Mag-log in“You can’t be serious, Rhett.”
Nanliliit ang mga mata na komento ni Jarek matapos niyang marinig ang ‘proposal’ na inihain sa kanya ng pinsan.
Pero sa halip na bawiin nito ang nakakalokong alok nito sa kanya na posibleng maging solusyon sa problema niya, ay hindi man lang nagbago ang seryoso at nakaka intimidate na ekspresyon sa mukha ni Rhett.
Well, kilala naman niya ito. Kung seryoso siya sa buhay ay mas lalong seryoso ito at hindi nag aaksaya ng oras na gawing biro ang mga seryosong bagay kagaya ng pinag-uusapan nila ngayon.
“I wish I were,” seryoso at walang kangiti-ngiti na depensa ni Rhett.
Ilang sandaling tumitig si Jarek sa mukha ng pinsan bago nagawang mag komentong muli sa inalok nito sa kanya. Well, he is now facing a huge scandal with his former office manager. At dahil may katungkulan siya sa gobyerno at kabilang sa isa sa pinaka kilala, makapangyarihan at maimpluwensyang pamilya sa bansa, ay hindi niya pwedeng basta na lang balewalain ang problemang nasasangkutan niya.
Not now that his cousin Rhett Falcon is trying to help him. Ibig sabihin lang non ay hindi talaga biro ang eskandalong napasukan niya.
“You want me to become the Police General’s daughter’s guardian?” Hindi pa rin makapaniwala na ulit niya sa alok nito.
“Temporary guardian,” agad na paglilinaw ni Rhett.
“What’s the difference?” Kunot noong tanong niya. Dumekwatro ng upo si Rhett at saka pinaglaruan ang lighter na hawak nito.
“One sounds permanent. The other doesn’t,” simpleng paliwanag nito. Nagpakawala ng isang mabilis na paghinga si Jarek bago tumawa ng pilit.
“You are basically asking me to babysit the Police General’s daughter,” naiiling na sambit niya. Kahit na anong isip ang gawin niya sa gusto nitong mangyari ay iyon at iyon din ang kalalabasan lalo na kapag napunta sa poder niya ang anak ng general na mukhang hindi nito kayang disiplinahin.
“Come on, Jarek. Don’t make it sound ridiculous,” komento ni Rhett. Hindi natutuwang kumurba ang sulok ng mga labi niya.
“Then don’t make a ridiculous proposal,” sarkastikong sambit niya. Nakita niyang naglapat ang mga labi ni Rhett pero ilang sandali itong nanahimik. At ang pananahimik nito ay hindi magandang senyales.
Nang muling gumalaw si Rhett ay naglagay ito ng sigarilyo sa bibig at saka sinindihan. Humithit muna ito doon at saka tumayo at saka lumapit sa kanya.
Matapang na nilingon niya ito at sinalubong ang tingin para lamang masalubong ang usok na mukhang sadya nitong binuga sa mukha niya.
“Fūck it, Rhett!” Nakasimangot na reklamo ni Jarek habang iniiwas ang mukha sa usok. Alam nito na allergic siya sa mga usok at alikabok pero mukhang sinadya nitong bugahan siya ng usok para matauhan siya at ‘wag isipin na nagbibiro lamang ito.
“You are dealing with a serious controversy right now and you know how badly this could affect your administration–”
“Just get to the point,” agad na pigil niya sa sinasabi nito.
“The Police General can help you,” diretsong sambit ni Rhett. Hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Jarek.“How?” Seryosong tanong niya.
“He has connections. He knows the people involved in your former office manager’s complaint. He can help uncover the truth behind the allegations, examine the evidence, and make sure you get proper legal representation.” Tuloy-tuloy at seryosong paliwanag ni Rhett. Muling sinalubong niya ang tingin nito.“So, the Police General is offering to clean my name?” tanong niya. Hindi naman ganun kahirap na intindihin ang dahilan kung bakit nito gagawin iyon para lamang pumayag siya na maging temporary guardian ng pilya at bunsong anak nito.
“He’s offering to help you protect your name,” pagtatama ni Rhett.
“At anong gusto niyang kapalit ng pagtulong niya sa akin? Na ako ang maghirap sa pagdisiplina sa anak niya na siya mismo ay hindi kayang i-handle ang misconduct?” Prangkang komento niya. Hindi nagsalita si Rhett kaya nagpatuloy siya sa pagtatanong.
