Kahit may 5% shares si Dahlia sa Rux at isa siya sa mga director, hindi meeting ang habol niya ngayong araw.Ang totoo, pumunta siya para kay Raven.Alam naman niyang walang gusto sa kanya si Raven. Klarong-klaro ‘yon. Pero kahit gaano pa kahirap tanggapin, every chance she gets, sinusubukan pa rin niya. Wala na rin naman siyang dignidad na matitira pa, wasak na siya, so kahit ma-basted or ma-embarrass ulit.Samantala, si Andrew, kahit na medyo napikon nang i-remind siya ng anak niyang si Carlos na mali ang upuan niya, hindi na lang umimik. Bitbit ang kaunting pride, tumabi siya sa pinakaunang upuan sa kaliwang side ng rectangular table. Sumunod na umupo sa likod niya sina Carlos at Dahlia.Pagkakita ng secretary ni Mariel na kumpleto na ang mga directors, agad siyang tumakbo para mag-report.Tumingin sa relo si Mariel — 15 minutes pa bago mag-nine.“Pakiayos ng security, lagyan ng guards sa labas ng conference room,” utos niya, sabay lakad pababa kasama ang assistant niya. Susunduin
Pagkalabas ni Cailyn mula sa banyo, agad siyang isinandal ni Austin sa gilid ng kama. Mahigpit ang hawak ng lalaki sa kanyang baywang, hindi siya binigyan ng kahit katiting na pagkakataong tumanggi. Habang bukas ang TV, isang balita ang umagaw sa atensyon ni Cailyn. "Ngayong hapon, personal na sinalubong ni Austin Buenaventura, presidente ng Buenaventura Group, ang sikat na Cello Queen na si Helen. Espesyal pang nag-arrange si Austin ng pribadong eroplano para sunduin siya mula sa London." Nilingon ni Cailyn ang TV. Sa screen, kitang-kita niya si Austin, guwapong-guwapo, may hawak na malaking bouquet ng pulang rosas habang nakatingin kay Helen nang may tamis sa mga mata. Dumagsa ang mga reporter. "Mr. Austin, totoo bang hinintay ninyo si Miss Helen ng tatlong taon? Ngayong nandito na siya, balak n’yo na ba siyang pakasalan?" Napako ang tingin ni Cailyn sa screen, hinihintay ang sagot ni Austin… Pero bago pa niya marinig, biglang pinatay ng lalaki ang TV. Hawak pa rin
Tatlong araw na nanatili si Cailyn sa ospital. Pagbalik niya sa bahay, sinalubong siya ng tahimik na gulo, si Manang Fe, ang matagal nang sekretarya ni Austin, abalang-abala sa pag-iimpake ng mga gamit. Akala ni Cailyn, may business trip lang si Austin. Kaya hindi na siya nagtanong. Pero habang pinagmamasdan niya si Manang Fe na isa-isang nilalagay sa kahon ang mga bagay, mga damit, sapatos, relo, at kung anu-ano pa, napansin niyang hindi lang simpleng pag-iimpake ito. Mahigit dalawampung kahon. Lahat ng pag-aari ni Austin, siniguradong wala nang matitira. Doon niya naramdaman na may mali. Bago pa siya makapagtanong, nauna nang nagsalita si Manang Fe. “Miss Cailyn, utos ni Boss, kunin lahat ng bagay na naibigay niya sa’yo pati alahas, bag, damit, lahat ng pag-aari niya. Dapat walang matira.” Nanlamig si Cailyn. Napatitig siya kay Manang Fe, naguguluhan, nasasaktan pero walang salitang lumabas sa bibig niya. “Huwag n’yo na akong pag-aksayahan ng oras,” malamig na sabi niya. “Sa v
