Share

CHAPTER 14: BLANK SPACE

SONORE ASANO

It's been 2 weeks since nangyari ang assassination sa North Hales Palace.

Pinulot ko ang diyaryo sa mesa at binasa ang nasa headline.Hindi parin nawawala sa diyaryo ang pagkamatay ng presidente.Madugo ng pagpatay rito at wala man lang fingerprint naiwan sa crime scene.The murder weapon was found but walang fingerprint, but it has a design sa dulo that looks like a snowflakes.

Sigurado akong sila ang may gawa nun! I'm certainly sure about it!

Wala ng buong barkada pagkat nabusy ang mga ito.Bukod kase sa pagiging agent ay may mga business rin kami.Tinanggal na samin ang misyon noon nakaraan dahil wala raw kami nagawa.

Rodney has a restaurant, Derrick has a club and meanwhile, Michael owns a company and Me? Well, I own this whole condominium, this whole building I'm staying in.We don't need money, we want to save lives kaya namin ginagawa tong ginagawa namin bilang agents.

Nakakaasar! Yung babaeng yun kase sa rooftop eh! She fooled me! She's a scam! Tss yan kase Sonore, nagpapaniwala ka kase sa kalokohan na tulungan ka ng isang kaaway!

Matagal na panahon namin pinaghirap ang reputasyon namin sa agent industry tapos heto ang mangyayari?!

Laman kami ng usapan at chismis ngayon sa headquarters because we failed to do our job.Kinukwestyon ang credibility namin at our years of work, damn it!

Nasabon kaming apat noong nakaraan ni General Commander.We did our best para magpaliwanag pero tinanggal parin samin ang misyon.

"You are not capable of doing this mission! I effectively remove all of you to this mission!" It was Commander General 's last words.

Napabuntong hininga na lamang ako at pumunta sa terrace na napadako ang tingin ko sa kabila.Kahit papaano ay napangiti ako ng maalala ko ulit ang tagpong yun.

Napailing-iling na lamang ako ako sa kawalan.

Kumusta na kaya siya? Hindi ko na siya nakita pa ulit.Tinanong ko ang kakilala Kong staff jan sa hotel tapos ang sabi wala na saw siya dun nag check out na daw.

Lately kahit nasa misyon lagi kong naiisip yung spider woman na yun.Napapagkamalan na nga akong baliw dahil bigla nalang akong napapangiti sa kawalan.

Damn that spider girl!

Nagshower muna ako saka nagpalit ng damit.Naupo ako sa sofa at napasapo sa noo ng biglang may kumatok sa pintuan.

Naglakad ako papuntang pinto at binuksan ito.Isang babaeng na nakadress ang tumambad sakin.

"Umm Hi? My name is Alex.Alex Dorcco." She offered her hand for handshake.

Tinanggap ko ang kamay niya ngunit bakas ang pagtataka sa mukha ko.

"I am your wife..."

She's my...WHAT?!

CAMURI SENAI

Kaliwat kanang putok ng baril!

Dugo! Maraming dugo!

Mga patay na katawan na dumarami ng dumarami!

Napabalikwas ako ng bangon sa aking kama at napahawak sa dibdib na sobrang lakas ng kabog.

Panagip...

Naniningil na sila sakin.Isang utang na kahit sa panaginip ay di ko mababayaran.

Ang mga taong yun...

Ang mga taong pinatay ko...

"Penny for your thoughts?" nakita ko so Core na nakasandal sa pintuan. 

"Nightmares?" I just nodded.

"Camuri, What's gonna happened to us?" Core suddenly asked out of the blue.

"What do you mean?"I coldly asked as I stood up and fixed myself.

"You know what I mean, Camuri."She coldly replied.

I just look at her pero hindi ko siya sinagot.Pumasok ako sa banyo at sinarado ang pinto sabay ragasa ng mga luha ko.

The South Hales will declare war soon. It will cost lives pag hindi napigilan, I need to find other ways sa lalong madaling panahon. The Clock is ticking and time is running fast.Di mapipigilan ang gyera kung nandito ako at kasamahan ko.I need to contact, Sorobi...

