Share

Kabanata 2

Kabanata 2

Apat na taon na ang nakalipas at nagbago na ng tuluyan ang buhay ko. Wala na akong balita sa mga magulang ko bukod sa nanalo sila sa eleksyon noon.

Ngayong apat na taon na ang nakalipas, unti-unti ko nang na-appreciate ang mga bagay-bagay. I was spoiled back then at nakukuha ko ang lahat ng gusto ko. Ngayon natuto na akong maging kontento sa anong meron ako ngayon.

“Mommy!”

Naibaba ko ang tote bag ko at agad sinalubong ang yakap ng anak ko. My three years old daughter grown to become a beautiful kid. Mas maarte at mas maldita pa sa akin. Minsan ay naiirita ako dahil umiiyak siya dahil sa maliliit na bagay. Pero kahit gano’n, mahal ko ang anak ko.

“Anak!” Hinalik-halikan ko siya sa kanyang pisngi bago ko pinisil ang kanyang pisngi. “Naging mabuting bata ka ba kay Aling Maria?”

She rolled her eyes. Uma-attitude na naman.

“Of course, Mommy!” She smiled at me. “Sumama ako kay Aling Maria sa karenderya niya! At ayoko nang bumalik!”

Sinamaan ko siya ng tingin. “At bakit?”

“Maalikabok kasi sa labas, Mommy! Sama na lang ako sa iyo!” Niyakap niya ako sa leeg. “I want to go with you, Mommy.”

Bumuntonghininga ako at saka tinignan ang anak ko. “Anak, sabi ko naman sa iyo na hindi puwede. Hindi puwede bata roon at saka kapag sasama ka roon, dapat may pera ka pambili!”

Lumabi siya. “Rich naman tayo, eh!”

Humalakhak ako at saka napailing na lang. “Kumain ka na ba?”

“Hindi pa!” sagot niya at nagpakarga pa sa akin. “Pero pinakain ko na ang mga doggies ni Aling Maria!”

“Wow, very good!” Inupo ko siya sa mono block chair at saka naghila na rin ng upuan. “Mukhang wala pa yata si Aling Maria! Magluluto muna ako.”

“Okay, Mommy!”

Sa ilang taon, malaki na ang pinagbago ng bahay ni Aling Maria. Hinayaan niya ako na ayusin ang bahay niya at mas naging komportable na ang aming tulugan. Hindi pa rin naman siya masyadong malaki pero hollow blocks na at sliding window na ang bintana namin. Tiles na rin ang sahig at may kisame na rin.

Sa loob ng ilang taon na naninirahan ako sa La Luca, marami akong naging trabaho. ‘Yong latest ko ngayon ay ang pagiging waitress sa isang mamahaling restaurant at sakto lang ang sahod para makapag-ipon kasi next year, mag-aaral na si Felecity at medyo maarte pa naman ang batang iyon.

Nalaman din kalaunan ni Trixie na may anak ako at kung saan ako kasalukuyang nakatira. Nagmamakaawa pa ako sa kanya na huwag sabihin sa parents ko tungkol dito. Sinabi niya rin sa akin na hindi naman nila ako hinahanap kaya nakahinga ako nang maluwag. Pero may side din sa akin na malungkot kasi nagpapahiwatig lang na wala silang paki sa akin.

“Mommy, my playmate asked me if you don’t have a boyfriend. You know, you said you don’t know who’s my dad. But you can have a boyfriend, Mommy. Basta gwapo at tanggap ako…”

Umawang ang labi ko at kalaunan ay napahalakhak. Napakurap-kurap ako at hindi makapaniwalang binalingan ang anak ko.

“You want me to have a boyfriend?” hindi makapaniwala kong tanong. “Seryoso ka ba anak?”

Ngumuso siya. “You don’t need to baby me anytime! At saka kailangan ko rin ng Daddy! You should find one for me, Mommy! Basta tanggap ako and make sure he’s rich!”

Omg! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa anak ko. Masyado na siyang mulat.

Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Halos maipit na siya sa yakap ko at paulit-ulit ko siyang hinalakan sa pisngi.

“Pero ikaw naman ang baby ko, eh. Hindi natin kailangan ng lalaki sa buhay natin!” Kumalas ako sa yakap niya at saka tiningnan ang anak ko. “Alam ko naman na gusto mo magkaroon ng Daddy. Pero hindi tayo magmamadali, ha? God will give the right guy for me and the right daddy for you. I will not let mommy hurt you, okay?”

Tumango ang anak ko at saka yumakap siya muli sa akin. Napangiti na lamang ako.

**

The next day ay maaga akong nagising dahil alas nuwebe ng umaga hanggang alas otso ng gabi ang trabaho ko. Suot ko ngayon ang puting polo shirt na hapit na hapit sa katawan ko at peach high waist pencil. Naka-bun din ang buhok ko at may hair pin pa malapit sa tainga ko.

Wala akong nilagay sa mukha ko kundi pulbo lang at red lipstick. Sa restaurant namin, kadalasan na nakasasalamuha namin ay kadalasan mga mapera at minsan mga dayuhan kaya kailangan namin maging presentable.

“Bye, pretty mommy!” Kumaway si Felecity sa akin at nakita ko si Aling Maria na nagdidilig ng halaman.

“Oh, alis ka na?”

