Home / Romance / The Governor's Unruly Bride / Kabanata 4: Gusto Mong Anakan Kita?

Share

Kabanata 4: Gusto Mong Anakan Kita?

Author: whiskerwords
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-13 11:02:07

Habang nasa kwarto si Aria ay sinadya niyang bilisan ang pagkilos at ang pag iimpake ng mga gamit. Sinabi niya sa Daddy niya na ‘wag nang mag abala si Governor Falcon na magpadala ng mga tauhan nito sa bahay nila dahil hindi na iyon kailangan. Siya mismo ang pupunta sa bahay nito para masimulan na niyang guluhin ang buhay nito.

“Behave, Aria.”

Habang naglalakad siya palabas sa bahay nila at hila-hila ang maleta niya ay nakabuntot ang Daddy niya at salita ng salita. Ni isa sa mga bilin nito ay wala siyang balak na sundin. Besides, kaya nga siya naging ganun ka-iresponsable ay dahil nagrerebelde siya dito.

Two years ago ay sapilitang kinuha siya ng ama sa kinalakihan niyang mga magulang. Sa loob ng labing walong taon ay nabuhay siya bilang isang anak ng ordinaryong mekaniko at labandera. Isang araw ay bigla na lang sumulpot sa bahay nila si Police General Arthur Castaneda. He claimed that he was her biological father. Ni isa sa mga nakalakihan niyang mga magulang ay hindi man lang nagreklamo nang kunin siya nito at dalhin sa mansyon nito. Pinagamit nito sa kanya ang totoo niyang pangalan, binihisan, pinag-aral at ginawang parte ng pamilya. Hindi niya alam at hindi na siya nagtanong kung ano ang nangyari at kung bakit siya nawalay ng matagal sa totoo niyang pamilya.

Tatlong buwan na siyang nakatira sa mansyon ng mga Castaneda ay doon niya pa lang nalaman ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya. Her own mother deliberately kept her away from her own father. Ayaw nito na maging puppet din siya ng sariling ama kagaya sa ginagawa nito sa asawa at sa dalawa pa niyang mga kapatid. Her biological mother died trying to give her a better and normal life.

Kaya naman nang dalhin siya ng ama sa poder nito ay kahit kailan ay hindi niya ito sinunod. Lahat ng ayaw nito ay ginagawa niya. Ni isa sa mga inutos nito ay wala siyang sinunod. She’s literally spending her day being his insolent and troublesome daughter.

At dahil anak siya nito ay wala itong magawa lalo na at may imahe itong iniingatan. Kung mamaltratuhin siya nito ay matatanggal ito sa posisyon bilang police general at mawawalan ito ng trabaho. Sa loob ng dalawang taon na pagtira niya sa poder nito ay wala pa itong sinabi na sinunod niya. Kaya ngayon ay gumamit na ito ng ibang tao para lamang patinuin siya at sa wakas ay mahawakan siya nito sa leeg. And that governor is too dumb to even think that he can control her!

Maghintay ka lang, Governor Falcon. Dahil pagsisisihan mo ang pagpayag mong patirahin ako sa bahay mo!

“Governor Falcon is strict, especially when it comes to his rules,” patuloy pa rin sa pagbibilin ang Daddy niya.

“Hmm mukhang magkakasundo kami…” Komento ni Aria habang naglalaro ang isang pilyang ngisi sa mga labi.

Nakita niyang nilingon siya ng Daddy niya at kumunot ang noo. “You think so?” tanong nito. Walang pagdadalawang isip na tumango siya at saka basta na lang hinagis sa compartment ng sarili niyang sasakyan ang maleta niya bago hinarap ang ama na asang-asa na makakasundo niya at susunod siya sa mga utos ni Governor Falcon.

“Yes,” diretsong sagot niya habang sinasalubong ang tingin nito. “I’m strict with my own rules, too.” Humalukipkip siya at mas lalong tumitig sa Daddy niya.

“My number one rule is never following someone else’s rules,” malinaw na malinaw na sambit niya at saka binigyan ng nakakalokong ngisi ang ama bago niya sinara ang compartment at tuluyang sumakay sa sasakyan.

“Ariella!” Mariing tawag ng Daddy niya pero kumaway lang siya sa bintana ng kulay pulang sports car niya at hindi na ito pinansin.

