Share

CHAPTER TWENTY FOUR

Nakangiting nakapalumbaba si Santina habang nakatingin kay Hellios na nagluluto sa kusina. Hindi siya nito pinapayagan na gumalaw ngayon sa kusina. Ang sabi nito ay kailangan daw muna niyang magpahinga dahil nawawalan siya ng dugo. Natawa siya sa sinabi nito. Mukhang ito kasi ang unang beses na nakakita si Hellios ng babaeng dinudugo. 

Pagkatapos kasi niya itong paligayahin sa loob ng banyo ay naligo sila ng sabay pagkatapos. Namutla ang buong mukha nito ng makita ang maraming dugo na kumalat sa sahig ng banyo galing sa kanya. Binanlawan siya nito agad at dali-daling binalutan ng tuwalya, bago binuhat paupo sa kama. Nakamasid lang siya rito, habang ito naman ay hindi na malaman kung ano ang gagawin sa kanya. Pinanuod niya kung papaano ito naglabas ng tissue at wet wipes mula sa cabinet. 

"Anong gagawin mo diyan?" Tanong niya rito. Kahit ang totoo ay gusto na niyang matawa sa pinagagagawa nito.

 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status