Napatingin ako sa kawalan at napatigil ng maalala kong ngayong buwan pala ang pagtatapos nito at ni hindi man lang ako nakapunta.

Hinilamusan ko ng tubig ang aking mukha sabay tingin sa salamin.Nahalo ang mga luha ko sa tubig paghilamos ko at hinayaan ko lamang itong dumaloy kasama ng mga butil ng tubig sa aking mukha.

Inayos ko ang sarili ko at pinahid ko ang mga luha ko saka nagtoothbrush saka lumabas ng banyo.

Pagkalabas ko ng banyo ay wala na si Core, napabuntong hininga na lamang ako saka nagbihis.

Ang buong akala ko ay walang papasok kaya basta-basta na lamang akong naghubad ng damit ngunit bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok si Tiger.

"Camuri peram ng...AY FUCKING SHIT!", sabay takbo palabas.

Dali-dali akong nagbihis sabay kuha ng baril ko sa ilalim ng unan.

"TAKBO ULOL! PAGNAHULI KITA, SABOG YANG BUNGO MO!", saka ko hinabol si Tiger.

"T-TEKAAA DI KO ALAM NA NAGBIBIHIS KAAAA!" Si Tiger. "W-WALA AKONG NAKITA PRAMIS TO GOD!!!!! PERO MAKINIS LIKOD MO PRAMIS!"

Pinutok ko ang baril ko kaya napatalon ng mala palaka ang ulol.

"SORRY NA CAMURIIIII!" Sigaw niya.

Napahagalpak na lamang sila Corra, Astrion at Core saming dalawa.

"Patayin mo yang kumag na yan! Bastos yan!", napatingin ako sa nagsabi noon at nakita ko si Astrion na tumatawa.

Biglang nagbago ako mood ko at tinutok sa kanya ang baril.

Damn you! At ikaw!? Anong tingin mo sa sarili mo?! Banal?! You rape my sister! You rapist!

"C-Camuri? A-Anong ginagawa mo?" He nervously asked.

Fuck you! Mapapatay din kita, pero di pa muna ngayon.

"Sulitin mo na ang nalalabing oras mo, Astrion." I coldly said sabay baba ng baril saka naglakad palabas.

Sumakay ako ng taxi at tinanong ako ng driver kung saan ako at ang sagot ko lang...

"Just take me far away from here..."

Umalis na ko doon bago pa magdilim ang paningin ko at mapatay ko siya.

Hindi ko pa siya pwedeng patayin ngayon.Justice is best serve in cold, it makes you tremble, freeze and chills you in pain.

"Ma'am, Saan po ba talaga kayo bababa?" Tanong ng taxi driver.

Napatingin ako sa kanya na sumusulyap-sulyap lang sa salamin.Matanda na ito, at maputi na rin ang buhok nito.Nagsalubong ang aming tingin at ngumiti ito sakin.Hindi ngiti na masama at hindi rin peke, yuung ngiting pang tatay na tumingin sa anak niya na puno ng pagmamahal.

"May anak h-ho ba kayo?" Tanong ko kay Tatang.

"Aba'y Oo meron!" Ngumiti uli ito ngunit lumungkot rin ang ngiti nito.

"Pero sumalangit na siya. Alam mo ba napakatapang ng aking anak, Ineng?Ibinuwis niya ang kanyang buhay para sa bayan." lumungkot ang ngiti nito ngunit mararamdaman mo rin na ipinagmamalaki niya ang kanyang anak sabay tingin sa daan.

"S-Sorry po." Napayuko ako.

Nagmamaneho lang si Tatang habang nagkukwento sa akin.

"Isa ang anak ko sa namatay noong nakaraan."Tila binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa aking narinig.

"P-Po?"

"Oo, Ineng.Isa ang anak ko sa lumaban sa North Hales Palace, siya ay security doon.", pagpatuloy ni Tatang.

