Share

Chapter 9 – GIFT OF FAERIE SIGHT

NAGISING si Eleand kinabukasan dahil sa kaluskos ni Lifa. Nakita niyang galing ito sa loob ng banyo. Nagsalita ang babae nang makita nitong gising na siya.

“Inihanda ko na ang pampaligo mo. Kailangan mo nang mag-ayos ng sarili dahil sasabay ka sa almusal ng pinuno.”

Hindi siya nagdalawang isip na bumangon nang marinig ang sinabi ni Lifa. Minsan pa siyang nagulat nang makita ang loob ng banyo. The bathroom was spacious enough to be his bedroom. Mayroon itong pool size na Jacuzzi! Wala siyang ideya kung anong uri ng mahika ang ginamit dito pero kailangan na niyang maligo para makasabay sa almusal.

Mabilis siyang nagbihis matapos maligo. Ilang sandali pang nagtalo ang kanyang isip kung ano ang isusuot. He chose the light blue tunic and black pants. Napangiti din siya nang makita ang mga nakahilerang sapin sa paa. Pinili niyang isuot ang itim na boots. He did not wear cloak because the morning temperature was not that cold.

Papalabas na siya sa kuwarto nang makita niya ang kuwintas na ibinigay sa kanya ni Aserah. Mabilis niya iyong isinuot. Wala naman siyang naramdamang kakaiba—puwera sa maliliit na detalyeng nakikita niya sa malayo na alam niyang hindi iyon maabot ng kanyang normal na paningin. Marahil ay ito ang sinasabi ni Aserah tungkol sa mata ng diwata na ipagkakaloob sa kanya.

Minsan pa siyang nagtaka sa dami ng nilalang na naglipana sa malaking hallway sa labas ng kanyang silid. Hindi kaya mayroong espesyal na okasyon kaya maraming diwatang nagkalat sa paligid?

Magkailang ulit pa siyang napaatras dahil sa mga kakaibang uri ng nilalang na kanyang nakita. Ilan sa kanila ay mayroong pakpak sa tulad sa ibon, ang iba ay tulad sa paniki, at may katulad sa paru-paro.

Ilang ulit siyang nagbuga ng hangin. Kailangan niyang sanayin ang sarili na makita ang mga kakaibang uri ng nilalang dahil matagal siyang maninirahan dito. He cleared his throat and went walking down the stairs.

May nakasalubong pa siyang isang nilalang na nakasuot ng maskarang katulad sa mukha ng lobo. Tumingin ito sa kanya at mariiing umiling.

What is your problem? Hindi na lang niya pinansin at tuloy-tuloy niyang tinahak ang daan patungo sa grand dining hall.

Ngayon niya mas napag-aralan ang bawat detalye ng palasyo. There were giant gold chandeliers flaunting in the ceiling. Halos pareho ang tema ng interior design ng kabuuan ng palasyo tulad sa council room—berde at ginto. Marahil ito ang kulay ng Noyuh.

Ancient symbols and carvings were visible in every corner. Tiyak na mayroong nakatagong mahika sa mga simbolong nakaguhit na siyang disenyo ng pader.

Lalong nadagdagan ang pagtataka ni Eleand dahil sa maramig nilalang na tila lahat abala sa loob ng palasyo.

Why they were not here yesterday? Hindi niya alam na uso din pala ang day-off at holiday sa mundong ito.

Interesting.

Biglang umalingawngaw sa kanyang isip ang nang-aasar na boses ni Winzi. Pero hindi naman niya ito nakita sa paligid.

You see them because you’re wearing Aserah’s amulet, you moron!

Sandali siyang hindi nakahuma dahil sa sinabi ni Winzi. Ibig sabihin nandito lang talaga ang mga nilalang na ito at hindi lang niya nakikita gamit ang kanyang mortal na mata?

Exactly!

Nakakalokong tumawa ni Winzi. The witch was making fun of him again. Wala na naman itong magawa sa buhay kaya siya ang pinagdidiskitahan.

You can take a look outside, I’m not kidding.

Nagmadali niyang tinungo ang malaking pinto ng palasyo. Nakita niya doon ang apat na kawal na nakabantay. They were wearing gold armors with a sword on their hips.

Nakita niya ang dalawang kawal na bantay sa bandang kanan na tumingin sa kanya at nakakalokong ngumiti. Para bang pinamumukha nito sa kanya ang katangahang ginawa kagabi.

Nilinga niya ang mata sa paligid at bumungad sa kanya ang mga diwatang nagkalat sa paligid. Mayroong mga dambanang naglalaro sa mga bulalak sa malawak na hardin. Pero mas marami ang kawal na nakahanay at ang iba ay nagsasanay.

Nang tumingin siya sa itaas ng talon. Nagulat pa siya nang makita ang isang grupo ng mga diwatang may pagkakatulad kay Ahldrin pero kulay puti ang mga pakpak. Mukhang nagsasanay ang mga ito sa himpapawid.

Wait, if those creatures were just here all the time, then they must be his audience last night! Naramdaman niya ang pag-init ng mukha lalo na nang umalingawngaw sa isip niya ang nakakabuwisit na tawa ni Winzi.

“Oh, darn!” Naibulong niya sa hangin. Ngayon lang siya nakaramdam ng matinding pagkahiya sa sarili. Malamang nagsisitawanan ang mga ito kagabi nang makita siyang parang tangang tatakas.

Nagdesisyon siyang muling bumalik sa loob ng palasyo para sa almusal. Taas noo siyang naglakad. Ngumingiti sa kanya ang bawat diwatang nakakasalubong niya.

“SO, how’s the effect of the amulet?” salubong na wika ni Winzi nang marating ni Eleand ang dining hall. Halos nakaupo na doon ang mga diwatang nakilala niya kahapon kasama si Aserah.

