Four
BASA ng ulan at nanginginig pa ang kanyang mga laman nang makauwi siya sa kanyang tinutuluyan. Sa layo ng nilakad niya ay halos wala ng lakas ang kanyang mga paa. Mabuti na lamang at nagawa niya pa rin ang nakauwi kahit na sobrang nanghihina na siya. Gusto na niyang mag pass out dahil sa pagod na nararamdaman niya at tila gusto na lamang niyang sumuko sa lahat ng hirap na pinagdadaanan niya ng mga oras na iyon, ngunit biglang pumasok sa isip niya ang mga kapatid niya. Paano ang mga ito kapag sumuko siya?Ano na lamang ang magiging buhay ng mga ito kapag siya na ang nagkasakit? Sino na lamang ang aasahan niyang maghahanap buhay para may pantustos sa pag- aaral ang kapatid niya at para na rin may makain sila sa araw- araw.Hindi niya alam kung paano siya nakauwi, ang tanging nasa utak na lamang niya ng mga oras na iyon ay kung saan siya kukuha ng malaking halaga para madugtungan pa ang buhay ng kanyang ama.Nasa punto na naman siya ng buhay niya na hindi alam kung saan siya kukuha ng lakas upang harapin ang pagsubok na kinakaharap niya. Bakit siya pa? Bakit siya na mahirap lang ang kalagayan ang binibigyan ng pagsubok na tulad nito? Bakit hindi na lamang ang ibang tao.Napakalaking tanong iyon sa isipan niya ngunit pilit na lamang niya itong iwinawaksi. Kahit ano pa ang gawin niyang pagkwestyon sa sarili niya ay wala naman siyang makukuhang sagot.Dumiretso na lamang siya sa kanyang banyo kung saan niya itinapat ang kanyang sarili sa malamig na tubig upang mabuhayan siya ng dugo at makapag- isip siya ng maayos.Hanggang sa lumabas siya ay wala pa rin siyang maisip na solusyon sa problema niya. Habang nakatulala at nakatingin sa kawalan ay nag- iisip siya ng mga bagay bagay hanggang sa tumunog ang cellphone niya. Hinanap niya pa kung saan nagmumula ang tunog upang mahanapan lamang niya kung nasaan ito. Sa dami kase ng iniisip niya ay hindi na niya alam kung saan niya na ito naibaba kanina.Agad na napakunot ang kanyang noo nang makita ang tumatawag. Numero lamang ito at hindi niya iyon kilala, ilang saglit siyang nakatitig lamang sa screen ng kanyang cellphone at hinayaan ang sariling isipin kung sino ito hanggang sa sinagot niya ito dahil tila may nag- uudyok sa kanya na sagutin niya ito."Hello?" Alanganing saad niya ng mailagay niya ang kanyang cellphone sa kanyang tenga. Isang pagtikhim ang narinig niya sa kabilang linya bago ito nagsalita."Let's meet." Isang baritonong boses ang sumalubong sa kanyang pandinig. Hindi siya nakapagsalita kaagad at mas lalo lamang napakunot ang kanyang noo dahil sa hindi niya naman kilala ang tumawag na ito. "I want to meet you personally and also," akmang papatayin na niya ang tawag dahil baka maling number lamang ang natawagan nito ngunit, "I want to give you the money personally." At doon nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang narinig.Oo nga pala, meron nga pala siyang kliyente at halos mapapikit siya sa labis na pagpapasalamat dahil hulog ito sa langit. Kailangang kailangan niya pa naman ngayon ng pera at ito lamang ang tanging sagot sa problema niya.Hindi niya nakuhang sumagot, nakabuka pa ang kanyang bibig at magsasalita pa lamang sana ng bigla na lamang nitong pinatay ang tawag. Ni hindi na nito hinayaang makapagsalita siya.Napapikit siya at napausal ng matinding pagpapasalamat. Hulog ng langit ang lalaking iyon sa problemang kinakaharap niya ng mga oras na iyon lalo pa at kailangang - kailangan na niya ng pera upang maopera na ang kanyang ama.Mabilis siyang tumayo mula sa kanyang inuupuan at nagtungo sa kanyang silid. Kahit na antok na antok siya at nanghihina pa ay kailangan niyang lumabas upang makipagkita sa lalaking iyon para na rin sa kanyang ama. Hindi niya kakayanin kapag nawala ang kanyang ama sa kanila kaya handa siyang gawin ang lahat para rito.Hindi siya sigurado kung ano ang kahahantungan ng lahat ng gagawin niya, kung tama pa