LOGINPagbukas ng pinto, sinalubong siya ng dilim at nakakabinging katahimikan. Isang malamig at walang buhay na espasyo. Hindi niya alam kung bakit, pero bigla siyang nakaramdam ng matinding pagkailang.
"Cailyn..." Awtomatiko niyang tinawag ang pangalan nito, ngunit agad siyang napahinto. Si Cailyn ay wala na. Lumipat na siya sa ibang apartment at sa piling ng ibang lalaki. Hindi niya alam kung anong ginagawa nila ni Jasper sa mga oras na ito. Masaya ba sila? Mas lalong nanigas ang kanyang panga, at ang matatalim niyang mga mata ay nanlamig tulad ng yelong humuhubog sa kanyang matikas na mukha. Nakita ng driver ang kadiliman sa loob ng bahay, kaya't nagmadali itong pumasok para buksan ang mga ilaw. Pagliwanag ng paligid, lumingon ito kay Austin at halos mapaatras sa takot nang makita ang bigat ng ekspresyon sa mukha nito. Parang isang mabangis na hayop na handang sumabog anumang oras. "Sir, kung wala na pong iba, bababa na po ako," agad na yuko ng driver. Hindi gusto ni Austin na ginugulo siya kapag nasa bahay. Ang driver, yaya, at mga bodyguard ay nakatira sa annex building. Siya at si Cailyn lamang ang nasa main house. Sa loob ng tatlong taon, halos lahat ng kanyang pangangailangan mula sa pagkain, pananamit, hanggang sa pamamahinga ay si Cailyn ang nag-aasikaso. "Hmm." Isang tunog lang ang lumabas sa ilong ni Austin, na tila senyales ng kanyang pagsang-ayon. Mabilis na lumabas ang driver, maingat pang isinara ang pinto. Pero nanatili ang nakakapasong iritasyon sa dibdib ni Austin. Tinanggal niya ang sapatos, handang magpalit ng tsinelas pero wala siyang makita. Napakunot ang kanyang noo. Yumuko siya at binuksan ang shoe cabinet, pero kahit saan siya maghanap, wala ang tsinelas niya. Napakuyom ang kanyang kamao, pero sa halip na mag-aksaya ng lakas sa galit, dumiretso siya sa sala. Kinuha niya ang tie niya at niluwagan ito habang minamasahe ang sariling sentido. "Masakit ang ulo ko. Hilutin mo nga ako." Umupo siya sa sofa, pumikit, at naghintay ng pamilyar na kamay na magbibigay ng ginhawa. Pero wala. Pagkalipas ng ilang segundo, iminulat niya ang kanyang mga mata at awtomatikong hinanap ang pigura ni Cailyn. Pero wala na siya. Napakuyom siya ng kamao at buong lakas na binagsak ito sa armrest ng sofa. Galit na galit siya, pero wala siyang magawa. Nagpigil siya ng hininga at pilit na pinakalma ang sarili bago tumayo at nagtungo sa kusina. Nauuhaw siya. Kumuha siya ng baso para uminom ng tubig pero wala rin siyang mahanap. Parang nag-apoy ang buong katawan niya. Nawala lang si Cailyn, pero parang gumuho ang buong sistema niya. Nang hindi na niya kayang pigilan ang sarili, kinuha niya ang cellphone niya at mabilis na tinawagan si Cailyn. Isang ring. Dalawa. Tatlo. Saka may sumagot. "Cailyn, nasaan ang tsinelas at baso ko? Saan mo nilagay ang mga gamit ko?!" Pero sa halip na boses ni Cailyn, isang malamig at mapanuyang halakhak ang tumambad sa kanya. "Austin, hindi ko alam kung hindi ka pa natutong mabuhay nang mag-isa, o sadyang inutil ka lang?" Lalong nagdilim ang paningin ni Austin nang makilala ang boses ng kausap. "Jasper, ibigay mo ang telepono kay Cailyn!" Narinig niya ang mahina ngunit puno ng pang-aasar na tawa sa kabilang linya. "Pasensya na, Austin. Hindi ka niya makakausap ngayon. Napagod siya. Kakapaligo lang niya, at mahimbing na siyang natutulog sa kama." Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Austin sa narinig niyang pagbitaw ni Jasper ng mga salitang iyon, punong-puno ng malisyang nagpapahiwatig kung anong nangyari bago ito makatulog. Pagkatapos noon, walang sabi-sabing ibinaba ni Jasper ang tawag. Dinig na dinig ni Austin ang tunog ng busy tone sa linya. Sa sobrang galit, muntik na niyang ibato ang cellphone niya. Samantala, sa isang luxury apartment sa Makati, mahimbing na natutulog si Cailyn. Pagod na pagod siya matapos ang mahabang araw. Pagkaakyat pa lang sa kama, agad siyang nakatulog. Si Jasper, na hindi mapalagay, ay nanatili sa tabi niya. Nang makitang himbing na ito, tahimik na siyang tumayo, ngunit nang tumunog ang cellphone nito, mabilis niya iyong inabot at sinagot. Lumabas siya ng kwarto para hindi magising si Cailyn. At nang matapos ang tawag, bumalik siya sa loob para siguraduhing mahimbing pa rin ang tulog nito. Bago umalis, tahimik niyang nilagay ang cellphone nito sa tabi at ini-silent ang notifications, saka siya tuluyang lumabas. Alas-sais ng umaga, natural na nagising si Cailyn dahil sa nakasanayang body clock. Bumangon siya, at awtomatikong nagtungo sa banyo, pero ilang hakbang pa lang, natigilan siya. Napahinto siya at napangiti nang mapait. Napailing siya sa sarili. Hanggang ngayon, parang automatic pa rin ang katawan niya sa routine niya noon. Gigising nang maaga para ipaghanda ng almusal si Austin. Pero ngayon, wala na siyang kailangang asikasuhin kundi ang sarili niya at ang batang dinadala niya sa kanyang sinapupunan. Wala nang Austin. Wala nang pag-aalaga sa kaniya. At hindi na rin niya kailangang alagaan si Austin. Muli siyang bumalik sa kama, pero alam niyang hindi na siya makakatulog pa. Sa halip, kinuha niya ang kanyang cellphone at nagsimulang basahin ang mga dokumento tungkol sa kanyang negosyo. May sampung bagong kliyenteng mula sa matataas na lipunan ang nais magpa-customize ng skincare products mula sa kanyang kumpanya. Kahapon pa lang, ipinadala na ng kanyang assistant ang lahat ng detalye ng skin analysis at mga request ng mga ito. Sa kanyang negosyo, hindi basta-basta ang serbisyo. Ang bawat produkto ay nagkakahalaga ng milyon, kaya kailangang tiyakin niyang perpekto ang bawat isa. Habang nakatuon sa pagbabasa, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Isang tawag ang dumating. At sa kung anong dahilan, bigla niyang naramdaman ang kaba sa kanyang dibdib. Sa kanya ito. Nakatitig si Cailyn sa salitang "husband" na lumilitaw sa screen ng kanyang telepono. Ilang segundo siyang nagdalawang-isip bago niya ito sinagot. "Cailyn." Kaagad, ang malalim na tinig ng lalaki ay bumalot sa matinding galit na tila dumaan sa mga alon ng signal. "Austin, may kailangan ka pa ba?" tanong ni Cailyn nang walang sigla. Nang makumpirma niyang si Cailyn nga ang sumagot, bahagyang nabawasan ang inis ni Austin, pero hindi pa rin bumuti ang tono nito. "Nasaan ang mga cufflinks ko?" Napakunot ang noo ni Cailyn. At isa pa, siya naman ang hindi na gustong makita nito. Ngayong siya na ang lumisan, wala na sanang dahilan para hanapin pa siya ng lalaki. "Nasa pangatlong cabinet sa ilalim ng mga kurbata mo. Kung hindi mo makita, tanungin mo na lang si Manang Flor." sagot niya. Pero bago pa siya matapos magsalita, ibinaba na ni Austin ang tawag. Sanay talaga itong ituring siyang yaya. Napabuntong-hininga siya at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng kanyang mga dokumento. Pero makalipas ang wala pang dalawang minuto, muling tumunog ang kanyang telepono, si Austin na naman. Nag-atubili si Cailyn bago niya ito sinagot. "Nasaan ang starry cufflinks ko? Bakit nawawala?" malamig pero hindi na kasing-galit kanina ang boses ng lalaki. Starry cufflinks. Iyon ang regalong ibinigay niya kay Austin dalawang taon na ang nakalipas. Hindi naman niya ito madalas gamitin, kaya bakit biglang hinahanap ngayon? "Magkasama lahat ng cufflinks mo. Kung hindi mo makita, tanungin mo na lang si Manang Flor, puwede ba?." Pagkasabi noon, siya na mismo ang nagbaba ng tawag. Sa kabilang linya, nakikinig si Austin sa mahinang "beep" na tanda ng ibinabang tawag. Muling lumabas ang nanlalaking ugat sa kanyang noo. Maaga pa lang, pero abala na siya sa paghahanap ng sinturon, medyas, at cufflinks. Pinaghahalughog niya ang kahon ng kanyang mga cufflinks, pero hindi niya makita ang gustong isuot na starry cufflinks, kaya napagdesisyunan niyang hayaan na lang at