Pinaharurot niya ang sasakyan hanggang sa nakarating sa bahay ni Governor Falcon. Malaki ang bahay nito at expected na niya iyon dahil sa yaman at impluwensya ng pamilya nito.

Ilang busina ang ginawa niya nang nasa harapan na siya ng mataas na gate ng bahay nito bago siya bumaba sa sasakyan. Alas nuebe ng umaga daw ang usapan nito at ng Daddy niya pero mahigit kinse minutos na siyang late at sinadya niya iyon dahil alam niya kung gaano ka-strikto ang gobernador pagdating sa oras.

Nang sa wakas ay may lumapit sa kanya na isang mukhang nasa 40’s na lalaki ay kitang-kita niya ang pagkunot ng noo nito habang nakatingin sa kabuuan niya. Tumaas ang kilay niya at saka humalukipkip.

“May kailangan ka ba, Miss?” tanong nito.

“Wala po. Baka si Gov. po ang may kailangan sa akin kaya niya ako pinapunta dito.” Sagot niya. Muling bumaba ang tingin nito sa katawan niya at saka kumunot ang noo at muling nagtaas ng tingin sa kanya.

“Pinapunta ka kamo ni Gov. dito sa bahay niya mismo?” Halatang hindi pa rin makapaniwala na tanong nito.

“Ganun na nga po,” balewalang sagot niya. Bakas sa mukha nito na hindi pa rin ito kumbinsido sa mga sinasabi niya.

“Miss, mukhang naliligaw ka yata ng bahay na pinuntahan. Bahay ito ni Gov. Falcon. Baka hindi mo alam?” Sambit nito at saka hindi na nakatiis ay tinuro na ang suot niya. “Tingnan mo nga oh. Nakasuot ka pa ng pantulog. Baka naman nananaginip ka pa, Miss? Umuwi ka na sa bahay ninyo at bumalik sa pagtulog. Siguradong nananaginip ka lang,” mahaba-habang lintanya pa nito.

Umarko ang mga kilay ni Aria. “Kuya, hindi ito panaginip! At saka ano naman ngayon kung nakasuot pa ako ng pajama? Kasalanan ko ba kung natutulog ako ay bigla na lang akong inimbitahan ni Gov. na tumira dito sa bahay niya?” Kuntodo taas ang mga kilay ni Aria. Siguradong hindi lang ang buhay ni Gov. Jarek Falcon ang magugulo sa loob ng anim na buwan niyang pagtira sa bahay nito kundi pati ang buhay ng mga tauhan nito ay magugulo rin dahil sa pagdating niya doon!

Humagalpak ng tawa ang lalaking kausap niya. Ilang sandali pa ay may isa pang matangkad na lalaki na lumabas mula sa gate at napatingin sa gawi nila.

“Anong nangyayari dyan, Mang Teban? May problema ba?”

Umalingawngaw sa tenga ni Aria ang malalim at malamig na boses ng lalaki na kakarating lang. Kumpara sa lalaking kausap niya ay mukhang hamak na mas bata ito. Mukhang nasa 30’s pa lamang ito at maganda ang tindig at ang pangangatawan. Nang lumapit ito ay tsaka niya lang ito namukhaan. Isa ito sa tatlong bodyguards na Governor Falcon. Sikat na sikat din ang mga ito sa buong probinsya ng Pampanga dahil sa taglay na kakasigan na sumasapaw sa presensya ni Governor Falcon kapag kasama nitong naglalakad ang tatlo.

“Ikaw pala, Dante!” Bulalas ng lalaking tinawag nito na Mang Teban. “Halika at ikaw nga ang kumausap sa babaeng ‘to. Mukhang nananaginip pa yata dahil sinasabi niyang inimbitahan siya ni Gov. para tumira dito sa bahay niya!” Natatawang sumbong ni Mang Teban. Muling tumaas ang kilay ni Aria at hindi na napigilang patulan ang kakulitan nito.

“Hindi ho ako naglalakad kapag tulog. Gising na gising ho ako ngayon. Wala lang ho akong ligo pero nag toothbrush naman ako bago pumunta dito!” Kunot noong pagtataray niya. Muling humagalpak ng tawa si Mang Teban.

“Kay bata-bata pa ay mukhang litang!” Naiiling na komento pa nito kaya muntik na naman niya itong patulan kung hindi lang nagsalita si Dante at kinausap siya.

“Ikaw ba si Ms. Aria Castaneda? Yung anak ni Police General Castaneda?” Tanong nito. Halatang natigilan si Mang Teban at agad na nagtanong kay Dante.