“It’s fine.” Nag-iwas siya ng tingin sa mga naroon. Siguradong alam ng mga ito ang kanyang ginawa.

“Have a seat.” Nakangiting wika ni Nahil. Katabi nito si Ahldrin at nasa harapan nito sina Winzi at Zanti. Nasa gitna naman si Aserah.

Pinili niyang maupo sa malayo pero may babala sa mata ni Aserah kaya tumabi siya kay Ahldrin. Wala naman itong sinabi.

“Simula ngayon, sasabay ka na sa amin sa almusal.” wika ni Aserah.

Tumango si Eleand. Pinagmasdan niya ang iba-ibang uri ng pagkain sa mesa. Fruits, meats, and veggies. Nakita niyang abala si Lifa at ang dalawang kasama nito sa pag-aasikaso ng mesa.

“So, you’re Eleand. We are not properly introduced, I’m Zanti.” wika ng lalaking nasa harapan niya. He was wearing a black tunic with gray linings. Pero hindi nito suot ang itim na hooded robe nito na nakita niya kahapon. Nakita niya ang guhit ng tattoo na halos sumakop na sa kaliwang braso nito hanggang sa daliri.

Tipid siyang ngumiti at tumango. Sa mga kasama niya ngayon, ramdam niya na si Zanti ang may pinakanakakatakot na awra kapag walang kibo. Pero madalas itong nakangiti kumpara sa iba. Anong kakayahan kaya ang taglay nito?

Dumaan ang sandaling katahimikan at hindi na siyang nangiming kumain. Totoong masasarap ang mga nakahain. Nahihiya lang siyang sabihin. Sabagay nababasa naman siguro ng mga ito ang kanyang iniisip.

Muli siyang tinanong ni Zanti. “Ano ba ang hilig mong gawin sa mundo ng mga mortal?”

“Nothing special.” Tipid niyang sagot. Puro naman kasi talaga negosyo ang inaasikaso niya. Umiikot lang naman ang buhay niya sa trabaho at pamilya. Too bad that his marriage fails.

Zanti clicked his tongue. “Oh, I see. I’m about to invite you for a hunt. I heard you’ll be staying here for a while.”

“Hunt?” nanlaki ang mata niya sa narinig. Ano naman ang alam niya sa pangagaso sa mundong ito? Kahit sa mundo ng mga tao ay hindi siya nangangaso dahil naawa siya sa buhay ng walang malay na hayop.

“Can you wield a sword?” tanong ulit nito sa pagitan ng panguya ng ubas.

“No, I can’t.” Nilunok muna niya ang pagkaing nasa bibig bago muling nagsalita. Sana lang ay hindi niya ito pagsisihan, “I’m not good with sword fight but I can say that I’m quite better in archery.”

Napatango-tango si Zanti at muling sumubo ng ubas. “Mabuti naman.”

Nakita niya ang mukha ni Winzi na tila hindi kumbinsido dahil nakaangat ang isang kilay nito.

“We’ll go hunting today. I’m bored as hell here. Sa susunod na araw pa kami pupunta sa Argia para sa pagpupulong ng mga pinuno.”

“Okay.” Tumango si Eleand at uminom ng tubig. Mas makakabuti siguro ang lumabas siya at libutin ang Noyuh. Bakasakaling makakua siya ng balita kung saan napadpad si Elida.

NALAMAN ni Eleand kanina habang nag-aalmusal ang bawat katungkulan ng mga diwatang kasama niya sa mesa. Ahldrin was the General of the Army, Nahil was the second in command, Winzi was a seer, and Zanti was the spy-assassin.

Kaya pala siya kinikilabutan sa presensya ni Zanti. Pero hindi niya inaasahan na mas magaan itong kausap kumpara kay Ahldrin na mukhang seryoso sa buhay at hindi interesado sa anumang bagay maliban sa pakikipaglaban.

May kanya-kanyang gagawin ang mga mahalagang tauhan ni Aserah sa araw na ito. At siya ay sasama kay Zanti sa pangangaso kung saan man. He was given a golden bow and silver arrows.

“Where would you like to hunt? Do you want to try the Winter Region?” tanong ni Zanti nang papalabas sila sa palasyo.

“I’m not ready to freeze.” Nakangiting wika ni Eleand. Pero kung doon nito gusto, wala siyang magagawa kundi sumama.

“Okay, then we’ll try the Autumn Region. Bukas subukan natin sa Spring Region para naman malibot mo ang buong Noyuh.”

“Salamat.”

Sabay silang bumaba sa hagdan. Nagbigay galang kay Zanti ang mga kawal na nakasalubong nila. Tumigil ang lalaki sa paghakbang nang makita nito si Nahil na nakikipag-usap sa mga dambana.

“Hey, Nana!” tawag nito sa diwata.

“Bakit?” naka-angat ang isay kilay ni Nahil nang lumingon sa gawi nila.

“Would you like to come with us?” Nakangiting wika ni anti sabay kindat. Namilog naman ang mata ni Nahil.

“Walang maiiwan dito sa palasyo para magbantay. Umuwi kayo nang maaga dahil may kailangan akong puntahan mamayang gabi.”

Biglang nagseryoso si Zanti, “Going where?”

“I’ll be attending a ball in Alasache.”

Nagkibit ng balikat si Zanti matapos ay binalingan siya. Eleand was amused watching Zanti and Nahil. He could feel that something was going on between them. Pero wala siya sa lugar para magtanong.

“All right, let’s move.” Hinawakan ni Zanti ang balikat ni Eleand at sabay silang binalot ng itim na liwanag at naglaho.

Muli ay naramdaman ni Eleand ang pagkahilo. Natatakpan siya ng maitim na usok at pakiramdam niya ay ilang ulit siyang umikot sa ere.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status