BIGLANG nagmulat si Eleand ng mata. Hindi pamilyar sa kanya ang silid na kinaroroonan. Sigurado siyang wala sa isa sa apat na rehiyon ng Noyuh. The room was smaller, the paint was white, and the curtain was green. Nagulat pa siya nang makita ang iba-ibang aparatong nakakabit sa kanyang katawan.
Teka, nasa hospital ba siya? Siguro nasa Argia siya dahil doon lang naman may mga modernong kagamitan katulad sa mundong pinanggalingan niya. Pero bakit naman siya dadalhin sa hospital kung puwede naman na pagalingin siya ng mahika?
Weird. Marahas siyang nagbuntong-hinga. Lalo lang siyang naguluhan nang may pumasok na isang lalaki at babae sa kanyang kuwarto. Both were wearing laboratory gown! Mukhang pinaglalaruan siya ng kanyang imahinasyon. May doctor din ba sa Erganiv?
Luh.
“This is a miracle!” maluha-luhang sabi ng lalaking doctor matapos nitong i-check ang kanyang katawan pati ang mga aparatong nakakab
DUMATING si Ezekiel nang sumunod na araw. His youngest brother was doing well. Halos walang patid ang kanilang kuwentuhan nang makarating ito sa bahay. Hindi rin ito makapaniwala na nagkakausap na sila ngayon pagkatapos ng mahigit dalawang taon.“I’m planning to go with you, back in California.” wika ni Eleand sa bunsong kapatid. Kasalukuyan silang kumakain ng hapunan kasama ang kanilang ama at si Erone.“Are you sure? I will just be staying here for a week. Sa susunod na tatlong buwan pa ang sunod na schedule kong bumalik dito, for my painting exhibit in Manila.” Napatigil si Ezekiel sa pagsubo ng pagkain at idinagdag, “At para na rin sa kasal ni Kuya.”Tumango si Eleand. “Just a week? Why don’t you extend it.” suhestiyon niya.“Believe me, I really want to. But you know the news about the aircraft who crashed recently in Florida, ang insurance company natin ang
NANG mga sumunod na araw ay nauubusan na si Eleand ng mga gagawin. He was really bored. Lalo pa at laging siya lang ang nasa bahay. Bumalik na si Ezekiel sa California at si Erone naman ay abala sa trabaho. Samantalang madalas namang pumunta ang kanyang ama sa kanilang farm malapit sa Mt. Isarog.Ginawa niyang pagpapalipas ng oras ang paglalaro ng archery. Pero hindi naman sa lahat ng panahon ay iyon lang ang gagawin niya. Kaya ngayon ay pinili niyang magbasa ng mga paborito niyang libro sa loob ng kanilang library. Halos dalawang linggo nang ganito ang kanyang routine—archery and books. Umaasa siyang tuluyang mawawala na sa kanyang imahinasyon ang mga kakaibang nilalang at mahikang nakikita niya. Pero bigo pa rin siya, that Erganiv was still torturing his mind.Why don’t you try to indulge yourself with your imagination? Bigla niyang naisip. Basta sisiguruhin lang niya na walang makakakita para hindi siya magmukhang nas
INISA-ISA ni Eleand ang laman ng cabinet. Nakapaloob doon ang iba-ibang scrolls at aklat na luma na. Nang tingnan niya ang laman ng mga aklat, mayroong mga portrait doon ng iba-ibang mukha mula pa sa kanilang ninuno.He carefully checked the book and scrolls. Some dated a hundred years—from the Spanish Era. At ang tanging kilala niya sa mga iyon ay ang kanyang lolo at lola na napayapa na.He learned that the Altierras originally came from Spain. Mula nang na-colonized ng mga espanyol ang Pilipinas. Ang kanilang ninuno ay lumipat sa Pilipinas dahil sa pangangalakal. Hanggang sa kumalat ang kanilang lahi. Ang iba ay nag-asawa ng mga Filipino at ang iba naman ay umalis ng bansa.Halos inabot na siya ng hapon sa pag-aaral sa dugong pinamulan niya. Doon na rin siya sa loob ng library kumain ng tanghalian. He was taking notes of his possible fae ancestor.Sino sa kanyang mga ninuno ang isang diwata? All of them perfectly looked
WALANG itinago ang ama ni Eleand sa pagkuwento sa mga nangyari noon kung paano siya napunta sa pamilya ng mga Altierra. Paulit-ulit na humingi ng tawad sa kanya ang ama at wala naman siyang karapatan na magalit.Ang lahat na dumaang mga araw ay ginugol ni Eleand sa pag-research sa kanyang pinagmulan. He was certain that he was a human. Pero sa mga mahikang taglay niya, sigurado sin siya na may dugong diwatang nananalatay sa kanya. Then he might be a half breed, Demifae—half human and half faerie.Naisip niya na din ang posibilidad na baka galing talaga siya sa Erganiv nang mga panahong nakuha siya ng mga magulang. Dahil wala namang matinong tao na mag-iiwan ng bata sa kagubatan. Plus the fact that the place where his parents camp that time was a private property. Pag-aari nila iyon kaya hindi roon basta-basta makakapasok ang kung sino lang.Unti-unti na niyang natatanggap sa sarili, that he was indeed a Demifae. Dahil p