“Talaga bang dito na titira yang babaeng yan, Dante?” Hindi makapaniwala na usisa nito. Tahimik na tinanguan lang ito ni Dante at agad na yumuko at hinarap siya. “Pasensya na, Miss. Hindi ko alam…” Hinging paumanhin nito.

“It’s okay. Kanina ko lang din naman nalaman,” sagot niya at saka hinarap si Dante. “So, nasaan si Governor?”

“Nasa itaas. Kanina ka pa niya hinihintay,” pormal na pormal at walang kangiti-ngiti na sambit nito at saka ito na mismo ang kumuha sa maleta niya at ito na rin ang humila nito papasok sa loob ng bahay.

“Dante!”

“Witwiw!” 

Dalawang lalaki ang sumalubong sa kanila nang nakapasok sa loob. Namukhaan agad ni Aria ang mga yun dahil parati namang magkakasama ang tatlong bodyguard ni Governor Falcon.

“Yan na ba yung bagong alaga ni Gov?” tanong ng bodyguard na kilala niya bilang Primo. Agad na sumingit ang kasama nito na namukhaan niya rin dahil isa sa mga kaibigan niya ang baliw na baliw sa lalaki.

Nagmistulang fans club ni Governor Jarek Falcon ang circle of friends niya kaya kahit na hindi naman siya interesado ay nakilala na lang niya ang mga ito dahil halos araw-araw ay bukambibig ng mga kaibigan niya. Sa totoo lang ay hindi pa alam ng mga kaibigan niya na simula ngayong araw ay titira na siya sa bahay ni Governor Falcon. Kapag nalaman ng mga ito ay siguradong magwawala ang mga ito!

“Ako nga pala si Lukas, Miss. Single ako ngayon pero bukas ay hindi na sigurado.” Kumindat pa sa kanya si Lukas. Halata sa hilatsa ng pagmumukha nito ang pagiging babaero kaya hindi niya alam kung bakit baliw na baliw ang kaibigan niyang si Neri.

“Miss, ‘wag kang maniniwala dyan! Budol yan! Sa akin ka maniwala dahil ako lang ang totoong single dito–”

Hindi na natapos ni Primo ang pagsasalita dahil isang tingin lang ni Dante ay agad na tinikom na ng mga ito ang bibig.

Pagpasok nila sa loob ng bahay ay naamoy kaagad ni Aria ang mga pagkain na mukhang bagong luto pa lang. Biglang kumalam ang sikmura niya at agad na nagsabi sa tatlong bodyguard.

“Wait.” Tumigil naman sa paglalakad ang tatlong bodyguard at tumingin sa kanya.

“Gutom na ako. Kakain na muna ako, huh? Pakisabi kay Gov. na kakain muna ako dahil kapag gutom niya akong kinausap ay may posibilidad na siya ang kainin ko.” Tuloy-tuloy na sambit niya bago walang pakialam na naglakad papasok sa dining area para kumain.

Pagkatapos kumain ni Aria ay busog na busog siya. Bukod sa masarap magluto ang cook ay mababait ang mga kasambahay.

“Salamat po sa pagkain! Ang sarap!” Hindi napigilang bulalas ni Aria. Ngumiti ang mayordoma na nakilala niya na si Nanay Delia.

Maya-maya ay may tumikhim mula sa p***o ng dining area. Sabay sila ni Nanay Delia na napatingin doon at naabutan si Governor Jarek Falcon na nakatayo at nakatingin diretso sa gawi niya.

Isang beses na napakurap siya nang salubungin ang titig nito. Ilang beses na niya itong nakita sa TV at mukhang intimidating talaga ang dating nito. But seeing him in person was different.

Perfectly styled hair, expensive suit, broad shoulders and commanding presence. Sobrang tangkad din nito sa personal at hindi niya akalain na tama ang sinasabi ng mga kaibigan niya na ‘mas gwapo’ ito sa personal.

Bahagyang nanliit ang mga mata nito. Kung ang iba ay maiintimidate sa presensya nito, siya siguro ay hindi. Parang gusto pa nga niya lalo na magpasaway dahil alam niya na ang kagaya nito ay madaling galitin at painitin ang ulo dahil mukhang maikli ang pasensya!

“Good morning, Jarek.” Bati niya at saka ngumiti ng matamis. Kitang-kita niya ang unti-unting pagkunot ng noo nito habang diretsong nakatingin sa kanya.