"Cailyn, okay ka lang ba?" Pagkaupo sa front seat, pumikit si Cailyn, kunot ang noo habang nakasandal sa sandalan, at ipinatong ang kamay sa kanyang tiyan, malalim ang paghinga. Maputlang-maputla ang kanyang mukha. Nag-aalala si Jasper, "Gusto mo bang pumunta muna tayo sa ospital?" Umiling si Cailyn nang nakapikit, "Ayos lang ako, tara na, magpapahinga lang ako sandali." Tinitigan siya ni Jasper, nagdalawang-isip saglit bago marahang inapakan ang accelerator at pinaandar ang kotse. Naka-byahe na si Austin. Pagdating sa bahay, nadatnan niyang pinamumunuan ni Manang Fe ang mga tauhan sa pagbabalot ng kanyang mga gamit. Lalong nag-init ang ulo niya, hinila ang kurbata sa leeg at ibinato sa sofa. Matigas niyang iniutos, "Ibalik niyo lahat ng gamit sa dati." Nanginginig si Manang Fe, "Boss, pero hindi po ba ang sabi n'yo ay..." "Hindi mo ba ako narinig? Kung saan niyo kinuha ang mga gamit, doon n'yo rin ibalik." Hindi na napigilan ni Austin ang galit niya. "Opo, boss." Takot na su
Pagbukas ng pinto, sinalubong siya ng dilim at nakakabinging katahimikan. Isang malamig at walang buhay na espasyo. Hindi niya alam kung bakit, pero bigla siyang nakaramdam ng matinding pagkailang. "Cailyn..." Awtomatiko niyang tinawag ang pangalan nito, ngunit agad siyang napahinto. Si Cailyn ay wala na. Lumipat na siya sa ibang apartment at sa piling ng ibang lalaki. Hindi niya alam kung anong ginagawa nila ni Jasper sa mga oras na ito. Masaya ba sila? Mas lalong nanigas ang kanyang panga, at ang matatalim niyang mga mata ay nanlamig tulad ng yelong humuhubog sa kanyang matikas na mukha. Nakita ng driver ang kadiliman sa loob ng bahay, kaya't nagmadali itong pumasok para buksan ang mga ilaw. Pagliwanag ng paligid, lumingon ito kay Austin at halos mapaatras sa takot nang makita ang bigat ng ekspresyon sa mukha nito. Parang isang mabangis na hayop na handang sumabog anumang oras. "Sir, kung wala na pong iba, bababa na po ako," agad na yuko ng driver. Hindi gusto ni Austin na gi
Isang tawag lang ang natanggap ni Cailyn mula sa yaya. Isang salita lang ang narinig niya. “Ma’am Cailyn, hindi na po ako magiging yaya ni Austin mula ngayon.” Walang paliwanag. Walang pasakalye. Diretso sa punto. Tumayo siya, naghilamos, nagbihis, at lumabas ng kwarto. Nasa mesa na ang almusal, inihanda ng yayang kinuha ni Jasper para sa kanya. Habang kumakain, bigla niyang naisip kung gaano siya naging katawa-tawa noon. Isang babaeng halos ibigay ang lahat para kay Austin, pagmamahal, oras, at kahit ang sarili niya. Pero sa huli, ano? Para lang siyang hangin sa buhay nito. At least, buti na lang, binigyan siya ni Austin ng isang malupit na sampal ng realidad. Iyon ang gumising sa kanya. Kumakain pa rin siya nang dumating si Jasper, bitbit ang ilang papeles. Bukod sa pagiging kaibigan, siya rin ang tumutulong magpatakbo ng negosyo ni Cailyn. Sino ba mag-aakala na ang Cai Cosmetics Group ang pinakamalaking beauty at health brand sa bansa ay itinayo ng isang babaeng halos walang
Tiningnan siya ni Cailyn at bahagyang tinaas ang kanyang tingin, ang kanyang mga mata’y natural na kaakit-akit."Kung sigurado kang hindi mo talaga anak ang batang ‘to, puwede na akong makipagdiborsyo sa’yo ngayon."Nagsalubong ang kilay ni Austin, lumalim ang titig."O di kaya, bibitawan na lang kita para makasama mo si Helen. Pangako, hindi ko na kayo guguluhin.""Cailyn!" Muling lumamig ang boses ni Austin, matigas at puno ng galit. "Anong karapatan mong gawing kabit si Helen?"Ngumiti si Cailyn, puno ng pait."Kung ganun, hiwalayan mo na ako. Sabihin mo lang kung anong oras bukas?""Ano'ng hiwalayan? Sino'ng aalis?"Biglang isang matigas na boses ng babae ang pumukaw sa kanila.Lumingon si Cailyn at nakita si Emelita, papalapit na may matalim na tingin."Ma," bati niya tulad ng dati.Sinuri siya ni Emelita, saka ibinaling ang tingin kay Austin."Austin, alam kong buntis si Cailyn. Huwag kang gumawa ng gulo."Kung hindi lang siya buntis, baka pumayag pa si Emelita na maghiwalay sila
