Share

Kabanata 6

Kabanata 6

“Why are you asking me that?”

Napabuntong-hininga ako at saka in-off ang stove.  Katawagan ko ngayon si Trixie at nagtanong ako about sa opinion niya.

“Kasi mas gusto ko mga opinion mo. Maybe I should not go because I have a daughter, right?” Natigil ako at saka inayos ang paghawak sa phone ko. “Kanina ko pa ito iniisip. Hindi na ako puwedeng gumala dahil may anak na ako.”

“What kind of mindset is that?” tanong niya sa kabilang linya. “Porket may anak ka na bawal ka nang maglakwatsa?”

“Nagtatago nga ako di ba?”

“Sus, apat na taon na ang nakalipas. Hindi ka man lang hinahanap ng parents mo. Just go have some fun! Ihabilin mo na lang si Felecity kay Aling Maria.”

“Trixie…”

“Fiona Carolina,” tawag niya sa pangalan ko. “Basta huwag ka lang magpabuntis ulit. You have to be really careful!”

Natawa ako sa sinabi niya at hinain ko na ang niluto ko. “Gaga ka! S’yempre, hindi na. Sapat na sa akin ang anak ko. Ayoko na maulit.”

“Ayan naman pala! Just don’t worry about your daughter. Pa-minsan-minsan lang naman ang fun, Fiona. Just enjoy it.”

Napatango na lamang ako sa aking kaibigan. Kaya nang kinaumagahan, nagpaalam ako kay Aling Maria at sa anak ko na baka matatagalan ako sa pag-uwi.

“Hindi ba ako puwede sumama?” malungkot na tanong ng anak ko. “I want to go to party too!”

Lumuhod ako sa harap ng anak ko at saka sinapo ang kanyang mukha. Malungkot ako na ngumiti sa kanya.

“Hindi pa kasi puwede anak. You are still a baby at saka uuwi rin ako agad for you.”

Lumabi siya. “K-Kailan ba tayo gagala, Mommy? I love being with you!”

Kinagat ko ang labi ko. “Kapag day-off ko na, anak. Gagala tayo sa park, ha? Kakain din tayo sa restaurant. Chicken, right?”

Pinagmasdan ko ang mukha ng anak ko. Hindi ko akalain na kaunti lang ang nakuha niya sa akin. Mabuti naman at mukhang pogi ng nakabuntis sa akin. At least may naiambag siya sa anak ko. Ang kanyang genes.

“Promise po iyan, ha?”

Tumango ako at saka hinalikan siya sa noo. “Promise, anak.”

**

Nang nakarating ako sa working place ay una kong nakita si Mang Kanor. Tumango lang ako sa kanya at saka inayos na ang sarili. Ang sabi ay darating ang boss namin ngayon kaya dapat kami na maging presentable. Hindi ko alam kung ano ang ice-celebrate pero siguro sa success na rin ni Sir Tan sa ibang bagay bukod sa paglago ng restaurant niya.

“Ano? Sama ka ngayong gabi?” tanong ni Jane.

Tumango ako at nag-iwas ng tingin. “Pero saglit lang…”

“Hay, bakit ka ba limit lang? Wala ka namang jowa, ah! Kahit matagal ka pa umuwi ay okay lang. Matanda ka na, eh.”

Bumuntong-hininga ako at hindi na sumagot sa kanyang tanong. Wala na akong balak mag-bar pero sinunod ko lang advice ni Trixie. Masyadong mapilit din kasi si Jane at baka totohanin niya ang kanyang sinabi. Ayoko naman na mawalan ng trabaho. Mahirap pa naman na humanap ng trabaho ngayon.

Alas dyes na ng umaga dumating si Sir Tan. Lahat kami ay binati siya at congratulate na rin. Akmang babalik na sana ako sa puwesto ko kanina nang bigla niya akong tinawag.

“Carolina…”

Natigilan ako at agad humarap sa kanya.

“Ano po iyon, Sir?”

Tumikhim siya. “Are you free tonight? All workers will be having a dinner with me. I hope you will come. The last time I asked you, you said you weren’t available. I hope you have time right now.” Ngumiti siya pagkatapos.

“Ah…” Kinagat ko ang labi ko at saka napayuko. “Okay, Sir. Um, sasama po ako mamaya.”

Sumigla bigla ang kanyang mata. “Really?”

Tumango ako at awkward na ngumiti sa kanya. “Opo…”

“Wow, thank you, Carolina. It really means a lot to me,” makahulugan niyang sinabi. Hindi na lang ako nagsalita at saka tumango na lang sa kanya.

Naging normal lang naman ang trabaho. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko na ulit nakita si Yohan. His presence made me nervous at hindi ko gusto ang mga ginagawa niya sa akin. He is a flirt. At alam ko na hindi niya talaga ako gusto. Gusto niya lang akong ikama.

Bakit kailangang ako pa? Tumanggi na nga ako tapos ginugulo niya pa rin ako. And besides, hindi ko pa masyadong kilala para umasta siya na parang gano’n.

I sighed. Hindi ko na dapat iniisip ang lalaking iyon. He is out of my league. Pero kung nasa dati pa akong buhay, baka pinatulan ko pa siya. But I am not a fuck girl that time. I lost my virginity to the man who impregnated me. At kung nasaan man siya ngayon, sana malaman niya na may anak siya sa akin.

Pero ayoko rin maghabol. Hindi ako yong tipong tao na naghahabol. And I will not do that. Hindi ako mahinang babae and I can definitely live without a man beside me.

I just lost interest in men when God gave me Felecity. Siya ang dahilan kung bakit nagbago ako ng tuluyan. Kahit maarte ang batang iyon ay mahal ko iyon at hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino. Natuto ako maging kontento sa ano mang meron ako ngayon and leaving my luxury life is worth it. Marami akong natutuhan.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sino kaya ang ama ni felecity
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status