“Follow me,” pormal at kunot noong utos nito sa kanya.

“Where?” tanong niya.

“Upstairs,” simpleng sagot nito at hindi na nagdalawang isip na tinalikuran siya.

“Tayong dalawa lang?” Usisa niya pa. Napatigil ito sa paglalakad at muling nilingon siya.

“Why do you have to make that sound malicious?” Kunot noong reklamo nito. Tinaasan niya ito ng kilay.

“Oh, wow… Ako pa ang malisyoso ngayon? Nagtatanong lang ako kung tayo lang bang dalawa sa itaas kasi mahirap na baka… Ahm.…” Sinadya niya talagang bitinin ang sinasabi dahil gusto niyang sukatin ang pasensya nito.

Obviously… Governor Jarek Falcon doesn’t have much patience!

Hindi nakaligtas sa paningin ni Aria ang paglalapat ng mga labi nito na halatang kinokontrol ang inis.

“So, you’ve heard about the news, huh?” Halata agad ang gigil nito nang muling nagsalita. Tumaas ang kilay niya. Masyado siyang busy sa nightlife nitong mga nakaraan kaya hindi siya updated sa mga bagong balita.

“News?” Kunot noong tanong niya. Muling naglapat ang mga labi nito.

“We will just talk. And I have absolutely no interest in women, particularly rebellious young girls who can’t even follow her father’s rules.” Prangkang sambit nito.

Alam niya na napikon na agad niya ito kaya sa halip na magpasindak ay nagkibit balikat lang siya. “Okay, Jarek. Let’s go upstairs and do what you want us to do.” Malisyosong pasaring niya.

Halos magdikit na ang mga kilay nito nang tingnan siya. Pinigilan niya ang mapangisi.

“Who told you you can call me by my first name?” Kunot noong reklamo nito. “Did your dad inform you–”

“I don’t have a dad,” agad na pigil niya sa sinasabi nito.

“What?” Mas lalong nagsalubong ang mga kilay nito.

“Binenta na niya ako sayo ‘di ba? Hindi gawain ng isang ama ang ibenta ang kanyang anak kaya simula sa araw na ‘to ay ikaw na ang magiging tatay ko.” Diretsong sagot niya at saka humalukipkip at tinitigan si Governor Falcon.

Huminga ito ng malalim at saka muling nagsalita. “You’ve got it wrong–”

“Ano na naman?” Kunot noong reklamo niya. Naglapat ang mga labi nito.

“I am not going to be your father!” Mariing pagtatama nito. Tumaas ang kilay niya at saka humakbang palapit dito.

“Ayaw mong maging Daddy ko?” Nakatingalang tanong niya. Ngayon na nasa harapan na niya ito ay mas lalo niyang nakita ang pagsasalubong ng mga kilay nito.

Unti-unting kumurba ang dulo ng mga labi ni Aria sa isang pilyang ngisi. “Why? Bakit ayaw mong maging Daddy ko–”

“Because I am just your temporary guardian. Hindi naman kita aampunin at gagawing anak–”

“Huh? Kailangan mo ng anak?” Eksaheradang bulalas niya. “Tara! Anakan kita!” Bulalas niya na hindi man lang inintindi ang presensya ni Nanay Delia at iba pang mga kasambahay na sabay-sabay na napasinghap nang marinig ang sinabi niya!

Nang makita ni Governor Falcon ang reaksyon ng mga tauhan nito ay agad na sinaway siya nito at pinagsabihan.

“Follow me!” Mariin pero mahinang utos nito na halatang nagpipigil ng inis! Napangisi siya at saka kumindat pa sa mga kasambahay bago natatawang sumunod kay Jarek!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
eda! YiLdiz🥰
more.......
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Governor's Unruly Bride   Kabanata 4: Gusto Mong Anakan Kita?