HINDI na nagdalawang isip si Eleand na gamitin ang Vanire kasama ni Ezekiel. Madalian niyang pinuntahan ang kinaroroonan ng kanilang ama at ni Erone. Pero may isang Shadow na nasa likod ng dalawa. Mabuti na lang at nakahawak siya sa hita ng kanyang ama bago tuluyang naglaho ang mga ito. Kaya nagkasama sila ni Ezekiel sa paglaho.Halos hindi makapagsalita si Ezekiel sa labis na pagkagulat nang tumambad sila sa mapunong lugar. Napaluhod pa ito at nasuka kaya inalalayan niya ito.Sinamantala ng kalaban ang pagiging abala niya sa bunsong kapatid. Mabilis ang kilos ng Shadow dahil hindi niya namalayan na malayo na ang agwat nito sa kanila kasama ang ama at panganay na kapatid.Napansin niyang naroon sila dinala sa isang kagubatan ng kanilang paglaho. Nasa Erganiv na ba sila? Pero nang makita niya ang isang tree house sa hindi kalayuan ay nakakasiguro siyang wala sila sa mundo ng mga diwata kundi sa kanilang private farm sa Caramoan. Ibig s
NAKALUHOD si Eleand sa damuhan at patuloy sa pagsuka ng dugo. Humahaplos si Kharyn sa kanyang likod habang patuloy niyang sinusuntok ang lupa. Sunog halos ang buong paligid. Wala nang trace ng shadow. At abalang ginagamot ni Zanti si Ezekiel sa hindi kalayuan.“Tell me this is not real!” He was still in denial. Hindi siya makapaniwalang napatitig sa kanyang mga kamay, at unti-unting namasa ang kanyang mga mata.“I-I killed Dad…and Erone, too.” His voice cracked.“Eleand, tama na.” sabi ni Kharyn.Samantalang napabuntong-hininga na lang si Zanti sa hindi kalayuan habang nakatingin kay Eleand. Abala pa rin ito sa paggamot kay Ezekiel na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.“We temporarily locked the portal.” Mahinang sabi ni Kharyn.“I killed my family.” Hindi matanggap ni Eleand ang kanyang nagawa. He was a monster. Paano niya nagawang patayin ang mga taong nag
SABAY-SABAY silang naglaho mula sa hospital patungo sa private farm nila sa Caramoan. Kharyn was holding a key—it was a medium sized gold triangle with inscriptions written in faerie language. Mula roon ay bumulaga ang nakakasilaw na liwanag at sabay-sabay silang pumasok.Ngayon ay naiintindihan na ni Eleand kung bakit siya roon sa farm natagpuan ng kanyang mga magulang. He might be really a Demifae. Malamang isa sa kanyang magulang ang mortal at na-inlove sa isang diwata. Malalaman din niya ang katotohanan kung sino siya lalo pa at tuluyan na siyang mananatili sa mundo ng mga diwata.Hindi halos mabilang ni Eleand kung ilang ulit silang naglaho bago nila narating ang kanilang destinasyon. Umasa siya na ang Gintong Palasyo ang sasalubong sa kanya pero tumambad sa kanyang mata ang isang malaking palasyo na gawa sa isang kakaibang uri ng diyamante. It was a palace made of precious stones glimmering in the sunlight.“This palace is made of
“ARE you really Brandy?” tanong ni Eleand habang pakiramdam niya ay madudurog na ang kanyang buto sa kamay sa sobrang pagkakakuyom niyon.“Do have a problem with that? Aren’t you happy to see your wife?” nakakalokong ngumiti ang babae.Hindi niya talaga alam kung ano ang magiging reaksyon. All this time, pinaglalaruan siya ng reyna ng mga diwata! Pinaniwala pa siya nito na totoo ang pagmamahalan nila at siya naman itong tanga na naniwala.Malamang ay malaki ang kinalaman ng kanyang dugong diwata kung bakit niya ito nakilala sa mundo ng mga tao. Siguro alam na nito ang kanyang nakatagong kakayahan kaya planado nito ang lahat ng pangyayari sa buhay niya. This evil bitch queen manipulated his life!“Why did you do this to me?” maharas siyang nagbuga ng hangin para kontrolin ang sarili. Anong karapatan nitong panghimasukan ang tahimik na buhay niya?“Wala akong ginawa sa’