Share

CHAPTER 16: HE IS BACK

CAMURI SENAI

Naglilinis ako ng baril ko dahil maraming dugo ang bumabalot dito dahil sa engkwentro kanina. Kumuha ako ng alcohol at binuhos ko ito sa kamay ko na may panyo at binuhusan ko rin ang aking braso na may tama ng bala. Nagpipigil ako ng ungol dala ng sakit sa braso at tagiliran na parehong may tama. Napapamura ako pagkat sa bawat galaw ay lalo itong kumikirot at hindi ko mapigilan sumigaw.

Tiningnan ko uli ang aking katawan sa harap ng malaking salamin. Pinagmasdan ko ang mga pilat sa aking katawan. May karamihan ito, mula sa aking leeg hanggang sa aking binti. Mga sugat noon na nagturo sa'kin maging matatag at maging matibay. Kumuha ako ng scalpel at alcohol. Kumuha ako ng damit, nirolyo ito at nilagay sa bibig ko upang magsilbing pantiis-sakit. Hiniwa ko ang sugat ko para kunin ang bala gamit ang kamay ko ganun din sa tagiliran ko.

Para akong mababaliw sa sakit pero walang makakatulong sakin ngayon kaya kailangan ko itong gawin mag-isa.

Nilagyan ng gamot at tinahi ko ang tama sa braso ko saka ito binendahan. Napadako ang tingin ko sa tagiliran ko at nakita ko ang pilat katabi ng sugat ko ngayon.

Napatawa ako ng bahagya at napailing sabay tiningnan ang aking repleksyon sa salamin sabay sabi na, "Marami ka ng mga pilat, ano naman kung madadagdagan ng dalawa? Kaya mo to Camuri! Wala lang to kumpara pinagdaanan mo sa training sa South."

Pigil-hininga kong tiniis ang sobrang sakit. Pagkatapos ay binalot ko ito ng benda.

May narinig akong mga yapak. Base sa lakad ni to hindi ito kalaban. Nahihirapan ito maglakad kumpara sa normal na lakad. Naririnig ko ang hininga nitong nahihirapan.

"Core!"

Agad akong tumakbo para buksan ang pinto. Bumungad sakin sa may di kalayuan si Core na may sugat sa ulo, braso at binti. May dala itong M16 na baril at may bitbit itong bag.

"C-Camur—" Bigla itong bumagsak sa sahig.

Hindi ko ininda at tiniis ang sakit ng katawan ako at agad akong nagtungo sa kanya.

Pinwersa ko ang katawan ko kahit masakit ay tiniis ko at sinubukang kargahin ito.Sa pwersa ay dumugo ang braso at tagiliran ko.Nawalan ako ng lakas at napaluhod kasama ang walang malay na si Core na duguan din.

Biglang tumulo ang luha ko at bumalik sa alaala ko ang nangyari kay Sorobi. Noong hawak-hawak ko din ang katawan niya pagkatapos niya magahasa. Para akong bumalik sa nakaraan at umulit ang pangyayaring yon kung saan ako'y tulala at walang magawa.

Sa pagkakataong ito, naubusan ako ng lakas at sa ilang segundo lamang ay wala na akong makita at maramdaman kasabay ng pagbagsak ko.

SOUTH HALES

"Patuloy ang plano. Gusto kong makita ang walang buhay niyang katawan." napasandal ito sa swivel chair. 

"Don't you ever disappoint me dahil pag ang misyon palpak ikaw ang ililibing ko sa hukay na para dapat sa babaeng yon." pinatay nito ang tawag ang uminom ng kape sa tasa. Ngiting-ngiti ito sa kawalan habang nilaro-laro ang swiss knife. Napadako ang tingin nito sa laptop na nasa harap nito.

Nagring ang cellphone nito at agad niya itong sinagot.

"Salute!" pagsaludo nito sa kausap.

"How's it going?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Everything is going smoothly according to plan, Sir." Sagot niya rito.

"Mabuti nam-" isang pagsabog ang narinig niya mula sa kabilang linya.

Sunod-sunod na putok ng baril at sigaw ng sakit.

"W-Wag!" kasunod nito ay putok ng baril.

Malamig na boses ang narinig nito mula sa kabilang linya. "Your death will be supervene." 

Pinatay niya ang tawag at napakagat-labi sa kaba. "How on Earth did she find out?! Does she already know me? How?! FUCK!"

Sinira niya ang cellphone sa pamamagitan ng paghagis nito ng malakas sa sementadong pader.

"Matilda!" sigaw niya saka pumasok ang babaeng may edad na na may dalang cellphone.

"Narito na ho, Madame." magalang niyang inabot ang cellphone.

"Clean that mess! I don't want to see it!" saka nito binitbit ang cellphone at umalis.

Napadako ang tingin ni Matilda sa cellphone na nabasag. Bumuntong-hininga siya at nilinis na ito. Hindi na niya yata mabilang ang cellphones na nasira nito. Malungkot na napadako ang tingin nito sa swivel chair. 