sinadyang itaas ang manggas ng kanyang polo bago isinuot ang blazer at bumaba. "Sir, nakahanda na po ang almusal." sinalubong siya ng yaya sa ilalim ng bahay, nakayuko at magalang. "Okay," sagot niya nang walang emosyon at dumiretso sa hapag-kainan. Nasa mesa ang mga paborito niyang almusal ang madalas ihanda ni Cailyn para sa kanya. Pati ang kape, handang-handa na. Napasinghap siya, saka uminom ng kape. Pero pagkasayad pa lang ng kape sa kanyang bibig, gusto na niyang idura ito. Pero dahil sa basic na paggalang, pinilit niyang lunukin. "Anong klaseng kape 'to? Bakit ang pait at ang sama ng lasa?" tanong niya sa yaya, kita sa kanyang mukha ang pagkainis. Nanginginig ang yaya sa kaba. "G-ginamit ko po ang parehong coffee beans na ginagamit ng madam noon. Sinunod ko rin ang paraan niya ng paggawa." Ang paggawa ng kape ay tulad ng paghahanda ng tsaa mahalaga ang tamang paraan at temperatura ng tubig. Iba't ibang klase ng coffee beans, iba rin ang tamang paraan ng pag-brew at angkop na init ng tubig. Nakahawak sa tasa, muling tumingin si Austin sa kape at naglakas-loob na s******p ulit. Mas lalong sumama ang lasa. Hindi na niya kinaya at idinura niya ito, saka inilapag nang mariin ang tasa sa mesa. Nakatayo ang yaya sa gilid, takot na takot at hindi makatingin nang diretso. Pinigilan ni Austin ang galit na bumibigat sa kanyang dibdib at kumuha ng pritong itlog. Isang kagat pa lang, alam na niyang iba ito sa laging inihahanda ni Cailyn. Malamig na ito. Hindi man lang malambot at malasang tulad ng dati. Ayaw na niyang kainin. Ibinalik niya ang chopsticks sa mesa, kinuha ang kanyang coat, at walang sinabing kahit isang salita bago tuluyang umalis. Natigilan ang yaya, nanginginig sa kaba. Agad niyang kinuha ang telepono at tinawagan si Cailyn.Pagdating ng wedding car sa simbahan, bumagal ang takbo nito. Sa labas, may mga staff na agad nagsilapit — may humahawak sa train ng gown, may nag-aayos ng veil, at may mga flower girl na nanginginig sa excitement. Sa loob ng sasakyan, tahimik lang muna sina Austin at Cailyn. Ramdam ang bigat ng moment. Parehong huminga nang malalim — hindi dahil kinakabahan, kundi dahil pareho nilang alam na ito na talaga ‘yung simula ng forever na matagal nilang pinagdaanan bago marating. “Love,” mahina ang boses ni Austin habang nakatingin kay Cailyn, “after today, wala nang ikaw at ako — tayo na lang.” Ngumiti si Cailyn, pinigilan ang luha. “Hindi mo kailangang maging cheesy, kasi iiyak ako.” Ngumiti rin si Austin, sabay dahan-dahang hinalikan ang likod ng kamay niya. “Cheesy talaga ako pag ikaw ang kausap ko.” Pagbukas ng pinto ng kotse, agad sumalubong ang hangin, malamig pero may halong amoy ng mga bulaklak at insenso. Tumunog ang unang nota ng wedding march. Sa labas, nakaabang si Anthony
“Grabe naman ‘to! Kanina idioms lang, ngayon seven-character poem na? Exam ba ‘to para sa valedictorian?” biro ng isa sa mga groomsmen ni Austin, sabay tawa ang buong tropa. “Ang hirap naman nito, sobra,” reklamo ng isa pa. Pero si Austin, hindi nagpatalo. Napasingkit ang mga mata niya habang nag-iisip. Wala na siyang oras para magreklamo—kailangan niyang makapasok at makuha si Cailyn. Tahimik ang paligid nang bigla siyang magsimulang magsalita. “Ang mga baging at bulaklak, magkayakap sa puno’t anino. Tumatawid sa malamig na ilog, taon-taon walang pahinga…” “Sa balikat ko’y bumabagsak ang hamog ng umaga. Habang hinihipan ko ang palad kong giniginaw, bumabalik ang init ng mga lumang alaala.” Within five minutes, nakabuo talaga siya ng seven-character poem. Wala man talagang nakakaintindi kina Samantha at mga bridesmaids, pero halata nilang legit at malalim ‘yung ginawa ni Austin. “Grabe, genius!” sigaw ng mga groomsmen, sabay kantyaw sa mga nasa loob. “Buksan niyo na ‘yung pint