“So, what is wrong with her daughter? Be specific and tell me everything,” curious na sambit niya. Sa totoo lang ay mukhang maganda ang alok na tulong ng Police General na kaibigan ni Rhett. Kung may isang katungkulan mismo ang tutulong sa kanya na maayos ang problema niya ay sigurado siyang magiging madali ang lahat.
Ilang sandali lang ay sinasabi na ni Rhett ang mga katangian ng anak ng Police General. At habang naririnig niya ang lahat ng lumalabas sa bibig ng pinsan ay parang gusto niyang bawiin ang nasa isip niya kanina na gusto niyang i-consider ang alok na tulong ng heneral.
“We are not talking about a minor here, are we?” Hindi na nakatiis na usisa ni Jarek. Hindi talaga siya makapaniwala sa mga sinabi ni Rhett. Kung menor de edad ang pinag-uusapan nila ay hindi na katakataka na nagawa nito ang lahat ng kalokohang iyon.
“Well… His daughter is twenty, unemployed, irresponsible, stubborn, and has a talent for turning ordinary situations into national controversies.” Patuloy na sambit ni Rhett at saka naglakad pabalik sa table nito at saka sumandal doon habang nakahalukipkip na nakatingin sa kanya.
Si Jarek naman ay parang nakarinig ng isang katawa-tawang balita habang pinoproseso sa utak ang mga impormasyon na binigay ni Rhett tungkol sa anak ng Police General. Tumaas ang kilay niya.’
“That sounds like a personal problem,” komento niya at saka hinilot ng marahan ang sentido. “Anak niya iyon kaya harapin niya ang problema niya–”
“That’s why he’s asking for your help.” Muling pinigilan ni Rhett ang kung anong pagtanggi na sinasabi niya. Nag angat siya ng tingin at muling sinalubong ang titig nito.
“Why me?” Hindi na nakatiis na tanong niya.
“Because his daughter is afraid of you,” simpleng paliwanag ni Rhett. Ilang sandaling tumitig si Jarek sa mukha ng pinsan bago tumawa.
Hindi naman talaga nakakatawa ang sinabi ni Rhett. Hindi lang talaga siya makapaniwala na naniwala talaga ito sa sinabi ng kakilala nitong Police General!
“Don’t tell me you believed his pathetic reason?” Halos matawa siya habang nakikipag titigan sa pinsan.
“He told me you are the only person he knows who can make his daughter follow instructions,” patuloy pa rin na sambit ni Rhett. Nagkibit balikat siya.
“Just tell him to just hire his daughter a personal bodyguard,” suhestiyon niya.
“He already did,” diretsong sagot ni Rhett kaya napatitig siya sa mukha nito. “Anim na bodyguard na raw ang kinuha niya. But her daughter made the three bodyguards resign. Nasesante ang isa at ang dalawa naman ay nakumbinsi nito na tumakas sa gabi para gumimik.”
Napasapo sa noo si Jarek. He gently rubbed his forehead. “Jesus Christ.”
Naririnig niya pa lang ang mga kalokohang ginawa ng anak ng police general ay sumasakit na ang ulo niya. Paano pa kaya kung sa kanya mismo nito gawin ang lahat ng ginawa nitong pagpapasaway sa sariling ama?
“Chief Castaneda needs someone who won’t tolerate his daughter’s nonsense,” patuloy ni Rhett. Nagtitimpi at hindi makapaniwala na sinalubong niya ulit ang tingin nito.
“At sa tingin niya ba ay wala akong ginagawa sa buhay para maasikaso ang pasaway niyang anak?”
Nanliit ang mga mata ni Rhett. “You are a governor. You manage an entire province. Siguradong madali lang sayo na kontrolin at disiplinahin ang isang babae.” Komento ni Rhett na para bang sobrang dali lang ang gusto nitong ipagawa sa kanya.
Nanliit ang mga mata ni Jarek. “I have made the public know how much I dislike troublesome people. Imposibleng hindi niya nabalitaan iyon.”
Tumaas ang kilay ni Rhett. “He heard about that and that’s precisely the reason why he chose you.”
Nagkatinginan silang dalawa. Sa maikling minuto ay walang nagtangkang magsalita sa kanila. Then silence settled between them.
Umikot si Rhett at bumalik sa upuan nito. May binuklat itong isang folder at saka nilapag sa ibabaw ng table nito at tinulak palapit sa kanya. Kunot noong bumaba ang tingin niya doon.
