공유

Chapter 2

작가: Madam Ursula
last update 게시일: 2023-12-01 01:27:22

Ayon sa plano, dapat lapitan ka at kulitin ng heredero at doon kami susulpot. Kapag tinangihan ka, isang iskandalo yun pero kapag naakit mo .Yun na sng pagkakatoan mong makawala sa kahirapan, Kycee.

Lumakad na si Kycee at isinagawa ang utos ng kanyang ama. Nagkakasayahan na sa hacienda nang sumulpot si Kycee.

Mula sa malayo ay kita niya ang dalawang lalaki nakikihalubilo sa mga bisita. Ang isa ay kilala niya dahil madalas itong sumulyap sa kanya. Ang lalaking mahangin at palikerong panay ang simpleng pang-aakit sa kanya.Akala ata, porke't probinsya na siya, ay uto-uto siya. Ang isa pang lalaki ay nasa isang lamesa at may kausap na ilang matanda. Kilala rin niya ito. Alam niyang ito ang panganay na anak ng mga Villafuerte. Ang panganay na heredero na bihira lamang umuwi ng San.Dionisio.

Seryoso ito tingnan, kahit pa nga maamo naman ang mukha, mas palangiti si Darwin kaysa dito. Pero kita niya mula sa kinukublihang bahagi ng hacienda na mas respetado ito ng ilang tauhan, lalo na ng matatanda.

Nag-ayos ng sarili si Kycee saka muling sinulyapan ng lalaking sadya noong gabing iyon. Ayon sa ama ay magkukunwaring katulong at magse-serve ng lambanog sa heredero.

Kinuha ni Kycee ang malaking bilog na bote na may lamang lambanog. At dumampot ng baso. Nilagyan niya ng alak ang baso at ibinuhos doon, ang sabi ng ama, ay pampaantok.

Lumakad nang paseksi si Kylie upang tawagin ang pansin ni Darwin na abala ng sandaling iyon sa pagyayabang sa kausap na mga kababaihan at ilang prominente na bisita sa lugar. Kahit na kailan talaga ay mayabang at mahangin ang dating nito sa kanya.

Hindi siya nakita ng lalaki dahil abala ito, kaya hindi niya ma-lock nang maiinom. Dahil sa sablay sa unang pagkakataon. Kunwari ay kukuha pa ng ilang baso si Kycee. Saka nag hinatay ng panibagong tiyempo

Sinigurado rin ng dalaga na may ilan sa mga matang nakapansin sa kanya, partikular ang mga matatandang alam niyang mabilis pa sa kuliglig makahimig ng balita.

Dinaanan ni Kycee ang isa pang heredero nang magpunta siya sa bahagi kung saan naroon ang mahabang lamesang sagana sa iba't ibang pagkain. Abala rin ang isang heredero sa pakikipag-usap at nakita niyang sumulyap ito sa kanya, pero kumunot ang noo.

Masungit at suplado talaga ang panganay ng mga Villafuerte, kaya hindi na siya nagtaka kung bakit malayo ito sa maraming tao at hindi masyadong palakaibigan.Samantalang ang isang heredero ay, akala mo, tatakbong alkalde ng lugar.

Humugot ng malalim na hininga si Kycee at muling itinuon ang pansin sa herederong pakay. Abala pa rin ito, pero nakaakbay na sa isang babae na tila naman nakapulupot na dito. Medyo palalim na ang gabi. Palapit na si Kycee sa puwesto ni Darwin nang biglang may nagsalita sa likod niya.

"Miss kanina pa ako naghihintay na malagyan ng alak ang lamesa ko pero dinaan daanan mo lang ako"

Sabi nito, sabay kuha ng baso ng alak na hawak niya, na iaabot sana kay Darwin.

"Oh no, hindi…! Tika… teka… Sir kase ano...." Hindi masabi ni Kycee ang dahilan. Nanlambot ang mga tugod ni Kycee sa takot, lalo na nang makita niyang tinutungga ng lalaki ang alak sa baso habang pabalik ito sa lamesa.

"Paktay na po, Dios ko, anong gagawin ko sablay ang plano ni Tatay.Yari ako nito"

Agad bumalik si Kycee sa sulok na bahagi ng hacienda kung saan naroon at nakaabang ang kanyang ama at ilang kapanalig.