Pagbalik ni Austin sa Luna Villa, sinalubong siya ng matagal nang yaya ng pamilya, si Manang Flor.Kinuha nito ang kanyang blazer, maingat na inilapag ang tsinelas sa sahig, at iniabot sa kanya ang isang baso ng maligamgam na tubig.Karaniwan lang ang mga kilos ni Manang Flor. Ganito naman palagi. Pero sa mga mata ni Austin, tila may mali at lalo lang siyang nairita.Habang paakyat, napansin niya ang isang lumang larawan na nakasabit sa dingding.Siya, ang nakatatandang kapatid niya, at si Cailyn.Biglang sumama ang kanyang pakiramdam.Larawang kuha walong taon na ang nakalilipas sa Hanz Villa, kung saan nakatira ang kanyang ina.Sa larawan, labing-anim na taong gulang pa lang si Cailyn. Nakatayo ito sa pagitan nilang magkapatid, pero halatang mas malapit ito kay Ace. Ang tingin nito—hindi sa kanya, kundi sa kapatid niya.Maliwanag ang mga mata ni Cailyn noon, parang bituin sa langit na punung-puno ng kasiyahan.Kung hindi lang… kung hindi lang nangyari ang trahedya…Kung hindi namatay
Kahit may 5% shares si Dahlia sa Rux at isa siya sa mga director, hindi meeting ang habol niya ngayong araw.Ang totoo, pumunta siya para kay Raven.Alam naman niyang walang gusto sa kanya si Raven. Klarong-klaro ‘yon. Pero kahit gaano pa kahirap tanggapin, every chance she gets, sinusubukan pa rin niya. Wala na rin naman siyang dignidad na matitira pa, wasak na siya, so kahit ma-basted or ma-embarrass ulit.Samantala, si Andrew, kahit na medyo napikon nang i-remind siya ng anak niyang si Carlos na mali ang upuan niya, hindi na lang umimik. Bitbit ang kaunting pride, tumabi siya sa pinakaunang upuan sa kaliwang side ng rectangular table. Sumunod na umupo sa likod niya sina Carlos at Dahlia.Pagkakita ng secretary ni Mariel na kumpleto na ang mga directors, agad siyang tumakbo para mag-report.Tumingin sa relo si Mariel — 15 minutes pa bago mag-nine.“Pakiayos ng security, lagyan ng guards sa labas ng conference room,” utos niya, sabay lakad pababa kasama ang assistant niya. Susunduin
Habang pinapanood ni Austin na bumalik si Cailyn sa suite ni Mario, bahagyang kumislot 'yung gilid ng labi niya na parang ngiti, pero walang saya.Hindi raw tumuloy si Raven sa suite ni Cailyn? Ibig bang sabihin… wala talagang namamagitan sa kanila?Biglang may kumislap na pag-asa sa mata niya. Kahit sobrang liit, kumapit siya.Samantala, dahil nga may time difference pa rin, hindi pa rin inaantok si Cailyn. Past 1AM na pero nakaupo pa rin siya sa desk niya, binabago ang research paper niya.Grabe 'yung effort niya dito na ilang linggo niyang pinlano at inayos ‘to. At ngayon, kailangan niyang i-revise ‘yung ilang parts based sa notes ni Prof. David. Kailangan niyang maghanap ng stronger arguments para mas solid ‘yung stand niya.Habang busy siya sa laptop, biglang may mahinang katok sa pinto.Hindi niya pinansin noong una. Akala niya na-imagine lang niya.Tumigil siya saglit. Tahimik.Wala.Binalik niya ang focus niya sa pagta-type.Pero maya-maya lang— isang katok na naman...Huminto
