Share

kabanata 7

"Bakit ang tahimik mo?" tanong saakin ni Joud

"Wala namn hindi ko lang talaga trip mag salita" sagot ko dito

ilang sandalı pa ay nakarating na Kami sa bahay, naabutan namin si Mama na nag tatahi ng mga damit na pinatatahi sa kanya ng mga costumer nya

" Anak talaga bang pinsan ni Yorick yan?' tanong ni Mama habang nakatingin kay Joud na nakaupo sa sala at mukhang inip na inip, nandito Kasi kami ni Mama sa kusina

" Opo" sagot ko

" Bakit sya ang kasama mo at hindi si Yorick?'

"Busy po Kasi si Yorick sa company"

'Teka lang may kukunin lang ako" ani ni Mama atsaka pumasok sa kwarto, pag labas ni Mama ng kwarto ay ibinigay saakin ang makapal na album

" Ano pong gagawin ko dito?" taka Kong pag tatanong

"İbigay mo doon sa pinsan ni Yorick para hindi sya mainip"

" Pero ma! may mga picture ako dito na hindi dapat makita ng Iba, nakakahiya " usal ko madami kasi akong picture nung bata na walang damit at madungis

Pero syempre wala nakong magawa at ibinigay ko na kay Joud yung album

" Ang cute mo pala nung bata Ka ! natatawang sabi ni Joud saakin habang isa-isang tinitingnan nya ang ang mga larawan

" Syempre naman" proud kong sagot

" Teka si Yorick ito ah! agad akong napatingin sa larawan na tinutukoy ni Joud ng banggitin nya ang pangalan ni Yorick

Nakita ko sa litrato ang isang batang babae at batang lalaki na kamukha nung dalawa sa panaginip ko nung nakatanggap gabi

"Si Yorick ba ang batang Yan?" gulat Kong tanong dito bakit

" OO atsaka ikaw ang batang babae diba? bakit may litrato kayo noon? matagal naba kayong magkakilala?" balik na tanong ni Joud

Ang totoo hindi ko alam, medyo luma na ang litrato kaya hindi ko narin maalala na may ganito palang Kuha, pero kung si Yorick nga ang batang Yan ibig sabhin nagkita na kami noong bata Kami?

Pero paano? saan Kami nagkita at bakit hindi ko matandaan?

Zeynep // POV

Nandito ako ngayon sa balcony ng kwarto ni Yorick, pasado alas dose na ng umaga at hanggang ngayon ay wala parin sya

kanına bago umuwi dito sa mansion nasa kotse si Joud at hinihintay ako na mangyaring nakikipag usap ako Kay Mama, tinanong ko Kasi Kay Mama Kung sino ang batang lalaki na kasama ko sa litrato

Ang sabi nya rick-rick daw ang pangalan, hindi nya matandaan kung paano kami nag kakilala nung rick-rick, pero na ngako daw ito sa kanya na pag laki namin hahanapin nya ako at pakakasalan

" Kamusta na kaya si rick-rick? hinahanap Ka kaya nya ngayon?" tanong saakin ni Mama

Ang totoo na guguluhan ako sabi Kasi ni Joud si Yorick daw ang batang yon..... pero syempre hindi ko muna sinabi ito kay Mama wala pa namang kasiguraduhan

İf ever si Yorick nga talaga si rick-rick na nag sabi kay Mama na hahanapin at pakakasalan ako pag-laki, sigurado akong hindi na mangyayari yon dahil may ibang babae na nagmamay-ari sa puso nya

Agad akong natigil sa pag-iisip ng marinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ni Yorick at napatingin ako, nakita kong pumasok si Yorick at halatang pagod na pagod sya sa trabaho

"Anong ginagawa mo dyan?" tanong nito saakin ng makita akong nakatayo sa balcony

"Ahmm, nag papahangin lang" sagot ko naman atsaka nag pasya pumasok sa loob

" Pasado alas dose na ng umaga, bakit ngayon ka lang?" tanong ko

" Ganon talaga Kapag CEO Ka" sagot nya

"Papasok na si Joud sa company matutulungngan kana nya" ani ko

"Like what I said hindi ko kailngan ng tulong nya"

Bahagya akong natahimik dahil sa sinabi ni Yorick, talagang galit sıla sa isa't-isa pero bakit Kaya?