ba iyon o hindi na pero wala siyang ibang choice kundi tanggapin ito.Mabilis siyang nagbihis. Ni tingnan ang kanyang repleksiyon sa salamin ay hindi na niya nagawa pa dahil sa labis na pagmamadali. Ayaw niyang paghintayin ang magiging kliyente niya dahil unang- una ay baka ayawan siya nito o baka mag- back out ito bigla kung babagal bagal siya.Mabilis siyang lumabas ng kanyang apartment. Palabas na siya ng gate nang marinig niya ang pagtunog ng kanyang cellphone kaya nagmadali siyang hanapin ito sa kanyang bag dahil baka importante iyon.Ang unang mensahe ay galing sa kanyang kapatid kung saan sinasabi nitong kailangang kailangan na daw na maoperahan ang kanyang ama dahil kung hindi ay huli na ang lahat para rito. Ang pangalawa naman ay galing sa unknown number na nagsasabi ng isang lugar malapit lang sa apartment niya. Hindi niya man alam kung sino iyon ay nasisiguro niyang ang kliyente na niya ito dahil wala naman ibang magtetext sa kanya ng ganito.Mabilis niyang itinago ang kanyang cellphone sa kanyang bag at pagkatapos ay ipinagpatuloy na ang kanyang paglalakad. Malapit lang ang lugar na iyon na itinext sa kanya kaya lalakarin niya na lang, siya pa iyong ipapamasahe niya dahil kailangan niyang magtipid.Mabilis siyang nakarating sa pupuntahan niya. Binasa muna niya ang pangalan ng restaurant na nakalagay sa itaas bago siya pumasok. Nasa tamang lugar siya. Nang hawakan niya ang pintong salamin upang itulak ay napapikit muna siya at napahugot ng isang malalim na hininga.Nang mga oras kase na iyon ay abot- abot ang kabang nararamdaman niya sa hindi niya malamang dahilan. Ilang saglit muna siyang nanatiling nakatayo doon bago siya tuluyang pumasok sa loob.Agad niyang inilibot ang kanyang paningin sa loob ng establisyementong iyon at halos mag dikit ang mga kilay niya sa kabis na pagtataka. Sa tagal na niyang naninirahan sa apartment niya ay alam niya na kilala na ang restaurant na iyon hindi lang sa lugar nila kung hindi sa mga karatig na lugar pa, kaya hindi niya naiwasan ang magtaka ng makita na nasa apat na katao lamang ang nakatayo sa loob nito.Hindi kaya mali siya ng pinuntahan? Tanong niya sa kanyang sarili. Pinasadahan niya ang mga ito ng tingin isa isa. Nakasuot ang mga ito ng kulay itim na polo shirt. Malalaki ang mga katawan ng mga ito na kung titingnan ay pwedeng maging mga modelo. Nakasuot din ang mga ito ng kulay itim na shades kahit pa nasa loob ang mga ito.Napahigpit ang hawak niya sa kanyang dala- dalang bag. Ang kabog ng kanyang dibdib ay mas lalo lamang lumubha dahil sa sobrang kaba. Paano kung mali pala ang napasukan niya? Kahit pa nakasalamin ang mga ito ay nasisiguro niyang sa kanya na naka- focus ng tingin ang mga ito.Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita ang isa sa mga ito na humakbang at naglakad patungo sa direksiyon niya. Napaatras siya ng wala sa oras. Sobrang kumakabog ang dibdib niya dahil sa sobrang kaba.Mabilis siyang gumalaw at pumihit upang lumabas na ng restaurant na iyon. Hindi maganda ang kutob niya sa mga ito ngunit sa kanyang pagmamadaling makalabas ay bigla na lamang siya napatigil nang bumangga siya.Napapikit siya dahil sa lakas ng pagkakabangga niya, nasamyo niya ang amoy ng pabango nito kung saan hindi niya napigilan ang sariling amuyin ito. Napakasarap ng amoy nito at nakakaaya hanggang sa isang tikhim ang narinig niya kaya mabilis siyang napamulat ng kangang mga mata.Agad siyang lumayo rito at pagkatapos ay napatingala upang humingi sana ng paumanhin ng mahulog ang kanyang panga nang masilayan ang lalaking nasa harap niya.Awtomatikong umawang ang mga labi niya nang matitigan niya ang gwapong mukha nito. Hindi niya inaasahan na isang gwapong nilalang ang makakabanggaan niya. Tila ito isang artista dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Napalunok na lamang siya dahil ang lakas ng dating nito. Ang mga mata nito ay walang