HINDI itinago ni Eleand ang pagkamangha nang marating nila ang kabundukan ng Autumn Region. Mahigit isang oras na silang naglalakad pero hindi naman niya alam kung ano ang hinahanap nila. Kahit saan siya tumingin lahat ng halaman at puno ay taglagas. The leaves were red and yellow while the other trees were bald. Nagkalat sa lupa ang makukulay na dahon ng mga punong kahoy.
“Anong klaseng hayop ba ang huhulihin natin?” Hindi siya nakatiis na magtanong. Mabuti na ang alam niya para hindi siya magulat kung kakaiba ito.
“We are not hunting animals. Manghuhuli tayo ng Migus para mas challenging.” Nakangiting wika ni Zanti.
“What is that?” kunot-noong tanong niya. Pangalan pa lang nagdududa na siya. Sa klase ng ngiti ni Zanti parang gusto niyang kabahan.
“That is a lesser faery living in shadow. You’ll see, mabibilis sila kaya masusubukan ang galing natin sa pangangaso. We just need to shoot an arrow to its heart.”
Napanganga siya sa narinig at mariing umiling. “H-Hindi ko kayang pumatay ng diwata.”
Natawa si Zanti. “No, we’re not gonna kill it. Kapag natamaan natin siya sa puso saka natin siya mahuhuli. It won’t die because that’s the way to catch it.”
Bigla siyang naguluhan. “So, are we just going to bully the poor creature? I don’t like it.”
Lalong lumakas ang tawa ng lalaki. “Migus is an excellent fortune teller. Puwede kang magtanong tungkol sa kapatid mo kung nasaan. We can ask two questions.”
“Really?” bigla siyang nabuhayan. Sisikapin niyang makahuli ng Migus kahit anong klaseng nilalang man ito. Kung ito lang ang tanging paraan para malaman niya kung ano ang nangyari sa kanyang kapatid.
“And you can ask it about your luck in love,” seryosong wika ni Zanti. Mukhang ito talaga ang plano nitong gawin at isinama lang siya. Hindi kaya tungkol ito kay Nahil?
“I’m not interested. My marriage sucks, so I think true love does not exist.” Natatawang wika niya.
Maang naman na napatingin sa kanya ang lalaking kasama, “Is that so? In the world of faeries, love is a bond. Once we find our mate, then we will cherish each other in our entire immortal life.”
“You mean, iisang diwata lang ang maaari n’yong mahalin sa buong buhay n’yo?” Hindi niya itinago ang panlalaki ng mata. Mabuti pa pala sa mundong ito dahil marunong makuntento ang mga diwata pagdating sa taong minamahal.
“Precisely. But we are not that lucky to find our mate. We can spend centuries or even millennia not finding them. That’s why we have lots of lovers; some get married for alliance and security.”
“Hayun lang, pareho din sa mundo namin. We have this thing called ‘soulmate’, the right one. But the thing is only few are lucky enough to find them.” Bahagya siyang natawa. Aminado naman siyang medyo bitter pa siya sa sarili. Sinasabi lang naman niya ang kanyang pinagdaanan. He thought Brandy was his soulmate. Pero hindi naman pala.
Pareho silang natigilan nang may marinig silang kaluskos. Sumenyas si Zanti na huwag maingay. Dahan-dahan ang kanilang paghakbang patungo sa loob ng isang madilim na kuweba.
“I think I found one.” Mahinang usal ni Zanti.
Thanks to his fae eyes. Kitang-kita niya ang bawat detalye ng kuweba kahit madilim. Nanlaki pa ang mata niya nang makita ang isang malaking nilalang na tila nagtatampisaw sa maliit na batis sa loob ng kuweba. Nababalot ng itim na usok ang Migus at mukha itong taong pusa!
The creature has white whiskers. Kulay itim ang mahabang balahibo nito at kulay asul ang mga mata na parang sa pusa.
Naghiwalay sila ni Zanti at kapwa naghanap ng puwesto kung paano mas madaling mahuhuli ang Migus. Nakita niyang inaayos na ni Zanti ang pana kaya inihanda rin niya ang sarili. He tighly held his grip to his golden bow. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa pana at inasinta ang nilalang na walang kamalay-malay.
Nagulat pa siya nang makita ang sunod-sunod na pagpatama ng pana sa Migus. Nagsimula si Zanti sa pag-atake pero hindi ito natatamaan sa puso.
Naging mabilis ang pagkilos ng nilalang. Kahit sa kanyang mata ay hindi niya mahuli ang galaw nito. Narinig pa niya ang pagmura ni Zanti dahil sa tagiliran at paa tumatama ang mga pana nito.