    Habang nasa kwarto si Aria ay sinadya niyang bilisan ang pagkilos at ang pag iimpake ng mga gamit. Sinabi niya sa Daddy niya na ‘wag nang mag abala si Governor Falcon na magpadala ng mga tauhan nito sa bahay nila dahil hindi na iyon kailangan. Siya mismo ang pupunta sa bahay nito para masimulan na niyang guluhin ang buhay nito.“Behave, Aria.”Habang naglalakad siya palabas sa bahay nila at hila-hila ang maleta niya ay nakabuntot ang Daddy niya at salita ng salita. Ni isa sa mga bilin nito ay wala siyang balak na sundin. Besides, kaya nga siya naging ganun ka-iresponsable ay dahil nagrerebelde siya dito.Two years ago ay sapilitang kinuha siya ng ama sa kinalakihan niyang mga magulang. Sa loob ng labing walong taon ay nabuhay siya bilang isang anak ng ordinaryong mekaniko at labandera. Isang araw ay bigla na lang sumulpot sa bahay nila si Police General Arthur Castaneda. He claimed that he was her biological father. Ni isa sa mga nakalakihan niyang mga magulang ay hindi man lang nagre

  • The Governor's Unruly Bride   Kabanata 3: Worst Six Months of His Life

    “P*tangina naman, Daddy!”Napalingon halos lahat ng kasambahay sa itaas ng grand staircase sa mansyon ng mga Castaneda nang malakas na umalingawngaw sa malawak na foyer ang malutong na mura ni Ariella.Kababalik lang halos ng Daddy niyang si Police General Arthur Castaneda mula sa bansang Vietnam. Nang magising siya ay ang text message agad ng ama ang nabasa niya. Kung maka-text ito sa kanya para sabihing simula sa araw na iyon ay doon na siya titira sa bahay ni Governor Jarek Falcon ay para lang itong nagpaalala na kumain siya sa tamang oras! Besides, bakit kailangan pa nitong i-text siya? Pwede naman siya nitong kausapin ng personal tungkol doon!“Good morning to you, too, Aria.” Sinagot ng Daddy niya ng pagbati ang malutong na mura niya. Napasimangot siya at halos takbuhin na ang hagdan pababa para lang makarating agad sa gawi nito. Pero dahil halos kakagising niya lang at medyo nanghihina pa ang mga tuhod niya dahil sa hangover ay muntik pa siyang masubsob sa marmol na sahig. Mabu

  • The Governor's Unruly Bride   Kabanata 2: Be My Daughter's Temporary Guardian

    “You can’t be serious, Rhett.”Nanliliit ang mga mata na komento ni Jarek matapos niyang marinig ang ‘proposal’ na inihain sa kanya ng pinsan.Pero sa halip na bawiin nito ang nakakalokong alok nito sa kanya na posibleng maging solusyon sa problema niya, ay hindi man lang nagbago ang seryoso at nakaka intimidate na ekspresyon sa mukha ni Rhett.Well, kilala naman niya ito. Kung seryoso siya sa buhay ay mas lalong seryoso ito at hindi nag aaksaya ng oras na gawing biro ang mga seryosong bagay kagaya ng pinag-uusapan nila ngayon.“I wish I were,” seryoso at walang kangiti-ngiti na depensa ni Rhett.Ilang sandaling tumitig si Jarek sa mukha ng pinsan bago nagawang mag komentong muli sa inalok nito sa kanya. Well, he is now facing a huge scandal with his former office manager. At dahil may katungkulan siya sa gobyerno at kabilang sa isa sa pinaka kilala, makapangyarihan at maimpluwensyang pamilya sa bansa, ay hindi niya pwedeng basta na lang balewalain ang problemang nasasangkutan niya.N

  • The Governor's Unruly Bride   Kabanata 1: The Scandal

    “Governor, we have a problem.”Lunes na lunes at kakapasok lang sa opisina ni Jarek Falcon nang sumunod sa opisina niya si Marcel–ang office manager.Ni hindi man lang nag-angat ng tingin si Jarek mula sa mga documents na binabasa niya. Sa dalawang buwan na pagtatrabaho ni Marcel bilang office manager ay napapansin niya na sentimental talaga itong tao, magugulatin at mukhang parati na lang ay paranoid sa kung ano-anong bagay. Ayaw naman niyang kwestyunin kung bakit naglakas loob itong magtrabaho sa gobyerno gayong mahina ang loob nito at mukhang hindi sanay sa kalakaran.But having a nerdy male office manager is better than putting himself into another trouble with a woman.“How serious is that problem?” Tanong ni Jarek na hindi man lang nag angat ng tingin kay Marcel. Kung mag aangat pa siya ng tingin at direktang tatanungin ito ay siguradong mas lalo lamang itong matataranta. Hindi pa naman siya sanay na hindi nakikipag titigan sa kausap kapag nagsasalita kaya madalas na nagmumukha

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status