NAPATAYO si Aserah mula sa pagkakaupo sa trono dahil sa pagdating ni Zanti kasama si Eleand. Ilang sandali pa ay tumambad sa kanyang paningin ang humahangos na mukha ni Winzi at si Ahldrin na duguan ang braso.
“Ano ang nangyari sainyo?” tanong ni Aserah na hindi itinago ang pagkunot ng noo.
“Naglilibot ako sa Rehiyon ng Tagsibol at may nakita akong nakakatakot na pangitain,” wika ni Winzi na hindi kumukurap.
“Anong pangitain?” tanong ni Ahldrin. Binitawan na nito ang nagdurugong braso at nakita niyang unti-unti nang naghilom ang mga sugat nito. Ang mga diwatang dugong bughaw ay may kakayahang pagalingin ang sarili. Except when they were heavily wounded. Natatagalan bago makabawi ng lakas kapag grabe ang tama sa katawan.
“Nakita ko ang Sinaunang Reyna kasama ang isang lalaking alagad niya dito sa loob ng palasyo.”
Tumango si Aserah sa narinig. Lihim siyang nagtangis ng bagang pero sinikap niyang hindi mahalata ng mga kasama. She needed to add more protection spell.
“Ikaw Ahldrin, bibihira kang masugatan sa labanan. Sino ang nakasagupa mo?” baling niya sa kanyang heneral.
“I was doing my patrol in the borders of Winter Region...then I saw Zenus. He was about to cross the Dark Mountains in Gwiazda.”
Napaangat ang mukha ni Aserah nang marinig ang pangalang binanggit. Zenus was Rieska’s second in command. Totoo nga talagang nagbalik na ang babae. Kailangan nilang mas higpitan ang seguridad ng Noyuh. Tiyak na may ibang pinaplano si Rieska kasama ang mga kampon nito.
“Maghanda kayo. Anumang oras ay magaganap ang pangitain ni Winzi. Masyadong malakas ang kapangyarihan ni Rieska at kayang-kaya niyang pasukin ang palasyo kung gugustuhin niya.” Kaswal siyang nagbuga ng hangin bago muling nagsalita.
“Rieska was one of the faeries who created the protection spells for the whole Erganiv to be safe. She was considered as the Faerie Queen ten thousand years ago. But someone slaughtered her royal family, her kids—the twin. Kaya napuno ng galit at paghihiganti ang puso niya. She even killed her mate for betraying her. Then she slayed the whole Argian army for what happened. Hanggang ngayon, hindi niya alam kung sino ang pumatay sa mga anak niya.”
“This is so wrong. Paano naman siya nakakasigurong nandito sa Erganiv ang diwatang pumatay sa pamilya niya? Maari namang isang Muhlerian o kaya isang Alegeri?” ani Winzi. Bakas ang matinding pag-aalala sa mukha nito.
“She knows that an Erganivian Faery killed her kids, because of the dagger with ancient magic that only an Erganivian can wield. Kaya gusto niyang sirain ang apat na kaharian ng Erganiv.” Marahang na napailing si Aserah.
“Bakit ngayon lang siya bumalik pagkatapos ng mahabang panahon?” muling tanong ni Winzi. Naiintindihan niya ito dahil sa kanilang sa lahat na naroon, si Winzi ang pinakabata. She was just six centuries old. Hindi pa ito ipinapanganak noong panahon ni Rieska.
“She tried to destroy the wall barrier and she was drained of her magic. Bumalik siya sa Alegerio para magpagaling. Wala nang naging balita sa kanya, pero alam ng bawat pinuno ng apat ng kaharian babalik si Rieska para ipagpatuloy ang paghihiganti.”
“Pero paanong nakakapasok siya sa Erganiv? You mean the wall is not that secure?” lalong naguluhan si Winzi.
“Kasali si Rieska sa mga diwatang bumuo ng pader at siya lang ang may alam ng sinaunang mahika para makalabas-pasok dito sa Erganiv. Hindi na iyon nakapagtataka dahil siya ang tinaguriang pinakamakapangyarihang diwata na nabubuhay.”
Napatango-tango si Winzi. Ayaw niyang magbigay ng takot tungkol sa lakas na taglay ng sinaunang diwata pero nagsasabi lang siya ng totoo. Para mapantayan si Reiska, kailangang magkaisa ng apat na kaharian.
