Home / Romance / The Governor's Identity / Kabanata 4: Raya De Guzman

Share

Kabanata 4: Raya De Guzman

Author: Hope
last update Last Updated: 2022-08-23 10:23:53

ALIRA

"ANONG ginagawa mo dito?" Bakas sa boses ko ang taranta at takot kaya kumunot ang noo niya at nagsalubong ang kilay niya. Ako naman ay napakagat labi dahil baka dumating bigla si Kuya at si Greyson, delikado na. 

"I'm buying this," pagtukoy niya sa laruan na hawak niya at itinaas pa ito para ipakita sa akin. Kaya napakamot naman ako sa pisngi ko at nagkunwaring tumawa. 

"Para kanino 'yan?" Pang-uusisa ko pero inaalerto ko ang sarili dahil baka bigla na lamang sumulpot ang dalawang 'yon sa harapan namin. Delikado na talaga. Nakita ko naman mas lalo pang nagtaka ang mukha niya pero sinagot pa rin naman niya. 

"Para sa inaanak ko, si Raxon." 

"Raxon?" 

"Anak ni Bella at Damon, birthday ngayon kaya pupunta ako." Dugtong niya pa kaya napatango na lamang ako.

"By the way, ikaw? Bakit ka nandito?" Pang-uusisa niya na kaya mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko sa naging tanong niya. Mas lalong lumalala ang panlalamig ko. 

"Nagpapalamig." Parang tanga kong sagot at tipid na ngumiti. Dahil sa sinabi kong 'yon ay napailing siya at ngumisi. Wala na rin kaming pakialam dalawa kung pinagtitinginan kami ng mga taong nakakakita sa amin ngayon. 

"Nabuburyo na kasi ako sa condo kaya nandito ako," dagdag ko pa at mukhang nakumbinsi ko naman siya. Akala ko ay magsasalita na siya pero nataranta ako nang umalis siya sa harapan ko at dere-deretsong pumasok toy store. Dahil sa kaba na nararamdaman ko ay bigla kong kinuha ang cellphone ko at saktong tumatawag si Kuya na sinagot ko naman.

"Nasaan kayo?" Taranta kong tanong at pumasok na sa loob ng toy store at mabilis na inililibot ang paningin ko. Nakita ko pang may kausap na sales lady si Laxon pero hindi ko muna inintindi ito. 

Hindi niya pa pwedeng makita si Greyson.

"Nasa taas na kami ni Grey. Don't worry baby, hindi niya makikita ang inaanak ko. Nang makita kong kausap mo siya ay mabilis na kaming umalis ni Greyson." Paliwanag ni Kuya at kulang na lamang ay maiyak ako sa pwesto ko. Gumaan ma rin ang nararamdaman ko. 

"Thank you… akala ko, akala ko ay makikita na niya," pabulong kong anas at napakagat labi na lamang. Tumalikod na ako dahil wala na rin naman sila dito. 

"Pumunta ka na dito, naghihintay na si Grey. Akala ay iniwan ka namin." Natatawang habol niya kaya napangiti na ako at pinatay na ang tawag pagkatapos kong sumagot. 

Hindi pa man ako nakakahakbang ay narinig kong muli ang boses ni Laxon at kitang-kita ko ang pagkataranta sa mga mata niya na ikinataka ko naman. 

"Why? Do you need something?" 

"Akala ko nawala ka ulit," aniya kaya saglit akong natahimik at natulala sa narinig. Ang kaninang magaan na pakiramdam ay muli na namang bumigat. 

"Kape tayo," anyaya niya at nakita ko ang maliit na pagsupil ng ngiti sa labi niya. Kahit gusto kong tanggapin ay naalala ko naman si Greyson na ngayon ay hinahanap na ako. 

"Maybe… some other time. May kailangan pa kasi akong asikasuhin." Nakangiting sagot ko at nakita ko naman ang pagdaan ng pagkadismaya sa mga mata niya pero mabilis rin naman itong nawala. 

