KANINA pa iritable si Bethany dahil panay ang pagngisi ni Juancho sa kanya. May pa-kindat kindat pa nga ito na para bang gusto niya lang talagang inisin ang dalaga. Nasa kotse na nga sila ngayon at bumabyahe na papuntang bayan dahil doon ang mall dito na dinarayo ng lahat.
Balot na balot si Bethany sa takot niya na makilala siya ng mga tao. So far, hindi pa naman siya hinahanap ng mommy niya through local TV. Iniisip niya na kinakalma siguro ng mom niya ang sarili nito at ayaw niyang mapahiya ang angkan nila kung sakali mang malaman ng lahat na nawawala siyaa. Kilala niya ang mommy niya. Hindi iyon gagawa ng kahit na anong ikakapahiya ng pangalan ng mga Chavez.
“Alam mo, kahit na mag-cap ka pa, mag-jacket ng ilang layer at magsuot ng mask, wala namang magiging pakialam sa ‘yo ang mga tao rito. Hindi lang nila makikita ang maganda mong mukha. Ganon lang. Hindi ka ba naiinitan?” ani Juancho dahil ito pa yata ang nanlalagkit sa sobrang init ng suot ni Bethany.
“What do you mean wala silang pake? Hello? You don’t know why I am doing this kaya pwede ho ba sir na itikom mo na lang ang bibig mo? Simple lang naman ‘yon ah,” pabalang na sagot niya rito sabay irap niya pa.
Binaling niya na lang ang paningin niya sa labas. Ang ganda pala ng probinsiyang ito. Napakaraming puno. Halos lahat ay berde. Bigla niyang naalala ang city. Doon ay wala kang makikita kahit na isang puno kundi puro building na naglalakihan at nagtataasan. Sa paso na lang yata siya nakakakita ng damo. Pero dito, sobrang ganda ng mga tanawin. Langhap nya ang sariwang hangin at malayo pa sa polusyon.
“Okay, sinabi mo e. What if hindi na lang kaya kita samahan? Tapos sasabihin ko sa kaibigan ko na sinusungitan mo ako na parang ikaw ang boss sa ating dalawa?” Paghahamon ni Juancho sa kanya.
“Excuse me, Sir Juancho. Ang akin lang ay huwag mo akong pakielaman. Mahirap ba ‘yon?”
“Oo. Mahirap talaga ‘yon. Pero kung ayaw mong pakielaman kita, e pwede naman na kitang iwan dito, di ba?”
Agad na namutla si Bethany. Umatras ang pagiging suplada niya. How dare he do that? Wala ba siyang konsensya? Tsk. Aniya sa kanyang isipan. She couldn’t imagine herself being left here on the road dahil lang kay Juancho. Saka, sa layo ng byahe nila, wala pang mga kabahayan sa paligid, pupulutin talaga siya sa kangkungan kaya kailangan niyang magpakabait.
Hilaw siyang napangiti. “Hehe, ito naman. Ano bang gusto mo? Bibilhin ko na lang later sa mall.” Hirit niya pa para bumawi.
“As if you got a lot of money? E kaya ka nga nangatulong ‘di ba.”
“Oh, oo nga no? Pero I have money. Just trust me.”
Napailing-iling na lang si Juancho. “Nababaliw na siguro ang babaeng ‘to. Sayang, maganda pa naman.” bulong nito.
Iniisip niya na nababaliw lang si Bethany kaya niya sinasabi ang mga ito. Iniisip niya na baka loose na ang turnilyo nito sa utak at kung anu-anong sinasabi.
Pagdating nila sa mall ay maraming tao agad ang bumungad sa kanila. But the mall isn’t that big than in the city where she used to live. Simple lang ang mga tao dito. Doon sa home town niya, susyalin ang mga taong nasa loob ng mall. Iba nga talaga dito sa probinsiya. Siguro naman hindi siya ganon kabilis na matutunton ng mga magulang niya ‘di ba?