Mariin siyang pumikit at ibinuhos ang konsentrasyon sa mabilis sa galaw ng Migus. Paikot-ikot lang ito sa loob ng kuweba hanggang sa nakabisa na niya ang galaw nito. Sinubukan niyang pakawalan ang kanyang pana at tumingin ito sa dereksyon niya at nagsalubong ang kanilang mata.
Bigla itong natigilan kaya hindi na siya nagdalawang isip na asintahin ito sa puso. Magkasabay na tumama ang pana nila ni Zanti sa dibdib ng Migus.
Nilapitan nilang dalawa ang malaking nilalang na hindi pa rin napapatid ang mariing pagtitig sa kanyang mukha.
“Dalawang katanungan...” dumadagundong ang tinig nito.
“Tig-isa tayo, tutal pareho naman natin siyang nahuli.” sabi ni Zanti. Bakas sa mukha nito ang matinding tuwa.
Hindi na nagdalawang isip si Eleand na magtanong. “Si Elida. Nasaan ang kapatid ko?”
Umiling ang Migus. “Hindi ko makita ang kinaroroonan niya. Puno ng dilim. Pero nararamdaman kong nasa mabuti siyang kalagayan.”
“Iyon lang? Saan ko siya matatagpuan?” iritadong tanong ni Eleand.
“Pangalawang katanungan...” wika ng Migus na hindi pinansin ang sinabi niya. Binalingan nito si Zanti.
“Okay, my turn.” Kunwari ay nag-isip ito ng malalim bago nagsalita, “may gusto sa akin si Nahil ‘di ba?” walang gatol nitong tanong.
Gusto niyang matawa pero pinigilan lang niya. If Zanti were human, then he was immature for his age. Para itong batang nagtatanong.
“Hindi ko masasagot ang isang katanungang alam mo na ang sagot...” anang Migus na ikinairita ni Zanti.
“Tatanungin ba kita kung alam ko ang sagot?” Akma nitong kukunin ang espada sa tigiliran pero pinigilan niya.
“Pangalawang katanungan...” ulit ng Migus. Ilang sadaling hindi kumibo si Zanti. Nang muli itong magsalita ay wala nang bakas ng pagbibiro sa mukha. He was deadly serious as he looked at the creature.
“Saan ko matatagpuan ang Sinaunang Reyna?”
Nakita ni Eleand ang saglit na panlalaki ng mata ng Migus dahil sa tanong ni Zanti. Tumingin muna ito sa kanya bago sumagot.
“Ang Sinaunang Reyna ay papalit-palit ng lokasyon sa Muhler, Alegerio, at Erganiv. Huwag pababayaan ang mortal na ito...ang Sinaunang Reyna ay malapit nang dumating…”
Napanganga si Eleand sa sinabi ng Migus tungkol sa kanya. “Paano mo nalaman na isa akong mortal?”
Hindi nito pinansin ang tanong niya. Nakita na lang niyang natunaw sa dibdib nito ang palasong tumama at bigla na lang itong naglaho sa kanilang paningin.
“Teka, sino ba ang Sinaunang Reyna?” takang tanong niya sa kasama.
Nakakuyom ang kamao nito nang sumagot. “Si Rieska.”
Tumango na lang siya at hindi na siya nag-usisa pa. Hindi niya naman kilala ang babaeng tinutukoy ni Zanti.
HALOS dalawang oras pa silang naglakad sa kabundukan ng Taglagas. Nililibot na lang siya ng kasama sa mabundok na bahagi ng rehiyon. Napansin niya ang ilang mga tahanan ng mga diwata sa bundok. Most of them are farmers cultivating the land.
“These mountains are the boundaries of Summer and Autumn Region. There are plenty of animals to hunt here. Kapag dumeretso tayo, mapapasok na natin ang teritoryo ng Gwiazda. Don’t dare to cross their borders if you don’t have official business there. The rules in Gwiazda are so strict that they won’t hesitate to kill you.”
“Wala akong plano.” Natatawang sagot niya. Sa mga nalalaman niya, hindi niya gugustuhing maglakad nang mag-isa sa mundong ito. Mapanganib sa gaya niyang isang tao.
Kahit paano ay naibsan ang pag-aalala niya para kay Elida. Sinabi ni Zanti na hindi nagsisinungaling ang Migus. Kaya siguradong nakaligtas ang kanyang kapatid sa aksidenteng nangyari. At sana lang din, walang masamang nangyari sa kanilang ama.
Biglang natigilan si Zanti sa paghakbang. Pataas sila sa isang burol kung saan ang gilid ay napakataas na bangin. Nagalalaro ang makapal sa ulap sa kanilang tabi kaya kailangang niyang maging maingat sa paglalakad.
