“Austin, akala mo ba dahil lang tinulungan mo si Cailyn minsan, mababawi mo na lahat ng sakit at kahihiyang binigay mo sa kanya nitong tatlong taon?” tanong ni Raven habang galit na galit ang tono niya.“Sa tingin mo ba mapapatawad ka pa ni Cailyn?”Tahimik lang si Austin. Wala siyang imik, hindi man lang siya tumingin kay Raven.Napangisi si Raven. “Alam mo ba kung paano siya tinawag ng lahat nung araw na nagpakita siya sa board meeting ng Rux?”Doon lang nagsalita si Austin, mahina at paos ang boses na parang may inaamin, “Anong tawag nila sa kanya?”Napakibit-balikat si Raven at sinabing may halong panglalait, “Ang babaeng itinapon ng pamilya Buenaventura.”“Austin,” patuloy ni Raven, “Alam mo ba kung bakit lumakas ang loob ni Carlos na lasunin at saktan si Cailyn?”Muli, natahimik si Austin. Pero sa loob-loob niya, para siyang hinihiwa ng mapurol na kutsilyo. Ramdam niya ang sakit na unti-unting kumakalat sa buong katawan niya.“Kasi sa tatlong taon ng pagsasama niyo, ni minsan, n
Sa loob ng sasakyan ni Austin, habang si Kristopher ang nagmamaneho at si Jane ay nasa passenger seat, mahigpit namang yakap-yakap ni Austin si Cailyn sa likod.Bagama’t sampung minuto lang ang biyahe mula hotel papuntang ospital, pakiramdam ni Austin ay para na siyang nabubuwal sa bigat ng sitwasyon.Si Cailyn ay nasa ilalim pa rin ng epekto ng gamot—pawis na pawis, hindi mapakali, at parang wala sa sarili. Hindi niya alam ang ginagawa, at parang hinihila siya ng sarili niyang katawan sa init na hindi niya maintindihan. Napapayakap siya kay Austin, kumakapit, pilit dumidikit.Mainit ang katawan niya. Nanginginig. Mahina ang ungol at bulong na lumalabas sa labi niya habang panay ang pag-ungol ng, “Tubig… please… mainit… ayoko na…” Habang umiiyak siya sa sobrang pagkalito at panghihina.Si Austin, halatang ramdam ang bugso ng emosyon at takot. Pigil na pigil ang sarili habang yakap si Cailyn. Nakatingin siya sa mukha nito—magulo ang buhok, basang-basa ng pawis, nanginginig ang labi. Pe
"Tok—" "Tok—" "Tok—"Walang patid, walang palya, bawat sipa ay buong lakas.Hanggang sa bago pa man makalapit ang housekeeper ng suite para buksan ang pinto, nabuksan na ito dahil sa pinagsamang lakas ng dalawa.Pagkabukas ng pinto, bumungad agad sa kanila ang buong tanawin sa loob—at pareho silang napatigil. Maging sina Austin, Felipe, at Kristopher, nanlaki ang mga mata sa pagkabigla.Dalawang o tatlong metro lang mula sa pintuan, nakahandusay si Carlos—suot ang puting chef’s uniform, pero basang-basa na ng dugo.Ang dating maputing damit, halos pula na lahat.Sa kaliwang bahagi ng leeg niya, putol ang carotid artery, parang gripo na nauubusan na ng tubig, tumigil na sa pagbuga pero tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo.Patay na si Carlos Sevilla.Walang buhay, maputla ang mukha—parang papel.Napatigil si Austin sa kinatatayuan. Nanginginig ang katawan. Pero agad din siyang kumilos—tumakbo papasok sa suite."Cailyn!"Hinahanap niya si Cailyn, kabado, puno ng takot, nanginginig ang kamay h
Siyempre, hindi talaga magpapakamatay si Cailyn. Kung mamamatay man siya sa kamay lang ni Carlos, kahit pa buong pamilya Sevilla ang maglibing sa kanya sa ginto, hindi pa rin iyon magiging sulit. Paano na si Daniel at si Daniella? Kapag nawala siya, sino pa ang magtatanggol sa kanila? Hindi siya puwedeng mamatay. Kailangan niyang mabuhay. Pero ngayon, kailangan niyang manatiling gising, kahit konti. At kung kailangan niyang magsugal para takutin si Carlos. Kaya dahan-dahang ibinaon ni Cailyn ang matulis na piraso ng seramika sa balat ng leeg niya. Kitang-kita ang paglabas ng pulang guhit ng dugo. Ang sakit na dulot nito ay bahagyang pumigil sa init at pagkalito sa kanyang katawan, at unti-unting ibinalik ang ulirat niya. Hindi inakala ni Carlos na kakayanin ni Cailyn na saktan ang sarili niya. Nang makita ang dugo sa leeg nito, nanginig ang kanyang tapang. Hindi ito ang plano niya. Hindi dapat mamamatay si Cailyn. Dahil kapag namatay si Cailyn, mamamatay din siya. Hindi si
Inihatid ng chef ang food cart papunta sa dining area. Maingat niyang inisa-isa ang pag-aayos ng hapunan ni Cailyn.Yung isa pang chef na tahimik lang sa likod, paminsan-minsan ay pasimpleng sumusulyap kay Cailyn, na abalang-abala pa rin sa tawag sa may sala.Tuloy pa rin ang tawanan at kwentuhan nila ni Jasper sa phone, at hindi man lang niya napansin ang dalawang chef na naroon.“Miss Cailyn, ayos na po ang hapunan niyo, puwede na kayong kumain.”Magalang na sambit ng chef na nag-ayos ng pagkain.Tumango si Cailyn. Matapos makipagkwentuhan ng kaunti pa, binaba na niya ang tawag at lumapit sa hapag-kainan.“Pwede na kayong bumaba.”Sambit niya, nang mapansing nakatayo pa rin ang dalawang chef sa gilid.“Iiwan ko na lang po yung assistant ko rito, para kung may kulang o may gusto kayong ipabago, nandito siya para mag-asikaso.”Alok ng chef na naunang nagsalita.“Hindi na kailangan. Lahat kayo, bumaba na.”Mahinahon pero mariing utos ni Cailyn. Hindi siya sanay na may nanonood habang k
Pagkatapos maayos ang mga isyu sa Rux, lumipad pabalik si Mario sa AustraliaSi Raven naman ay naiwan sa Cambridge City —bukod sa pagsama kay Cailyn, marami pa rin siyang kailangang ayusin doon.Si Cailyn naman, pumunta sa Rux R&D Center para tingnan ang progress ng mga bagong gamot at i-check ang kondisyon ng mga equipment sa lab.Dahil hindi naman techie o eksperto si Raven sa ganung bagay, ayaw na lang ni Cailyn sayangin ang oras niya, kaya hindi niya na ito sinama. Pinagawa na lang niya ng ibang bagay.Buong araw siyang nasa Rux R&D Center.Sa nakaraang anim na buwan, sobrang laki ng improvement sa Rux dahil sa solid na pag-manage ni Mariel.At least, sa nakita niya sa research center, satisfied si Cailyn.Pagbalik niya sa hotel, pasado alas-siete na ng gabi.Habang nasa biyahe pabalik, hindi niya mapigilan mag-isip kung paano mabibili ang natitirang 42% shares ng Rux na hawak pa ng pamilya Sevilla.Oo, wala na silang say sa operations ng Rux ngayon, pero dahil may hawak pa silang