"Sure, no problem. Take care," habilin pa niya kaya tumango na lamang ako at tuluyan ng tumalikod sa kaniya. Hindi pa man ako nakakalayo ay nagulat na lang ako ng may humawak sa kamay ko na para bang pinatigil ako sa paglalakad. Nang lingunin ko ito ay si Laxon pala. 

"Bakit? May nakalimutan ka bang sabihin?" 

Akala ko ay sasagutin niya agad ako pero kita ko na para bang nagdadalawang isip siya na sabihin ito. 

"Pupunta ka ba ulit sa bahay bukas?" 

"Oo naman, I'm painting your house Laxon. Sige na, aalis na ako. Ingat ka," mahinahon kong paalam at habilin sa kaniya kaya nakita ko na naman muli ang pag-ngiti niya. 

"Thank you, Alira. See you tomorrow, babe."

Hindi ko na narinig ang huling sinabi niya dahil dumaan ang kabataang maiingay sa likod namin. Kaya ngumiti lang ako at tuluyan na siyang tinalikuran. 

"Tuwang-tuwa si Greyson kanina Ma, eh." Paliwanag ni Kuya habanh inililigpit niya ang gamit niya dahil uuwi na rin siya sa amin. Habang ako ay napangiti naman sa narinig. 

"Thank you, Kuya," sincere kong saad kaya nilingon niya ako at niyakap. Napasimangot naman ako dahil hinalikan niya pa ako sa noo. Para tuloy akong bata sa ginagawa niya. 

"You're always welcome, Rain. Sabi ko sa'yo ay ako ang bahala," makahulugan niyang sabi kaya natawa na lang ako. 

"Mag-iingat ka sa pagda-drive, Helix. Tawagan mo kami kapag nakauwi ka na sa atin," paalala ni Mama habang hinahatid namin si Kuya sa tapat ng pinto kaya tumango na lamang siya at sabay kaming hinalikan ni Mama sa noo. 

"Opo Ma, i-lock niyo ng mabuti ang pinto. Alis na po ako," paalam ni Kuya kaya kumaway na ako at ng mawala na siya sa paningin ko ay isinara ko na ang pinto at napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil nasa harapan ko pa rin si Mama. 

"Sinabi sa akin ng Kuya mo na kay Laxon ka raw nagta-trabaho ngayon." Pahayag niya kaya tumango muna ako at umupo sa sofa. 

"Opo Ma," tipid kong sagot. 

"Alam na ba niya?" Dagdag pa niya kaya umiling ako. 

"Hindi pa, Ma. Hindi ko pa kaya eh. Lalo na kapag sa oras na nalaman niya ay paniguradong walang hirap niyang makukuha si Greyson sa akin dahil Gobernador siya ng lugar natin." Paliwanag ko at ramdam ko ang pangamba sa boses ko. 

Naramdaman ko naman na tinapik ni Mama ang balikat ko at nagsalita. "Hindi malabong gawin 'yon ni Laxon, anak. Pero sana dumating ang araw na masabi mo sa kanya dahil alam kong naghahanap rin ng kalinga ng isang Ama si Greyson." Aniya at iniwan na ako na malalim ang isip. Kaya napatulala ako at napailing.

Paano ko masasabi kay Laxon kung may sarili na itong asawa? 

KINABUKASAN ay medyo tinanghali ako ng dahil naglambing pa si Greyson. Dahil isang Ina ay pinagbigyan ko ang anak ko at tinext ko na lamang si Laxon na malalate ako na pumayag naman siya. 

Nang makapasok na ako sa village ay nakita kong bukas na ang gate ng bahay niya na para bang kanina niya pa ako hinihintay o baka para hindi na ako mahirapan pang bumaba. 

Huwag kang assumera, Alira. Kaya nasasaktan eh. 

Pagbaba ko ay nakita ko si Laxon na nakaabang na sa harap ng pintuan niya at ng makita niyang bumaba na ako ay sinalubong niya ako.

"Good afternoon," pagbati niya na ibinalik ko naman. 

"Good afternoon din." 

"Kumain ka na?" Pagtatanong niyang muli habang papasok ng bahay pero napatigil kaming dalawa ng may bumusina sa likod namin at paglingon ko ay may bumaba na isang tao dito.