Tumango ako sabay ayos sa tote bag ko na nasa aking balikat. “Opo. Maaga ako ngayon kasi noong nakaraan, na-late ako dahil sa dami ng pasahero. Mag-bus na lang ako.”

Tumango siya. “Mabuti pa nga. Ingat ka.”

Tumango ako at saka umalis na.

Sakay lang ng bus ay nakarating na ako sa freezy restaurant na pagmamay-ari ng isang binatang Chinese. Si Jude Tan. Mabait siya at maalalahanin sa amin. Pero minsan ko na siyang nahuli na tumitingin sa akin. Pilit ko na lang iyong binabalewala dahil nasa trabaho ako.

“Good Morning po!” bati ko nang nakapasok sa loob.

“Good Morning, Carolina,” bati pabalik ni Mang Kanor, isa sa mga cook ng restaurant. “Maaga ka yata.”

“Opo, marami pasahero, eh!”

“Naku, tama nga naman!”

Ngumuso ako at saka inilagay sa stock room ang tote bag ko. Nagsimula na akong tumulong sa paglinis dahil kahit waitress naman ako, tumutulong din ako minsan sa paglilinis at nagpupunas din ng mga lamesa.

“Hay naku, tag-init ngayon. Dadami customers!” narinig kong sambit ni Jane, ang kasamahan ko na waitress din. “Kailan kaya tayo magbakasyon.”

Bumuntonghininga ako. “Kaya nga, eh. Gusto ko na rin magbakasyon para may oras na rin ako para sa sarili ko.”

Tinatago ko ang anak ko. Iyon ang katotohanan. Ayaw kong malaman nila dahil natatakot ako na mahusgahan at ayoko malaman ng mga taong sumusuporta sa mga magulang ko na naging simple na ang buhay ng anak nila at single mom.

“Hay, sigurado ako na may boyfriend ka na. Sa ganda mong iyan, imposibleng wala.”

Natawa ako. “Wala naman talaga.”

Umawang ang labi niya. “Talaga? So, may pag-asa si Sir Jude sa iyo?”

Uminit ang pisngi ko.

“A-Ano ba ang sinasabi mo?” Nagpatuloy ako sa pagpunas. “Masyado kang malisyosa.”

Umirap siya. “Obvious naman na may gusto sa iyo si Boss. Ikaw ba naman tinitigan kapag narito siya! Sus!”

Umiling na lamang ako at hindi na lang nagsalita.

Nang nagbukas na kami, may mga customer na dumating. Agad ko itong nilapitan sa kanilang lamesa at agad kinuha ang kanilang order.

“What is your order, Sir?” tanong ko habang nasa papel ang tingin ko.

“I want you…”

Umawang ang labi ko at natigilan. Nang nag-angat ako ng tingin ay isang makisig na lalaki ang bumungad sa akin. He is wearing a business suit. Mukhang galing siya sa isang party o business meeting. Umangat ang gilid ng kanyang labi. Medyo nailang ako.

“Po?”

He sighed. “The usual…”

Nang napagmasdan ko siya ay napansin ko na may lahi siya. Mukha siyang Japanese. Maputi at mapupula ang labi. Makapal ang kilay at may bangs. Sobrang linis niyang tignan at tingin ko rin ay mabango.

Tumikhim ako at saka medyo lumayo nang nakita ko siyang titig na titig sa akin. “Hindi ko po alam ang usual order niyo, Sir. Ngayon lang din po kita nakita.”

“Oh.” He smiled. “I guess it’s new to you and it’s new to me too. I usually came here at night with my gals.”

Tumango ako. “Can I have your order now, Sir?”

“Can I have your number too?”

I sighed. “Sir, kung wala po kayong order. Aalis na po ako,” magalang ko na sambit.

He smirked. “I want an Italian Meal.”

“Hindi Japanese?” singit ko.

Umawang ang labi niya at bahagyang natawa. “You know I’m a Japanese?”

Tumikhim ako. “Hula ko lang, mukha kang…Half-Breed.”

Tumango siya. “I am.”

Napangiti ako at saka isinulat na ang kanyang order.

“Okay, Sir!”

“You are so beautiful,” bulgar niyang sinabi sa harapan ko. “But you are more beautiful if you have me by your side.”

Bigla akong kinilabutan sa kanyang sinabi. He chuckled. Muntik ko nang nakalimutan na may kasama pala siya na ngayon lang umimik.

“Bro. I think gutom ko na.” Humalakhak ang lalaki sabay tingin sa akin. “Huwag mo na siya isipin, Miss. Just get his order.”

“Ikaw po?”

Umiling siya. “Nah. Sinamahan ko lang ang lalaking ito.”

Tumango ako at binalingan uli ang lalaki na ngayon ay dinidilaan na ang labi habang nakatingin sa akin. Napalunok ako at saka nag-iwas ng tingin.

He chuckled. “What a beautiful lady, Rex.”

“Stop that, Yohan. You are making her uncomfortable…”

Bago pa man magsalita ang lalaki ay agad ko na silang iwan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ramdam na ramdam ko ang panginginig ko. Sino ba siya sa tingin niya? Sa aura pa lang, para siyang malandi na lalaki na kinakama na lang ang kahit sinong babae. Ipinilig ko na lang ang aking ulo at saka inilagay sa counter ang order.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
si yohan naba ang the one ni carolina
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status