“Impressive…”
Lahat sila natigilan nang marinig ang mahihinang palakpak. Sandaling nanlaki ang kanyang mata nang mapagsino kung sino ang pangahas na gumawa niyon. Mabilis ang pangyayari dahil sa isang iglap ay nasa harap na niya ang hindi inaasahang bisita. All of them were frozen in shock.
“Hello Aserah, did you miss me?”
“Rieska...” she murmured.
The Faerie Queen flashed her wicked smile.
Ramdam niya ang napakalakas na enerhiya na nagmumula sa katawan nito. Silver light enveloped her slender body, it was glowing. Katabi nito si Zenus na hindi mabasa ang ekspresyon ng mukha. Suot nito ang damit pandigma ng isang Alegeri. Black ang silver armor fitted in his body. Nakasukbit sa likod nito ang mahabang espada na nakalagay sa scabbard.
Naging mabilis naman ang kilos ng kanyang mga kasama nang makahuma. Agad na tinungo ni Winzi ang kinaroroonan ni Eleand at hinawakan ito sa magkabilang balikat. But Winzi wasn’t able to use Vanire. Kaya nanatili lang itong nasa harap ni Eleand.
Samantalang itinutok naman nina Ahldrin at Zanti ang kanilang espada sa dalawang hindi inaasahang bisita. Sumenyas siya sa dalawa na huwag kikilos. Ayaw niyang may mapahamak sa mga kasamahan niya. Alam niya ang kakayahan ng Sinaunang Reyna at hindi niya itataya ang buhay ng mga diwatang nasa nasasakupan niya.
“Anong kailangan mo?” tanong niya sa malamig na tono.
Marahan itong tumawa at tumingin sa kanyang likuran na waring pinag-aaralan ang itsura ng kanyang trono.
“Masama bang bumisita? Matagal-tagal din akong hindi nakapunta dito sa Noyuh.” Ibinalik nito ang mata sa kanya. Her scarlet eyes were shining. Parang nagbabadya iyon ng babala. The glow in her eyes was the same ten thousand years ago. Ang matang iyon ay puno ng galit at poot.
“At ano ang maipaglilingkod ko?” her jaw tightened.
“Nothing. I am just doing some reconnaissance around since I’ve been gone for quite a long time.” Ngumiti ito sa kanya na wari ay nananantiya. She surveyed her from head to foot then she added, “Ikaw na pala ang tagapamahala ng Noyuh. I’m curious how it happened, why don’t you tell them?”
Pasimple siyang nag-iwas ng tingin. Wala siyang dapat ipaliwanag sa babaeng ito. Malaki ang kanyang naging sakripisyo para mapamahalaan nang mabuti ang Noyuh.
“Well, it’s actually none of your business,” aniya na hindi itinago ang pag-angat ng isang kilay. She clenched her fist to gather more patience. Mukhang sinusubukan siya nito.
She let out a sinister laugh. “Then watch me, because I’m going to make it my business.” May diin ang bawat katagang binitawan nito.
“Huwag ka na sanang babalik dito kung wala ka namang kailangan.” aniya na naniningkit ang mga mata.
She raised her chin and shrugged. “Alam mo kung ano ang kailangan ko.”
“Get out…please.” Nagbuga siya ng hininga at muling sinalubong ang nanganganib nitong mata. Hindi siya mangingiming magpakumbaba kung para iyon sa ikakabuti ng nakararami. Rieska was playing a very dangerous game. Ayaw niya itong sabayan nang hindi pinag-iisipan at nagpaghahandaan.
Sandaling natigilan ang babae at nakakalokong ngumiti.
“Hmmm...” her forehead crumpled as she sniffed, like she was detecting a smell.
Sinikap niyang huwag lumingon sa dereksyon ni Eleand. Tiwala siya sa amulet na ibinigay niya sa mortal at hindi ito mapapahamak. Nakikita na niya ang maaaring gawin nito sa mortal. Hindi ito mangingiming gawan ng masama ang lalaki at hindi niya iyon mapapayagan.
“I smell something...” sadya nitong ibinitin ang sasabihin.
Nagsukatan sila ng tingin at nakita niya ang sandaling panlalaki ng mata nito.