Hindi ko pa man nakikita ang mukha niya ay grabe na ang pagakalabog ng puso ko pero mas dumoble ito ng nasa harapan na namin siya at ng makita ko ang mukha niya. 

"Omygosh! It's been a year, Alira. I didn't know that you had already come back. By the way, it was nice seeing you again." 

Si Raya De Guzman, ang babaeng hinding-hindi ko makakalimutan sa limang taon na nakalipas na ngayon ay deretsong nakatitig sa mga mata ko at may kakaibang ngiti na ipinapakita sa akin. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Governor's Identity    Wakas

    LAXONTHE justice here in the Philippines is totally fuck up. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin kung paano na baliktad ang sitwasyon sa pagkamatay ng Lolo ko, si Raxon Montemayor na isang taon pa lang naging Gobernador ng Laguna. Kitang-kita ko kung paano nabaliktad lahat, mula sa kung paano siya patayin at kung paano nasabing ibang tao ang tumambang ng bala sa sasakyan nito.Kapag mayaman at may koneksyon ka, mababaliktad mo ang lahat. Puwede mong idamay ang inosenteng taong walang alam sa ginawa mong krimen at kapag mahirap ka naman ay wala kang magagawa kundi tanggapin ang kapalaran na naghihintay sa'yo.Alam ko naman kung sino ang may pakana lahat ng ito. Si Mariano Echavez na ngayon ay siya ang pumalit kay Lolo dahil ito ang Vice Governor, dahil sa nalaman ng mga tao dito sa Laguna ay wala na silang nagawa kundi tanggapin ang kapalaran namin. Galit na galit ako sa tuwing nakikita ko ang kasiyahan sa mga mata niya nong maupo siyang bilang Governor ng lungsod namin.Gusto kong

  • The Governor's Identity    Kabanata 30: Gone

    ALIRA"LAHAT ng airlines ay sarado na, even the water and land transportation. Lahat ng mga pulis ay nakabantay na rin sa iba't-ibang dako ng lugar na pwedeng pagtakasan ng mag-ama and now ayon sa nasagap ko sa team na'to nasa isang bundok daw sila Raya doon nagtatago. Hindi pa sila kumikilos dahil wala pang signal," balita ni Caleb habang kaming mag-iina kasama ang pamilya ni Laxon ay nandito na sa organization.Dito muna kami nila dinala para na rin sa kaligtasan nila at ngayon ay lahat sila ay handa ng puntahan kung saan nagtatago sila Raya, the media is everywhere kaya lahat ng kilos nila Laxon ay pinapanood nila. Nagulat sila sa organization na hindi nila akalain na si Laxon mismo ang namumuno dito.Napayakap naman ako kay Grayson na ngayon ay nakahilig sa akin habang nakaupo kaming dalawa na ngayon ay pinagmamasdan ang Ama niya na nakasuot na ng bulletproof vest at hinahanda na ang mga baril kaya namuo na naman ang kaba at takot sa dibdib ko. Mabilis akong umiwas sa tingin ni La

  • The Governor's Identity    Kabanata 29: Bomb

    ALIRA"GRAYSON," naisatinig ko na lamang at mabilis na hahawakan ko sana ang cellphone ko pero napatigil ako nang makarinig ako ng malakas na sigaw sa labas ng opisina ko at ang nagkakagulong mga tao. Kaya kahit nanghihina ay lakas loob akong lumabas at naabutan ko ang secretary ko na namumutla papunta sa akin."Ma'am, 'wag po muna kayong lumabas. Hindi po maganda ang sitwasyon sa labas, may nag-iwan po kasi ng kabaong sa labas ng museum niyo po. Papunta na rin daw po si Governor," paliwanag sa akin ng secretary ko pero hindi ko siya pinakinggan.Kahit ilang beses ng may pumigil sa akin palabas ay hindi nila nagawa dahil sa galit kong reaction. That bitch! Sumosobra na siya, hindi na magandang biro ang ginagawa niya. Paglabas ko ay kusa na akong sumuka ng makita ko ang nasa kabaong, isang nabubulok na bangkay at may picture ko pa dito. Alam kong si Raya na ang may pakana dito dahil nag-iwan ito ng marka.Nang hindi ko na talaga makayanan ay napaduwal na ako sa isang tabi na mabilis na