"Kumain kana BA?" tanong ko ulit

" Yeah, kanina pa.... ikaw ba?"

" OO kumain na ako, sabi Kasi ni Joud wag ako mag palipas ng gutom baka kasi anong mangyari kay baby" nakangiti kong sagot

" Sinabi nya yon?" seryosong tanong saakin ni Yorick

" OO" sagot ko Naman

" Matulog kana"aniya nahiga sa mahabang upuan

" Teka? dyan ako matutulog sa upuan diba?"

usal ko

"Hindi na....doon kana matulog sa kama, medyo lumalaki na ang tiyan mo mahihirapan kana dito "

" Ano kaba ok Lang ako, mas mahihirapan ka dyan kasi ang laki-laki mong tao....wag mo akong alalahanin

"Sino may sabi sayo na inaalala kita? anak ko ang dinadala mo at sya ang inaalala ko hindi ikaw, kung hindi kolang naman anak yang dinadala mo hahayaan Kita kahit saan ka matulog "

"Pasensya na Yorick " ani ko nalang at nagpasya nakong mahiga sa kama.

Malungkot at tahimik akong umiiyak habang nakahiga, hindi ko kasi matanggap yung sinabi saakin ni Yorick talagang ipinamuka NYA saakin na si Baby lang ang importante sakanya

*********** Kinabukasan*********

Yorick // POV

Nagising ako na naramdaman ko ang pag-sakit ng aking likuran

" Ayyts hindi talga ako sanay matulog sa mga ganito" atsaka tumayo nako

Pagtingin ko sa kama wala na roon si Jane kaya naman lumabas na ako ng kwarto at nagpunta sa dinning area

Nakita ko si Lola at Jane lang ang nandoon

" Where's Lolo?" tanong ko

" Nasa company sinamahan si Joud " sagot ni lola

Umupo ako sa tabi ni Jane at nasa tapat namin si Lola

" Wag kana muna pumasok ngayon Yorick" ani ni Lola

" Why?' kunot noo Kong tanong sa kanya

" Malaki na ang tiyan ni Zeynep Jane, samahan mo mag pa ultrasound para malaman natin ang gender ng baby nyo para mapag handaan na natin, atsaka nag tataka din ako biglang laki ng kanyang tiyan nung una maliit pa ang tingin ko para sa tatlong buwan nung unang s dating nya dito, pero ngayon anım na buwan palang parang sobra ang laki, and after non umattend kayo sa Parenting class..... tuturuan kayo kung paano mag alaga ng baby para sa mga first timer "

" Sure" maikli ko lang sagot

" Are you agree with that Zeynep Jane?" tanong naman ni Lola kay Jane

" OO naman po, basta para kay Baby wala akong tatanggihan" naka ngiting sagot ni Jane sa tanong ni Lola

Lumipas ang mga oras pumunta na nga kami ni Jane SA Hospital para samahan syang magpa ultrasound, aaminin kong kabado ako ngayon, ngayon habang pinapanood ang ginagawa ng doctor

"Congratulations Mommy and Daddy, Lalaki at babae po ang anak nyo" nang sabihin ni Doc ang bagay na iyon ay agad akong napatayo sa kinauupuan ko

" Lalaki at Babae ang anak ko, ibig sabihin kambal sila?" gulat kong tanong ngumiti naman ang doctor atsaka tumango-tango

"Narinig mo Yun Jane? kambal ang anak natin" aniko kay Jane

" OO Yorick narinig ko" naka ngiti nyang sagot sa sobrang tuwa ko ay agad akong lumapit kay Jane at idinikit ko ang tenga ko sa tiyan nya upang marinig ang kambal

Walang padid ang saya ko hindi ko inexpect na kambal ang magiging anak namin sa isang gabing pag sisiping

Pagkatapos ng ultrasound diretso na kami sa Parenting class, pareho Kaming excited sa mga oras na yun, at hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman para akong lumilipad sa alapaan

" Ok mga Mommies and Daddies, before we start sa mga magulang na wala pang name na binibigay para sa mga baby nila mag -isip Napo kayo para may maitawag kayo sa kanila" anang babae na nagtuturo sa PC

" Anong gusto mong ipangalan natin sa mga babies natin?" tanong saakin ni Jane

" Wala akong maisip eh!" sagot ko sa kanya

"Ano kaya kung?.... Lucas and Lucille nalang?