Sumenyas si Zanti na huminto sila. Nakita niyang lumalanghap ito ng maraming hangin at inilinga ang mata sa paligid.
“I smell odd...something rotten. Sumunod ka sa akin.” Hinugot nito ang espadang nakakabit sa tagiliran nito.
Bumilis ang pintig ng kanyang pulso dahil sa kaba. Tiyak na nakaamoy ng panganib ang kasama niya. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa dala niyang sandata habang pinag-aaralan ang paligid.
Patakbong tinungo ni Zanti ang malaking bato na nagkalat ang asul na likido. Gayun na lang ang pagkagulat niya nang makita ang isang lalaking diwata na nakahandusay sa lupa. Puno ng sugat ang katawan at mukha nito.
Pinag-aralan ni Zanti ang wala nang buhay na nilalang. “Hindi Alundra ang may gawa nito.”
Hinawakan ng lalaki ang katawan ng bangkay at napuno iyon ng itim na usok. Zanti chanted in fae language then the body turn into ash.
“Kailangan na nating makabalik sa palasyo.” seryosong wika ni Zanti.
Tumango si Eleand. Humawak siya sa balikat ni Zanti nang makatayo ito at sabay silang naglaho. Namalayan na lang niyang nasa harapan sila ng gintong palasyo ng Noyuh.
NAPATAYO si Aserah mula sa pagkakaupo sa trono dahil sa pagdating ni Zanti kasama si Eleand. Ilang sandali pa ay tumambad sa kanyang paningin ang humahangos na mukha ni Winzi at si Ahldrin na duguan ang braso.“Ano ang nangyari sainyo?” tanong ni Aserah na hindi itinago ang pagkunot ng noo.“Naglilibot ako sa Rehiyon ng Tagsibol at may nakita akong nakakatakot na pangitain,” wika ni Winzi na hindi kumukurap.“Anong pangitain?” tanong ni Ahldrin. Binitawan na nito ang nagdurugong braso at nakita niyang unti-unti nang naghilom ang mga sugat nito. Ang mga diwatang dugong bughaw ay may kakayahang pagalingin ang sarili. Except when they were heavily wounded. Natatagalan bago makabawi ng lakas kapag grabe ang tama sa katawan.“Nakita ko ang Sinaunang Reyna kasama ang isang lalaking alagad niya dito sa loob ng palasyo.”Tumango si Aserah sa narinig. Lihim siyang nagtangis ng bagan
NAKATITIG si Eleand sa mata ni Winzi. Her silver eyes glimmered as she gave her a warning. Agad itong humarap sa kanya nang may pumasok na nakaitim na babae kasama ang isang lalaki. Naririnig niya sa utak ang sinasabi ni Winzi. Mariin itong nakahawak sa magkabilang balikat niya.Don’t look at her. Just look at me.Hindi naman siya nagmatigas pa at sumunod rito. Alam niya ang panganib. Kusang nanginginig ang kanyang kalamnan sa matinding takot dahil sa presensya ng nakaitim na babaeng dumating. Her voice was dangerous but sweet. Normal lang siguro iyong katangian ng isang diwata.Naririnig niya ang mahinang tawa ng babae. Parang may kung anong puwersang nagtutulak sa kanyang tingnan ito. Thanks to the gift of fae eyes, he could vividly see the woman. Wala sa sariling pinag-aralan niya ang itsura nito. Maybe it was because of the magic, he was instantly drawn.There she was, moving with lethal grace, wearing a shim
NAGISING si Eleand na nasa loob ng kanyang silid sa gintong palasyo. Ramdam niya ang namumuong pawis sa kanyang noo. He saw something. Bloodbath. Nakita niya ang mga taong nakahandusay habang naliligo sa sarili nilang dugo. He had a frightening and unpleasant dream. Marahil ay epekto ito ng pagbisita ng sinaunang reyna dahil nakita niya ang babae sa panaginip niya. Her face was blurred. Pero alam niyang ito ang may kagagawan niyon. Darkness was everywhere. Hawak ng sinaunang reyna ang isang duguang espada. The pommel was a black diamond in the hilt of her sword. Walang bakas ng awa ang babae nang patayin nito ang napakaraming kawal. Shit. Ilang ulit siyang lihim na napamura. Dahan-dahan siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. “Thank the heavens, you’re awake.” Nilingon niya si Winzi na iniluwa mula sa terrace ng kanyang kuwarto. Mukhang kanina pa ito nandito sa loob habang natutulog pa siya. “What happened?” kunot-noong tanong niya. Bukod sa masamang pa