  • The Governor's Identity    Kabanata 28: Warned

    ALIRAPAKIRAMDAM ko ay namula ang buong mukha ko sa naging tanong ni Grayson nang tingnan ko si Laxon ay namumula na ang tainga nito at napangisi pakiramdam ko ay tuwang-tuwa siya sa naririnig sa anak niya. Kaya awtomatikong sumama ang tingin ko kay Kuya na ngayon ay tahimik na tumatawa, alam kong siya mismo ang nagturo kay Grayson niyon.Nang akmang lalapitan ko na siya ay mabilis siyang umalis sa pwesto niya at tumakbo palayo sa akin at ng akmang tatakbo na yata ako ay mabilis hinuli ni Laxon ang bewang ko pilit na inilalayo kay Kuya na ngayon ay nagtatago kila Mama."Calm down, wife. Nang-iinis lang 'yan." Bulong sa akin ni Laxon kaya kumalma ako at napatingin naman ako kay Papa na tinapik si Laxon sa balikat at kinausap ng mga 'to si Grayson na nanonood lang sa amin."Bata, matagal pa bago mabuo ang kapatid mo pero magkakaroon ka na rin niyan," natatawang saad ni Tito kaya namumula naman akong napakamot sa pisngi ko at nag-apir si Tito at Laxon na ngayon ay tuwang-tuwa sa sinabi k

  • The Governor's Identity    Kabanata 27: Birthday

    ALIRAMASAMA kong tiningnan si Laxon ng maibaba niya ako sa bathtub kung saan may maligamgam na tubig at ng tumama ito sa katawan ko ay nakaramdam ako ng kaginhawaan habang itong asawa ko ay pumwesto sa likod ko para maglagay ng shampoo sa buhok ko."I'm sorry, wife. Nanggigigil ako eh, namiss kasi kita." Ramdam ko man ang sinseridad sa boses niya ay may pagka-pilyo pa rin ito kaya lumingon ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin na ikinatawa naman niya."Masakit pa rin ba?" Pagtatanong niya kaya umiling na ako at namula ako ng maalala ko ang nangyari kay gabi, nang makita ni Laxon ang reaksyon ko ay ngumisi siya at pinatakan ako ng ilang halik sa balikat ko bago ipagpatuloy ang ginagawa niya."I love you, Alira."Nang makapagbihis na ako ay naabutan ko si Laxon na may inaayos na mga papeles sa kama namin, kaya lumapit ako sa likod niya at niyakap siya. Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko pero nagpatuloy siya at naramdaman kong hinalikan niya ang kamay ko bago mag-focus sa gin

  • The Governor's Identity    Kabanata 26: Gift

    ALIRA"GOVERNOR, totoo bang ikaw ang may gawa niyon sa Vice Mayor ng Cabuyao?""Lahat ba ng pinapakita mo ay peke lamang ba para makuha ang simpatya ng mga tao sa oras na nakagawa ka ng kamalian?""Gov, bakit hindi mo masagot ang katanungan namin.""Susuko ka na ba dahil tama ang nasa picture na kumakalat ngayon sa internet?""Anong masasabi mo sa nagsasabi na mas masahol ka pa raw sa mga Echavez?""Gov, sagutin mo kami!"Ito agad ang sumalubong sa amin paglabas namin ng munisipyo. Yakap-yakap ako ni Laxon habang ang mga bodyguard na nakapalibot sa amin ay tinutulak ang mga reporters na dinumog na lang kami. Mabuti na lamang ay iniwan namin sa sasakyan si Grayson kaya hindi ito naipit sa gulo.Napatingin naman ako sa kabilang kalsada na mga taga-suporta ni Laxon ay humihingi ng hustisya at katotohanan dahil mali ang ipinaparatang nila sa asawa ko. Gusto nila ng matibay na ebidensya na si Laxon ang gumawa niyon kaya nandito sila sa harap ng munisipyo para marinig rin ang kanilang opiny

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status