"Yes."Tumango si Felipe at umalis na para gawin ‘yung bilin. Pero si Austin, hindi pa rin umaalis.Tahimik siyang nakasandal sa pader, katapat lang ng suite ni Cailyn. Parang hindi lang pinto ang tinititigan niya—parang si Cailyn mismo ang nasa harap niya.Napansin siya ng bodyguard, pero dahil pareho lang naman silang naka-check-in sa presidential suite at hindi naman niya hinaharangan ang pinto, wala itong karapatang paalisin siya.Lately, naadik na ulit si Austin sa yosi.Tahimik niyang hinugot ang sigarilyo’t lighter sa bulsa, parang automatic na lang. Isinubo niya ang yosi at papatungan na sana ng apoy, pero... huminto siya.Napangiti ng konti. Pinatay ang lighter at ibinalik sa bulsa. Tapos, tinanggal din ang sigarilyo sa bibig.Ayaw kasi ni Cailyn sa amoy ng yosi.Tatlong taon silang kasal. Kahit minsan, hindi siya nagyosi noon. Ngayon, kahit hiwalay na sila... hindi pa rin niya magawang ituloy.Nakasandal siya, hawak-hawak lang yung yosing hindi niya sinindihan. Biglang pumas
Pagkating ni Cailyn sa hotel, agad siyang tumawag kay Mariel.Alam ni Mariel na lumipad si Cailyn papuntang Canada, pero nang marinig niyang nasa hotel na ito, hindi na niya napigilan ‘yung excitement.“Miss Cailyn, pupunta na ko diyan para i-report yung updates ng Rux,” kontrolado man ang boses, ramdam pa rin ang tuwa ni Mariel.Ngumiti si Cailyn. “No rush. After work ka na lang pumunta. Sabay na rin tayo mag-dinner, kung wala kang lakad mamaya.”“Wala! Promise,” mabilis na sagot ni Mariel.First time niyang makikita in person ang big boss. Kahit pa may lakad siya, for sure, canceled agad.“Babangon agad ako pagkatapos ng work,” dagdag pa nito.“Okay. See you later.”Pagkababa ng tawag, tinignan ni Cailyn ang oras.Alas-singko y media ng hapon sa Jingbei. Kung walang traffic, in half an hour andito na si Mariel. Saktong-sakto, may oras pa siya para mag-shower at mag-ayos.First official meeting nila ni Mariel. Kahit siya ang boss, kailangan pa rin ng konting effort.Pagkatapos maligo
City of CambridgeMatapos ang maayos na paglipat ni Yanyan mula London University of the Arts papuntang Harvard, hindi na siya nagdalawang-isip. The next day after makuha ang offer, lumipad na agad siya pa-Cambridge.At dahil precious na precious si Yanyan, sinamahan siya siyempre nina Mario at Yllana. Dahil hindi pa rin totally ready ang bagong bahay nila sa Cambridge, pansamantala silang tumuloy sa Weston Manor.At okay lang din kay Cailyn 'yon, mas maganda nga na may kasama sina Daniela at Daniella habang wala siya sa bahay."Uncle Mario, nakausap na ni Mariel ‘yung mag-ama ng Sevilla family tungkol sa clinical trial ng bagong gamot ng Rux, pero deadma pa rin sila. So, balak kong lumipad bukas pa-Jingbei para personal ko nang ayusin ‘to."Unfortunately, since lilipat na rin si Yanyan sa Harvard, kailangan nang umalis ni Cailyn sa Cambridge.Pagkatapos ng dinner, kinausap niya si Mario tungkol dito.Ngumiti lang si Mario, halatang alam na niya ang lahat, “Naayos ko na. Bukas, sabay
Trending Topic: “Bagong gamot ng Rux, may namatay?!?”Umalog ang buong internet nang kumalat ang balitang may namatay daw sa clinical trial ng bagong gamot ng Rux. As in, top trending talaga, puro netizens ang nag-uusap, may #JusticeForLola pa sa Twitter. Dahil sobrang ingay, pumasok na rin agad ang mga government agencies para imbestigahan. Tuloy, pansamantalang stop muna ang trial.Pero si Cailyn? Chill lang. Hindi siya nag-panic, hindi rin nagpaka-defensive sa media. She was waiting for Raven’s report.Kasi sa totoo lang, kung wala pang final say si Raven, wala siyang balak gumalaw.Buti na lang, mabilis gumalaw si Raven. After only one and a half days, may malinaw na siyang sagot.Apparently, 'yung matandang babae na namatay, nasa seventies na, and hindi siya directly ang pumirma para sumali sa trial. Yung anak at manugang niya ang pumayag. At guess what, ang naglapit ng pamilya sa trial? Si Andrew.Meron palang apo 'yung matanda na nakakulong ngayon, 16 years ang hatol dahil sa m