" Sige maganda ang mga name nayan" sagot ko naman

"Talaga? nagustuhan mo ba?"

" OO, nagustuhan ko" sagot ko naman dahilan para mapangit sya ng sobra

Agad naman akong napatitig sa mga labi nyang nakangiti, parehas sila ngumiti ng batang babae na nakilala ko noon, hindi ko na maalala ang kanyang pangalan pero natatandaan ko na pinangakuan ko syang hahanapin at pakakasalan pag-tanda namin

Ngunit ano ang mukha ang ipapakita ko sakanya kung hindi ko tinupad ang pangako kong iyon, dahil naka buntis ako ng ibang babae habang may Girlfriend ako

Nakilala ko ang batang babae na yun dahil nadaanan namin sya ni Papa na umiiyak sa kalsada na nanliligaw at hinahanap ang kanyang mga magulang kaya dinala namin sya sa malapit na baranggay sa lügar na iyon para alamin at Kanilang bahay at hinatid Namin sya ni Papa hanggang sa Kanilang bahay

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng mga oras na iyon, inamin ko na gusto ko sya, at nag iwan ako ng pangakong hahanapin at pakakasalan ko sya..... sana kung nasaan kaman ngayon, sana mapatawad mo ako dahil sa hindi ko pagtupad sa pangako ko

Muli Kong naalala ang memories na iyon ng dahil sa ngiti ni Jane

continuation of Yorick // POV

" Talaga kambal ang apo namin, Lalaki at Babae sıla?"masayang saad ni Lolo at Lola ng ibalita namin sakanila ngayong umaga ni Jane ang nangyari kahapon

Matapos Kasi naming umattend ni Jane sa PC, ay kumain muna kami sa labas at nagpunta Kung saan-saan kaya naman ginabi na kami ng uwi

" Kung ganon, kailangan na nating bumile ng mga gamit ng mga kambal" ani ni Lola halata sa ngiti ni Lola ang şaya dahil matagal na nya itong pinapangarap at hindi lang İsa kundi dalawang apo agad

" Zeynep Jane maraming salamat sayo maraming salamat at nakilala ka ni Yorick" ani pa ni Lola

Napatingin naman ako kay Jane at nakita kong nakangiti na naman sya, bakit ba sa tuwing ngumingiti sya agad na bumibilis ang tibok ng puso ko? at alam kong nag-umpisa Ito kahapon kung saan ngumiti sya saakin ng sobrang saya

Nandito kami ngayon ni Jane sa kwarto, nakaupo ako sa mahabang upuan at sya naman ay nakahiga sa kama parehas Kaming nag babasa ng libro galing sa PC para pag aralan about sa pregnancy o Kaya para sa mga Mommy at Daddy

Hindi na my muna ako pumasok ngayon sa company Tutal nandoon naman si Joud..... yun naman ang gusto nya eh, e di bahala şya, habang nagbabasa ng libro ay bigla akong napatingin kay Jane

At nakita ko syang seryoso sa pagbabasa, ayytss bakit koba sya pinagmamasdan? Yorick itigil moyan, may girlfriend Ka nasa New York!

" Aray!" Dinig Kong d***g ni Jane dahilan para agad akong mapatayo at agad na lumapit sa kanya

" Bakit anong problema? anong masakit?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya na may halong pag-aalala at sa oras na ito aaminin kong sakanya na mismo ako nag-aalala

"Bigla Kasing sumakit yung likod ko" sagot nya

" Normal lang yan sabi ng Doctor dahil mabigat ang tiyan mo dahil 2 silang nandyan, at Kapag may masakit sayo sabihin mo lang agad saakin" sagot ko at ngumiti sya atsaka tumango-tango

"Wag ka ngang ngumiti, seryoso ako" seryosong sabi para agad nyang bawiin ang ngiti nya

" Bakit Naman?" taka nyang tanong

" Basta!" usal ko atsaka umalis na sa harapan nya at tuluyang lumabas ng kwarto

* Stop smiling because your driving me crazy "

mahina kong usal ng maisara ko na ang pintuan ng kwarto

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status