emosyong nakatitig sa kaniya.Ang mga mata nito ay kasing itim ng gabi at walang kaemo- emosyon. Ang tingin nito ay nakakapang- lambot ng mga tuhod. Muli ay napalunok siya."I- I'm sorry." Nauutal na hingi niya ng paumanhin rito.Ilang sandali pa ay pinilit niyang bawiin na ang tingin niya mula rito. Nagmamadali nga pala siyang aalis doon dahil tila mali siya ng restaurant na pinasukan.Lalagpasan na sana niya ito nang hawakan siya nito bigla sa kaliwang braso niya.Gulat siyang napatingala rito. At ramdam na ramdam niya mula sa hawak nito sa kamay niya ang libo- libong boltahe ng kuryente ang dumaloy doon.Halo- halong emosyon ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Pagtataka rito kung
Pagdating na pagdating nga niya sa ospital ay dumiretso siya kaagad sa ICU kung nasaan ang kaniyang ama. Bitbit niya ang mga pagkajng iti nake out niya sa restaurant kung saan sila nag- meet ng kliyente niya.Dumaan muna siya sa kaniyang apartment bago siya tuluyang dumiretso sa ospital. Ayaw niya namang makita ng kaniyang ina at ng kaniyang kapatid ang kaniyang ayos dahil baka magtaka ang mga ito.Ilang sandali pa ay palapit na siya ng palapit sa kwarto ng kaniyang ama ng may ilang mga nurse ang nagmamadaling nilampasan siya. Nasagi pa nga ng mga ito ang kaniyang dala."Sorry." Maikling hingi ng paumanhin ng isa at nagtutuloy- tuloy na sa mabilis na paglalakad. Tinanguan na lamang niya ang mga ito dahil naiintindihan naman niyang nag- aapura nga ang mga ito. Siguro ay may pasyenteng nag- aagaw buhay na kailangan ng agarang tulong kaya nagmamadali ang mga ito.Ilang sandali pa ay nasa hagdan na siya at paakyat na.Medyo nangangalay na rin ang kaniyang mga kamay dahil sa bigat ng kan
Kasalukuyan na silang nakaupo sa bench na nasa harap ng ICU. Tabi- tabi silang tatlo. Ang kaniyang ina ay pinatulog muna nila sa kaniyang tabi. Alam kase nilang puyat na puyat na ito dahil sa ilang gabing hindi ito nakakatulog dahil sa labis na pag- aalala.Hawak- hawak niya ang kamay ng kaniyang kapatid. Kanina pa sila tapos kumain at kanina pa din inumpisahan ang operasyon ng kaniyang ama nang magbayad siya. Mabuti na nga lamang ay napilit nila ang kanilang ina na matulog na dahil bukas na bukas paggising nito ay ipinangako nilang magaling na ang kanilang ama.Nakasandal siya sa dingding at nakatingala sa kisame ng ospital. Nangangamba siya dahil kasalukuyang inooperahan ang kaniyang ama. Oo, inooperahan na nga ito ngunit alam niya na may tendency pa rin na hindi maging successful ito at iyon ang iniisip niya kanina pa.Napayuko siya nang maramdaman niya ang mahinang pagpisil sa kaniyang kamay. Ang kapatid niya ang pumisil ng kamay niya."Ate gagaling na kaya si tatay pagkatapos ng
Habang nag- eempake siya ng kaniyang mga damit ay panay pa rin ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Hindi niya man lang nakita ang kaniyang ama o ni nasulyapan man lang bago siya makaalis sa ospital.Napakagat siya ng kaniyang labi kasabay ng pagkawala ng isang hikbi sa kaniyang bibig. Nahihirapan siya ngunit kailangang niyang gawin ang bagay na iyon para sa kaniyang pamilya.Kung ito ang magiging paraan para maging maalwan ang kanilang pamumuhay ay handa siyang gawin iyon kahit pa isakripisiyo niya ang sarili niya. Isa pa ay alam niya namang hindi naman magtatagal ang pagkawala niya dahil nasisiguro niya na pagkatapos niyang mabigyan ito ng anak ay palalayasin na siya nito.Sumisinghot- singhot siya habang naglalagay ng damit sa kaniyang bag. Wala pa siyang kaide- ideya kung saan nga ba siya dadalhin ng lalaking iyon dahil hindi naman sila nakapag- usap ng maayos dahil nagmamadali itong umalis kanina.Napatingala siya upang pigilin ang mga luha niyang wala pa ring lumbay sa pagtulo ngun