This time, hindi nagmadali si Austin sa pagtira ng arrow. Alam niyang hindi puwedeng pumalpak sa tatlong huling tira. Besides, ‘yung unang dalawa? Sinadya niyang sablayin. Para mag-relax ‘yung kalaban — para isipin nilang wala siyang laban. Pero sino siya para sumuko? Kahit mahirap, gagawin niya para sa asawa niya. Huminga siya nang malalim, pinakalma ang sarili, tapos dahan-dahang tinutok ang arrow sa bunganga ng vase. Tahimik ang lahat, halos walang humihinga. Then clang! — pasok na pasok. “Woooow! Angas ni Kuya Austin!” sigaw ng groom’s squad. “Isang beses lang ‘yan, bakit kayo ang iingay?” banat ng bride’s team habang nag-boo. Pero bago pa tumigil ang tawanan, kinuha na ni Austin ‘yung pang-apat na arrow. Isang mabilis na tira — swak ulit. Mas malakas ang hiyawan ng mga lalaki. Tahimik ang bride’s team. Tapos kinuha niya ‘yung panghuli. Lahat naghintay. Whoosh—clang! Pumasok pa rin! “YESSSS!” sabay-sabay silang nagbunyi. “Kalma, first level pa lang ‘yan!” kontra ng bride’s
Morning of the Wedding Maaga pa lang, gising na si Cailyn. Tahimik ang paligid, pero ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso niya. Sa salamin, nakaupo siya habang inaayos ni Samantha ang last layer ng makeup niya. “Grabe, Cai,” biro ni Sam habang tinatanggal ang powder sa pisngi niya, “ngayon lang ako kinabahan sa kasal ng iba.” Napangiti lang si Cailyn. “Ako rin, to be honest.” Pero sa loob-loob niya, hindi lang kaba. Halo-halong emosyon — excitement, takot, at isang klase ng peace na hindi niya naranasan sa matagal na panahon. “Mommy, you’re so pretty!” sabat ni Daniella, kumakapit sa laylayan ng bridal robe niya. Nakatingin ang bata na parang nakakita ng fairy. “Thank you, baby,” ngumiti si Cailyn, hinaplos ang buhok ng anak. “Ikaw rin, sobrang ganda mo today.” Sumilip si Daniel, suot ang maliit na tux. “Mommy, sabi ni Daddy dapat daw ‘wag kang umiyak habang papunta siya. Kasi daw ‘pag umiyak ka, iiyak din siya.” Napailing si Cailyn, sabay tawa. “Si Daddy niyo talaga,
Ang kasal nina Cailyn at Austin ay nakatakdang ganapin pagkalipas ng anim na buwan mula nang ipanganak si baby Manman.Noong ipinanganak pa sina Daniel at Daniella, medyo mahina pa si Cailyn noon. At dahil kambal pa ang dalawa, hirap siyang sabayan ang pagpapasuso. Halos hindi sila nakainom ng gatas mula sa kanya mismo.Kaya mula noon, may kaunting guilt si Cailyn sa loob niya—parang kulang siya bilang ina. Kaya ngayong si baby Manman ay dumating, pinilit talaga niyang siya mismo ang magpasuso.Pero dahil doon… medyo naging “torture” din ‘yon para kay Austin. Araw-gabi siyang nagtiis, kahit gusto na niyang yakapin si Cailyn nang buong-buo, kailangan niyang maghintay.Anim na buwan. At sa wakas, matapos ang halos kalahating taon ng paghihintay, napapayag din niya si Cailyn na itigil na ang breastfeeding.May ngipin na kasi si baby Manman, at minsan, masakit talaga kapag kumakagat. Lalo pa’t malakas na ang katawan ng bata, kaya hindi na kailangang mag-alala sa nutrisyon.“Pwede na s
Sa wakas, ligtas na nanganak si Cailyn sa isang malusog na baby boy. Pinangalanan nila ito ng Emmanuel, at ang cute niyang palayaw ay Manman.Si Austin mismo ang pumili ng pangalan. Ang ibig sabihin daw ni Manman ay “kumpleto na ang buhay, walang pagsisisi.”Pumasok ang nurse sa delivery room, bitbit ang bagong silang na sanggol, at tuwang-tuwa nitong sinabi,“Congratulations, Mr. and Mrs. Buenaventura! It’s a boy! 6.8 kg. ang timbang niya, healthy na healthy!”Napatitig si Cailyn sa anak. Kalma lang siya, sanay na siguro kasi hindi na iyon ang una niyang panganganak. Pero si Austin—ibang-iba.Pagkakita pa lang niya sa maliit na baby sa crib, parang natunaw siya. Lumuha agad ang mga mata niya.“Wife, tingnan mo... anak natin ‘yan. ‘Yung bunso natin... kamukha mo,” halos pabulong niyang sabi, nanginginig ang boses.Ngumiti si Cailyn, hinalikan ang baby sa pisngi, “Oo, pero kamukha mo rin.”“Pareho siya kina Daniel at Daniella,” sagot ni Austin, sabay punas ng luha. “Parang pinaghalo t