Lumibot ang tingin niya sa buong opisina at napatingin siya sa glass window. Tumulo ang mga luha niya at naisip ang kanyang dalawang anak na naiwan sa South. 

Napaluhod siya sa sahig at humagulhol ng iyak saka niya binanggit ang pangalan nga mga anak niya.

"C-Camuri ko... Sorobi ko..." 

CAMURI SENAI

Nawalan ako ng malay at di ko na alam ang nangyari pagkatapos namin bumagsak sa sahig ni Core.

I groaned in pain and tried to move my body but it fucking hurts like hell. I opened my eyes and everything is white.

"What the hell? Heaven does exist?" napamura ako at kinuskos ang aking mata.

"If heaven does exist, you've probably been thrown out agad-agad sa entrance pa lang dahil sa bibig mo." rinig kong sabi ni Corra.

I hear laughter and I saw their smiles when my eyes became clear.

"How long I've been laying here?" I asked in a calm manner and tone.

"Four days." sagot ni Tiger sabay kagat ng mansanas.

Agad akong tumayo sa kama sabay kuha ng swiss knife ko at hinablot ang karayom ng dextrose na nakakabit sa kamay ko saka tumungo ng banyo.

"What the—! Hey! Ba't ka bumangon agad?!" dali-daling tumakbo si Core saken at narinig ko ang sunod-sunod na pagrereklamo nila ang ingay.

Binato ko ang kutsilyo at tumama ito sa sofa ng ospital sa pagitan ng binti ni Tiger na nakaupo roon at tumahimik silang lahat.

"No buts, kaya ko na kaya babangon ako." malamig kong turan.

"Yup! She's back." tumalikod si Tiger saken pagkatapos umiwas sa kutsilyong hinagis ko at umupo sa kama.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at bumungad sa akin ang isang doktora. 

"What the—?! And what do you think you're doing, Miss? Kagigising mo lang bawal ka bumangon kaagad kundi mapipigtas ang tahi mo." at nagsimula na ang sermon.

They're faces look like they've eaten something wrong looking at the doctor na naninermon saken. I was laughing at the back of my head. Anong akala nila saken? Ganun na talaga kashort tempered na tao? They gotta' be kidding my ass.

"And how nice tinanggal mo pa and dextrose mo sa kamay." ironically said by the doctor.

I silently walked and bumalik sa kama ko. Binalik ko ang dextrose ko, it was was as pie since I know how to do it at humiga.

"Anything else, Doc?" I look at her. She just take her eyeglasses and rub it as she put it back. 

She was silent and didn't say anything and lumapit na ito saken at chineck ang sugat ko. I can see those idiots holding their breath out and looking like ugly an ugly group of apes.

Tss di maganda to, they understimated my patience too much.

Paglabas ng doktora ay narinig ko ang malakas nilang hinga.

"Gago 'kala ko may gyera na." Si Tiger.

"Tangina kinabahan ako." Si Astrion and the noisy chattering started.

"Ingay niyo, wala bang pagkain jan?" I boredly asked.

"Here," saka inabot saken ni Core ang isang peeled orange. "Eat this and get well, S-Sis." she turned red and dali-daling lumabas.

A big, big, big question mark was drawn in my head. I got confused with her actions and what's that damn stuttering voice of her?

SONORE ASANO

It's been a week since that unforgettable amusement park experience. Days goes on I keep thinking about her and she keep bombarding my head. I received a really great news yesterday kami na ulit ang hahawak ng mission. Inarresto ang nagdissmiss sa amin sa mission isa pala itong tuta sa South Hales at ilan pang mga kaso katulad ng corruption, embezzlement, fraud, at murder. Kaya pala di namin mahuli-huli ang espiya, nasa loob pala mismo ng headquarters ang traydor.

On the way na ako sa headquarters para sa meeting. Tapusin na ang dapat tapusin. I'm gonna get that bastards with my hands and crushed them off. 

Habang nagmamaneho ako biglang isang big bike ang nakita ko sa likuran ko. Akala ko kay sinusundan ako nito ngunit bigla itong nag overtake. Wierd feels but familiar yung nagmamaneho.

CORE DELAVIGNE

Naglalakad ako sa hallway ng ospital habang bitbit ang isang dalawang cup ng coffee but then someone bumped in to me kaya napaso ako sa kape at natapon ito.

"What the hell?!" I exclaimed as I automatically licked my fingers na natapunan ng mainit kape pagkatapos ko itong mabitawan.

"I'm so sorry." he automatically pulled out his handkerchief at inabot sa akin. "Here."

Nagsalubong ang kilay ko habang tiningnan siya ng masama. Di ko tinanggap panyo niya kase sobrang badtrip ako. Tumalikod ako at pumunta ulit sa vending machine to get another coffee and nararamdaman ko na sumunod ito sa akin. Halatang irrita ako sa kanya pagkag nagdadabog ako.

But then, I looked at him again and realized who he is. Isa sa agent na kalaban namin. Michale Riach, I'll never forget that name.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status