"Ano napainum mo ba?"

"Eh, Itay, mali po ang nangyari. Eh, hindi po kase nagawi ang tingin ni Senyorito Darwin sa akin kaya di ko po maalok ng alak agad.

"Nang ikalawang subok ko po ay nakita ako ng kapatid niya, yung kapatid ni Darwin, ang nakainom, yung masungit na panganay.Natakot na po ako kaya ako umalis agad at di ko na napainom sa Darwin"

Pag-amin ng dalaga.

"Ano? Yung masungit ang napainom mo, paano 'yan? Naku, mayayari tayo. Wala tayong mapapala dun lalong hindi nating mauuto yun."

"Kaya nga po.Ano pong gagawin ko? Baka matunang pa niyang may pampaantok ang alak kase kung kay Darwin sana marami na itong naimun, hindi na mahahalata. Sabi ni Kycee na sinilip ang kasiyahan at tiningnan kung ummepekto na ba sa lalaki ang nainom.

Marami itong nainom dahil tinungga nito ang buong baso at straight pa.

"Di bale aantuking yun. Ang gawin mo sundan mo at ipainum mo sa kanya ito ng sapilitan para mawala ang epekto malilintikan tayo sa isang yun mas malupit yun di uubra ang plano natin"

Sabi ng kanyang ama.

"Sige po," sabi na lamang ni Kycee na napasulyap ulit sa kinaroroonan ng lalaki.Tumayo na ito na tila nagpapaalam sa makakusap.

"Paalis na siya, Itay, parang may hinahanap," takot na sabi ni Kycee.

"Oh, siya, ito ang tubig; kunwari ay alukin mo siya ng tubig. May lamang yang pangkontra sa pangpatulog na binigay mo. Bilisan mo, kailangan mong sundan siya bago makapasok sa bahay.

sabi ni Ka Mando.

"Oh tagay ka muna ng lambanog ng lumakas ang loob mo wag ka ng papalpak ngayon ha"

Alok sa kanyang ina. Dahil sa nerbiyos at takot dahil sa sinabi ng ama na posible ngang mangyari ay tinanggal ni Kycee ang basong may lamang lambanog. Saka pasimpleng tumalilis at mabilis na sinundan ang panganay na heredero. Patungo sa isang bakanteng Nipa Hut na nasa bandang dulo ng hacienda ang panganay ng mga Villafuerte . Tila magre-relax ito doon o magpapahangin.

Ayon sa kanyang ama, pampaantok ang pinainom nito, at ang utos ng ama ay sundan ito at piliting painumin ng ibigniay ng ama para raw mawala ang epekto ng pampatulog dahil hindi naman daw ito ang target nila. Agad na naglakad nang mabilis si Kycee at sinundan ang lalaki. Nasa kalagitnaan na siya nang biglang makaramdam si Kycee ng hilo, na parang umiikot ang paningin niya at mainit ang pakiramdam niya. Diretso ang dalaga sa Nipa Hut.

Samantala...

Parang hihila naman ang mata ni Drei na pumikt at nakakaramdam din siya ng pag-iinit ng katawan, para siyang nahihilo at nagdodoble ang paningin niya. Hindi malaman ng binata kung nahihilo na siya sa kalasingan o sadyang antok at pagod lamang siya sa biyahe. Sinadya talaga niyang uminom para sana makalimutan ang inis sa kasintahang si Trina.

May hindi sila pagkakaintindihan ng nobya .Kahit alam niyang pagbalik niya ay malamang nasa apartment na niya ito at hihingi sa kanya ng tawad kung minsan naiisip ni Drei na parang paulit-ulit na lang at hindi naman ito nagbabago. Minsan naiisip ni Drei na nakakapagod na rin ang sitwasyon nila.

