Share

Kabanata 1

Kabanata 1

“Bago ka lang dito, hija?”

Agad akong tumango. Wala akong masyadong dala bukod sa pera na ipon ko. Wala akong dalang selpon dahil kinuha nga nila sa akin.

“Opo,” sagot ko.

I chose this life. Dapat panindigan ko ito. Ngayong malayo na ako sa magulang ko, dapat na akong matuto sa mga bagay-bagay.

“Aba, wala ka pa rin bang matino ba matutuluyan?” nag-aalala niyang tanong. “Napapansin ko na araw-araw ka nang kumakain dito sa karenderya ko at buntis ka pa. Hindi naman healthy mga paninda ko. Ilang buwan na ba iyang tiyan mo?”

I sighed. Ilang buwan na simula nang umalis ako. Wala akong narinig na hinahanap nila ako. Siguro dahil eleksyon din. Wala silang oras o baka wala silang paki. Hindi rin naman ako nagpapahanap. Bakit naman ako magpapahanap?

“Tatlong buwan na po…” Kinagat ko ang ibabang labi ko.

Napailing na lang ang matanda sa akin at saka nilapagan ako ng gulay. Umawang ang labi ko at nag-angat ng tingin sa kanya.

“Kapag gusto mo ng masustansyang pagkain, dito ka na lang. Hindi healthy ang puro manok lang. Papangit anak mo, eh, maganda ka naman.”

“S-Salamat po.”

Nangilid ang luha ko. Ilang buwan ko na itong inipon. Kinimkim ko lang. Ngayon lang ulit ako nakaramdam na may nagmamalasakit sa akin.

“Oh!” Agad siyang lumapit sa akin. “Bakit ka naman umiiyak, hija? Ikaw, oh. Huwag kang umiyak!” Humalakhak siya.

Hindi ko kasi makayanan. Naluha lang ako dahil sa maliit na bagay na ginagawa niya sa akin. She never treated me like an animal. Alam niyang walang-wala na ako and she never hesitated to help me.

“O-Okay lang po. Maraming salamat po…”

Kumurap-kurap ako bilang pagpalis sa luha sa mata ko. Walang-wala na talaga ako. Hindi ko na nga ma-contact si Trixie. Gusto kong sabihin sa kanya ang sitwasyon ko pero ayaw ko naman siyang madamay.

Ngumiti sa akin ang matanda. “Balik ka rito, ulit. Hahanapan kita ng matitirhan. Alam mo, mag-isa na lang ako sa buhay. Kung gusto mo naman tumira sa bahay ko ng libre, ayos lang naman. Pero hindi gaano kagandahan ang bahay ko—”

“Okay lang po!” Nabuhayan ako. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at saka tumatango-tango. “If it’s okay po, okay lang po.”

Tumango ang matanda. “Naku, okay lang! Nang may kasama na ako sa munting bahay ko!”

And just like that, lumipat na ako sa bahay ni Aling Maria. Nasa edad 50s na siya at wala siyang asawa o anak man lang. Maliit nga ang bahay niya pero malinis naman. Hindi na dapat ako mag-inarte. Wala na akong masyadong pera at hindi palagi na ganito na lamang ako. Kailangan kong gumalaw para sa magiging anak ko.

“Pasensya na sa bahay ko,” ani ni Aling Maria at saka binuksan niya ang ilaw. “Munti lang. Ako lang naman mag-isa.” Mahina siyang humalakhak. “Pero may alaga akong mga aso at pusa. Makukulit.”

Tumango ako at saka ibinaba ang bag na binili pa sa mall.

“Ayos na po. Maraming salamat po talaga!”

“Ayos lang! Hindi ako masyado naririto dahil nasa karenderya ako palagi. Ikaw lang at mga alaga ako ang naririto sa umaga.”

Tumango ako. “Ayos lang din po.”

Tumango siya at naglakad patungo sa isang pinto malapit sa kusina.

“Dito ka matulog. Wala akong kotson pero puwede kang bumili kapag may pera ka,” aniya sabay bukas sa pinto. Binuksan niya rin ang ilaw. “Maliit lang pero sigurado ako na kasya lang sa iyo.”

Tumango ako at saka sinilip ko ang magiging kwarto ko. Gawa sa kahoy ang kama at maliit lang siya. May nakita akong ceiling fan na maliit at ang bintana ay gawa rin sa kahoy. Napalunok ako.

“Maraming salamat po, Aling Maria.” Ngumiti ako sa kanya.

**

Ilang buwan ulit ang nakalipas at mas lalo lamang lumaki ang tiyan ko. Hindi ako nagsisi na tumuloy ako sa bahay ni Aling Maria dahil simula nang tumuloy ako roon ay siya na halos ang umaasikaso sa akin. Kahit sa mga check ups ay sinasamahan niya ako. At ngayon ay kabuwanan na ng kapanganakan ko, tinatanong na niya ako kung ano ang ipapangalan ko sa magiging anak ko.

Mahina akong tumawa. “Aling Maria naman. Hindi ko pa nga alam kung babae ba ito o lalaki, eh.” Hinaplos ko ang tiyan ko.

Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Narito kami ngayon sa may sala at pareho kaming nakaupo sa gawa sa kahoy na upuan.

“Hija. Kitang-kita ko sa mata mo na excited ka na sa magiging anak mo. Sinabi mo sa akin dati na hindi ka pa handa. Pero alam ko, sa ilang buwan na nakasama kita, alam kong handa ka na maging ina.” Bumuntonghininga siya. “Kaya, sige na. Ano ang ipapangalan mo kung sakaling babae o lalaki?”

Kinagat ko ang labi ko. “Felix kung lalaki.”

“At kung babae?”

Natigilan ako.

“Sigurado ako kapag babae ang magiging anak mo ay kasing ganda mo siya o baka mas higit pa!” galak na sambit ni Aling Maria.

Tumango ako. “Sigurado ako…”

At gusto ko siyang pangalanan. Iyong hindi ako nagsasawa na tawagin ang kanyang pangalan. Kung babae man ang magiging anak ko, gusto ko siyang tawagin na…

“Felecity Chanel,” sambit ko bigla sabay tingin kay Aling Maria. Ngumiti ako sa kanya. “Felecity Chanel Mendez.”

And weeks later, July 13th, I gave birth to a beautiful baby girl and I named her, “Felecity Chanel Mendez”.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
malalagpasan mo din yan fiona
goodnovel comment avatar
Mitch Resco
bkt putol wala n pong bang kasunod
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status