“Human!” Bahagya itong lumingon sa galid ng balikat at muli siyang hinarap bago muling nagsalita, “Mukhang nakagawa ka ng bagay na labag sa patakaran ng Erganiv.”
Sinikap niyang ngumiti. Saka na niya haharapin ang kasalanang nagawa niya kapag naisakatuparan na niya ang kanyang mga plano. Mayroon lang siyang hinalang nais kumpirmahin at siguradong maisasaayos niya rin ang lahat. Kapag nangyari iyon, tiyak na matatalo na niya si Rieska at tuluyan na silang matatahimik.
NAKATITIG si Eleand sa mata ni Winzi. Her silver eyes glimmered as she gave her a warning. Agad itong humarap sa kanya nang may pumasok na nakaitim na babae kasama ang isang lalaki. Naririnig niya sa utak ang sinasabi ni Winzi. Mariin itong nakahawak sa magkabilang balikat niya.Don’t look at her. Just look at me.Hindi naman siya nagmatigas pa at sumunod rito. Alam niya ang panganib. Kusang nanginginig ang kanyang kalamnan sa matinding takot dahil sa presensya ng nakaitim na babaeng dumating. Her voice was dangerous but sweet. Normal lang siguro iyong katangian ng isang diwata.Naririnig niya ang mahinang tawa ng babae. Parang may kung anong puwersang nagtutulak sa kanyang tingnan ito. Thanks to the gift of fae eyes, he could vividly see the woman. Wala sa sariling pinag-aralan niya ang itsura nito. Maybe it was because of the magic, he was instantly drawn.There she was, moving with lethal grace, wearing a shim
NAGISING si Eleand na nasa loob ng kanyang silid sa gintong palasyo. Ramdam niya ang namumuong pawis sa kanyang noo. He saw something. Bloodbath. Nakita niya ang mga taong nakahandusay habang naliligo sa sarili nilang dugo. He had a frightening and unpleasant dream. Marahil ay epekto ito ng pagbisita ng sinaunang reyna dahil nakita niya ang babae sa panaginip niya. Her face was blurred. Pero alam niyang ito ang may kagagawan niyon. Darkness was everywhere. Hawak ng sinaunang reyna ang isang duguang espada. The pommel was a black diamond in the hilt of her sword. Walang bakas ng awa ang babae nang patayin nito ang napakaraming kawal. Shit. Ilang ulit siyang lihim na napamura. Dahan-dahan siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. “Thank the heavens, you’re awake.” Nilingon niya si Winzi na iniluwa mula sa terrace ng kanyang kuwarto. Mukhang kanina pa ito nandito sa loob habang natutulog pa siya. “What happened?” kunot-noong tanong niya. Bukod sa masamang pa
ILANG sandali pang pinagmasdan ni Eleand ang mga diwatang nagkalat sa labas. Hawak niya ang aklat ng mahika. Kasalukuyan siyang nakatayo sa labas ng malaking pintuan ng gintong palasyo. Ang ibang diwata ay nakatunghay sa kanya, at ang iba naman ay tila walang pakialam dahil abala sa kanilang mga ginagawa. He would always look forward to getting back here.He had a lot of things going in his mind, but he made sure that his goals were clear. He had to survive and endure everything to be able to wield strong magic. Napakalaking hamon ito para sa kanya, pero wala naman siyang pagpipilian kundi gawin ang lahat ng bagay para makauwi siyang buhay sa kanyang pamilya.“Are you ready?” wika ni Winzi mula sa likuran niya. He was surprised because of the white furr cloak she wore.Mukhang nabasa nito ang nasa isip niya kaya pinaikot nito ang mata at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.“Bakit na naman?” Itinago niy
“TAKE it easy, he won’t bite.” Natatawang wika ni Winzi.This witch was lying. Papunta sa dereksyon nila ang Harewyn at nakahanda na siyang patamaan ito ng kanyang pana. Kung hindi lang ito biglang nagbagong anyo at naging isang lalaki. Isang nakapakaguwapong diwata. His pointed ears and tanned skin were impeccable. There was a triangle mark on his forehead. Mahaba ang kulay pulang buhok nito at kulay berde ang mata.“Mukhang may mga bisita ako.” Nakangiting wika nito sa kanilang dalawa. Bumaling it okay Winzi at kumindat, “Hello, Princess. I’m glad you paid a visit.”Winzi blushed. Gusto niyang matawa sa reaksyon ng babae. Ngayon ay alam na niya kung anong klaseng diwata ang gusto nito—wild faerie beast.“Papunta kami sa templo ni Fariyah, kaya naisipan kong dumalaw dito. Kumusta ka Harewyn?” ani Winzi na abot hanggang tainga ang ngiti.“I’m q
