The Hero King

The Hero King

last updateLast Updated : 2023-01-09
By:  whittakerCompleted
Language: English
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
70Chapters
2.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

He was once a simple boy, drifting aimlessly along with the flow of the world. But one day, he awakened to find himself being different from his usual self, finding himself now hosting the body of a newborn. He had been reincarnated, that too as the sole prince and heir of the human empire. Now living in a world of sword and magic, filled with fantastical beasts, demi-humans, divine beasts, Goddesses and so much more. Life finally seemed to take a turn for the better for the reincarnated boy. However, as always, reality had its cruel ways of disappointing him. His parents died shortly after his birth in a war to save humanity, subjecting him to the life of an orphan. All the people vying for the throne turned against him, looking for any and all opportunities to kill him, the last living heir to the throne. Fortunately, he had his aunt, his last living family, who helped protect him by becoming the acting queen but this came with the price of being holed up in his palace till his ‘awakening’ which would enable him to defend himself and survive in this cruel world…

View More

Chapter 1

Chapter 1: AN INTRIGUING ORDER

Ella POV

“Okay ka na ba? Gusto mo ipagdrive na lang kita?” alok ko kay Macy, kaibigan at boss ko sa trabaho. Umiling ito habang may pag-aalala pa rin sa kanyang mukha.

“Okay lang best, kaya ko pa namang magdrive. Basta ikaw nang bahalang sa bagong clients natin ha. Ikaw na rin ang magpaliwanag kung bakit hindi ako makakarating.” anito.

Katatanggap lang kasi ni Macy ng tawag na isinugod sa hospital ang ina. Kaya naman kailangan na nitong umalis agad kahit may imi-meet pa sana itong bagong clients.

“Relax ka lang, ako nang bahala. Puntahan mo na si tita.” pagbibigay ko ng assurance sa kanya.

“Thank you bestie!” anito na mukhang nakahinga nang maluwag at nagmamadaling umalis.

“Mag-ingat ka sa pagda-drive.” pahabol kong bilin sa kanya.

Hindi na bago sa amin ang mga ganitong eksena na ipapasa ang trabaho sa isa’t isa kapag may mga emergency na kagaya ngayon. Assistant wedding coordinator ako sa ahensya na pag-aari ni Macy, ang BRIDES. Kapag mga bigating kliyente ay siya ang humahawak ng mga projects dahil bukod sa siya ang may ari, ay siya rin ang Senior wedding coordinator ng kumpanya. Kaya naman alam kong hindi basta basta ang proyektong iniwan niya sa akin ngayon.

Initial consultation lang naman ito at kukunin ko lang ang mga important information ng mga kliyente. Bibigyan ko sila ng konting briefing tungkol sa primary needs and goals para sa kasal at konting introduction tungkol sa services na ino-offer namin.

Yun lang naman ang gagawin ko ngayon then sa susunod ay si Macy na ang bahalang magkipag-usap sa kanila para naman sa discovery meeting upang pag-usapan ang client’s wishes, styles at budget para sa dream wedding nila.

Agad na rin akong umalis ng opisina upang tagpuin na ang clients ni Macy sa isang restaurant. Company car ang kotseng ginamit ko para makarating sa meeting place. Fifteen minutes earlier nang dumating ako.

Sofia Bautista ang pangalan ng bride-to-be. Bukod dun ay wala na akong iba pang info tungkol sa kanya dahil nga biglaan ang pakikipagkita ko sa kanila. Mas marami pa naman akong makukuhang info tungkol sa mga ito after kong ibigay ang consultation packet dahil nasa loob nito ang Client Questionnaire.

Maya maya pa ay nakita ko nang papalapit ang isang magandang babae. Nakatingin siya sa akin kaya nasisiguro kong si Ms. Sofia na nga ito. Nang makalapit ito ay masaya siyang ngumiti sa akin. Para siyang anghel, ang amo kanyang mukha. Agad akong tumayo at nagpakilala sa kanya.

“Hi, I’m Ms. Ella Chavez, assistant wedding coordinator of BRIDES.” may pagkaprofessional kong pagbati sabay abot ng aking kamay.

“I’m Sofia Bautista. Pasensya na, medyo na-late ako.” tugon nito at kinamayan ako.

