Share

Kabanata 5

Kabanata 5

“Mukhang totoo nga ang sinabi mo,” si Jane at sumulyap sa mga customers. “Mukhang hindi nga seryoso ang bilyonaryong iyon.”

Ang Freezy restaurant ay malapit lamang sa dagat. Actually, may table sa may teresa pero ang VIP room ay sa loob at pribadong-pribado talaga. Kaya marami ang dumadayo dahil na rin na malapit sa dagat.

Bumuntong-hininga ako at hindi na nagsalita. Hindi ko naman inaasahan ang lalaking iyon. Kilala ko lang siya sa pangalan at wala pang linggo na nakilala ko siya. Bigla lang siyang sumulpot at saka nagparamdam na bagong-bago sa akin. Inaamin ko na gwapo siya. Talaga namang gwapo siya, mabango at tingin ko isa sa mga social elite. Pero ang taong katulad niya, amoy na amoy mo na ang baho. Hindi sila nagseseryoso ng mga babae.

Nang napansin niyang tumahimik ako ay siniko niya ako. Gulat ko siyang binalingan.

“Bibisita si Sir Jude bukas,” aniya sabay ngiti. “At magpapa-party siya! Dapat magpaalam ka na agad sa family mo dahil sure akong sa bar na tayo niyan.”

Umawang ang labi ko. “Bar?”

Tumango siya sabay kindat sa akin. “Boy hunting tayo!”

Hindi ako sumagot at agad ako nag-iwas ng tingin. Hindi maganda ang alaala ko sa bar. Nang dahil sa pagba-bar ko na iyon, nalasing ako, naikama at nabuntis. Simula no’n, hindi na ako tumapak sa bar.

“P-Pwedeng hindi pumunta?” tanong ko.

Napawi ang ngiti ni Jane at kinurot ang tagiliran ko. “Ang KJ mo naman! Hindi ka naman iinom! At saka marami naman tayo! Si Sir na nga manlilibre, eh!”

Natahimik ako. May anak ako. Paano pa ako magkaka-oras sa ganiyan? Eh, wala nga akong masyadong time sa anak ko. Pagba-bar pa kaya?

“Hindi puwedeng hindi ka sasama, ah!” si Jane. “Dapat kasama ka. Magpapa-sipsip talaga ako kay Sir para makasama ka!”

Umirap ako at napailing na lamang.

**

“Ang aga mo yata na mag-out. Bakit?” si Jane nang sabay kaming lumabas.

“Bibili ako ng mga groceries,” ani ko at sinilip ko ang tote bag ko upang kunin ang phone ko. “Ubos na mga can goods.”

Binuksan ko ang phone ko at saka t-in-ext si Aling Maria na matatagalan ako dahil pupunta pa ako sa Mall. Pagkatapos kong magtipa ay s-in-end ko ito at saka ibinalik sa tote bag. Binalingan ko si Jane at inilugay ko ang buhok ko.

“Ikaw?”

Humalukipkip siya. “Wala. Susunduin ako ng boyfriend ko. Basta ha. Dapat lang na sumama ka dahil gagawin ko talaga sinabi ko kanina. Mabait naman si Sir, ang dali lang magpasip-sip.

Bumuntong-hininga ako. “Pag-iisipan ko.”

Namilog ang mata niya at pinamewangan ako. “Huwag mong pag-isipan! Punta ka talaga!”

Bumuntong-hininga muli ako. “Sige, sige! Aalis na ako. Malayo pa naman ang Mall!”

Kumaway na siya. “Ingat, girl! Ganda mo lalo kapag nakalugay.”

Sinimangutan ko siya at saka tumalikod na. Marami akong bibilhin ngayon. Ubos na gatas na gusto ni Felecity. Bibili rin ako ng mga groceries at mga personal hygiene na gamit ko rin. Bibili rin ako ng mga ulam na puwedeng ilagay sa refrigerator.

“Hey…”

Natigilan ako sa paglalakad at natigilan nang nakita ang isang kotse na itim. Binaba nito ang bintana at saka isang lalaki ang nagpakita. Umawang ang labi ko sa gulat nang nakita na si Sir Yohan ito.

“Where are you going? Gabi na. You’re a lady.”

Huminga ako ng malalim at saka binalingan siya. “Sa mall lang.”

Ngumuso siya. “Can I come with you, then?”

Tinaasan ko siya ng kilay. Humalakhak naman siya dahil sa reaksyon ko.

“May bibilhin din ako sa Mall.”

Napahalukipkip ako. “Talaga?”

Tumango siya at parang kinukumbinsi pa niya ang sarili niya. “Yes.”

“Okay po. Ingat.” At nagpatuloy na ako sa paglalakad. Pero habang naglalakad ako, mahina ring siyang nag-drive.

“You want to ride with me? Maybe sa isang Mall lang pala tayo.”

“No thanks,” tanggi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

“Come on. I am just being nice here.”

