Share

CHAPTER THIRTY FIVE

Idiniin siya nito sa pader habang kabadong lumingon siya may hagdanan. Baka kasi biglang magising ang anak niya at makita ni Hellios. Hinawakan nito ang pisngi niya at tinitigan siyang mabuti.

"Miss me, sweetheart? You've been a very bad girl." Punong-puno ng emosyon ang mga mata nito na ngayon lang niya nakita.

Nataranta siya ng dahan-dahan na bumaba ang mukha nito sa mukha niya. Amoy niya ang mabangong pabango nito. Idagdag pa ang mainit na hininga nito na tumatama sa mukha niya. Nanigas ang buong katawan niya at hindi siya makakilos sa labis na pagkagulat. 'This is not happening!' Piping sigaw ng utak niya.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status