Share

Chapter 13.1

Pagkalabas nga nila sa kusina ay sa nasa sala na sila muli at doon niya pa lamang napansin ang isang napakataas na isang grand staircase paakyat sa itaas na bahagi ng mansiyon.

Kanina nang pagkapasok niya doon ay tila wala naman siyang napansin na ganuon pero ngayon ay meron na. Hindi kaya ngayon lang ito napunta doon? Pero napaka- imposible naman iyon kaya nasisiguro niya na hindi niya lang talaga iyon napansin dahil siguro sa ibang bagay nakatuon ang kaniyang atensiyon.

Sa mga gamit kase sa bahay at sa mga pigurin nakatuon ang kaniyang paningin nang makapasok siya sa mansiyon at sa mga larawang nakasabit sa dingding. Mga lumang larawan iyon ng isang magandang babae at isang makisig na lalaki ngunit hindi niya kilala ang mga iyon. Hindi niya rin alam kung mga sikat bang artista ang mga iyon o ano.

Ilang sandali pa ay umakyat na sa mataas na hagdan ang kasambahay na sinusundan niya. Napatitig siya sa hagdan at nag- umpisang humakbang rito.

Grabe, napakalinis ng hagdan na gawa sa kaho
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status