Kita ko sa gilid ng aking mata ang ngiti ng lalaki. Agad na akong napangiwi. Masyado siyang obvious. Akala niya yata ay mauuto niya ako. Hindi niya yata alam na marami na akong nakasasalamuha na lalaki na katulad niya.

Hindi ako nagpadala at nilakad ko lang talaga ang Mall. Hindi kasi ako makasakay dahil hinaharangan niya. Ano ba ang problema ng lalaking ito?

Nangalay ang tuhod ko nang nakarating sa Mall. Nakita ko siyang nag-park ng kanyang kotse. Palihim akong napairap at pumasok na sa loob. Dumiretso ako sa groceries section para bumili ng gatas at iba pa na pangangailangan namin sa bahay. Tinulak ko ang cart.

“Oh, you like milk?”

Naikuyom ko ang aking kamao sa hawakan ng cart. Nasa likuran ko na siya at tingin ko ay sinusundan niya ako. Hinarap ko siya at tinaasan ko siya ng kilay.

“Hindi ka talaga titigil hangga’t hindi mo ako makuha, no?”

Nagulat siya sa sinabi ko. Nakita ko ang paglunok niya at parang nanigas siya. Humalukipkip ako.

“Kahit gaano ka pa kagwapo. Hindi ako interesado sa iyo. Look!” Bumuntong-hininga ako. “Nirerespeto kita dahil na rin sa naging customer ka namin. Pero sana huwag kang sumusulpot sa harap ko dahil hindi ako komportable. Siguro naman madali lang sa iyo ang maghablot ng babae sa gilid-gilid. Basta huwag ako.”

“Bakit hindi ikaw?” Humakbang siya papalapit sa akin. Napaatras tuloy ako. “You are single. I know that you are also sexually attractive to me.”

Natawa ako sa kanyang paratang. “Are you kidding me?”

“I am not.” Umigting ang kanyang panga. “You know. Hindi ako sanay na hindi makuha ang lahat ng gusto ko.”

Nagtaas ako sa kanya ng kilay. “Edi masanay ka na. If a girl rejected you, you have to accept it. Hindi lahat ng babae ay kagaya ng mga nasa isip mo. May mga babae na maraming priorities sa buhay at isa na ako roon. Kung gusto mo maglaro, maglaro ka ng ibang babae. Huwag ako.”

Tinalikuran ko siya at saka itinulak ang cart.

“I know you also want it too, Carolina…”

Umawang ang labi ko at mahinang napasinghap nang narinig ko ang pagbigkas ng kanyang pangalan.

“I am going to wait. I know that you will also going to enjoy this too.”

Hindi na ako sumagot at iniwan na siya roon.

Hindi ko maiwasan ang mairita dahil sunod siya nang sunod sa akin. Pinagtitinginan na rin ako ng ibang customer. Baka nagmumukha akong yaya kapag katabi ko siya kaya binilisan ko na lang ang paglakad ko.

“Too many biscuits,” pangingialam ni Yohan sa mga nasa cart ko at tiningnan pa niya ang likod. “No Junk Foods?”

“Para kay Fele—sa akin! Para sa akin!” Napakurap-kurap ako at saka napalunok. “I love biscuits kaya gano’n.”

“Hmmm.” At ibinalik niya sa cart ang mga pinamili ko.

Nang natapos akong namili ay pina-counter ko na ito. Agad akong nagbayad at akmang kukunin ko na sana ang plastic bag nang naunahan ako. Naitikom ko ang bibig ko at nag-angat ng tingin sa kanya.

“I will drive you home.”

Umawang ang labi ko. “Hindi na, Sir.”

“Sir?” Nagtaas siya ng kilay. “Just call me, Yohan. Much better.”

Kinagat ko ang labi ko. “Yohan. Puwede pakibigay sa akin ang plastic bag? Hindi ako magpapahatid sa iyo.”

“Magpapara na lang ako ng bus for you.”

Umiling ako. “Hindi na—”

“Please…” Pumungay ang kanyang mata. “I will make sure that you are safe.”

Naibagsak ko ang balikat ko at hinayaan na lamang siya sa kanyang ginagawa.

**

“Can I have your number?” tanong niya nang nasa waiting shed kami.

Ngumuso ako at saka umiling sa kanya.

Dismayado niya akong tinignan. “Why? Are we not friends?”

Natawa ako. “Why would I be friends with you?”

“Oo nga naman.” He chuckled and smirked. “Why would I be friends with you? Hindi kita gustong maging kaibigan.”

Tumango ako. “Mabuti naman.”

“I want you more than that…” Napasinghap ako nang inilapit niya ang kanyang mukha sa tainga ko. “I want you in my lap.”

Namilog ang mata ko. Mabuti na lang talaga at dumating na ang bus kaya agad kong inagaw sa kanya ang plastic bag at nagmamadaling pumasok. Hingal na hingal ako nang nakasakay at hindi ko na siya nilingon. Ano ba naman ito?

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay grabe ka yohan ang landi mo natuturn off tuloy sayo si carolina
goodnovel comment avatar
Chewee Montecillo
naku yohan, panu ka nyan magustuhan,ang manyak mo..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status