Share

CHAPTER 12: HER SISTER

ASTRION MONNACE

Napahawak ako sa monitor ng Laptop ko.Napatitig ako sa mga mensaheng naroon.Kinakalikot ko ito habang ang mga luha ko ay umaagos sa aking mga mata.Napatingin ako sa bintana at lulan roon at may ibong lumipad at dumapo sa sanga ng kahoy.

Bumalik na ang alaala ko at naaalala ko na lahat.Lahat ng ginawa ko bago ang aksidenteng yun.Naaalala ko na ang lahat...ang krimeng yon.

Asan na kaya yung batang ngayon? Ano na kayang nangyari sa kanya? Tangina ayoko na! Isa akong halimaw! 

Napasabunot ako sa buhok ko at kinain ng konsensya ang buong pagkatao ko.Hindi ako makapag isip ng maayos at ang boses at pagmamakaawa ng bata ay parang nasa paligid lang.

Pagkatapos ng misyon magpapakamatay na ako.Kelangan kong tuparin muna ang misyon para sa republika ng South.

Di dapat nabubuhay ang taong tulad ko na halang ang kaluluwa! Wala akong karapatang mabuhay sa ginawa ko sa batang yun! 

Napakahayop mo Astrion!

Sinuntok-suntok ko at sinampal-sampal sarili ko.Nanginginig ang buong katawan ko at pinagpapawisan ako.Bumabalik sa alaala ko ang pagmamakaawa ng bata habang ginagawa ko yun.Ang mga iyak at pagmamakaawa niya...

Napaluha ako't napabagsak mula sa kinauupuan ko.

"P-Patawad...Patawarin mo ako." Umiiyak ako habang nakatingin sa kawalan.

"Astrion! Astrion!Ayos ka lang ba?" saka ako sinampal sampal ng di ko alam kung sino pagkat tulala ako noon.

"P-patawad...Patawarin moko." Napalingon ako sa tumatawag sakin at nakita ako ang mukha ng bata.

"AAAAHHHHHHHHHHH!" Sigaw ko tinulak ko siya at lumayo.

"Astrion! Ano ba?! Nag-aadik ka ba?!" This time bumalik na ang ulirat ko." Bat ka sumisigaw?!"

Nakita ko si Corra Dweins na nakapamewang.

"What's wrong?" Lumapit ito sakin na puno ng pag-aalala.

"C-Corra..." Niyakap ko siya.

CORRA DWEINS

Nabigla ako sa pagyakap ng Astrion sakin.Umiiyak ito at hingi ng hingi ng sorry.

"Woy! Nag-aadik ka ba? Bat ka nagsosorry?" tanong ko sa kanya at umiiyak lang ito.

Wala ang tatlo ngayon dito dahil may gagawin daw sila.Tinawagan ako ni Tiger kanina na safe na daw at pwede na daw akong bumalik sa Hide-out.

Pagpasok ko naman dito, heto naabutan kong nag-eemote si Astrion at sorry ng sorry.

"I not a human! I deserve to die!" pag-iyak pa nito.

"Natalo ka ba sa Mobile Legends? Wala ka nang skin? Bibigyan kita..." Sabi ko.

Yung kase yung past time niya baka natalo siya dun.Bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin pero lumuluha parin ito.

"Kuya Rion..." I called him.

I use to call him that noong mga bata pa kami.He is four years older than us at mas una pa itong nakagraduate kesa kay Camuri pero pinabalik ito sa military school sa di ko alam sa dahilan kaya kami nagkasama at nakasama ko siya sa mga misyon at nabuo ang Alpha Team.I call him Rion kase....wala lang trip ko lang! Pake mo?!

Tumingin siya sakin at ngumiti ng malungkot.

"Namiss ko yan...Yang pagtawag mo sakin niyan." He said while pinahid niya ang mga luha niya.

"What happened? Ayos ka lang?" concerned kong tanong.