Cambridge CityKakatapos lang ng malaking klase ni Cailyn at paalis na sana siya papunta sa lab ni David para ipagpatuloy ang experiment nila kahapon. Pero bago pa siya makasakay sa kotse, tumawag si Mariel.“Cailyn, may nangyaring problema sa bagong gamot natin.”'Yun agad ang bungad ni Mariel, diretsong diresto. Hindi talaga siya mahilig sa paikut-ikot. Alam niyang mahal ang oras ni Cailyn, kaya kapag tumatawag siya o nag-uulat, wala nang paligoy-ligoy."Ano'ng nangyari?"Sumakay na si Cailyn, sinuot ang Bluetooth headset, binaba ang phone, sabay fasten ng seatbelt at start ng makina. Kalma lang ang itsura niya.Alam niya kung anong gamot ang tinutukoy ni Mariel — 'yung bagong gamot ng Rux, pang-prevent at panggamot ng cervical at breast cancer sa mga babae. Kakagawa lang nito last month at ngayon nasa clinical trial stage na.Pag pumatok 'to sa trial, mapapabilis ang approval at mabebenta na sa market. Malaking kita 'to para sa Rux. At ito rin ang unang gamot na ilalabas simula nan
Tumango si Emelita, kinuha ang chopsticks at tinikman ang lahat ng ulam sa mesa.Kitang-kita na hindi ito ganoon kasarap."Tita, first time ko po magluto. Magpapractice pa ako, hihingi ng gabay sa mga master chefs, at sisiguraduhin kong magluluto ako ng mga putaheng babagay sa inyo, kay Tito, at kay Austin."Nakita ni Dahlia na hindi nagustuhan ni Emelita ang luto niya, kaya dali-dali siyang nag-explain.Oo, pinaghirapan niyang gawin ang dalawang putahe ngayong gabi, pero kung hindi dahil sa matiyagang paggabay ng chef, siguradong hindi ito magiging presentable—lalo na sa lasa.Napangiti nang bahagya si Emelita sa sinabi ni Dahlia. Tumingala ito at tumingin sa kanya. "Sige, umupo ka na at kumain."Pinapatawad na siya.Napa-pigil ng luha si Dahlia, sobra siyang natuwa. Bago tuluyang umupo, nagbigay pa siya ng ilang pambobola kay Emelita, bago sa wakas ay naupo na sa mesa.Pero bago pa siya makakuha ng pagkain, dumating si Lee.Mabilis silang tumayo at sinalubong ito."Akala ko ba hindi
Sa nakaraang kalahating buwan, hindi nagkaroon ng payapang araw si Emelita.Maraming bagay ang bumabagabag sa kanya, pero ang matinding sakit ng ulo na ilang buwan nang bumabalik ay muling umatake.Noong nandoon pa si Cailyn, tuwing sumasakit ang ulo niya, ito ang naghahanda ng gamot para sa kanya at marunong din magmasahe. Napakakomportable ng paraan ng pagmamasahe nito—isang beses lang siya mahilot, halos hindi na bumabalik ang sakit ng ulo niya.Kaya nang paalisin niya si Cailyn, nakalimutan niyang ito pala ang may pinakamabisang paraan para maibsan ang kanyang sakit.Ngayon, kahit uminom siya ng gamot at matulog, wala nang bisa.Sa nakaraang dalawang linggo, halos pumuti na ang kalahati ng kanyang buhok dahil sa matinding pahirap ng sakit ng ulo. Pumayat na rin siya nang husto.Nang iulat ng mayordoma na naroon si Dahlia, agad siyang sumigaw sa galit, “Palayasin mo siya!”Naguluhan ang mayordoma, hindi alam kung bakit nagbago ang ugali ni Emelita kay Dahlia. Nanginginig nitong sag