Napaluha na lamang ako at napahagulhol na siyang kinagulat no Tatang.Tinabi Niya ang sasakyan at agad akong tiningnan.

"Aba'y hala, Ineng! Ano nangyari sa iyo? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito sakin.

"S-Sorry po,Tatang.Patawarin niyo ho ako, S-Sorry po." Humahagulhol ako noon na Tila walang bukas.

Hindi ako ganito umiyak pagkat nasanay akong walang tinig na lumalabas sakin sa tuwing iiyak ako pero ngayon nag-iba na.Para akong musmos na bata, ang nakaraan noong akong nasa lansangan ay parang nanumbalik sakin.Isang mahina at isang babaeng walang laban.

"S-Sorry po.Sorry po talaga." Humahagulhol parin ako.

Bumaba si Tatang at umupo sa backseat kasama ko.

"Aba'y Ineng, Ala eh, wala ka namang nagawa sa akin, bakit ka humihingi ng tawad?" Si Tatang na di Alam ang gagawin.

Tatang kung alam mo lang Kung ano ang nagawa ko sayo siguro ay mapapatay mo rin ako.

Sino doon?! Sino doon sa mga binaril ko ang anak mo, Tatang?! 

Napahawak ako sa ulo ko habang nagrereplay sa aking utak ang mga mukha nila.Habang sila ay binabaril ko at dumadanak ang dugo nila sa sahig.

Ipinikit ko ang aking mga mata at tinakpan ang aking mukha ngunit isang yakap ang biglang bumalot sa akin.

"Ineng, kung ano man ang iyong pinagdadaanan sa buhay, ikaw ay lumaban parin.Hindi pa huli ang lahat pagkat sa bawat araw ay isang simula." Isang yakap ng ama ang aking naramdaman.Isang yakap na hindi ko maalala kung kailan ko huling naranasan.Ang yakap ng pagmamahal ng magulang at isang yakap na nakakapawi ng kalungkutan.

"Humihingi po ako ng tawad, Tatang..." tumulo ang mga luha ko.

Tumingin ito sa akin at kumunot ang noo ng matanda sa noo nitong may kulubot ng katandaan.

"Ineng, ikaw ba ay buntis? Ikaw ba ay iniwan ng iyong boypren?" tanong nito na nagpatawa sakin habang umiiyak at humihikbi.

"Hindi po, Tatang. Mabigat lang po ang loob ko ngayon at may pinagdadaanan lamang." Ngumiti ako rito saka inabot ang aking pamasahe pero hindi niya tinanggap ang pamasahe ko at binalik ito sakin.

"Ineng, umuwi ka na sa inyo at baka hinahanap ka na ng magulang mo." In a spit of seconds, I felt like I was a child who got lost in the big forest.Para akong musmos na bata habang kausap ni Tatang.

"W-Wala na ho ang mga magulang ko." Pilit akong ngumiti saka binuksan ang pinto ng Taxi saka humakbang palabas.Inabot ko kay Tatang ang pamasahe ko saka tahimik na naglakad palayo sa di ko alam saan na tinatahak na lugar.

Tahimik ang paligid habang naririnig ko ang huni ng mga sasakyan at mga kalapit na stablishmento at building.Mga taong naglalakad kasabay at nakakasalubong ko ay nararamdaman ko sa paligid.Tumingala ako sa langit at nakita ko ang buwan at biglang napukaw ang puso ko sa kagandahan at kinang nito.

Patuloy ako sa paglalakad at kahit konti ay nabawasan ang lungkot sa aking puso, kahit konti ay pumayapa ito at gumagaan sa pagtingin ko sa buwan.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa paligid na parang may hindi tama.Nag-obserba ako at sinadya ang pagliko sa isang maliit sa eskinita.Naramdaman kong sinundan niya ako at saglit ako tumigil.

"Don't move." Baritono ang boses nito at narinig ko ang huni ng baril na hawak niya at kalansing nito sa ere kahit hindi pa ito pinuputok.Ang huning minahal ko sa taon ng empyernong buhay sa South.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status