"I-I'm fine, Lil sis." He patted my head.

"B-but you're not." I stood.

Tumayo siya at umupo sa upuan niya at napabuntong-hininga.Napatingin ako sa laptop niya at nakita ko ang isang email na binabasa niya.

Galing itong South!

"He'll be our Project for tonight." Sabi ni Astrion.

Napayuko na lamang ako at napailing-iling sa kinikilos ni Kuya Rion.

TIGER CALLEOPE

Nandito kami sa isang club para patayin ang huli naming target sa gabing ito.

Si Senator George Kinningston, ang isa sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno ng Norte.Ewan ko kay President Douglas kung bakit etong mga taong to ang pinapapatay niya.Diba gusto niyang makuha ang Norte? Bakit niya pinapatay ang mga tiwaling opisyal dito tulad niya?

Ang gugulo talaga ng mga matatanda.

Anim na senador na ang napapatay namin mula noong nakaraang taon.Inuunti-unti namin sila para hindi masyadong maingay.

Eleksyon ngayon sa Norte kaya busy ang lahat sa pangangampanya kaya naman tuwing may napapatay kami sa iba nabubunton ang issue.Kung hindi sa kalaban nila sa politika ay dun sa mga may galit sa kanila.

Nakasuot si Camuri ngayon ng isang maikling itim palda habang may stocking na itim at tube na hanggang tiyan.

Pakening Shet! Ngayon ko lang siya nakitang ganitoooo! Holy Cow!

Nakita kong tumabi siya sa Senador at kumagat naman ang senador sa kamandag niya.Nagulat ako ng bigla siyang kumandong rito ng paharap.

Shet! Ibang klase den tong si Camuri!

Habang kinakalikot ko ang system ng club ay pasimple akong sumisilip sa CCTV's nila kung saan nakikita ko si Camuri at yung iba at nagsisilbi rin akong look out.

Nakita kong pumasok na sila sa VIP Room at bahala na si Camuri sa gagawin.

Pasimple kong hinack ang system gamit lang ang bagong gawang celphone ni Core kahapon.Dinelete ko lahat ng CCTV Footages at nilagyan ng virus ang buong system.Kinontrol ko ang buong system at gumawa ng kalokohan.

Pinaglaruan ko ang mga ilaw at tugtog nila sa club at nagplay ng Tom and Jerry sa mga monitor sa CCTV Monitoring Room.

Pasimple akong umarte na magbabanyo at pumasok sa isang cubicle.Umupo ako dun ng ilang minuto at lumabas.

Bumalik ako sa upuan ko at nakita ko ang mga bouncers at guards na pasimpleng nagbubulungbulungan.

I'm sure alam na nila.

Pasimple kong kinuha ang isang maliit na kahon na lalagyan ng sing-sing pero hindi singsing ang laman noon kundi remote para sa maliit bomba kasya para gumawa ng eksena sa club.Pasimple ko itong pinindot at isang pagsabog ang aking narinig.

Chineck ko ang CCTV at nakita kong madugo ang VIP Room at biglang lumipad ang ulo ng senador sa ere.Nakita kong lumabas si Camuri sa VIP Room at nakabihis waitress ito.

Tss Mission Accomplished.

SOROBI SENAI

Napatingin ako sa alapaap habang papalabas ng Academy.Nakasuot pa ako ng uniporme habang pababa ng hagdan.

Finally graduate na ako!

Napatingin ako sa langit at napaluha.Hindi ko kase akalain na darating pa tong araw na to.Alam ko na gaya ko ay nangungulila rin si Ate saken.Hindi na ako makapaghintay na makita siya.

Hawak-hawak ko ang mga medalyang pinaghirapan ko sa loob ng impyernong pinanggalingan ko.Medalyang si Ate ang inspirasyon ko at nag-iisa kong idolo.