Agad na dumako si Bethany sa cosmetics section. She hoarded all her favorite branded cosmetics. Nilagay niya lahat sa basket nang walang pag-aalinlangan. Bumili rin siya ng mga bagong bistida dahil feel niyang mag-dress doon sa hacienda. Feeling niya kasi ay bagay na bagay ito doon.
Nang magbabayad na sila sa counter ay agad na inabot ni Bethany ang card niya.
Napakunot noo si Juancho. “Woah you’ve got cards? At ang dami mong pinamili ha?” Puna nito sa dalaga.
Proud pang napakibit balikat si Bethany. “Well? Don’t underestimate a maid like me.” Pagyayabang pa nito.
“Uh, ma’am, ayaw po tanggapin ng card niyo.”
Tila nanlamig sa kinatatayuan niya si Bethany nang marinig iyon mula sa cashier. “H-Ho? B-bakit? That is working fine. Teka, try it for the second time around. Kung ayaw pa rin gumana, try these cards that I have here.”
Pinipigilan ni Juancho ang matawa dahil sa mukha ni Bethany ngayon. Hindi na kasi maipinta ang mukha nito at namumutla na sa kaba.
“Hindi rin po gumagana ma’am. Ayaw po talaga lahat.”
Doon na nataranta si Bethany. Parang iiyak na ito na napatingin kay Juancho. “N-No, this can’t be happening. It couldn’t be!” aniya doon sa mataas na boses.
Pinagtitinginan na sila doon dahil napalakas ang boses niya. Natataranta na siya ngayon at nanginginig na ang tuhod niya sa kaba.
“Ano? Akala ko ba may pera ka?” ani Juancho sa kanya. “Bilisan mo na. Nakakahiya na dito.”
Napakagat ng labi niya ang dalaga. “I-I think my a-account has been frozen. C-Can you p-pay for these muna? P-Promise, babayaran kita.”
Naiiyak na si Bethany. Kapag humindi sa kanya si Juancho ay iiyak talaga siya ng malala ngayon.
Napakamot ng ulo niya ang binata. “Hays, saglit lang.”sagot naman nito saka niya dinukot ang phone niya sa bulsa to dial Simon Clarke’s number.
Pagkatapos ng mabilis nilang pag-uusap ay agad nang binayaran ni Juancho ang lahat ng mga pinamili ni Bethany.
Halos lumuwa nga ang mga mata nito nang makita ang total na presyo ng lahat ng mga binili ng dalaga.
“Are you f*cking serious? 51,000 lahat nang ‘yan?” hindi makapaniwalang tanong ni Juancho. Halos maihilamos niya ang kanyang palad sa kanyang pisngi.
“Y-Yes, sorry. These are all branded cosmetics saka designer clothes. Pasensya ka na. Babayaran ko naman e. sadyang nagkaaberya lang ang cards ko.”
Hindi na nagsalita pa si Juancho. Nang makauwi sila ay agad nitong kinausap si Simon para ikwento ang lahat nang nangyari.
“What brought you here, Juancho? Nasamahan mo na ba si Betty sa mall?”
Inis na napa-tsk si Juancho sabay inom ng wine na hawak niya sa kaliwang kamay. “That girl. Hindi ka ba nagdududa sa kanya? The money I asked you earlier to pay for her bills were too much! Ang dami niyang binili. Para siyang baliw. Sinong magkakaroon ng madaming cards bilang kasambahay? Saan niya kinuha lahat nang ‘yon? Hindi ba baliw ang babaeng ‘yon?” kunot noong pag-uusisa pa ni Juancho.
Laking panghihinayang niya kasi rito dahil nga sa ganda nito.
Napahagalpak ng tawa si Simon. “Well, nung una ay nagduda rin ako sa pagkatao niya. Pero huwag kang mag-alala. She’s harmless, bro.”
“S-Sigurado ka ba? B-baka itakbo non ang utang niyang 51,000 pesos! Grabe, napaka-high maintenance niyang babae.”