Nagulat ako sa tono ng kanyang pagsasalita. Ang bait naman ng babaeng ito. Ineexpect kong may pagka-snob siya dahil nabanggit sa akin ni Macy na CEO ng isang malaking kumpanya ang mapapangasawa nito kaya naman inihanda ko na ang aking sarili na isang sosyalera ang makakaharap ko, pero ang babaeng nasa harapan ko ngayon ay simple lang kumilos pero mukhang elegante.

Nang maka-upo kami ay agad akong humingi ng dispensa tungkol sa hindi pagsipot ni Macy. Ipinaliwanag ko sa kanya ang nangyari. Naunawaan niya at mukhang hindi naman ito big deal para sa kanya.

“Ms. Bautista, gusto kong magpasalamat sa pagtitiwala nyo sa BRIDES para mag-asikaso ng wedding nyo.” pasasalamat ko sa magandang babaeng kaharap ko ngayon.

“Kaibigan ng mga in-laws ko ang nagrecommend sa company nyo. Magaganda ang sinasabi nila tungkol sa service nyo kaya kampante akong magiging maayos din ang kasal namin ng finance ko." tugon naman nito sa mababang tono.

Unang tingin pa lang ay halatang may kaya sa buhay si Ms. Sofia dahil sa mamahalin ang mga suot at bag nitong dala. Mukha rin siyang mabait hindi kagaya ng ibang mayayaman na naging kliyente namin dati. Sa tingin ko ay hindi mahihirapan si Macy sa isang ito. Ganitong mga kliyente ang gustong gusto namin. Yung mukhang madaling kausap at higit sa lahat ay mukhang galante.

“I am happy to hear that you have received positive feedback about our company, and rest assured that we are fully committed to meeting your expectations.” confident kong tugon sa magagandang salitang binitiwan niya.

Tumunog ang cellphone ni Ms. Sofia. Humingi muna ito nang paumanhin sa akin upang sagutin ang tawag. Ilang saglit din itong tahimik na nakipag-usap sa kabilang linya. Nang matapos ang phonecall ay hinarap niya akong muli ng may ngiti sa labi.

“Nasa parking lot na ang fiance ko, He'll be here shortly." anito sa malumanay na boses.

“Okay.” nakangiti kong sagot.

Mas maganda na pareho silang narito. Nakakatuwa rin na pareho nilang binibigyan ang oras ang pagpaplano ng kanilang kasal. Magandang senyales na maganda ang relasyon nang magkasintahan. Habang hinihintay namin ang fiance nito ay kinuha ko sa bag ang Consultation packet para sabay ko nang ipakita sa kanilang dalawa. Hindi ko namalayang nakalapit na pala ang mapapangasawa niya.

“Ms. Chavez... “ ani Ms. Sofia.

Itiniklop ko ang folder at saka tumingala para humarap sa kanila. Muntik ko nang mabitawan ang hawak ko nang makilala ang lalaking nakatayo sa aking harapan. Nagsalubong ang aming mga paningin.

"Ms. Chavez, I'd like you to meet my fiancé, Miguel dela Vega." ani Ms. Sofia.

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para tumayo kahit nanlalambot ang aking mga tuhod. Para bang may maliliit na martilyo sa loob ng aking dibdib na paulit-ulit na ipinupukpok sa aking puso. Nanlalamig ang aking buong katawan lalo na ang aking mga palad na ngayon ay unti-unti nang pinagpapawisan.

“Nice meeting you Ms. Chavez.” wika nang baritonong boses ng lalaki.

Parang huminto ang takbo ng oras nang magtagpo ang aming mga mata. Hindi ko sukat akalain na sa lahat ng oras at pagkakataon ay dito ko pa siya muling makikita pagkalipas ng mahabang panahon.

Napadako ang aking tingin sa kamay na inilahad ng lalaking kaharap ko ngayon, ang lalaking sobra kong minahal, at dahil na rin sa pagmamahal na yun kaya wala akong nagawa kundi ang pakawalan at iwan siya tatlong taon na ang nakakaraan. Siya rin ang lalaking nagbitaw sa akin ng mga salitang....

“Kapag lumabas ka sa pintuang yan, hinding hindi mo na ako makikita kahit kailan!”
Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

Comments

No Comments
70 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status