Nakatawag ng pansin kay Drei ang isang Nipa Hut na bakante na medyo nasa sulok ng hacienda, kaya marahil walang pumuwesto doon dahil madilim at tago. Nahumaling ang binata na pagpapahangin doon at kung makaidlip man ay hindi nakakahiya. Malayo siya sa karamihan at hindi siya mapapansin ng kanyang ama. Masersermunan kase siya kapag pumasok siya sa kabahayan at sasabihin na naman nito na napipilitan siya. Bagama't totoo, ayaw niyang pasamain ang loob ng matanda.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (4)
goodnovel comment avatar
Cresfina Aargote
lagot na author ......
goodnovel comment avatar
Earl Lyn Dash
wag mo xa sundan.
goodnovel comment avatar
Ariah
"hala lagot maling tao pa naka inom..
댓글 더 보기

최신 챕터

  • The Hidden Wife of The Billionaire Original Completed   Chapter 45 "Epilogue"

    Makalipas lamang ang isang buwan ay kinailangan ni Drei ang magtungo sa Maynila dahil sa ilang mahalagang kailangan pirmahan. Ayaw man nitong ewan ang asawa ng mga sandali, iyon ay wala siyang magagawa. Bagama't gusto na niyang isama ang asawa, hindi pa napipinturahan ang bahay na ipinagagawa ni Drei sa Maynila. Hindi na kase ninais ni Ahron Drei na itira si Kaycee sa dati niyang bahay na may alaala ng kalupitan niya dati sa asawa at minsan din naging pugad nila ni Trina. Hangga't maaari, ayaw na magkaroon ng koneksiyon ni Drei sa nakaraan, lalo na ang mga nagawa niya kay Kaycee . Gusto na niyang itong ibaon sa limot. Alam niyang napatawad na siya ang asawa, pero paminsan-minsan ay nagkakaroon pa rin ng agam-agam si Drei kung nakalimutan na nga ba ni Kaycee ang mga naging kasalanan niya. Ganun pa man, tulad ng sinumpaang niyang pangako sa asawa, habang buhay siyang hihingi ng tawad dito at habang buhay na pagbabayaran ang nagawang kamalian noon. Tila naman anging suwerte sa negos

  • The Hidden Wife of The Billionaire Original Completed   Chapter 44

    "Naku mukhang may susunod na mapipikot"Bulong ni Drei sa asawang si Kaycee habang abala ito sa pag-aasikaso sa mga bisita. Bagama't nababakas na ang pagod sa mukha ng kanyang asawa, makikita ang ngiti at galak sa mga mata nito."Hindi na pikot ang nangyayari diyan sa dalawang iyan dahil matagal nang nangmamahalan ang dalawang iyan. Naku, baka pag ang dalawang 'yan na pakawalan na ang mga damdamin, baka maunahan pa tayo," sabi ni Kaycee."What do you mean, my wife?" litong tanong ni Drei. Oo, alam niyang may crush si Perla sa amo at ramdam din naman niyang special si Perla sa nakababatang kapatid. Dati kasi, noong binatilyo pa lamang sila, ay halos umusok ang ilong nito sa selos kapag siya ang unang nilalapitan noon ni Perla. Pero akala niya ay likas lang na ganoon na ang kapatid. Nabalitaan niya kasi nanging palikero at chickboy ito kaya akala niya ay pinagtitripan si Perla.Pero napansin nga niyang iba na ang mga tingin ni Darwin kay Perla noong nasa Hacienda sila. Lalo na noo

  • The Hidden Wife of The Billionaire Original Completed   Chapter 43

    Nag-aagaw-buhay si Kycee dahil sa tindi ng shock sa puso nito. Mabuti na lang at matagal nang naplano ni Drei ang kalagayan ng asawa, kaya isang tawag lang nito ay nakaantabay agad ng ambulansya.Noon pa man ay handa na si Drei, kaya palaging may nakaantabay na ambulansiya na anytime na may mangyari ay nakahanda siya. Nangkaroon na kase siya ng takot noong unang mawalan ng malay si Kycee at sabihin ng doktor na maraming atake ang asawa na hindi niya alam.Dahil delikado ang lagay ng puso ni Kycee, kinailangang paanakin si Kycee nang wala sa buwan agad through cesarean procedure para mailigtas ang bata at ang ina. Kailangan iyon dahil delikado para kay Kycee ang umiire ikalawa dahil sa shock ni Kycee ay nanging dobe ang pintig ng puso nito at ang dudulot iyong nang mabilis na daloy ng dugo sa puso at posibleng makaranas ng blood shock ang babae.Pagkakuhang-pagkuha sa bata ay agad isinagawa ang bypass operation ni Kycee, pero nagpasabi ang doktor na hindi sila nangangako ng success.