ILANG sandali pang pinagmasdan ni Eleand ang mga diwatang nagkalat sa labas. Hawak niya ang aklat ng mahika. Kasalukuyan siyang nakatayo sa labas ng malaking pintuan ng gintong palasyo. Ang ibang diwata ay nakatunghay sa kanya, at ang iba naman ay tila walang pakialam dahil abala sa kanilang mga ginagawa. He would always look forward to getting back here.He had a lot of things going in his mind, but he made sure that his goals were clear. He had to survive and endure everything to be able to wield strong magic. Napakalaking hamon ito para sa kanya, pero wala naman siyang pagpipilian kundi gawin ang lahat ng bagay para makauwi siyang buhay sa kanyang pamilya.“Are you ready?” wika ni Winzi mula sa likuran niya. He was surprised because of the white furr cloak she wore.Mukhang nabasa nito ang nasa isip niya kaya pinaikot nito ang mata at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.“Bakit na naman?” Itinago niy
“TAKE it easy, he won’t bite.” Natatawang wika ni Winzi.This witch was lying. Papunta sa dereksyon nila ang Harewyn at nakahanda na siyang patamaan ito ng kanyang pana. Kung hindi lang ito biglang nagbagong anyo at naging isang lalaki. Isang nakapakaguwapong diwata. His pointed ears and tanned skin were impeccable. There was a triangle mark on his forehead. Mahaba ang kulay pulang buhok nito at kulay berde ang mata.“Mukhang may mga bisita ako.” Nakangiting wika nito sa kanilang dalawa. Bumaling it okay Winzi at kumindat, “Hello, Princess. I’m glad you paid a visit.”Winzi blushed. Gusto niyang matawa sa reaksyon ng babae. Ngayon ay alam na niya kung anong klaseng diwata ang gusto nito—wild faerie beast.“Papunta kami sa templo ni Fariyah, kaya naisipan kong dumalaw dito. Kumusta ka Harewyn?” ani Winzi na abot hanggang tainga ang ngiti.“I’m q
KINAKABAHANG humakbang si Eleand papasok sa malaking pintuan ng templo. Bahagyang yumuko kay Winzi ang anim na kawal na nakabantay. Tuloy-tuloy silang pumasok sa loob at bumulaga sa kanya ang malawak na bulwagan. It was a massive entrance room with six large blue chandeliers hanging on the ceiling. Bawat maliit na detalye ng mga disenyo sa pader ay kulay ginto.Sa gitna ng bulwagan ay mayroong malaking estatwa ng babae. It was made of ice. The sculpture was holding a lance. Ito kaya ang estatwa ni Fariyah?“That is the ice statue of Veira, the goddess of winter,” wika ni Winzi. Inikot nito ang mata sa malaking estatwa at nagpatuloy. “She is Fariyah’s ancestor.”“Nice.” He was indeed amazed. Mukhang may pinanggalingan pala talaga ang mga mythology na pinaniniwalaan ng mga tao.Kapwa sila natigilan nang biglang lumitaw sa kanilang harapan ang isang babae. She wore white hooded swirling go
Enkille provided him the breakfast when he woke up in the morning. Ipinakita din nito ang isang walk-in closet na naglalaman ng maraming damit panlalaki. There where winter clothers and armour.“Today, I suggest that you wear armors and fighting suit. Because Fariyah will try to test your strength, physically and mentally. Good luck!” Nakangiting wika ng babae matapos niyang mag-almusal.“Battle armor? Is that necessary? I couldn’t fight the High Priestess with my strength alone. I thought I needed to learn magic first.”“Is that a complaint? You have to endure everything. Hindi madaling aralin ang mahika lalo na sa isang mortal kaya kailangan mong tagtagan ang loob mo.”“I’m not complaining. I am just stating a fact.” Nakibit siya ng balikat.Agad naman itong umalis para makapaghanda siya. She gave him some advice for his first day of sparring with the priestes
BUMUNGAD kay Eleand ang nag-aalalang mukha ni Enkille. A blue light emitted from her hand, and he was gently pressing his stomach. Wala siyang damit pang-itaas pero nakapagtatakang hindi siya makaramdamang lamig. Naroon siya nakahiga sa loob ng kanyang silid. The faerie was using her healing magic.“Wait, hold on. I'm almost done.” anang babae kasabay ng buntong hininga.“Buhay pa ako?” Hindi siya mapapaniwala dahil sa lalim ng sugat niya at sa dami ng dugong nawala sa kanya. Mukhang hindi pa siya nauubusan ng suwerte.Sinikap niyang bumangon at naupo sa kama.“Luckily yes, you called my name. You were dying.” Napapailing nitong saad.“Mukhang papatayin talaga ako ni Fariyah, ano naman ang laban ko sa isang tulad niya?” Naramdaman niya ang pagkirot ng kanyang likod at tiyan nang marahas siyang nagbuntong-hininga.“Turn around. I stopped the bleeding from your b