“No. That’s not going to happen dahil wala siyang ibang matatakbuhan. She will continue to hide here with me because she had no other choices.”
Mas lalong nangunot ang noo ni Juancho. Napuno lang siya lalo ng tanong.
“T-Teka, ano bang sinasabi mo? Baka naman nabudol ka na ng babaeng ‘yon? Maganda lang siya. Pero baliw siya, dude. She is crazy!”
“Alam ko ang ginagawa ko, bro. Thanks for your concern but just like what I said, she is harmless. I’ve done a background check.”
Nakahinga naman ng maluwag si Juancho dahil sa mga sinabi nito. “Alright. Sa ‘yo na mismo galing ‘yan and I trust your decisions, man.”
Comment po for more updates! ILY guys alot! <3
HINDI pinabayaan ni Juancho si Bethany hanggang sa pagpasok nito sa unang araw niya sa University. Syempre, hindi naman niya iyon gagawin kung walang utos mula kay Simon. May iniingatan silang sikreto na hindi maaring mabunyag kaya naman hanggang sa school ay bantay-sarado si Bethany ng mga body guards mula sa malayo.Pag-apak na pag-apak niya pa lang sa university ay ramdam na niya ang mapanuksong titig sa kanya ng mga studyante doon. Alam niyang sa mga titig ng mga ito ay kinukutya na siya at pinagtatawanan. Not the life that she has before. Sa dati niya kasing school ay isa siya sa campus crush. Tila bumaliktad tuloy ang mundo niya rito. Pero hindi na naman iyon bale. Ang mahalaga sa kanya ay matuloy niya ang pag-aaral niya. "I heard she's the transfer student. Akala ko pa naman magkakaroon na ako ng karibal dito. E mukhang kuko ko lang 'yan, e." Wika ni Ericka. Anak ng mayor ng lugar nila. Napakaganda rin naman nito pero hindi maganda ang ugali. Isama mo na ang mga minion niya na
UNANG araw ni Bethany bilang isang studyante sa isang unibersidad sa probinsya. Graduating na siya at huling taon na lang niya ito pero pakiramdam niya ay first time pa rin siyang tutungtong ng kolehiyo. Siguro dahil first time niyang maging transfery at magpanggap na nobody para pagtaguan ang pamilya niya na hanggang ngayon ay wina-wanted siya. Mangiyak-ngiyak siya ngayon sa harapan ng salamin. Tila ba kinakausap ang sarili. "Do I really need to make myself ugly? Mukhang mahirap iyon ha," aniya pa sa sarili. "You have to. Kung gusto mong mag-aral nang normal at hindi kinukuyog ng mga studyante." Halos maitapon niya ang brush na hawak niya nang biglang magsalita si Simon mula sa kanyang likuran. "Can't you knock bago ka pumasok ng room ko, Sir? Aatakihin ako sa 'yo sa heart, e." Maarte nitong sagot. "Isa pa, it's just 5AM oh. Why are you gising na ba?" she added. "I forgot to tell you that you still need to wake up early and help the maids before you go to school. It would help if
MUKHANG kakaiba ang kinikilos ngayon ni Juancho kung kay Bethany pa. Mukhang mas mabait yata ito ngayon? E, the last time she checked, wala naman itong ambag sa buhay niya kundi ang asarin siya at sabihang baliw.“And what is this?” tila disappointed na sagot ng dalaga habang inaabot sa kanya ni Juancho ang pang-disguise niya.“Syempre kailangan mong mag-disguise.”Kibit-balikat na lang na tinanggap iyon ni Bethany. Sinuot niya ang cap, glasses, at mask. Hindi na siya nag-jacket pa dahil mas magmumukha siyang hold-upper kapag nagkataon.“In fairness, maganda ka pa rin kahit na balot na balot ang mukha mo.”She smiled. “Well, thanks. Ako lang ‘to.“Ayan, ngumiti ka nang gumanda ka lalo. We will go to a university in the nearby town.” Prangkang wika ni Juancho.Tila namilog naman ang mga mat ani Bethany sa mga sinabi nito. They’re going to school? Ibig ba nitong sabihin, she’s going back to school? For real?“W-Wait, anong g-gagawin natin don?” nagtataka niyang tanong na tila may kasaman