KINAKABAHANG humakbang si Eleand papasok sa malaking pintuan ng templo. Bahagyang yumuko kay Winzi ang anim na kawal na nakabantay. Tuloy-tuloy silang pumasok sa loob at bumulaga sa kanya ang malawak na bulwagan. It was a massive entrance room with six large blue chandeliers hanging on the ceiling. Bawat maliit na detalye ng mga disenyo sa pader ay kulay ginto.Sa gitna ng bulwagan ay mayroong malaking estatwa ng babae. It was made of ice. The sculpture was holding a lance. Ito kaya ang estatwa ni Fariyah?“That is the ice statue of Veira, the goddess of winter,” wika ni Winzi. Inikot nito ang mata sa malaking estatwa at nagpatuloy. “She is Fariyah’s ancestor.”“Nice.” He was indeed amazed. Mukhang may pinanggalingan pala talaga ang mga mythology na pinaniniwalaan ng mga tao.Kapwa sila natigilan nang biglang lumitaw sa kanilang harapan ang isang babae. She wore white hooded swirling go
Enkille provided him the breakfast when he woke up in the morning. Ipinakita din nito ang isang walk-in closet na naglalaman ng maraming damit panlalaki. There where winter clothers and armour.“Today, I suggest that you wear armors and fighting suit. Because Fariyah will try to test your strength, physically and mentally. Good luck!” Nakangiting wika ng babae matapos niyang mag-almusal.“Battle armor? Is that necessary? I couldn’t fight the High Priestess with my strength alone. I thought I needed to learn magic first.”“Is that a complaint? You have to endure everything. Hindi madaling aralin ang mahika lalo na sa isang mortal kaya kailangan mong tagtagan ang loob mo.”“I’m not complaining. I am just stating a fact.” Nakibit siya ng balikat.Agad naman itong umalis para makapaghanda siya. She gave him some advice for his first day of sparring with the priestes
BUMUNGAD kay Eleand ang nag-aalalang mukha ni Enkille. A blue light emitted from her hand, and he was gently pressing his stomach. Wala siyang damit pang-itaas pero nakapagtatakang hindi siya makaramdamang lamig. Naroon siya nakahiga sa loob ng kanyang silid. The faerie was using her healing magic.“Wait, hold on. I'm almost done.” anang babae kasabay ng buntong hininga.“Buhay pa ako?” Hindi siya mapapaniwala dahil sa lalim ng sugat niya at sa dami ng dugong nawala sa kanya. Mukhang hindi pa siya nauubusan ng suwerte.Sinikap niyang bumangon at naupo sa kama.“Luckily yes, you called my name. You were dying.” Napapailing nitong saad.“Mukhang papatayin talaga ako ni Fariyah, ano naman ang laban ko sa isang tulad niya?” Naramdaman niya ang pagkirot ng kanyang likod at tiyan nang marahas siyang nagbuntong-hininga.“Turn around. I stopped the bleeding from your b
NAKATAYO si Enkille sa tabi ni Eleand nang magmulat siya ng mata. Dama pa din niya ang malakas na tibok ng kanyang pulso. Parang nababaligtad ang sikmura niya dahil sa masamang panaginip niya. He saw an entire army being slaughtered. The Faerie Queen was there again, unleashing hell.“You have to master the Protexerium even in your sleep, until you breathe with it. Hanggang hindi mo nagagawa ‘yon, patuloy kang susundan ng bangungot na ‘yan.” Malumanay na saad ni Enkille. She was scrutinizing him with her arms crossed.“Bakit ko ba nakikita ang sinaunang reyna? It seems that her power is lurking over me.” Nanghihina siyang naupo sa kama. He looked at the window, it was almost dawn.“Kailan nagsimula ang mga panaginip mo?”Sandali siyang nag-isip. “I think it was the time that I saw the Faerie Queen in the Golden Palace.”Wala na siyang ibang maisip na da