nanghihina ay lakas loob akong lumabas at naabutan ko ang secretary ko na namumutla papunta sa akin."Ma'am, 'wag po muna kayong lumabas. Hindi po maganda ang sitwasyon sa labas, may nag-iwan po kasi ng kabaong sa labas ng museum niyo po. Papunta na rin daw po si Governor," paliwanag sa akin ng secretary ko pero hindi ko siya pinakinggan.Kahit ilang beses ng may pumigil sa akin palabas ay hindi nila nagawa dahil sa galit kong reaction. That bitch! Sumosobra na siya, hindi na magandang biro ang ginagawa niya. Paglabas ko ay kusa na akong sumuka ng makita ko ang nasa kabaong, isang nabubulok na bangkay at may picture ko pa dito. Alam kong si Raya na ang may pakana dito dahil nag-iwan ito ng marka.Nang hindi ko na talaga makayanan ay napaduwal na ako sa isang tabi na mabilis na
ALIRAPAKIRAMDAM ko ay namula ang buong mukha ko sa naging tanong ni Grayson nang tingnan ko si Laxon ay namumula na ang tainga nito at napangisi pakiramdam ko ay tuwang-tuwa siya sa naririnig sa anak niya. Kaya awtomatikong sumama ang tingin ko kay Kuya na ngayon ay tahimik na tumatawa, alam kong siya mismo ang nagturo kay Grayson niyon.Nang akmang lalapitan ko na siya ay mabilis siyang umalis sa pwesto niya at tumakbo palayo sa akin at ng akmang tatakbo na yata ako ay mabilis hinuli ni Laxon ang bewang ko pilit na inilalayo kay Kuya na ngayon ay nagtatago kila Mama."Calm down, wife. Nang-iinis lang 'yan." Bulong sa akin ni Laxon kaya kumalma ako at napatingin naman ako kay Papa na tinapik si Laxon sa balikat at kinausap ng mga 'to si Grayson na nanonood lang sa amin."Bata, matagal pa bago mabuo ang kapatid mo pero magkakaroon ka na rin niyan," natatawang saad ni Tito kaya namumula naman akong napakamot sa pisngi ko at nag-apir si Tito at Laxon na ngayon ay tuwang-tuwa sa sinabi k


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.