Share

Chapter 11

Chapter 11: Self-control

Kinabukasan ay tinanghali na ako ng gising. Bigla kasi akong nanaginip ng masama kaya nagising ako ng madaling araw at hindi na muling dinalaw pa ng antok. Lalo na nang sumagi sa isip ko ang aking boss. Hindi ko alam kung excited ba itong nararamdaman ko o kaya naman ay kinakabahan lang. Dahil ito ang unang beses na dadalo ako sa isang padiriwang na halos lahat ng mga imbitado ay mayayaman.

"Oh, Ate?" untag sa akin ni Maegan nang makababa ako sa may sala. Nakaupo siya sa sofa kasama ang kapatid na si Kurt habang nanunuod ng pambatang palabas sa TV. "Bakit gan'yan ang itsura mo? Puyat ka ba? Eh, ako nga itong late na nakatulog kagabi kasi you know..." dugtong niya pa na may kasamang paghagikhik.

Noong una kaming magkita ni Maegan doon sa airport ay may ilangan pa kami sa isa’t-isa. Pero ngayon ay naging kumportable na kaming dalawa at mas napalapit pa nga. Siguro dahil

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status