Share

Secret Unleashed

EPISODE 4:

Jesiebel's POV

I'm on my way now to uncle Greg's office. I'm wearing a fitted black jeans a black fitted sando that shows every curves of my sexy body. pinartneran ko ng 3 inches pointed black sandals. I put a very light make up and red lipstick for my sexy lips,konting wisik wisik ng baby cologne,then tada!ready na ako.. Hinayaan Kong nakalugay ang hanggang beywang kong curly na buhok then nilagyan ng hairband na may ribbon na lalong nagpacharming lalo sa aking itsura. Well, ngayon lang ako maglaladlad ng tunay kong itsura kaya nilubos-lubos ko na. Nagpabok na lang ako ng grab para mas mabilis at iwas sa mga taong may mapanuring tingin.

Pagbaba ko ng taxi papasok sa building ng agency ni uncle Greg ay maraming napapatingin sa akin yong iba nakanganga pa nga, yong iba naman tinignan ako mula taas hanggang baba. Tssskkkk... ngayon lang yata nakakita ng diyosa. Para mas agaw pansin ako ay lumakad akong pakinding kinding,, swaying my hips like duck is funny but I want to make them inis pa more sa akin. hayy pati pagsasalita ko tuloy naging conyo na.

Pagpasok ko sa building ay binati ako ni kuya Homer Isa sa mga kaclose kong guard dito. "Wow di kita nakilala agad mis Jes ah, lalo kang gumanda kaya pala parang naistatwa yong mga lalaking yon eh, sabay turo nito sa grupo ng mga kalalakihan sa kabilang side ng kalsada na nasa harap ng building na nakatulala at nakatingin banda sa akin.

Hehehe good morning kuya Homer, pasok na po ako kuya baka ma-stroke na sila pag tumagal pa ako Dito, pagsakay ko sa sinabi nito. Napahagalpak ito ng tawa,at ako naman ay dumiritso na papuntang elevator, sa 8 floor pa Kase ang office ni uncle. Habang naglalakad ako papuntang elevator ay may sumigaw na babae, "WAAAAHHHH BABY GIRL YOUR BACK!!! napalingon ako at nakita kong si ate Pamela pala ang sumigaw nakasama ko ito sa Isa sa naging kasong hawak ko. Paglapit nya sa akin ay nagyakapan kami. "Baby girl mis na mis na kita may hahawakan ka bang kaso ngayon? Sana makasama kita uli. Tanong nito. Ahh ate Pam itatanong ko pa lang kay uncle e,,pinapunta nya ako ngayon dito sa office nya."Ah ganun ba? Sige baby girl sana kaso nga ang ipinunta mo ngayon dito tapos kasama mo ako uli.. Nagyakapan uli kami bago naghiwalay.

Pagpasok ko sa elevator ay pinindot ko ang number 8.Pagbukas ng elevator ay dumiritso na ako sa office ni uncle, pagtingin ko sa table ng secretary nya ay wala ito kaya dumiritso na ako sa pinto at kumatok. Tok,tok,tok.

"come in, boses ni uncle.

Un-, nabitin sa ere ang sasabihin ko nang pagpasok ko ay nakita ko si papa na nakatingin sa akin na walang emosyon sa mukha.

"Pumasok ka at mag-uusap tayo,

sabi ni papa. Shocksss nakakatakot si papa, nilingon ko si uncle na tahimik na nakaupo sa kanyang swivel chair. Napansin kong may bangas ang gilid ng bibig nito. Naku paktay na sabi ko sa isip ko. Dahan dahan akong lumapit at umupo sa single couch na nasa opisina ni uncle, umupo naman sa harap ko si papa.

" Bakit ka naglihim sa akin? Maiintindihan naman kita kung nagsabi ka man lang sana sa akin anak hindi yong malalaman ko nalang na ilang kaso na pala ang nahawakan mo at ngayon nga ay papahawakin ka na naman ng gonggong na to.

" Wait lang naman bro, di ako gong-

" Shut up! kung ayaw mong dagdagan ko pa yang nasa mukha mo!

" Sabi ko nga tatathimik na ako. sabi ni uncle.

Ffffttt... pagpigil ko sa tawa ko dahil sa itsura ni uncle na parang asong bahag ang buntot.

" And you young lady explain your self now! Pano ang pag- aaral mo ha?

Pa' ammmp ano po, ahh ano po kasi eh,. yong ano po kasi, naano po yong ano po, kaya yon po.

" What? di ko naintindihan at Wala akong maintindihan sa mga sinabi mo, puro ano lang ang mga sinabi mo.

" Wahahhahhha.... biglang bunghalit ng tawa ni uncle Greg... Huminto din ito ng makita nyang nakatingin kami ni papa sa kanya ng masama.

"Ahhhhh, hehe sige tuloy nyo na pag-uusap nyo. Sorry.

Kasi 'pa gusto ko po talaga nang ginagawa ko. Masarap po kasi sa pakiramdam na nakakatulong ka sa mga taong nabibiktima ng masasamang tao. Tsaka 'pa di ko naman pinapabayaan ang pag- aaral ko. Sorry po kung di ako nagsabi sa inyo. Sorry po talaga. Sana po payagan nyo na ako sa gusto ko. Mag-iingat naman po ako lagi saka pangako po lagi po akong magsasabi kung kailangan ko po ng tulong. Please po. Mahabang sabi ko kay papa.

"Hayy ano pa nga ba ang magagawa ko kung iyan ang passion mo. Mauunawaan naman kita eh. Sumama lang ang damdamin ko sa'yo kasi ako ang papa mo pero ako pa ang huling nakaalam. At Ikaw naman Greg, kuya mo ako pero inilihim mo sa akin ito, anak ko ang involved dito, kaligtasan nya ang nakasalalay.

" Kuya nagpaliwanag na ako sa'yo, saka magaling ang prinsesa natin. Proud pang sabi ni uncle kay papa.

" Tsss... kahit pa. Dagdagan ko yang bangas mo eh!

" Kuya naman, Tama na yong dalawang sapak Noh.

" Nga pala papunta ang dalawang kuya mo dito ngayon I told them about you, and they're excited to meet you.

Po 'pa? Bakit naman po biglaan?Ngayon na po?

" Well, dahil masyado akong nag-alala sa safety mo nong malaman kong kasapi ka sa agency ng uncle mo which is agent din ang mga kuya mo kaya nabanggit ko sa kanila ang tungkol sa'yo. Pinaliwanag ko naman sa kanila ang naging sitwasyon noon kaya merong Ikaw sa buhay ko at naintindihan nila yon. Nag-usap narin kami ng tita mo na asawa ko tungkol sa'yo at first nagtampo sya sa akin kasi ngayon ko lang daw sinabi eh alam ko naman daw na noon pa ay pangarap nya nang magkaroon ng babaeng anak.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status