  • The Hidden Wife of The Billionaire Original Completed   Chapter 42

    "Ka Pedring, sa likod ka dumaan, sabihan mo ang mga tauhang maghanda at magtago, hintayin ang aking hudyat. Sabihan mo rin si Tonyo na sa hudyat ko, pakawalan ang mga aso. Mag-ingat kayo kay Pedring. Huwag kayong magpahalatang kumikilos kayo .Sabihin mo sa kanila na mag-ingat dahil tuso si Mando at huwag na magkumilos lalo na kung nasa panganib ang asawa ko. Bilin ni Drei."Drei... Iho, huwag sanang umabot sa dahas ang lahat ng isipin mong ama ni Kycee ang nasa labas.Alam natin ang ugali ni Mando.Alam nating ang kanyang naging kalupitan sa asawa mo, pero siya lamang ang tnagng pamilya meron si Kycee. Masasaktan ang asawa mo kapag nagdadalos-dalos tayo."Dad, alam ko po iyon, pero paano ako ma-rere-relax? Sila ang sumugod sa hacienda. Trespassing na nga sila, may mga armas pa.Hindi tayo puwedeng pakampanti lang, lalong hindi ako puwedeng manood lang na mapahamak ang isa man sa atin," sabi ni Drei."Tuso ang ka-Mando na 'yun noon mo pa sakit ng ulo 'yan. Sa tingin ninyo, pakikinggan na

  • The Hidden Wife of The Billionaire Original Completed   Chapter 41

    "Hindi ako kailanman nagalit sa'yo, Drei. Ang mga sinabi ko noon sa sasakyan ay pinagsisihan ko agad, kaso nawalan na ng pagkakataong bawiin at makapagpaliwanag.Si Trina ang dahilan kaya ko pinirmahan ng papeles.Kailanman ay hindi ka nawala sa puso ko, Drei."Mahal na mahal kita.Wala akong ibang gusto at pangarap kundi maging asawa mo.Kung hindi rin lang ikaw ay hindi na ako mag-aasawa pa," seryosong sabi ni Kycee habang unti-unti nang pumapatak ang mga luha sa mata."Pinakamamahal kita Kycee" muling sabi ni Drei at nakapangingilabot na halik sa kanyang dibdib na bukas na pala ng sandaling iyon"Drei...." mahinang tawag ni Kycee sa pangalan ng asawa habang mahigpit na nakakapit sa batok ni Drei.."Mahal ko…" sabi ni Drei na tuluyan nang sumubdob sa dibdib ni Kycee na kasalukuyang malusong ng mga oras na iyon dahil sa pagbubuntis."Drei....ohh..tekaaaa...Drei.." Kumawala ang munting ungol sa bibig ni Kycee Kasabay ng pagdapo ng dila ni Drei sa matayong na dungot na nanahimik sa ibab

  • The Hidden Wife of The Billionaire Original Completed   Chapter 40

    Audio lang ang video, parang sinadya lang ni Perla na i-record ang usapan. Malaking pasasalamat ni Drei na kakampi niya si Perla kahit kay Darwin ito may gusto ito.Ang huling narinig sa audio ang nagpabalikwas kay Drei at napamaneho ng ura-urada kay Drei pa-Quezon kahit pa nga nakainom siya."Miss na miss ko na siya Perla"Umiiyak na sabi ni Kycee sa audio.Pagkarinig sa tinig at sa huli, sinabing iyon ni Drei ay wala itong inaksayang oras. Halos liparin ni Drei ang Manila to Quezon. Gustong-gusto niyang makauwi na agad sa hacienda.Ang kaso, dahil napakalayo ng Quezon, hatinggabi na nakarating si Drei. Pero hindi iyong ang hadlang sa balak nito. Kinakapitan niyang lakas ang narinig na sinabi ni Kycee. Hindi hinayaan ni Drei na panghinaan siya ng lakas ng loob. Baon ang labis na nagmamahala at pangungulila sa asawa ay kumatok pa rin siya sa Villa hanggang sa pagbuksan siya ng katulong.Kapag umuwi kase siya at ipagpaliban ang naisip, baka panghinaan na naman siya ng loob at umiral ang

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status