“All you have to do is to let his daughter stay at your residence for six months. And during her stay, make sure you keep her away from trouble, make her finish her pending responsibilities and probably teach her some discipline.” Tuloy-tuloy na sambit ni Rhett.
“Six months?” Kunot noong tanong niya.
“Yes,” tumango ito.
“At anong mangyayari pagkatapos ng anim na buwan?” Nakataas ang kilay na usisa niya.
“Chief Castaneda promised that he will take his daughter back after six months.”Napatingin si Jarek sa dokumento na nilapag ni Rhett sa harapan niya. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng dokumento at ang una niyang nakita ay ang temporary guardianship agreement na may pirma na nito at naghihintay na lang ng pirma niya.
Meron din doon na nakasulat na listahan ng mga kailangang mapagawa niya sa anak nito habang nasa poder niya ito. May mga kondisyon din doon na nagmistulang isang business transaction ang balak nilang kasunduan.
Huminga ng malalim si Jarek. Dapat ay tumanggi siya. He has more important things to worry about than somebody else’s rebellious daughter.
Pero muling sumagi sa isip niya ang malaking eskandalo na kasalukuyang kinasasangkutan. Ang mga headlines na pangalan niya ang halos laman. The baseless allegations. At ang reputasyon ng pamilya niya na posibleng madamay sa eskandalong iyon.
Natigil ang pag-iisip ni Jarek nang iharap ni Rhett sa kanya ang laptop nito. Kasalukuyang nasa screen at ka-video call na nito ang police general na kilala nito.
Humingi ito ng pasensya dahil hindi ito nakapunta ng personal para makipag usap sa kanya dahil kasalukuyang nasa ibang bansa ito. Tumango lang siya at saka sinabi ang tanong na naglalaro sa isip.
“Kung papayag ako sa gusto mo,” simula niya. “What exactly can you do about my situation?”
Ni hindi nagdalawang isip na sumagot ang heneral. “I will handle all the legal side. I’ll help you investigate the allegations and determine who is behind all this.”
Nanliit ang mga mata niya bago seryosong sinubukan ang loyalty nito sa katungkulan. “And what if you find out that the accusations about me are true?”
Nagkibit balikat si Police General Castaneda at diretsong sumagot. “Then the evidence will speak for itself.”
Ilang sandali na pinag aralan pa ni Jarek ang sitwasyon bago marahang tumango. To be honest, he appreciated the answer more than he would admit.
“Fine.” Sa wakas ay sagot niya.
“Did you just agree?” Tanong ni Rhett. Tiningnan niya ito.
“Don’t make me change my mind,” babala niya. Bahagyang umangat ang sulok ng mga labi ni Rhett at saka muling sumulyap sa screen ng laptop nito at saka nakita niyang tinanguan nito si Police General Castaneda.“Thank you, Governor–”
“Don’t thank me yet.” Agad na pigil niya sa ginagawa nitong pagpapasalamat. Sinenyasan niya si Rhett na iabot sa kanya ang fountain pen nito at saka pinirmahan niya ang kasunduan bago muling nag angat ng tingin kay Police General Castaneda.
“Bring your daughter to my residence tomorrow morning.” Sambit niya.
“Tomorrow?” Bumakas ang gulat sa mukha ng heneral.
“Why? Is there a problem?” Usisa niya.
“Well…” Hindi ito agad nakasagot at saka nakita niyang nagkamot ito sa noo bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. “May nakalimutan pala akong sabihin sayo, Governor.”
Tumaas ang kilay niya. “Then say it now.”
Bumuntonghininga ang heneral bago nagsalita. “Hindi pa kasi alam ng anak ko ang tungkol sa napagkasunduan natin.”
Tumagilid ang ulo ni Jarek. “And?”
“Posibleng hindi siya pumayag,” pag-amin nito. Naglapat ang mga labi ni Jarek.
“Then convince her,” simpleng suhestiyon niya.
“I will try–”
Tumawa siya ng nakakaloko. Hindi siya makapaniwala na sa ama pa lang ng magiging ‘alaga’ niya ay parang sasakit na ang ulo niya. “Don’t try, Chief Castaneda. Make it happen.” Mariing utos niya bago tinapos ang pakikipag usap dito.