Sabi nila napakaswerte ko daw dahil pinsan ko ang isa sa naging pinakamagaling, pinakamatalino at pinakamatapang sa buong academy pero ang di nila alam ay hindi ko siya pinsan kundi kapatid ko siya.

I've been hiding as her cousin.Gustong-gusto ko sanang ipagsigawan na kapatid ko siya pero hindi maaari.

Napaluha ako ng magbalik tanaw sakin ang huli naming pagkikita ni Ate.

FLASHBACK

Napatingin ako sa labas ng silid-aralan .Nakita ko si Ate na nakatayo sa may di kalayuan.Breaktime namin noon na five minutes lang kaya agad akong lumabas at pinuntahan siya.

Niyakap ko siya agad at niyakap din nya ako.

"Kumusta ka na dito? " Tanong niya.

"Ate, di ko na kaya.Hirap na hirap na ako lalo na sa mga training." Pagsumbong ko sa kanya na parang bata.

"Kaya mo yan!" Hinawakan niya ang mukha ko." Isa kang Senai! Walang Senai na sumusuko! Isipin mo to Sorobi, paano tayo magkakasama kung susuko ka? Hihintayin kita at ayaw kong bangkay ang hihintayin ko! Gusto ko ng Sorobi na buhay...Hihintayin kita..." 

"Oo ate! Hindi ako susuko! " sagot ko na ikinangiti nito.

"Sorobi, ito na ang huling araw na mabibisita kita.Graduation na bukas at alam mo naman ang pinagagawa sa mga gagraduate diba? H-Hindi muna ako makakabisita sayo." Malungkot ang himig ng salita niya.Alam kong gusto niyang umiiyak pero pinilit niya hindi maiiyak dahil nagpapakatatag siya para saming dalawa.

"Wag kang mag-alala, Naiintindihan ko lahat.Ipangako mong mabubuhay ka sa ano mang laban at hihintayin mo ang paglabas ko dito.Ipangako mong hindi ka mamamatay, Ate.Ipangako mo..." Umiiyak na ako noon.

"H-Hindi ko maipapangako yan.Alam mo kung gaano kadelikado ang mga mission nila para maging karapat-dapat kami, Sorobi pero susubukan ko, para sayo kapatid ko." Saka niya ako niyakap ng mahigpit at saka siya nagpaalam sakin.

Bumalik na ako sa loob ng silid-aralan at saktong pinatawag kami sa ground para sa 1000 sit-ups and 1000 push-ups.

May Blood Battle mamaya at ako ang napiling magrepresenta ng laban sa aming klase.Kinakabahan ako sa laban pero kelangan kong magpakatatag.

Kahit mahihimatay na ako sa pagod ay kinakaya ko.Iniisip ko lang si Ate bumabalik ang lakas ko.

END OF FLASHBACK

Naglakad ako at pumara ng Taxi saka ako sumakay pagkatapos ay sinabi ko sa tsuper ang aking distinasyon.Maganda ang araw ngayon mukhang sumasang-ayon saken at sa paglabas ko.

Tumigil ang Taxi at bumaba na ako.Tumingin muna ako sa gusali at napabuntong-hininga.Naglakad ako papasok ng building at saka ako iniscan ng mga guwardiya.

"May baril ka sa iyong bewang, Comrade.Kelangan mo yang iwan dito sa amin." wika ng guwardiya.

Inabot ko ang isang papel at isang I.D

 at pinakita iyon sa kanila.Napadilat ang kanilang mata at agad akong pinapasok sa loob.

Pasakay na ako ng elevator noon at inayos ang aking sarili.Paglabas ko ng elevator ay naglakad ako sa isang mahabang pasilyo na may disendyo ng dragon at Leon.Bago ako pinapasok ay kinapkapan muna ako ng mga guwardiya.

Bumungad sakin ang pinto kung saan nakalagay ang 'President's Office'.

Ate, hintayin mo ko kung nasan ka man ngayon paparating na ako jan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status