Nakatitig siya sa labas ng bintana. Kasalukuyan siyang nakasakay sa kotse nang mga oras na iyon. Pagkatapos nga niyang makatanggap ng tawag kanina mula sa tauhan umano nang magiging kliyente niya na nalaman niyang si Mr. Montemayor ay kaagad na silang dumating sa tapat ng apartment niya.Hindi nga kasama si Mr. Montemayor sa mga taong sumundo sa kaniya, puro mga tauhan lamang nito ang sumundo sa kaniya at nasa apat sila.Nang mapagbuksan niya nga ang mga ito ng pinto kanina ay halos ayaw niyang sumama, paano ba naman ang itsura ng mga ito ay tila ba mga tauhan ng isang mayamang mafia kaya may agam- agam siyang naramdaman.Ngunit nang sinabi nang isa sa mga ito na sila nga ang tumawag sa kaniya kanina at sila daw ang ipinadala ni Mr. Montemayor na susundo sa kaniya ay wala na lamang siyang nagawa kundi ang sumama sa mga ito. Total naman ay wala naman siguro silang gagawin sa kaniyang masama.Idagdag pa na ito naman talaga ang usapan nila kagabi ng lalaking Montemayor na iyon.Nasa har
Habang paakyat siya upang sumampa sa loob ng helicopter ay nanlalamig ang mga kamay niya. Ito ang unang beses na sasakay siya ng helicopter. Ni minsan sa buhay niya ay hindi pa siya nakakasakay nito, idagdag pa na natatakot talaga siya sa matataas na lugar.Halos hindi gumalaw ang kaniyang mga paa upang humakbang dahil nga sa kaba na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.Nanghihina ang mga tuhod niyang napaupo sa pinakagitnang bahagi ng helicopter kung saan nang pagka- upong pagka- upo niya ay kaagad na siyang nilapitan ng driver kanina ng kotse upang ikabit na ang kaniyang mga seatbelt at nilagyan din siya ng headphones sa kaniyang tenga.Ang kaniyang mga labi ay nanginginig din dahil nga sa matinding kaba na lumulukob na sa buong pagkatao niya ng mga oras na iyon.Ang kaniyang dibdib ay walang patid sa malakas na pagtibok na akala mo ay tila ba may naghahabulang mga kabayo sa ibabaw nito.Huminga siya ng malalim para pakalmahin niya ang kaniyang sarili. Humugot siya ng malalim na h
Ipinikit niya lamang ang kaniyang mga mata at hindi na niya pinag- aksayahan pa ng oras na tingnan ang paligid niya dahil bukod na nga sa nanghihina siya ay hindi pa rin natatanggal ang pagkahilong nararamdaman niya.Maging ang magtanong kung gaano pa ba kalayo ang kailangan nilang i- byahe. Sumusunod na lamang siya sa mga pag- alalay sa kaniya ng mga lalaking kasama niya ng mga oras na iyon. Siguro naman ay hindi siya pababayaan ng mga ito dahil sa boss ng mga ito.Pinanatili niya lang na nakapikit ang kaniyang mga mata ngunit ang kaniyang diwa ay gising na gising pa din. Nakapikit lang ang kaniyang mga mata dahil para kahit papano naman ay makapahinga siya. Ramdam na ramdam niya ang pagod at panghihina mula sa walang humpay na pagsusuka niya kanina.Kapag bumabyahe naman siya at bus ang sinasakyan niya ay hindi naman siya nahihilo at nasusuka sa byahe. Ibang- iba lang talaga ang pakiramdam niya kanina sa pagsakay niya sa helicopter dahil iyon pa lamang ang unang beses niyang sumakay
Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng bahay ay pagkamangha ang unang naramdaman niya dahil sa ganda at lawak ng loob nito. Sa mga gamit sa loob ay masasabi mo na talagang mayaman ang nakatira doon.Kung sa labas ay masasabi mo ng maganda ay mas doble pa pala ang ganda sa loob dahil sa interior design ng design. Ang mga gamit at disenyo sa loob ay talaga namang masasabi mong pinag- isipan.Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. Dito ba talaga siya titira? Parang ayaw pa niyang maniwala at tila ba gusto niyang sampalin ang kaniyang sarili upang gisingin dahil baka nananaginip lamang siya.Hindi niya napigil ang kaniyang mga labi na umawang dahil sa labis na paghanga. Maging ang reaksiyon ng kaniyang mukha ay halatang- halata doon ang labis na paghanga dahil iyon pa lamang ang unang beses na nakapasok siya sa isang bahay na marangya. Hindi pa siya nakakapasok sa isang bahay ng napakaganda sa tanang buhay niya at ngayon ay ito na ang magiging bagong tahanan niya.Inilibot niya a