"Coffee?" Bethany offered. Napaangat ng tingin niya si Simon para salubungin ang magagandang mga mata ni Bethany. Kanina lang ay halos malunod na siya sa iniisip niya dahil sa sobrang lalim niyon. Buti na lang, dumating si Bethany."You're late, Betty. I just had mine." Puna pa nito sabay balik ulit ng kanyang tingin sa kawalan. Pagkatapos non ay tahimik na ulit siya at hindi na muli pang nagsalita.Paalis na sana ang dalaga nang magsalita si Simon. "Leave the coffee."Natigilan si Bethany. Kahit na anong bantot ng dating ng "Betty" sa kanya, kapag si Simon na ang bumibigkas non ay tila nagiging sosyal bigla sa pandinig niya. Ang lamig ng boses ni Simon. Tila ba nanuot iyon sa buong katawan niya. Well, lagi naman siyang ganyan. But it's way different today. Para bang sobrang seryoso nito. E parang kagabi lang ay medyo ayos naman siya na nakikipag-usap kay Darryl. Nagtataka tuloy si Bethany kung anong nangyari. Bigla na lang itong nanlamig. E madalas, ito pa nga ang mas malakas na mang
It's half past eight when the doctor came to check on Simon. Kagat labi pa si Bethany nang pumasok ang doktor dahil tulad nang ini-imagine niya ay hindi siya nagkakamali na guwapo ito. Maputi, mabango, at halatang malinis. Matangkad rin ito at napakaprominente ng jaw line kaya naman hindi niya maiwasang hindi ito titigan ng matagal na kulang na lang ay tunawin niya ito. "Ehem." Simon interrupted. Agad na napaayos ng tayo niya ang dalaga sabay sipit ng buhok niya sa kanyang tenga. "I assume you are Simon's--" "Ah, oo. Ako ang bago niyang Yaya." Pagdidiin pa ni Bethany habang natatawa. Napatakip ng bibig niya ang doctor na tila ba pinipigilan ang matawa. Paano ba naman, pinagdiinan kasi talaga ni Bethany ang salitang Yaya na para lang naman sana sa mga bata. "Tsk. Stop laughing, Darryl!" Saway nito sa doctor. Napatango-tango ang dalaga. Ohh, so si Darryl pala siya? Cool name. Bagay sa kanya. Anito sa kanyang isipan habang simpleng nakatitig sa doctor. Bata pa nga ito. Napaisip tul
KINIKILIG? ME? NEVER. Ani Bethany sa isipan habang sinasariwa ang mga binitawang salita ni Simon sa kanya. Alam naman niya na inaasar lang siya nito ng bongga. Akala naman niya madadala nito si Bethany sa charm niya? After so many months ay nakahanap ng tyempo si Bethany na ma-contact ang kaibigan niya. Ilang beses na siyang nag-attempt na makipag-communicate rito pero hindi siya makakuha ng timing. Now is the time. Alam niyang sasabog sa galit ang best friend niya pero kailangan niya itong tanggapin. She dialed her best friend's number. Nakailang ring pa lang siya nang agad na sagutin ng kaibigan niya ang tawag. "A-Antonette." Bulong niya sa kabilang linya. Napasinghap si Antonette nang marinig pa lamang ang boses nito. "T-Tangina mo, Bethany!! Bwiset ka! Bakit ngayon ka lang tumawag?" halos bulong nitong sagot. Pilit na hinihinaan ang boses niya. Pero halata ang panggigigil nito sa tono ng kanyang pananalita. Nanginig agad ang mga kamay ni Bethany. Finally. Ito na iyon. Ang araw