Habang nasa kwarto si Aria ay sinadya niyang bilisan ang pagkilos at ang pag iimpake ng mga gamit. Sinabi niya sa Daddy niya na ‘wag nang mag abala si Governor Falcon na magpadala ng mga tauhan nito sa bahay nila dahil hindi na iyon kailangan. Siya mismo ang pupunta sa bahay nito para masimulan na niyang guluhin ang buhay nito.“Behave, Aria.”Habang naglalakad siya palabas sa bahay nila at hila-hila ang maleta niya ay nakabuntot ang Daddy niya at salita ng salita. Ni isa sa mga bilin nito ay wala siyang balak na sundin. Besides, kaya nga siya naging ganun ka-iresponsable ay dahil nagrerebelde siya dito.Two years ago ay sapilitang kinuha siya ng ama sa kinalakihan niyang mga magulang. Sa loob ng labing walong taon ay nabuhay siya bilang isang anak ng ordinaryong mekaniko at labandera. Isang araw ay bigla na lang sumulpot sa bahay nila si Police General Arthur Castaneda. He claimed that he was her biological father. Ni isa sa mga nakalakihan niyang mga magulang ay hindi man lang nagre
“P*tangina naman, Daddy!”Napalingon halos lahat ng kasambahay sa itaas ng grand staircase sa mansyon ng mga Castaneda nang malakas na umalingawngaw sa malawak na foyer ang malutong na mura ni Ariella.Kababalik lang halos ng Daddy niyang si Police General Arthur Castaneda mula sa bansang Vietnam. Nang magising siya ay ang text message agad ng ama ang nabasa niya. Kung maka-text ito sa kanya para sabihing simula sa araw na iyon ay doon na siya titira sa bahay ni Governor Jarek Falcon ay para lang itong nagpaalala na kumain siya sa tamang oras! Besides, bakit kailangan pa nitong i-text siya? Pwede naman siya nitong kausapin ng personal tungkol doon!“Good morning to you, too, Aria.” Sinagot ng Daddy niya ng pagbati ang malutong na mura niya. Napasimangot siya at halos takbuhin na ang hagdan pababa para lang makarating agad sa gawi nito. Pero dahil halos kakagising niya lang at medyo nanghihina pa ang mga tuhod niya dahil sa hangover ay muntik pa siyang masubsob sa marmol na sahig. Mabu
“You can’t be serious, Rhett.”Nanliliit ang mga mata na komento ni Jarek matapos niyang marinig ang ‘proposal’ na inihain sa kanya ng pinsan.Pero sa halip na bawiin nito ang nakakalokong alok nito sa kanya na posibleng maging solusyon sa problema niya, ay hindi man lang nagbago ang seryoso at nakaka intimidate na ekspresyon sa mukha ni Rhett.Well, kilala naman niya ito. Kung seryoso siya sa buhay ay mas lalong seryoso ito at hindi nag aaksaya ng oras na gawing biro ang mga seryosong bagay kagaya ng pinag-uusapan nila ngayon.“I wish I were,” seryoso at walang kangiti-ngiti na depensa ni Rhett.Ilang sandaling tumitig si Jarek sa mukha ng pinsan bago nagawang mag komentong muli sa inalok nito sa kanya. Well, he is now facing a huge scandal with his former office manager. At dahil may katungkulan siya sa gobyerno at kabilang sa isa sa pinaka kilala, makapangyarihan at maimpluwensyang pamilya sa bansa, ay hindi niya pwedeng basta na lang balewalain ang problemang nasasangkutan niya.N
“Governor, we have a problem.”Lunes na lunes at kakapasok lang sa opisina ni Jarek Falcon nang sumunod sa opisina niya si Marcel–ang office manager.Ni hindi man lang nag-angat ng tingin si Jarek mula sa mga documents na binabasa niya. Sa dalawang buwan na pagtatrabaho ni Marcel bilang office manager ay napapansin niya na sentimental talaga itong tao, magugulatin at mukhang parati na lang ay paranoid sa kung ano-anong bagay. Ayaw naman niyang kwestyunin kung bakit naglakas loob itong magtrabaho sa gobyerno gayong mahina ang loob nito at mukhang hindi sanay sa kalakaran.But having a nerdy male office manager is better than putting himself into another trouble with a woman.“How serious is that problem?” Tanong ni Jarek na hindi man lang nag angat ng tingin kay Marcel. Kung mag aangat pa siya ng tingin at direktang tatanungin ito ay siguradong mas lalo lamang itong matataranta. Hindi pa naman siya sanay na hindi nakikipag titigan sa kausap kapag nagsasalita kaya madalas na nagmumukha







